DOROTHY SAGE’S POV
"Oh my god! Nakita mo 'yon? Yung poging naka-upo sa kabilang table!" Impit na saad ni Divine sa akin matapos niya akong lapitan dito sa canteen.
I immediately turn my gaze away from the sight of Real as I headed towards the farthest vacant table away from him.
Sunod lang ng sunod sa amin si Drake.
"Huy bat ang layo mo? May malapit naman kay pogi--"
"Ayoko, dito lang ako." Bulong ko sa kanya atsaka sinimulan kaagad ang pagkain ng binili kong sandwich.
Nakita ko kung paano magkandahaba ang leeg ni Divine habang nakatingin sa nag-iisang lalakeng naka-upo at pinagpipiyestahan ng mga kababaihan na nakapalibot sa kanya.
"Balita ko siya raw yung transferee sa batch natin ah," rinig kong wika ni Divine.
"Oo, siya nga. Narinig ko rin sa iba ko pang mga kaibigan," tugon ni Drake sa kanya.
"How's that even possible? Isang academic year na lang at graduation na, posible ba talagang tumanggap ang university nang transferee sa graduating batch?" Nalilitong tanong ni Divine bago ininom ang paborito niyang strawberry milk.
Drake leaned closer to her cousin and rubbed his fingers altogether before saying something.
"Money. That's how money works, Divine." Manghang napatingin si Divine sa pinsan niya habang nakangisi nang marinig niya ang sinabi nito.
"Ohh, so he's rich." She said. "My type." And then she giggled.
Nang pasimple kong nilingon ang direksyon nang nag-iisang Realious Cash Dela Franca, ganon na lang ang gulat ko nang makita ko itong napatingin sa akin.
My eyes widened before looking away immediately. Natapon ko pa ang binili kong C2.
"Ayos ka lang?" Kunot-noong tanong sa akin ni Drake nang makita niya ang naging reaksyon ko.
"K-Kailangan ko nang umalis. May klase pa pala ako." Dali-dali akong tumayo atsaka mabilis na isinakbit ang aking bag sa aking balikat.
"What? Teka, hindi ba isang oras ang vacant mo ngayon?"
"Hindi eh, nagbago na schedule ko. Mamaya pang after lunch ang mahaba-haba kong vacant. S-Sige, mamaya na lang." Mabilis akong umalis sa mesa naming tatlo at naiwan na lang tulala ang dalawa nang dahil sa kinikilos ko.
As I stormed out the cafeteria, I kept my hands on my phone as I decided to send Ulysses a text message.
To Ulysses:
Nabalitaan mo na ba? Bumalik na si Real.
I was about to hit the send button when I hit on something... or rather someone.
"Dorothy?"
"U-Ulysses." Kaagad itong yumuko para kunin ang nahulog kong cellphone atsaka ito ibinigay sa akin.
"Are you okay? Is something's wrong?" Wala itong ibang dala kundi tanging textbook lang. I guess he's headed to his class.
"Ulysses, may gusto sana akong sabihin sa'yo," sabi ko sa kanya sabay hatak nito sa gilid ng hallway.
"Si Real. Andito si Real." Dagdag ko dahilan upang mapakurap kaagad ito.
But that's it, Ulysses just blinked once before tilting his head to the side while staring at my face. Nagugulohan siguro ito kung bakit ganito ang reaksyon ko ngayon.
"I know."
H-He knows?!
"He called me yesterday about it. Nagulat din ako nong nalaman ko ang tungkol don, I mean, it's so sudden," aniya pero ang mukha ko ay tila ayaw paniwalaan ang sinasabi nito.
I really thought he doesn't know.
"But he's here, Real is back, and that's good news. Our frat won't be the same without him." Nakangiti nitong saad bago ako inakbayan atsaka kami sabay na umalis mula sa lugar kung saan ko siya hinatak kanina.
Sinabi din sa akin ni Ulysses na magkasama sila kanina na pumasok pero nagpunta pa raw si Real sa Dean's office kaya hindi kami nagkasabay na pumasok sa building.
Everything just feels surreal now that he's back.
Pero napagtanto ko rin ang isang bagay na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi parin nagbabago ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Real and Ulysses are still the best of friends.
