Chapter Seventeen:
Pippa Zhynly's POV
Papunta ako sa kwarto ni Cous para ipaalam sa kanya na engaged na ang kapatid ni Ate Ai na si Cloude kahapon pa. Alam ko naman na wala siyang pakialam doon, lalo na't hindi naman niya naalala si Cloude. 'Hindi pa ba?'
"Cous!" tawag ko sa kanya at kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at nakita ko siyang umiiyak habang nakatingin sa malayo.
Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya. "Cous!" napatingin siya sa akin. "What happened to you?" Hawak ko sa balikat niya, pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak.
'Aray!'. Napadaing ako sa kirot na naramdam ko, dahil natungkod ko ang kamay ko bago ako makaupo sa lapag. Nakatingin ako kay Twilight na umiiyak pa rin. 'Ano bang nangyari?' nakatingin ako sa laptop na nasa gilis niya.
"Cous!" tawag ko sa kanya. Nakaupo pa rin ako sa lapag habang hawak ko ang kamay ko.
"Umalis ka muna, Zhynly!" mahinahon na sabi niya.
Tumayo na ako. "S-Sige" tango ko at naglakad na papalabas ng kwarto niya. 'What happened to her?' tanong ko sa sarili ko habang iniinda ang kirot sa wrist ko. Naglakad na ako pababa ng makita ko si Tita Ninang. "Nasaan si Twilight?"
"Nasa taas pa po. May inaasikaso lang" sagot ko at ngumiti.
"Ganun ba?. Pumunta muna akong kusina ha?" tumango lang ako habang nakangiti. Naglakad na ako papunta sa couch at naupo. 'May naalala na kaya siya?'.
~~~
Nakita kong pababa na si Twilight sa hagdan ngumiti siya sa akin, pero hindi ko nagustuhan ang ngiti niya dahil pakiramdam ko may nakatago sa mga ngiti niya. 'Ano bang 'tong pinag-iisip ko!'.
Lumapit siya sa akin at nakangiti pa rin. "Sorry, Pippa Zhynly. Kasi naman eh! panira ka ng moment may binabasa akong nakakaiyak sabay papasok ka!" she said.
"Akala ko kasi kung anong nangyari sa'yo, Cous" pilit na ngiti ko.
Nang mapatingin siya sa kamay ko na hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin pala. "Anong nangyari sa'yo? Ito ba yung nahawakan ko kanina?"
"Yup, pero ayos lang ako. Matagal ko na rin naman 'tong iniinda" tipid na ngiti ko. "Medyo masakit nga eh, pero kaya ko naman"
I pouted. "Sorry talaga, Zhynly."
"Okey lang, Cous. Pero sana--" tumingin ako sa mata niya. "Sana pagkatiwalaan mo ako"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan, Zhynly?. Syempre pinsan kita kaya pagkakatiwalaan kita. Bakit ba ang drama mo?" tingin niya sa akin at tumawa. "Para kang tanga sa expression ng mukha mo. Mukha bang hindi kita pinagkakatiwalaan?"
"Hindi naman sa ganun, Cous. Pero sana nga mali ang iniisip ko"
"Sa tingin mo? Bakit hindi naman kita pagkakatiwalaan? Wala ka naman sinekreto sakin dati, right?" tingin niya sa mga mata ko ng bigla akong umiwas. 'Meron, Cous. Pero alam ko naman na malalaman mo rin yun. Kailangan ka pa rin namin protektahan'.
"Oo naman, Cous".
"Yun naman pala eh!. Hehe!.. Paalam tayo kay Nanay lumabas bili tayong cupcakes" ngiti niya.
"Sige, tara" ngiti ko rin. 'Masyado ko lang sigurong inisip na hindi siya nagtitiwala sa akin'. Naglakad na kami papunta sa may kusina at naabutan namin na naghuhugas si Tita Ninang ng hugasin.
"Nanay!" ngiti niya. "Pwede po ba kaming lumabas ni Zhynly para bumili ng cupcakes?"
