Chapter Eighteen:
Amber Ice's POV
"I'm so tired!" sandal ko. Nasa loob kami ni Clarkson ng kanyang sasakyan, kakatapos lang namin kausapin ang event organizer na nirekominda niya sa akin. "Why?" I asked. Nakatingin kasi siya sa akin.
"I want to marry you, Hon" he said.
"I know, Ilan na lang kasi kaming magaganda sa mundo kung iiwanan ninyo pa kami" I smiled. "Wait! Nagpo-propose kana ba sa akin?"
"No... I mean... But are you sure about me?" Hindi ko alam kung ngingitian ko siya o tatawanan siya. Pero ngumiti na lang ako habang nakatingin sa kanya.
"Anong tanong yan?. of course, I'm sure of you? Wala kana naman tinatago sa akin, right?" tingin ko sa kanya at parang naiisip pa siya.
"Wala na" ngiti niya. Pinaandar na niya ang sasakyan. Tumingin ako sa unahan at inalala ang nakaraan.
Muntikan na kasi kaming maghiwalay ng malaman kong isa rin pala siyang mafia boss like my Dad. Six years na kaming sa relasyon namin dalawa, at hindi ko akalain na may malaki pala siyang sekreto sa akin.
Bago ang paglalabanan namin ni Cloude sa warehouse dahil sa nararamdaman niya. May natanggap na akong sobre na nakapangalan sa akin. Nakita ko ang mukha ni Clarkson at ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Kinailangan kong alamin kung totoo ba ang lahat nang impormasyon tungkol sa kanya.
=*FLASHBACK*=
Lumabas na ako sa kwarto ni Cloude at sinabi ko na ang mga dapat gawin nila Travis, Grayson, Rexie at Mike.Nagsihiwalay na kami sa paglalakad. Pumasok na ako sa sasakyan ko, para tawagan si Clarkson.
"Hon" sagot niya.
"Nasaan ka?"
"N-Nasa bahay, pupunta ka dito?"
"Hindi, kinakamusta lang kita"
"Bakit ganyan ka makipag-usap?"
"Wala naman"
"Tell me"
"Nothin, bye! I missed you"
"I love you" sabi niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay ninaandar ko na ang sasakyan paalis sa hospital. Pauwi na sana ako pero ang utak ko gustong malaman kung bakit nilihim sa akin yun ni Clarkson gayun alam niya naman kung sino ako.
~~~
Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko habang nakatingin sa malaking bahay ni Clarkson. Kung saan alam kong hindi doon nakatira ang kapatid niya. "Hon" napatalon ako sa gulat ng tawagin niya ako. "Anong ginagawa mo dito?" hindi ko man lang naramdaman ang prisensiya niya.
Napalingin ako sa kanya na seryoso ang mukha ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. "What's the problem?"
"You!" tingin ko sa kanya ng masama. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang dahil hindi ko kilangan maging mahina sa harap niya.
"M-Me?..." turo niya sa sarili niya.
"Yes. You!" turo ko sa kanya habang nakaupo pa rin ako sa driver seat. "Sinungaling!"
"Lumabas ka nga dyan at sa loob tayo mag-usap" mahinahon niyang sabi. Yes, lagi naman siyang mahinahon kapag nag-aaway kami o inaaway ko siya.
"No!.. Ayoko!"
"Amber Ice... Honey, anong problema? May ginawa na naman ba akong hindi ko alam, na mali sa paningin mo?"
"May tinatago ka sa akin... At sabihin mo kung ano yun?!... And explain to me!"
"Okay?. Hindi ko alam ang sinasabi mo? Dahil wala akong maintindihan"
"Tss!.. Dahil hindi mo iniitindi!.. Damn you! Clarkson!.. I always protecting you kapag lagi tayong nasa labas then malalaman ko na lang na isa ka rin--" I felt his lips to mine.
Tinulak ko siya palayo sa akin at tumama ang ulo niya sa may frame ng bintana.
"Tss!" reklamo niya. "Let's go to my house para ma-explain ko sa'yo ang lahat."
"Ayoko!. Baka magsinungaling kalang uli sa akin!"
"Hindi na promise!. Just trust me, Amber Ice, Honey." naiinis ako sa malambing at sweet na pagsasalita niya. Feeling ko inaakit niya ako.
Napatingin ako sa may pinto ng sasakyan na nakabukas na habang nakangiti si Clarkson. "Let's go honey" ngiti niya. 'Darn it!.'