Oo nga naman, kung may isang tao man ang dapat unang makakaalam nang pagbalik ni Real, si Ulysses na 'yon.
I shouldn't be so shocked when I heard from Ulysses that he already knew the sudden arrival of Real.
"Ah before I forgot, we're having a party tonight for Real." Napahinto ako sa paglalakad at ganon din siya matapos kong marinig ang sinabi nito.
"P-Party?" Saad ko dahilan upang mapatingin ito sa akin habang nanatiling naka-akbay parin.
"Yes, a party. It's quite a big one so you should be there." And then just like that, Ulysses flashed his warm sunshine smile that lights up my whole world.
Nang gawin niya 'yon sa akin ay hindi ko maiwasang mapahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag. Bumibilis na naman ang pagt*bok ng puso ko.
That smile... I can watch it all day--
"Hello, Dorothy? You're spacing out."
"Ah-what?" Mahina itong napatawa sa reaksyon ko bago muling magsalita.
"I said you should be there; you can bring Divine and Drake. I'll send you the details later." Unti-unti na itong lumalayo sa akin bago ako kinawayan sa gitna ng hallway.
I can see some envious girlies looking at my direction as they witnessed how Ulysses and I have a strong bond.
Nang tuluyan na itong pumasok sa isang silid, doon ko lang napagtanto ang isang bagay.
I need to this. It's now or never!
Dali-dali kong dinial ang numero ni Divine habang naglalakad ako papunta sa isa ko pang klase. Wala pang ilang ring ang sinagot na niya kaagad ito.
[Kung magso-sorry ka sa bigla mong pag-iwan namin dito pwes pinapatawad na kit--]
"Divine, I need your help." Bungad ko kaagad sa kanya sa kabilang linya.
[What kind of help? Alam mo naman ako, Doti-girl, kapag tungkol sa university 'yan, ay nako! Girl, you're calling the wrong numbe--]
"Hindi! Hindi ito tungkol don. I want you to make me the prettiest girl in the room." I said with confidence, and I can totally hear Divine's gasp from the other line.
Ngayon pa lang, alam na nito kung ano ang gagawin namin.
[Oh my god! Don't tell me?!]
"Yep, this is it."
[Kyaaahh----]
Alright, Dorothy, it's now or never. Ipakita mo kung anong klaseng Gutierrez ka.
MABILIS akong umatras atsaka nagtago sa likod ni Divine nang nasa labas na kami ng mismong party.
"Hindi ko ata kaya, umuwi na lang tayo." I saw the peripheral view of my eye that Drake is looking up in a huge mansion right in front of us while holding a bucket of beer.
San niya nakuha 'yan?!
"Ugh! Nasan na yung kumpiyansa mo sa sarili ha?"
"Nawala na." Ang sikip-sikip ng suot kong dress. Ngayon ko lang napagtanto na nagmumukha akong suman dahil dito, hindi ako makahinga ng maayos.
"Do you guys wanted to go inside or not?" Tanong sa amin ni Drake na ngayon ay nakahanda na kaming iwan at mauna nang pumasok sa loob kung sakaling aayaw ako.
"Halika na kasi! Okay lang 'yan. Maganda ka, maganda ka, maganda ka!" Paulit-ulit na wika ni Divine habang hinihila niya ako papasok ng malaking gate.
May dalawang lalakeng nakabantay doon at mukhang mga bouncers sa laki ng pangangatawan.
"Pass," wika ng isa atsaka itinapat ang flashlight sa mukha ko.
"Kuya naman eh." Inis kong saad bago binaba ang kamay nito. Si Divine na mismo ang nagbigay nang sinasabi nilang 'pass' kaya hinayaan na nila kaming pumasok sa loob.
And then just like a typical in-house party, everything looks so wild.
"Dorothy?!" Napatingin ako sa isang babae at hindi maiwasang manglaki ang aking mga mata.
"Unice!" Mabilis ko siyang nilapitan atsaka mahigpit na niyakap.
"Oh my god, you look so beautiful! Kanina pa kita hinihintay na dumating," aniya atsaka napatingin sa dalawa kong kasama.
