Fairytale?

2698 Words
Chapter 19 – Fairytale? [*eksena sa pinaka bagong palabas sa mga telebisyon ngayon na pinamagatang “SUPER BESPREN: THE ABANGERS SERIES” [Palabas sa TV] Narrator: “Sa isang tahimik na gabi, sa isang tahimik na lugar, sa isang tahimik na daanan, sa isang tahimik na kanto, kalye, pasilyo etc. may isang babaeng napaka ganda, napaka makinis, napaka maputi, ngunit napaka lungkot ang kasalukuyang nag lalakad at nangangaylangan ng tulong” Magandang Babae: “kung sanang andito lang ung nag iisang taong, palaging anjan, napapadaan, sumu-sulpot, aksidenteng nag lalakad tuwing may problema ako at hindi masaya, siguro hindi ako mag isa ngayon. Narrator: “At pag katapos sabihin ng magandang babae un, ay dumating na nga ang ating pam bansang bayani ang pinaka magiting na super hero sa lahat!, si SUPER BESPREN!” Super Bespren: “narinig ko kasing may problema ka at talagang na lulungkot ka, kaya naman inakyat ko ang pinaka matarik na bundok at nilangoy ko ang pinaka malalim na karagatan, sabay tinahak ko ang pinaka mapanganib na gubat, para lang mapuntahan kita at magamit ko sayo ang aking kapangyarihan” (magiting na sagot ng superhero) Magandang Babae: “Talaga? maraming salamat super besfrend, hindi talaga ako nag kamaling kaibiganin ka” (masayang sagot ng babae sa kanya) Super Bespren: “ou naman, lahat gagawin ko para sayo, I mean para sa aking bespren” Super Bespren: “kaya sige eto na, tanggapin mo ngayon ang aking SUPEEEERR COMFORTTTT!!” Narrator: “at un nga mga kaibigan at mahal naming manunuod, ginamit na nga ni Super Bespren ang kanyang signature move na SUPER COMFORT kung saan makikinig siya sa lahat ng problema ni magandang babae, pag katapos mag bibigay siya ng mga walang kwentang payo at biglang babanat ng mga korning patawa na talagang mag papakilig sa kanyang bespren” Narrator: “pero ang tanung mga kaibigan sapat na kaya ang kapanyarihan ni Super Bespren para alisin ang lungkot kay magandang babae? ABANGAN SA ATING SUSUNOD NA KABANATA!”] Super Bespren: The Abangers Series, yan ang palabas sa TV sa pinaka malapit na bahay kung saan muling nag kita sila Hana at Ren. Hana: (hindi maka paniwala) “Ren? ikaw ba talaga yan? Panung? I mean bakit nandito ka? chaka panu mo nalaman na andito ako? Ren: (ngumiti at nag salita habang nag lalakad papalapit kay Hana) “wala naman, ang totoo nyan e nag punta lang ako dito para mag pahangin, nang bigla naman may nakita akong isang magandang babae naka simangot na kagaya ng muka mo ngayon ♥” (biro ni Ren habang naka ngiti) Hana: (at habang nag sasalita si Ren, tila ba hindi na napigilan ni Hana ang emosyon nya at tumakbo na ito papalapit kay Ren yumakap at umiyak) “Reeeeeen!, huhuhu” Ren: (nagulat sa biglang pag yakap ni Hana sa kanya) (napa bulong) “Hana” Hana: (habang umiiyak at naka yakap kay Ren) “Ren ang sama ng loob ko, hindi ko na alam anung gagawin, galit nag alit ako kay Akira, naiinis ako sa kanya, ayaw ko na siyang makita huhuhu” Ren: (hinaplos dahan dahan ang buhok ni Hana) “ganun ba, tahan na, tahan na, andito na ako Hana, hindi na ako papayag na masaktan kapa nya okey?” (at pag katapos sabihin ni Ren un ay dahan dahan narin nyang niyakap si Hana) Ren: (namumula ang mukha, at bumilis ang t***k ng puso sabay nag salita sa kanyang isip) “okey Ren, kaya mo to, ilang beses mo na tong prinaktis sa isip mo, alam kong nag papanggap ka lang na astig pag anjan si Hana pero talagang kina kabahan ka pag naka tingin siya sayo, kaya dapat mag focus ka Ren, focus lang sa goal, if niyakap ka, yumakap ka rin, natural lang