"Okay fine!" I rolled my eyes kahit na naapektuhan ako sa mga pinapakita niya. But damn!. Lumapit siya sa akin at dahil doon napasandal ako sa sasakyan ko. "Are you trying to seduce me?"
"Of course not, Honey." ngiti niya na parang naiinis.
"Stop it! Clarkson!. Kung ayaw mong hiwalayan kita!" 'Nakakainis! Nadadala ako sa ginagawa niya'.
Tumawa siya ng mahina. "Tara pumasok na tayo" akbay niya sa akin. 'Parang ang liit liit ng kasalanan niya sa akin. Tss! Nagsinungaling kaya siya?'
~~~
"Ano gusto mong sabihin ko?"
"Explain to me...everything... Yung mga tinatago mo sa akin?!.. Lahat!.." Ang alam ko lang kay Clarkson noon ay isa siyang young business man at may kambal na kapatid na inaalagaan. Namatay na kasi ang parents nila kaya si Clarkson na ang naging ama't ina sa dalawa.
"I'm a mafia boss, pero hindi kasing powerful ng grupo na kinabibilangan mo, ninyo. Matagal ko ng alam na isa ka sa anak ng Hollis, kahit hindi pa tayo"
"What?!. Are you using me to get empower? Tell me?"
"Think of it, Honey?. I never use you, dahil importante ka sa akin. I love you and I don't want to involve you. I never use you, your name to get empower 'cause I know, you getting mad at me. Don't you?"
"Bakit tinago mo sa akin kung sino ka?"
"I thought ayaw mo sa magulong buhay... Akala ko ayaw mong involve ako sa bagay na alam kong magulo para sa'yo. Ayoko rin naman ng ganito, but I need to do this. Para sa mga kapatid ko" nakita ko ang lungkot sa mata niya. "For my parents"
"Dapat sinabi mo sa akin, Clark. You know me, right? Siguro nga, hindi pa?" tingin ko sa malayo.
"Yes, Honey. I know you, pero ayokong ma-disappoint ka sa akin. I love you very much. I love you the way you protecting me, I feel special every time you did that. Alam ko naman kaya kong protektahan ang sarili ko, pero mas gusto ko pa rin ang ginagawa mo" napatingin ako sa kanya."dahil akala mo magkaiba tayo. Kaya ngayon, alam mo na kung sino ako, o may kailangan ka pang malaman tungkol sa akin. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo tungkol sa pagkatao ko, just please I'm begging you, don't leave, Hon" hawak niya sa kamay ko habang nakatingin sa akin.
"Be honest to me" tumango siya at napangiwi ako nang yakapin niya akong nang mahigpit. Simula naman nang maging kami, wala naman siyang tinanong sa akin na kakaiba.
=*END OF FLASHBACK*=
Naalala ko pa na sobrang tagal namin mag-usap ng gabi yun. Pina-ulit ulit ko ba naman eh!. To sure na hindi mag-iiba ang statement niya, na hindi naman nangyari.
"If I ask you to marry me just say 'Yes' okay?" Para namang may pagsasabihan ako ng sagot na yan? Malay ko rin naman. I'm just kidding.
Napataas ako ng kilay. "I think of it. Baka kasi may makita pa akong mas gwapo sa'yo. You know?"
"Wala kanang makikitang kasing gwapo at kasing bait ko." his smiling.
"Really?. Your face is so common you know?" tinignan niya ako ng masama. "Your attitude? Well? Sweet ka naman, but I think may mas sweet pa sa'yo. Masyado kang protective, and I like it but sometime I don't" I nodded. "Maraming lalaki na 'mas' sa'yo. But you know what? you're special to my heart. Bakit kaya, no?" I winked.
"Kinikilig ako!" sigaw niya at biglang tumawa. "So? I need to propose to you immediately, baka magbago pa ang utak mo? May pagka--" biglang siyang huminto kaya tinaas ko siya ng kilay. "May pagkabaliw ka pa naman baka ipagpalit mo pa ako"
"Natatakot ka na ipagpalit kita?"
"Well? Hindi naman. Natatakot ako na masayang ang pinaghirapan ko kapag sinabi mo na 'no'. Sayang ang pera ko"
"Bayaran ko pa 'yung gagastusin mo eh!"
"Sound good. Huh?. Atleast kapag hindi ka pumayag pwede akong magpropose sa iba. Diba?" ngiti niya.