"This might be Divine and Drake," aniya dahilan upang magulat ang dalawa dahil isang magandang babae ang nakakakilala sa kanila.
"Guys, this is Unice, siya ang kakambal ni Ulysses." Pagpapakilala ko ni Unice sa dalawa kong kaibigan. I told them I used to tell her everything way back then kaya alam niya ang nangyayari sa buhay ko.
"No wonder I saw some resemblance the first time I saw you." Nakangiting saad ni Divine.
Hindi nagtagal ay kaagad din kaming nag-enjoy sa party. Nawala na si Drake bigla at hinayaan lang namin ito, while Divine and Unice on the other hand starts to getting to know each other.
Habang ako, heto... hinahanap si Ulysses.
"Doti, hindi ka ba sasayaw? Halika sumayaw tayo!" Pag-aaya sa akin ni Divine habang pareho kaming tatlo na nakatayo lang dito sa gilid.
Puno ang unang palapag nang mansyon, some of our high school batchmates were here, at ilang mga pamilyar na mukha din sa college.
The loud noise from the wild crowds and strong beat from the speakers are blending.
"Sige!" Nakangiti kong saad bago ko hinayaan si Divine na hilahin ako, I might probably just go find Ulysses later.
"Unice, halika!" At hinatak ko rin ang kaibigan ko.
The three of us dances in the middle of the crowd, not minding the smell of alcohol and perfumes mixing up together. This is a party, what do you expect?
Uminom din kaming tatlo at masayang sumasayaw kasama ang ilang mga taong hindi namin kilala at halatang sinama lang din ng ibang inimbita rito.
Ngunit nang maramdaman kong medyo marami-rami na ang nainom ko, hindi ko na tinanggap ang red cup na iniabot sa akin ng kasayaw kong lalake.
"Nasan si Unice?" Bulong ko sa aking sarili nang hindi ko na ito makita.
"Are you okay? You're looking for someone?" Wika nang kasayaw ko ngayon. Malakas ang music kaya sobrang lapit namin sa isa't-isa sa tuwing mag-uusap kami para lang marinig namin ito.
"My friend, Unice, she's gone. Nakita mo ba siya?" Sigaw ko pabalik sa tainga nito.
"No, I didn't, my eyes are on you all the time." He shouted back as he snaked his arms around my waist before pulling me closer.
"You're beautiful, do you know that?" I immediately felt the uneasiness in his touches, so I stepped back.
I gave him an apologetic smile which made him blinked before I decided to walk away.
Hinila ko ang braso ni Divine na ngayon ay konti na lang at tutuwad na ito sa lalakeng kasayaw niya.
"Girl, huwag mo namang sirain ang moment ko." Pag-papaalis pa nito sa akin.
"Kailangan nating hanapin si Unice! Nawawala siya!" Sigaw ko sa likod nito bago ako nilingon.
"Andiyan lang siya sa tabi," tugon niya na ikinairap ko na lang. Divine needs to be fed by someone's milk tonight.
Mabilis din akong umalis sa dagat ng tao dahil kailangan kong hanapin si Unice. Kailangan ko siyang makita dahil baka alam niya kung nasan si Ulysses.
Posibleng sabay lang silang dumating dito kaya alam niya kung san niya huling nakita ang kapatid niya.
Nasan ka na ba Unice?
Ngayon lang ulit kami nagkita kaya gusto ko sanang makausap ito. Now that Real is back, I would like to know how she feels about it.
Real broke her heart once, and then now she's on his very own party. Pero ni kahit anino pa nito ay hindi ko pa nakita mula kanina.
I sometimes wonder if this is really Real's party or not.
"Unice?" Napunta na ako sa pangalawang palapag matapos kong libutin ang buong palagid kanina.
I almost made face when I saw some couple making out in the couch.
"Jesus, get a room." I whispered to myself before slowly walking on a hallway.
"Unice, nasan ka?" Muli kong pagtawag sa kanya bago ako napahinto sa isang pinto na hindi naisara nang maayos. Hindi ko alam kung bakit unti-unti ko itong hinawakan atsaka binuksan.
Half of me wanted to leave this room but the other half wanted me to explore it more. And so, the latter had been decided.