yan” Ren: (nag salita sa kanyang isip) “sabi nga sa kasabihan, ngipin sa ngipin, dugo sa dugo, yakap sa yakap, teka may ganun ba?” (umiling) Ren: (nag salita sa kanyang isip) “sh*t! anu ba ung mga sinasabi ko, pero hindi na un mahalaga, dapat hindi ako mag panik, dapat relax lang ako, dahil ako si Ren Abe Fuji ang tagapag mana ng Fuji Corporation Ren Abe Fuji Age: 21 Height: 5’10 “mula pag kabata ay nasanay na si Ren sa marangyang buhay, at dahil na rin sa kayamanan ng kanyang pamilya, kahit kaylan ay hindi naranasan ni Ren na mag kulang sa pera” “pero hindi tulad ng ibang mga bata na pinanganak na mayaman, si Ren ay hindi matapobre at lumaking may mabuting puso na namana niya sa kanyang Ina” “mula ng mag binata si Ren sa edad na labing anim, sari saring magagandang babae na puro anak ng mga mayayaman ang ipinakilala sa kanya ng kanyang mga magulang upang maging asawa sa kanyang pag tanda” “pero ni isa sa lahat ng mga babaeng ipina kilala kay Ren ay wala siyang nagustuhan kahit isa” (Flash Back) Ama ni Ren: “anak, bakit hindi ka sumipot sa dinner date ninyo ni Precilla? Mayaman ang pamilya nila at maganda rin ang kanilang reputasyon, makakatulong ang kasal nyo para mas lalo pa natin mapalawak ang ating koneksyon” 17 yrs old Ren: “pa, wala akong balak na pakasalan si Precilla, wala akong nararamdaman sa kanya” Ama ni Ren: “bakit naman anak? Hindi bat kamakaylan lang ay madalas na kayong mag kasama at nag kakasundo kayo? Maganda si Precilla tulad ng mga modelo na nakikita mo sa mga magasin sa Korea, anu pa bang hinahanap mo anak?” 17 yrs old Ren: “hindi ko alam pa, okey naman siya sa totoo lang pero, hindi ko rin ma intindihan ang sarili ko, dahil siguro masyadong nagiging madali para sakin ang lahat” 17 yrs old Ren: “halos lahat ng babae, marinig lang ang pangalan ko, makita lang ang physical kong itchura, o malaman lang na tagapag mana ako ng isang napaka laking kompanya halos lumuhod na agad sa harap ko” Ama ni Ren: “ooh un naman pala anak, e bakit parang napaka hirap para sayo ang maka hanap ng kasintahan o magiging asawa mo pag ka graduate?” 17 yrs old Ren: “dahil hindi un ang gusto ko pa, ayaw ko ng masyadong madali, ayaw ko ung madaling makuha, ang gusto ko ung pag hihirapan ko, ung ako ung hahabol sa kanya” Ama ni Ren: “alam mo Ren hindi ko alam kung saan mo nakuha yung ganyang pag uugali kung sa nanay mo ba o sa akin pero ganun pa man, gusto kong malaman mo na andito lang kami ng nanay mo para sayo” 17 yrs old Ren: “salamat pa, masaya ako at ginalang mo ang desisyon ko” At pag katapos nang pag uusap ni Ren at kanyang Ama, isang lingo ang naka lipas sa loob ng library kung saan madalas tumambay si Ren para mag basa, isang babae naman ang di sina sadyang pumukaw ng kanyang atensyon. 17 yrs old Hana: (kunwaring nag aaral pero patagong nag babasa nang fantasy romance pocket book sa isang sulok ng library) 17 yrs old Hana: “and they live happily ever after... grabe ang ganda talaga ng story na to, nakaka kilig, lalo na nung nakilala na nang prinsesa ung prinsipe nya talagang kinabahan ako” 17 yrs old Hana: “ako kaya kaylan ko makikilala ung prinsipe ko? Totoo kayang may magic? Meron rin kaya akong fairy god mother?” 17 yrs old Hana: “kasi dun sa story nag wish lang ung prinsesa tapos bumilang siya ng tatlo, hmm sakin kaya gagana un? masubukan nga, hmm okey ready na ako" 17 yrs old Hana: (sa isang sulok ng library pumikit si Hana at nag wish, fairy god mother kung totoo ka man, hini hiling ko na sana dumating na rin ung prinsipe ko) “1..2..3” At pag katapos bumilang si Hana ng tatlo ay biglaan niyang idinilat ang kanyang mga mata, at un nga sa unang pag kakataon, nakita ni Hana si Ren na naka titig sa kanyang mga mata. 17 yrs old na Ren: (naka ngiti) “Hi ako nga pala si Ren anung gina gawa mo dito?” Nanlaki ang mga mata ni Hana at napa sigaw. 