"Hindi pwede" sagot ni Tita. "Kung hindi ako kasama."
"Sasama ka, Nanay?" nakangiting tanong niya. "Yiee!.. Ang saya!" ngiting ngiting sabi niya. "Mag-mall na lang tayo"
"Oo nga no? Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag-bonding"
"Masaya yun kung kasama pa natin si Tita Sunshine. Diba? Zhynly?" tingin niya sa akin. 'Siya pa rin yung dating, Twilight. Masyado lang yata akong nanibago sa kanya kanina'.
"Oo naman, Cous. Tatawagan ko na lang si Mama" sagot ko at naglakad na palayo para tawagan si Mom.
~~~
Ilang oras na kaming nasa mall at marami na akong napamili at mga libre ni Tita Ninang da akin. Napatingin ako kay Twilight na nakatingin kay Tita nina na nagmimili ng pagkain sa menu.
"Bakit?" tanong niya ng tumingin sa akin. "Bakit ka nakatingin sa akin, Zhynly?" ngiti niya sa akin. 'Tss!.. Bakit iba na naman ang pariramdam ko sa'yo, Cous?. Ang hirap mong basahin'.
"Nothing, Cous." ngiti ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. 'Sana wala kang tinatago sa akin'.
Biglang nag-vibrate ang phone kaua agad kong kinuha. Tumingin ako kay Twilight na nasa malayo na nakatingin. Kaya tumingin na ako sa phone ko.
:Ate Ai;
Hi! Zhyn, pwede ninyo ba akong samahan ni Twilight sa pag-prepare ko sa birthday party ko?
To: Ate Ai;
Nasa mall kami ngayon. Kasama si Tita and Mama.
:Ate Ai;
I'm sorry. Bonding time ninyo pala. But pumunta kayo ha? sunday night. Bye!.
To: Ate Ai;
Yes. Pupunta kami.
Nilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko at tumingin sa pagkain na nakahain na sa lamesa. Tumingin ako kay Twilight na kumakain at napatingin na naman siua sa akin. "Kain na!"
Tumango lang ako at ngumiti. Tumingin ako kanila Mama at Tita na masayang nakangiti kay Cous. Siguradong natutuwa sila dahil mas maayos ng tignan si Cous kaysa noon.
"Sino nga pala yung katext mo?" tanong ni Cous at napatingin naman sa akin sila Mama at Tita Ninang.
"Si Ate Ai lang" sagot ko.
"Balita ko ikakasal na yung kapatid niya ha?" sabi ni Mama. Napatingin ako kay Cous na nakapokus pa rin sa pagkain niya. "Pagtapos ba ng graduation ninyo?"
"Ka-schoolmate ba natin yung kapatid ni Ate Ai?" tanong ni Cous.
"Yes. Cous" sagot ko sa tanong niya. "Ang sabi po next year na lang daw, hindi ko pa po sigurado" tingin ko kay Mama at tumingin na ako sa pagkain ko.
"Hollis" rinig kong bulong ni Cous kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano 'yun, Cous?" tingin ko sa kanya.
Nilunok niya yung pagkain niya at tumingin sa akin. "Ha?... May sinasabi ba ako?.. Kumakain lang ako dito eh!" nguso pa niya. "Baliw kana, Zhynly?" Narinig kong tumawa sila Mama at Tita Ninang. "Gutom kana lang yan. Istorbo" sabi pa niya at tinuloy niya na ang pagkain niya.
'Nakakainis naman yung ganitong feeling. Para pinagdududahan ko si Cous. Baka lalo niya pang mahalata at baka sabihin niyang pinagdududahan ko ang lahat ng kilos niya'. I sighed. Kumain na lang ako habang nirerelax ang isip ko.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Papalabas na kami ng mall para makauwi ng makita ko sila Homer at Autumn na papasok. Napatingin sa akin si Homer at mukhang nagulat siya ng makita ako.
"Cat!" tawag niya sa akin kaya pati si Autumn napatingin sa akin. Napalingon naman ako kanila Nanay na nakahinto na pala at nakatingin rin kanila Homer.
"Sweetie, kailangan ko nang umalis. Tumawag ang Tatay mo" paalala ni Nanay.
"Mamaya na lang po ako uuwi, Pwede po ba?"
"Tita" sabi ni Homer at nakipagbeso kay Nanay at Tita Mama. "Kumusta po?"
"Okay naman, Homer. Matagal kitang hindi nakita na pumunta sa bahay" sabi ni Nanay. "Sorry, but I need to go. Sana dumalaw ka naman sa bahay at makapag-kwentuhan tayo"
"Yes, Tita."
"Sige, Sweetie mamaya kana umuwi but isama mo si Pippa"
"Baka may gagawin pa po si Zhynly" lingon ko kay Zhynly na nakatingin sa akin.
"Wala naman, Cous" sabi niya. "Okey lang na sumama ako"
"Aalis na kami ni Sunshine. Mag-ingat kayo sa pag-uwi ha? Bye.." kaway ni Nanay. "Ipapasundo ko nalang kayo kay Jacob"
"Bye! Guys" kaway rin ni Tita Mama at naglakad na sila papunta sa may exit ng mall.
"Kay Jacob pa?" sabi ni Zhynly.
"Bakit may problema ba kayo? Niloko ka niya?"
"Wala yun, Cous. Ayoko lang muna siyang makita para mamiss niya pa ako" tawa pa niya at tumingin kanila Homer. "So? Tara na?"
"Ayoko na sana dito eh?" sabi ko. "Gusto ko sana pumunta sa park. Tutal maaga pa naman" tinignan ko ang relo ko na mag-aalas kwatro pa lang ng hapon.
"Okay lang naman sa akin" sagot ni Autumn na kanina pa tahimik. Kanina ko pa rin napansin na pumayat siya at medyo maputla yung balat niya. Mukhang ang bait rin ng aura niya. 'Napatawad ko na ba talaga siya noon?'
"Cous, Tara na" sabi ni Zhynly at naglakad na kami palabas ng mall.
~~~
Nang makarating kami sa isang park na halos sampung minuto lang ang binayahe namin para makarating kami doon. Naupo kami sa may upuan sa ilalim ng puno na may lamesang bato.
"Bibili lang ako ng pwedeng kainin" sabi ni Homer at naglakad na paalis.
"Kumusta kana pala, Twilight?" tanong ni Autumn kaya napatingin ako sa kanya.
"Ayos naman" ngiti ko sa kanya. "Kahit wala pa rin akong maalala. Ikaw? Nabalitaan kong nagkasakit ka? Are you fine now?"
"Yes I am. Magaling kasi ang nag-aalaga sa akin. Si Homer" ngiti niya at nakita kong nagblush pa siya. "Sorry nga pala sa lahat ng kasalanan ko sa'yo ha?"
Napatingin ako kay Zhynly na tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap namin. "Alam kong pinatawad mo na ako noon ng buong puso mo, Twilight, but since you didn't remember what happened, I'll say it again. I'm sorry for everything that I did to you. I hope you forgive me" tingin niya sa akin.
"Sorry rin na nakalimutan kong napatawad na pala kita. Bigla ko tuloy naalala yung ginawa ko sa'yo sa hospital. Hehe. Sorry rin. I forgive you, Autumn." ngiti ko sa kanya.
"Thank you" sabi niya at agad na lumapit sa akin para yakapin ako. "Kung kailangan mo ng tulong para makaalala ka? tutulungan kita" bulong niya sa akin at mukha hindi narinig ni Zhynly dahil nakatingin siya sa kung saan.
"Aasahan ko yan" mahinang sabi ko sa kanya.
"Ang saya ninyong tignan" sabi ni Zhynly. "Buti nagkabati na uli kayo, hindi na ako mahihirapan na magkabati kayo"
"Sa tingin ko naman bumait na si Autumn eh!"
"Bumait na talaga yan si Jessieca, but sometimes b***h pa rin"
"Sorry kana lang, Zhyn. Mahirap kasi talikuran ang dating ginagawa, panget rin kasi ang masyadong maging mabait" Autumn smirked. "You know what? Namiss ko ang pagiging b***h rin nito ni Twilight noong papunta kami ng bundok"
"b***h ba ako? Hoy! Hindi ha?"
"Okay, mean girl na lang" sabi niya habang nakataas ang kilay at tumawa. Kahit si Zhynly at tumawa rin sa sinabi ni Autumn.
"Ewan ko sa inyong dalawa" I pouted. "Pero teka? Bakit nga pala Jessieca ang tawag mo sa kanya, Zhynly?"
"My real name is Jessieca Merrick." 'Parang nabasa ko na yung Merrick'. "Hmm?... Nawala kasi ako sa totoong ko magulang... Nakidnap yata ako 'nung bata ako, I don't know the whole story. But I'm thankful, 'cause nakita ako ng magulang ko at kambal ko"
"May kambal ka pa?"
"Yes. Nalayo rin siya sa tunay naming magulang. Pero masaya ako kasi sobrang bait rin niya at sobrang mag-alala sa akin" ngiti ni Autumn.
"Merrick pala ang totoo mong apelido" tingin ko sa kanya at tumango. 'Naalala ko na kung saan ko nabasa ang pangalan na yun. Sa List ng mafia assassin organization'
"Hey!" lapit ni Homer sa amin. "Mukhang masaya ang baby ko ha?"
"Bati na kasi kami ni Twilight" lingon sa akin ni Autumn at tumangon naman ako habang nakangiti.
"Good to hear" ngiti ni Homer.
~~~
Nakaupo kami sa blanket na binili ni Homer bigla ko tuloy naalala si Clyne. 'Nasaan na kaya yun?'
"Kumusta naman ang engagement party ng Ate mo?" rinig kong tanong ni Zhynly kaya napatingin ako kay Autumn na nakatingin sa akin. 'Bakit sa akin siya nakatingin?'
"Okay naman. Pero inurong ni Cloude ang kasal nila, ang alam ng lahat after graduation pero next year na daw"
"May ate ka ba? Anong pangalan ng Ate mo?" tanong ko. Ang akala ko kasi si Autumn lang ang nag-iisang anak sa pamilya nila.
"A-Althea ang pangalan niya, Twilight" sagot niya.
"Ahh?..." tango ko na lang at nakinig sa iba pa nilang pag-uusap.
"Hi! Guys!" kaway ni Jacob at umupo sa tabi ni Zhynly. "Hi! Pipps" akbay niya kay Zhynly. "Namiss mo ba ako?"
"Hindi"
"Talaga?"
"Oo. Hindi kita na mimiss kasing miss na miss kita pero dahil nangbabae ka. Hindi na kita miss, sorry ka nalang" sabi ni Zhynly at tinanggal niya ang pagkakaakbay ni Jacob.
"Hindi nga ako nambabae tyka yung Carmina na yun ang lumapit sa akin... Nakakabwisit nga 'yun!" kitang kita ko ang mukha ni Jacob na sobrang inis.
"Inis na inis lang, Jacob?" tanong ni Homer habang nakangiwi.
"Eh? kasi naman bakit may ganun mga babae? Napaka-- Wala!" sabi niya at lumapit sa akin. "Hi! Cous, musta kana?"
"Cous talaga?"
"Ayaw mo ba? Magiging future husband ako ng pinsan mong mataray, kaya kailangan masanay kana sa akin."
"Bakit may bahay kana ba? At ipapakain sa pinsan ko?"
"Syempre meron. Gusto mo pagkatapos ng graduation pakasalan ko na yan si Pippa" nakangiting sabi ni Jacob.
"Nagpro-propose ka ba kay Zhynly?" tanong ko sa kanya ng biglang mamula ang mukha niya. "Hahaha!.. Pulang-pula ka, Jay" tawa ako ng tawa habang nakaturo sa kanya.
"Nagpapahiwatig na 'yan, Zhynly" sabi ni Homer at tumawa.
"Omy!... I do na yan, Zhyn"
"Shut up!.. Jessieca!.. Manahimik ka, Jacob Rox!." sabi ni Zhynly at agad na tumayo.
"Zhynly!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
"Ako na bahala sa kanya, Twie" tap ni Jacob sa balikat at naglakad na palayo. Sinundan ko lang si Jacob ng tingin.
"Bibili lang ako ng tubig. Iwan ko muna kayo" sabi ni Homer kaya napatingin ako kay Autumn na ngumiti sa akin.
"Autumn..."
"Yes?"
"Tutulungan mo ba talaga ako para makaalala?"
"Oo naman"
"Kahit walang alam sila Zhynly? 'Yung tayo lang yung nakakaalam?" tingin ko sa mata niya. Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko. "Please?"
"Pero... Twilight?"
"Kung ayaw mo, okay lang naman sa akin basta kalimutan mo na lang na sinabi ko 'to sa'yo" ngiti ko.
"Bakit hindi ka magpatulong kay Zhynly?"
"Dahil pwedeng malaman yun nila Tatay. What if may tinatago sila sa akin?"
"Twilight..."
"Okay lang na hindi ka pumayag sa gusto kong mangyari, Autumn. Alam ko naman na kakagaling mo lang sa sakit pero alam kong ikaw lang ang nakikita kong makakatulong sa akin"
"Gusto kitang tulungan pero natatakot ako" napayuko siya.
"Dahil ba sa mga mafia sila?"
"Alam mo na?"
"So? totoo nga?. Yung mga nabasa ko?" napatingin ako kanila Jacob at Zhynly, nag-uusap pa rin silang dalawa. "Kasali ba sila doon?"
"Twilight..." rinig ko sa pagtawag ni Autumn sa pangalan ko.
Pinunasan ko ang mga mata ko, papatulo na naman kasi ang mga luha ko. "Okay lang ako, Autumn. Wag mo nalang sabihin sa kanila na nagtanong ako sa'yo" tumingin ako sa kanya. "Pero walang makakapigil sa akin, na alamin ko ang katotohanan na gusto kong malaman"
"Good luck then. Don't worry tutulungan na lang kita sa abot ng makakaya ko. Pwede mo akong tanungin at pwede rin kitang sagutin kung alam ko ang sagot sa mga tanong mo" nakita ko ang sinceridad sa mata niya.
"Thank you, Autumn. And I'm happy to be your friend"
"I'm happy to help you because I'm your friend, even at first we both became enemies."
"Sana maalala ko pa kung paano kita pinatawad. Hehe!" ngiti ko sa kanya.
* * * * * *
Homer Red's POV
Papalapit na ako papunta kanila Cat at Autumn na mukhang masaya ang pinagkwe-kwentuhan nila.I'm happy to see the two of them talking and agreeing with each other with a smile on their face.. "Hey! Ladies"
"Baby" ngiti ni Autumn na mukhang masaya. Okay pala na iniwan ko silang dalawa. "Bakit ang tagal mo?"
"Sinadya ko" sagot ko at umupo sa tabi niya. "Kumusta ang pag-uusap ninyo?"
"It's fine. Twilight and I are friends again. I wished hindi niya na makalimutan" tingin niya kay Cat.
"Sorry naman.." ngiti ni Cat kaya napatingin ako sa kanya. I missed her cute smile.
"Nakakaselos, baby"
"Sorry ka, Autumn mas cute talaga ako sa'yo. Attractive pa" hawi ni Twilight sa kanyang buhok at may pagmamalaki kanyang sinabi.
"Excuse me?!... Mas maganda ako sa'yo kaya naagaw ko nga ang atensyon ni Homer, right?"
"Sa sobrang gwapo ko, pinag-aagawan ninyo ang atensyon ko ngayon" I said.
"Wow! Ha? Ganyan kana ngayon, bro?" singit ni Jacob. "Natututo kana ha?"
"Natututo ka na ng kahanginan" sabay-sabay na sabi ng girls at tumawa pa sila.
"Sorry, dapat pala hindi ko na sinabi" I said.
"Why?" Autumn asked.
"Kasi baka kumalat pa. Baka dumami pa ang fan girls ko" I smirked and I winked to her.
"Homer, wag mo akong agawan ng mga ganyan lines"
"Sabi ko nga. Kahit hindi ako magsalita gwapo pa rin ako sa'yo. Look at me now, gwapo right?"
"Masyado kanang mahangin, brother!" Jacob said and I nodded.
"Nahawa ka yata kay Autumn" Twilight pouted.
"Why me?" turo ni Autumn sa sarili niya.
"Mas okay yung seryoso ka lang, pero okay lang rin yung mga ganyan hirit mo, totoo naman"
"That I'm handsome?"
"Yes. Kaysa kay Jacob. Hehe!. Joke lang"
"Paano ba yan, Jacob? I'm handsome than you"
"Tama na, Bro. Hindi ako sanay sa kahanginan mo. It gives me the creeps"
"Dahil mas sanay ka sa kahanginan mo" sabi ni Zhynly.
"Oo naman, Asawa ko"
"Damn you!"
"I love you too, Pipps. I missed you, I want to hug you and kiss you" napailing na lang ako sa sinabi ng loko.
"Ang sweet" sabi ni Autumn na agad yumapos sa akin.
"Shut up, Jessieca!" Zhynly commanded.
"Yes, mas sweet ako kay Homer" kindat ni Jacob kay Autumn.
"Shut up, Jacob!" I said. Tumawa lang siya tinignan uli si Zhynly na mukha hindi pa rin siya pinapansin.
Napatingin ako kay Twilight na nasa malayo nakatingin. "Cat!" tawag ko sa kanya pero hindi siya tumingin dahil mukhang hindi niya ako narinig. "Cat!" tawag ko uli sa kanya ng tumingin na siya sa akin. "Sinong tinitignan mo?"
"W-Wala. Akala ko may nakita akong kakilala ko. Hehe.." sagot niya. Tumingin kami sa tinitignan niya at wala naman tao. Medyo hapon na rin kasi at puro couple na nga lang ang nasa paligid.
Hindi ko mapigilan ang matawa ng lahat kami ay napatingin kay Twilight na masama ang tingin sa amin. "Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Sasabihin ko na ba?" tanong ni Jacob.
"Don't" sabi ni Zhynly.
"Why not?" sabi ni Autumn.
"Ano ba yun?!. Paghindi ninyo sinabi sasapakin kita Jacob"
"Bakit ako lang?"
"Eh. Gusto ko ikaw lang eh!.. Ano ba kasi yun?"
"Tingin ka sa paligid. Anong nakikita mo?"
"Bulag kana ba ngayon, Jacob?. Don't tell me hindi mo nakikita yung-- mga taong partner- partner" napayuko si Twilight. "Tss!.. Tara, Zhynly uwi na tayo"
"Yeah! Cous. I'm so tired na rin eh!" hawak ni Zhynly sa braso ni Twilight.
"Tired of seeing my handsome face?" sabi ni Jacob.
"Wag mo akong simulan, Jacob Rox kung ayaw mong umiyak ka uli" sabi ni Zhynly. "Bye! Jessieca and Homer" beso niya sa amin.
"Sige, pumunta na lang kayo sa bahay kapag day-off ninyo. Autumn" tingin ni Cat kay Autumn na parang may usapan silang na sila lang dalawa ang nakakaalam. "Homer" yakap sa akin ni Cat. "Alagaan mo si Autumn ha?"
"Yes, I will" alo ko sa likod niya. "Take care of youself too, Cat. Namimiss ko na ang adventure natin tatlo"
"Yeah! Me too. I think may next time pa naman at siguro madadagdagan na tayong tatlo" ngiti niya.
"Yeah!" sabi ko. "Ingat sa pag-drive, Jacob."
"Yes. Ingat rin" kaway nila at naglakad na papuntang parking lot.
* * * * * *