Malaki ang kwarto, sobra, mas lalo rin itong dumidilim dahil sa mga muwebles na ginamit. All of the furniture used were black.
Tahimik ang buong kwarto hanggang sa may marinig akong kakaibang tunog sa ibang parte.
There was a divider between me and where the sound came from, and my curious *ss can't help it but to take a peek.
Ngunit ganon na lang ang aking pagkagimbal nang makita ko ang dalawang taong hindi ko inaasahang makikita ko na magkasama.
The man I wished I never crossed paths with is now sitting on a couch made for one person. Nakasandal ito sa upuan, habang nakatingala sa kisame.
His head is resting against the couch while his eyes are close. I saw how his sharp jaw clenched and his Adam's apple waved.
Nang dumausdos ang aking paningin sa kasama niyang babae, hindi ko maiwasang mapatakip sa aking bibig nang makita ko si Unice na nakaluhod sa kanyang harapan.
Real's buttons are now open, revealing his torso with well-chiseled stomach. And Unice on the other hand is trying to unbuckle his belt.
Napalunok ako sa aking nasaksihan at hindi maiwasang mapaatras.
Are they going to do it? Si Unice ba talaga 'to?
When Real's eyes suddenly opened and met mine, I stood froze in my direction for a second before preparing to run away.
I am out of words. Parang ako pa ang nahiya dahil nakita ko silang dalawa sa ganong posisyon.
I immediately run away, leaving the two of them.
Si Real lang ang nakakita sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
"Sh*t! Sh*t!" Singhal ko sa aking sarili habang mabilis na bumaba nang hagdan, ngunit kaagad din akong natigilan nang may mabunggo ako sa gitna ng hagdan.
"Dorothy?" It was him. It was Ulysses.
He looked at me from head to toe before meeting my gaze.
"You look stunning," aniya. Pinuri niya ako pero ni hindi ko 'yon kayang iabsorb nang maige dahil sa nasaksihan ko kanina. I cna't even find the words on how handsome he looks tonight because of the shock!
"Your face is all red, are you okay?" Pahabol na tanong nito matapos ko siyang hilahin pababa ng hagdan.
"Dorothy, are you drunk? I can't take you home drunk," he said with full concern.
"Ulysses, kasi may nakita ako. M-May nakita ako." Nauutal ko pang sambit matapos ko siyang hilahin sa tabi kung saan walang masyadong tao.
I kept on looking at the stairs at this moment.
"Ulysses kasi--!"
"Hey, you're making me worried." Pinisil niya ang magkabila kong kamay dahilan upang mapatingin ako ng deretso sa kanyang mukha.
And then just like that, my nerves slowly calm down as I let my gaze meet with this man.
I love how he calms me down. I love him so much. I love Ulysse--
Natigilan ako nang bigla akong makita si Real sa may hagdan. He stopped on the middle part and looked for someone in the crowd.
He's looking for me. I know he's looking for me.
Lagot na. Lagot na.
Bago pa man ito mapatingin sa aking direksyon, mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ulysses na ikinagulat nito.
I'm sorry but I have no choice.
In a swift manner, I tiptoed as I pulled him closer to me and give him a kiss.
Ipinikit ko ang aking mga mata dahil takot ako na makita si Real na nakatingin sa akin. Sa direksyon namin ni Ulysses.
Look away, look away, look away.
I deepened the kiss even more as I wrapped my arms around Ulysses' nape.
When I was about to pull away, I was stunned when he kissed me back. Nagulat ako sa sunod na nangyari nang ipulupot niya rin ang kanyang braso sa aking bewang bago ipinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.
I gasped for air after we kissed.
"What was that?" He whispered as he pressed his forehead against mine.
Nang tignan ko ito sa mata, nakita ko kung paano ito pumungay kaagad habang mahigpit na nakahawak parin sa aking bewang.
"I... I'm sorry, hindi ko sinasadya," sabi ko sa kanya bago ito umiling.
"No, it's fine." He said before pulling me closer. "I like it." He continued before sliding his other free hand on my jaw and kissed me on the lips once again.
My eyes remained open for the first few seconds only to find the empty spot in the staircase where I saw Real before the kiss.
He's gone.