17 yrs old Hana: “AAAAH! Sino ka? chaka anung gina gawa mo dito?” 17 yrs old Ren: “shhhhh! (tinakpan ang bibig ni Hana) wag kang sumigaw, baka palabasin tayo ng librarian” 17 yrs old Hana: “sorry, pero bakit ka andito?” 17 yrs old Ren: “e narinig kasi kitang nag babasa ng kwento kaya na curious ako sayo, anu nga palang pangalan mo?” 17 yrs old Hana: “ako? Hmm Hana ang pangalan ko, ikaw si Ren tama?” 17 yrs old Ren: “ou Ren nga ang pangalan ko” 17 yrs old Hana: “mahilig ka rin ba sa mga kwento Ren? cute na love story mga ganyan?” 17 yrs old Ren: “hindi ko alam e hindi kasi familiar sakin” 17 yrs old Hana: “ganun ba? Hmm gusto mo bang basahan nalang kita?” 17 yrs old Ren: “hmm talaga? walang bayad?” 17 yrs old Hana: “ou naman libre lang un, e mukha ka ngang walang pera, tapos papabayad ko pa sayo” (biro ni Hana kay Ren) 17 yrs old Ren: (napangiti) “wala lang naisip ko lang sige, mag umpisa kana at makikinig ako” 17 yrs old Hana: “alam mo ang weird mong bata Ren, pero tingin ko naman mabaet ka kaya sige mag uumpisa na ako, ang pamagat ng love story na babasahin ko sayo ay , “Be my Girlfriend and I’ll be your Dog” 17 yrs old Hana: “isang araw…” At dun na nga nag umpisa ang mahabang pag kakaibigan ni Ren at Hana. (End of Flash Back) *ilang minuto na ang nakalipas at tumigil na rin sa pag iyak si Hana ngunit naka yakap parin si Ren sa kanya. Hana: (nag salita sa kanyang isip) “ang bango ni Ren, lalaking lalaki talaga ang amoy nya at.. hmm teka lang may boyfriend na ako parang mali yata tong gina gawa ko” Ren: (nag salita sa kanyang isip) “sa tagal tagal namin mag kaibigan ni Hana, ngayon lang yata ako naka yakap sa kanya ng ganito katagal” Ren: (nag salita sa kanyang isip) “di kaya ako lang ung hini hintay nyang bumitaw sa kanya?” Hana: (nag salita sa kanyang isip) “ngayong natapos na akong umiyak at medyo na himasmasan na ako naun ko lang na realize na parang nakakahiya tong gina gawa namin, I mean kanina pa si Ren naka yakap sakin samantalang mag kaibigan lang naman kami, ako na ba ung dapat unang bumitaw?” At dahil parehong parang awkward na ang pakiramdam nila Hana at Ren, hindi na nila alam pareho ngayon kung sino na ang dapat unang kumalas sa yakap kaya itinuloy lang nila hanggang lumipas pa ang ilang sandali at may dumaan na naka bisikletang nag titinda ng balot. Balot Vendor: “baaaalooooot!? Balot kayo jan, mainit oh 18 isa 36 dalawa, baloooot!” Balot Vendor: (napadaan sa gilid nila Hana at Ren, habang mag ka yakap sila) “sir balot ba kayo? Single 18, mag jowa 36 nalang oh” Hana: (tumingin sa nag babalot habang naka yakap kay Ren) “ah kuya hindi naman kami mag jowa” Ren: (tumingin rin sa nag babalot habang naka yakap rin kay Hana) “ou nga kuya, sobra ka naman panu mo naman nasabi na mag jowa kami?” Balot Vendor: (parang naguluhan) “talaga? e maam kung hindi mo siya boyfriend at sir hindi mo siya girlfriend bakit ang higpit higpit ng yakap ninyo sa isat isa?" Hana at Ren: (dahan-dahan nag katinginan at parehong napangiti at bumitaw sa isat isa) Hana: (bumitaw kay Ren at tumingin sa balot vendor) “alam mo ikaw kuya ma issue ka, pag bilan mo nalang nga kami ng balot” (pangiting sabi ni Hana) Ren: (bumitaw rin kay Hana at tumingin sa nag babalot) “ou nga kuya, ikaw talaga mag kaibigan lang kami pinag