Kaya tinignan ko siya ng masama. "Subukan mo lang ako mismo ang papatay sa babaeng ipapalit mo sa akin"
"Same with me. Ako mismo ang magto-torture sa lalaki ipapalit mo sa akin at pagkatapos papatayin ko siya" sabi niya ng huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"Nandito na pala tayo" I pouted. Gusto ko pa kasing makipaglokohan kay Clarkson. Nawala yung pagod at stress ko sa kakaisip kanina.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Don't tell me, you don't want to go inside?" tingin niya sa bahay.
"Hmm?.. Dito ka nalang kaya matulog?" I blinked my eyes to convince him.
"I want too. Pero ayokong magising dyan sa bahay ninyo na may nakatutok na baril sa harapan ko" paliwanag niya at nguniti. "I know Mr. Hollis even your brother" he smirked.
"Ako na lang kaya matulog sa inyo?" ngiti ko sa kanya.
"Gusto ko rin yun, kaso nasa labas na si Mr. Hollis at ang kapatid mo" tingin niya sa may gate. "Don't miss me so much, honey. Magkikita pa naman tayo bukas"
I nodded. "Yeah!... Right?" sabi ko na lang at lumabas na siya ng sasakyan at nakita kong kumaway pa siya kanila Dad.
Binuksan na ni Clarkson ang pinto sa side ko at lumabas na ako. Tumingin ako kanila Dad na nakatayo rin malapit sa gate. "Papasok ka pa ba?"
"Hindi na, masyado nang late and you need to rest masyado mong pinagod ang sarili mo." tingin niya sa mga mata ko. Napatingin ako sa gawi nila Dad at Cloude. Naglakad si Cloude papasok at sumunod naman si Dad. 'Buti naman na-gets nila'.
"Pfft-- May balak ka ba?" napatingin ako kay Clarkson.
"What do you mean?" kunot noo tingin ko sa kanya.
"Nothing. Don't mind me. So? See you tomorrow?" ngiti niya.
"Yeah!... Agahan mo ha?" ngiti ko at naglakad na ako palayo sa kanya. 'Akala niya ha?'
"Wait!..." pigil niya sa akin ng hawak niya ang kamay ko.
"Why, hon?"
"Where's my kisses?"
"Kisses? Huh?"
"Yes. I want your kisses... Let's start" bigla niya akong hinila palapit sa kanya. "Ready?"
"Ye--" he kissed me passionately.
"One, Hon" he said and he kissed me again and again.
"I love you my future wife and the mother of my two kids or more"
"I love you too my future husband, the father of my kids, our children. Don't make paasa ha? Ako lang ang magiging asawa mo"
"Yeah!.. Ikaw lang naman ang goddess eh?" I smile. "Kinilig kana naman?. Sige na, pasok kana baka bigla pa kitang kidnapin. Iuwi kita sa bahay ko"
"I like it. Let's go"
"Tss!.. Don't push me to do that.. Baka gawin ko"
"Yeah!.. Right kailangan ko muna ng sing-sing, okey?. Yung maganda ha?" tawa ko.
"Yung kasing ganda mo ba?"
"Mahirap hanapin yun, nag-iisa lang kasi ako sa mundo. Amber Ice Hollis is one of the kind goddess" I winked.
"Tama na 'to. Baka hindi ka makatulog hon, puro hangin na ang nasa utak mo"
"Excuse me?. Nasasabi lang ako ng totoo and If hindi ka naniniwala, bulag ka?. Tss!" I pouted. "Gusto kong talagang kasama ka ngayon, I don't know why?"
"Tomorrow, I'll pick up you earlier if you want. Aalis na talaga ako, matulog kana ha? I'll text you later" inakbayan niya ako at naglakad kami papunta sa gate. "Pumasok kana, magkikita pa naman tayo bukas. Don't miss me"
"As if?" I rolled my eyes.
"Kakasabi mo lang kanina eh? Kaya mo nga akong gustong patulungin dito sa inyo. But seriously, pumasok kana, matulog kana, okey?"
"Later kapag natanggap ko na ang text mo"
"Okay. Pasok na" turo niya sa loob kaya naglakad na ako. "Take care, hon" kaway ko at ngumiti naman siya.
* * * * * *
Clarkson's POV
Nang makapasok na si Amber sa loob naglakad na ako papunta sa sasakyan ko ng mapansin kong may nakatingin sa akin. Nang lumingon ako nakita ko si Mr. Hollis.
"Lopez" mahinang sabi niya. "Let's talk?"
"Sure, Mr. Hollis" sabi ko at naglakad naman siya papunta sa kung saan.
"Follow me" sumunod naman ako sa kanya at pumunta kami sa garden nila. Naupo kami sa may upuan na magkaharap.
"Did you really love my daughter?"
"Yes. Sir. I love your daughter very much."
"Pakakasalan mo ba siya? She's now twenty-seven years old and I think she needs you" nagulat ako sa sinabi niya. "Alam kong nagulat ka, ako 'yung Dad niya tapos ako pa ang nagtutulak sa kanya para ipakasal siya." I nodded.
"Hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako mabubuhay. Alam mo ang ibig kong sabihin" tingin niya sa akin.
"I know, Sir. Gusto ko nga rin kayong kausapin tungkol sa amin ni Amber. Akala ko kasi ayaw ninyo pang mag-asawa si Amber"
"Perhaps. But I think she needs you, hindi natin masasabi ang panahon. Don't worry, kapag hindi mo siya pinakasalan... May business partner ako na may anak na gusto si Amber"
"Dad, wala naman tayong ganyanan" kabadong biro ko.
"If that's the case, bilisan mo. I want see my grandchild" ngiti niya. 'Swerte kana, Clarkson. Si Dad na ang nagsasabi sa'yo'.
"Bakit hindi po si Cloude hindi ninyo sabihan?" nakita ko ang pagtahimik niya at mukhang nag-isip. 'Sana hindi ko nalang tinanong'
"Magulo pa ang utak niya. Kaya hinahayaan ko muna siya sa mga desisyon niya sa sarili niya."
"Mahirap rin naman ang pinagdadaanan niya, pati na rin si Twilight" tingin ko kay Mr. Hollis.
"Hindi ko akalain na mangyayari 'to. Pero sa ngayon kailangan ko lang bantayan ang kinikilos ni Cloude. Pati ang kinikilos ng anak ni Harwell"
"Bakit hindi ninyo sabihin kay Cloude ang tungkol sa fiancée niya?"
"Sinabi samin ni Amber na hayaan na namin si Cloude. I think she's right." he nodded. "Malaki na si Cloude alam niya kung anong gagawin niya sa buhay niya" he added. "Nandito lang kami para protektahan sila"
Masasabi ko lang na swerte sila Amber kay Mr. Hollis dahil kahit nakakatakot siyang tignan dahil sa matapang na aura niya. Meron rin siya soft side ng pagiging ama. 'Idol!' Napangiti nalang ako at napailing.
Napatayo siya at tumingin sa wrist watch niya. "It's getting late. Nice to talk with you, then"
"You too, Mr. Hollis or should I call you 'Dad'?'"
"Wag muna wala ka pang proposal kay Amber, dalian mo. I hate waiting, remember that, Clarkson" sabi niya at naglakad na papunta sa bahay nila.
"Don't worry, Dad. Bibilisan ko, akin lang si Amber Ice"
Naglakad na ako palabas ng makita ko si Cloude na nakatayo. "Cloude"
"Don't hurt, Ai. She's annoying but she's my sister and I love her. When she's cried because of you, you should be ready. I will hit your f*****g face. Remember my words, Clarkson"
I nodded. "I know. Hindi ko siya sasaktan. Pero teka? Narinig mo?" tingin ko sa kanya.
"Yeah!."
"Pati yung kay Althea?" tanong ko.
"What? about her?"
"Nothing, just ignore it. I need to go, it's late. Bye!" kaway ko sa kanya at naglakad na ako papunta sa sasakyan ko. 'Hindi naman niya yata narinig'.
~~~
Nasa bahay na ako ng kambal at bahay ko rin naman. "What?!" tayo ni Lora. "Papakasalan mo si Amber Ice?"
"Ang O.A mo, Sis" sabi ni Lourd. "Mag-propose pa lang" paliwanag niya.
Kaharap ko silang dalawa at habang masama ang tingin ni Lora kay Lourd. "Ganun na rin yun!" lakad ni Lora Zonia papunta sa may lababo.
"Zonia, hindi na bumabata si Kuya. Ang tanda na kaya niya!" masama kong tinignan si Lourd.
"Excuse me? Twenty-eight pa lang si Kuya Clark." tingin niya sa amin ni Lourd.
"Anong edad mo ako pag-aasawahin?" tanong ko sa kanya.
"Kapag fifty kana"
Literal akong napanganga."Pfft!?.. Are you serious, Sis?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Tss!. Crazy lady." Iling ko sa kanya.
"Ano yun, Zonia? Makikipaglaro si Kuya sa anak niya habang ugod-ugod siya? Hahaha." tawa pa ni Lourd. Kaya tinignan ko siya ng masama.
"Tss!.. Basta!"
"Lora Zonia, nagsabi lang ako sa'yo at wala akong pakialam kung ayaw mo? You know how much I love you, right?. And I love Amber Ice too."
"Tss!.. Dapat hindi mo nalang sinabi!. Mag-asawa ka kung gusto mo! I don't really care!" naglakad na siya papunta sa hagdan.
"Selos lang yun" sabi ni Lourd at tumawa. "Kuya's girl kasi, binigay mo kasi ang lahat ng gusto. Yan tuloy, hirap kang pakawalan" sabi niya pa.
I sighed. "I talk to her later. Ihatid mo siya sa office at sunduin mo rin baka kung anong gawin niya sa mga tao"
"Tss!.. Ihanap ko na kaya ng boyfriend?" tingin sa akin ni Lourd.
"Mabuti pa nga, pero bago mo ipakilala sa kanya sa akin muna" biro ko.
"Mga Abnormal kayo!.. Kapag ginawa ninyo yan sasamain kayo talaga sa akin!" sigaw ni Lora sa taas.
Nagkatingin kami ni Lourd "Narinig pa yun?. Iba talaga kapag may kapatid kang gossip girls. Leader pa yan ha?" sabi pa ni Lourd.
Napailing na lang ako. "Sige, alis na ako. Pupunta nalang ako sa office ng 1 pm" paalam ko at naglakad na ako palabas. Alam ko naman na papayag rin si Lora Zonia sa gagawin ko.
Ayoko naman na wala siya kapag ikakasal kami ni Amber Ice at ayoko rin na may samaan kami ng loob kapag nagkataon. 'I'm sure na ayaw rin yun ni Amber'.
~~~
"Good morning, Hon" halik ko sa noo niya. Pinapasok na kasi ako ni Mrs. Hollis sa kwarto niya para ako na raw ang gumising kay Amber.
"Hi! Hon..." ngiti niya habang nakapikit pa rin. "C-Clarkson?!" nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"
"Ginigising ka?.. Pero okay lang kung inaantok ka pa tatabihan nalang kita" I smirked. Tumayo ako para ilock ang pinto ng kwarto niya at agad na lumapit sa kanya para yakapin siya.
"Hon--"
"Tulog ka pa, inaantok pa rin ako eh!. Bahala na kung pagkagising ko may baril sa harapan ko" nakapikit na sabi ko habang nakayakap sa kanya.
"Hehe.. Bahala ka" sabi niya at humarap sa akin at niyakap rin ako at tumanday pa.
I opened my eyes and I looking at her. Nakangiti siya habang nakapikit. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, I kissed her lips. "I love you, my goddess" I said. Alam kong nakatulog uli siya kaya pumikit na rin ako. Ilang oras lang akong nakatulog.
~~~
"Hon, wake up!." I heard her voice. "Puyat ka ba?"
I just smile. "Anong oras na ba?"
"Ten o'clock. Anong oras ka pumunta dito?"
"Six? I guess?"
"Masyado mo naman akong namiss"
"Tss!. Nag-aalala lang ako sa'yo baka pagkagising mo mamiss mo agad ako eh!" I said and I sat to her bed. "Buti walang baril pagkagising ko" I laugh.
"Nasa office na sila Mom at Dad and also Cloude. Akala nga ni Mom umuwi ka uli" ngiti niya.
"What do you said?"
"Nasa kwarto ko tulog. Don't worry wala naman dun si Dad when I said that" she smiling.
"Let's sleep together again, hon"
Umiling siya habang nakangiti. "Marami pa akong aasikasuhin para sa birthday ko and you promise that you could come with me."
"Oo nga pala. Tss!.. Can you kiss me? Para naman magising ako"
"Makita mo lang ang goddess kong mukha magigising kana" tawa pa niya.
"But I need the goddess kiss, please? Honey" Gumapang ako sa ibabaw ng kama papalapit sa kanya.
"No. Don't you-- Stay away from me!" I hug her.
* * * * * *