papares mo pa, oh eto ang 500, bigyan mo kami ng dalawang balot tapos sayo na ang sukli” Balot Vendor: “talaga po sir, naku maraming salamat, mukhang maaga ako makakauwi nyan sa pamilya ko” Balot Vendor: “hayaan nyo sir at maam ipam pipili ko kayo ng the best couple balot na meron ako” (nag plastic ng dalawang balot at asin tapos ibinigay kay Hana) Hana: “naku kuya maraming salamat” (kinuha ang balot) Balot Vendor: “maraming salamat rin po maam, sir, pero alam nyo po sayang kayo” Hana: “anung sayang kuya?” (Curious na tanung ni Hana) Balot Vendor: “sayang in english, what a waste, akala mo maam di ko alam un no” Hana: (natawa kay kuyang nag bebenta ng balot) “haha hala kuya, nag english ka pa” Balot Vendor: “hindi maam at sir walang biro sayang kayong dalawa, kasi maganda si maam, gwapo si sir, kaya lang parang pareho kayong takot umamin kahit na maliwanag pa sa buwan na gusto naman talaga ninyo ang isat isa" At pag katapos sabihin ng balot vendor un sa kanila, tila ba sabay na dahan -dahan nag ka tinginan si Hana at Ren, Hana: (nag salita sa kanyang isip) "talaga? totoo kayang gusto ko talaga si Ren kahit nuon pa? kaya lang hindi ko lang maamin sa sarili ko?" Ren: (nag salita sa kanyang isip) "sa totoo lang matagal ko nang gusto si Hana, kaya lang hindi ako nag karoon ng lakas ng loob hanggang sa nakuha siya ni Akira sakin, bagay na talagang pinag sisisihan ko haaays" Balot Vendor: (pumadyak na ng bisikleta, at dahan-dahan umalis) “sige maam, sir mag bebenta pa ako ng balot e, maiwan ko muna kayo, enjoy the night and I hope na you may live happily ever after...” Hana: (naka tingin sa mga mata ni Ren) “happily ever after? (biglang napa isip) Hmm teka lang alam ko ung linya na un ah” (biglang nag taka si Hana sa sinabi ng balot vendor kaya sinubukan nyang kausapin ulit ito) Hana: “kuya saan mo narinig un... huh? nasaan na siya?” (tumingin sa kanyang paligid pero tila ba nag lahong parang bula ang balot vendor na kanina lang ay kausap nila ni Ren). Ren: (tumingin rin sa paligid) “teka lang, ou nga nu, kasi alam ko andito lang siya kanina tapos kakalagpas lang nya satin nung biglang tinawag mo siya ulit” Hana: “ou nga Ren panu nya nagawa un? I mean andito pa ung balot na binili natin sa kanya, imposible naman na namalik mata lang tayong dalawa diba?" Hana: “hindi kaya” Ren: “hindi kaya anu?” Hana: (nag salita sa kanyang isip) “isa siyang fairy god mother” (napangiti) Hana: “wala Ren kalimutan mo nalang ang sinabi ko, mabuti pa pumunta nalang tayo sa malapit na convenience store at bumili ng beer tapos dun tayo mag inom sa apartment ko, ang dami kasing mga nangyare sakin buong araw kaya parang gusto kong mag inom ngayon” Ren: “ganun ba, gusto mo bang tawagan ko sina Kazue, Dustine at Emi para mas maging mas masaya tayo?” (inilabas ang kanyang cellphone) Hana: (ngunit bago pa ma dial ni Ren si Dustine ay mabilis naman na kinuha ni Hana ang kanyang cellphone) “ups! akin na to, alam mo ba Ren na nakaka turn-off sa babae pag lagi kang may hawak na cellphone?" (biro ni Hana) Ren: "e panu ko ma cocontact sila Dustine kung hindi mo ibabalik sakin ang cellphone ko" (pilit inaabot ang cellphone nya kay Hana) Hana: (tinurnoff ang cellphone ni Ren) "edi wag mo nalang tawagan" Hana: "pakiramdam ko kasi, ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon" (pangiting sabi ni Hana sabay tumalikod at nag lakad) Ren: (tila ba sandaling napatulala sa ngiti ni Hana sa kanya) "teka lang sandali antayin mo ako Hana" (humabol) (to be continue)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD