Chapter Sixteen

3433 Words
Chapter Sixteen: Althea Skyler's POV Nakangiti ako habang tinitignan ang gown na puti na susuotin ko mamaya. 'Wala nang makakapigil sa mangyayari mamaya'. ngiti ko. "My Princess" rinig kong tawag sa akin ni Dad kaya napatingin ako sa kanya. Nasa harapan siya ng pinto ng kwarto ko habang nakangiti. "Dad!" lapit ko sa kanya at niyakap ko siya. "Akala ko hindi kana makakarating eh!" I pouted. "Me?.. Of course not? Palalagpasin ko ba naman ang araw na masaya ang nag-isang prinsess ko" halik ni Dad sa noo ko. "Sayang nga lang kasi wala na si Mom" tingin ko sa kanya. "Dahil 'yun kay Lambert. Kaya wag mo 'yang kakalimutan na nawala ang Mom mo dahil sa Lambert na yun, sa ama ng taong papakasalan mo!." tingin sa akin ni Dad. "I know, Dad. Hindi ko kakalimutan yan. I love Cloude so much, kaya hindi ko siya sasaktan, ang pamilya niya lang. Pwede naman yun diba, Dad?" tinignan ko si Dad at nakatingin lang siya sa akin. "I don't think so? Pero mas maganda na pagkatapos ninyong ikasal, magkaanak na kayo, dahil baka isang araw maalala niya ang anak ni Dark Slyter Smith. I don't want you to get hurt, kaya mas magandang madaliin ang lahat" tumango lang ako. "Hindi mo alam baka biglang magbago ang nararamdaman ni Cloude sa'yo." napalunok ako sa sinabi ni Dad. "Hindi yun mangyayari, Dad. Matutuloy 'tong engagement party namin ngayon at matutuloy ang kasal namin after graduation nila. Tutulungan mo naman ako na mangyari yun, diba?" "Yes, Of course. Gusto kong maging masaya ka at makuha mo ang lahat ng gusto mo" ngiti niya. "Thanks, Dad" yakap ko sa kanya at lumayo na sa kanya. "Malaki ang koneksyon at impluwensiya ng mga Hollis kaya kapag naging mag-asawa na kayo, pwede nating malaman ang bawat koneksyon nila na maaari natin agawin" tinignan ko si Dad ng masama. "Kung pwede na nga lang sa anak ka nalang ng BlackDragonzs magpakasal" "BlackDragonzs? Kasama ba sila sa Organization? Hindi ko matandaan kung may nabasa akong details tungkol sa BlackDragonzs" "Kasama sila sa top 5 na pwedeng maging susunod na leader sa Mafia Assassin's Oranization. Hindi mo ba nabasa yun?" tingin sa akin ni Dad ng masama. "Mas interasado ako sa mga properties ng future husband ko, Dad. Kaysa sa mga taong hindi ko naman dapat kilalanin" I rolled my eyes. "Mas malaki ang impluwensiya ng BlackDragonzs kaysa sa mga Hollis at Darklight tandaan mo yan" turo sa akin ni Dad. "Pati ang Darklight?. Diba grupo yun ng mga Smith?. Ma-impluwensiya rin sila?. Tell me, Dad. Diba mas maimpluwensya ang Harwell diba kaysa sa Darklight?" ngiti ko kay Dad. "Pang-huli tayo sa ranking... Nangunguna ang Hollis at BlackDragonzs at sumunod ang Darklight at bago tayo ang Merrick muna" paliwanang ni Dad. "What?. Are you serious, Dad?. Mas nauna pa ang group ng tunay na pamilya ni Autumn kaysa sa atin?" hawak ko sa noo ko. "Hindi dapat tayo nasa huli" "Hindi naman tayo magiging huli kung magiging asawa mo si Cloude. Diba? My Princess?" malaking ngiti ni Dad. "Gaganti pa tayo para sa Mom mo. Tandaan mo yan" Tumango ako. "Yes, Dad. Magiging asawa ko si Cloude at makakaganti tayo sa pamilya niya dahil pinatay ni Mr. Hollis si Mom" tingin ko sa malayo. 'Silang lahat buo ang pamilya nila pero ako kulang dahil wala si Mom.'. * * * * * * Amber Ice's POV Nakataas ang kilay ko habang nakatingin lang ako sa gown na naka-display sa kwarto ko. Gown para engagement party ni Cloude mamaya. 'I'm not damn excited. Sayang lang sa oras at panahon ni Cloude sa gagawin niya'. I rolled my eyes. "Kahit anong tingin mo dyan hindi yan masisira kung gusto mo yang sirain." napatingin ako sa nagsalita. "Pwede bang wag nalang pumunta?. Tss!." I rolled my pretty eyes again. "Bakit pa ba ako magpapaalam sa'yo?" I sighed. "Ikaw?.. Bahala ka" sagot niya at ngumiti. 'Anong ngini-ngiti niya?. Masaya siya sa mangyayari mamaya? Pwes! Ako hindi!. Tss!'. "I need you to be there, Ai" sabi niya at naglakad paalis. "Sabi mo eh? Madali naman akong kausap! Tss!." sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay ko at binagsak ko ang katawan ko sa kama. "Tss!. Bakit kasi may tanga akong kapatid?" ~~~ "Amber!" rinig kong tawag sa akin ni Mom. "Dalian mo na, ikaw nalang ang hinihintay sa baba" "Wait!... Mom!..." sigaw ko habang nilalagay ko ang hikaw ko. "Sino 'tong magandang nasa salamin?" turo ko sa salamin. "Ohh! I'm crazy.." Kinuha ko na anh hand bag ko na mas mahal pa sa buhay ni Althea Skyler na yun. 'Tss!. Bakit pa kasi yung pang-babaeng yun eh!?'. Naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Nang mapababa na ako sa hagdan nakita ko sila Mom at Dad and also my handsome boyfriend. "Hey! Hon" kaway ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin naman siya habang nakatingin kanila Mom. 'Sorry, naman kung nauna ko pa siyang batiin.' "Hi! My handsome and sexy, Dad. And my pretty gorgeous, Mom. You look great to night" ngiti ko sa kanila. "Bumabawi lang sa pag-ignore sa atin, Rain" tingin ni Mom kay Dad. "Yeah!" sagot naman ni Dad. Magkibit-balikan na lang ako at naglakad na sila palabas. "Masyado ka kasing nahumaling sa kagwapuhan ko, hon" sabi niya at hinalikan ako sa labi ko at ngumiti. Natawa naman ako nang maghiwalay kami kasi may lipstick na siya sa labi niya. "What?" tanong niya kaya umiling lang ako. "Nothing, Hon. Let's go" I smile to him. "Tell me, Hon. I know you?" "Really?..." taas ko sa kilay ko habang nakangiti sa kanya. "Wala nga, Hon. Let's go" hila ko sa kanya papunta sa bahay pero bigla niya akong hinila pabalik sa kanya. He kissed me passionately. Nang humiwalay siya sa akin ngumiti siya ng pang-asar. "You like it? Or you love it?" ngiti niya. "Tss!. Your bad huh?" tingin ko sa kanya ng masama. "Yung lipstick ko nagkalat na yata" I pouted. Hinawakan niya ang baba ko at pinupunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya, ganun rin yung ginawa ko sa kanya. Habang nagngingitian lang kami dalawa at tumawa ng mahina. "Dito na lang ba kayong dalawa?" rinig ko sa boses ni Dad. Ngumiti ako nang lumingon kay Dad. "No. Dad" "Let's go" yaya niya at tumingin kay Clarkson. Naglakad na kami palabas at sumakay na kami ni Clarkson sa sasakyan niya. Nauna naman yung sasakyan nila Dad na umalis ~~~ "Mr. and Mrs. Smith" nakangiting lapit ni Mr. Harwell sa amin. Miss Smith and Mr. Lopez" tingin niya sa akin at kay Clarkson. "Masyado pala ako pormal sa mga future-in-laws ng anak ko" sabi niya. "Oo nga eh? Hindi ako sanay na pormal ka, ikaw rin diba?" tingin ko sa kanya. "Mapag-biro ka pala, Amber Ice" "Sorry, hindi ako nagbibiro" I smirked. "Hon, let's go there. Excuses" sabi ni Clarkson at naglakad kami papunta isang upuan. Pinaupo niya ako at umupo naman ako. "Parang ayoko dito" tingin ko sa paligid ng may makita akong pamilya na mukha na agad naglakad palayo. "Ate Ai!" kaway ni Mike sa akin nang makita ko sa likod niya sila Grayson, Rexie at Travis na parang may tinitignan. "Wala naman maganda dito" tinig kong sabi niya. "Marami kaya" sabi naman ni Rexie. "Diba, Gray?" tingin niya kay Grayson na nagkibit-balikan lang. "Wala talagang maganda dito para sa dalawang yan, wala kasi yung dalawa dito" sabi ni Mike at ngumiti. "Wala ba dito sila Twilight?" tanong ko. "Wala. Matakot ka kung nandito yun, tapos pipigilan niya ang engagement party na 'to" sabi ni Mike at umupo sa upuan. "Sinabi ko bang maupo ka dyan?" tanong ni Clarkson habang nakatingin kay Mike na agad namang tumayo. "Nak nang!... Uupo lang eh!" "Kuya!" nakita ko si Autumn na kasama si Homer. "Wow! Nandito ka pala, Ate Ai. Ang ganda mo ha?" bati sa akin ni Autumn na halatang bumagsak ang katawan niya. "Thanks, ikaw rin. Balita ko nagkasakit ka daw ha? Are you okay now?" "Yes, I am. Magaling kasi ang doctor ko" tingin niya kay Homer. "Kailangan mo pang magpahinga. Dapat nga hindi kana pumunta dito" sabi ni Mike habang nakatingin kay Autumn. "Hoo!.. Concerned kuya" tap ni Travis sa balikat ni Mike. "Ewan ko sa'yo, Kuya." simangot ni Autumn. "Hi! nga pala sa inyong lahat" kaway niya. "Sayang wala dito si Miss Twilight, nakakamiss yung ka-slow-an niya at yung ka-cute-an niya" sabi ni Rexie at humawak sa balikat niya. "Oo nga eh!." sang-ayon naman ni Mike. "Baka maging istatwa kana dyan, Homer sa sobrang tahimik mo" tumingin tuloy kaming lahat kay Homer. "Naisip ko lang, hindi ko pa pala siya nadadalaw" sabi niya. "Nakauwi na diba si Zhynly? Bakit hindi ninyo sabihin sa kanya na ipakita naman sa atin si Miss Twilight" sabi naman ni Travis. "Diba malapit na ang birthday mo, Hon/ Miss Amber" napatahimik kaming lahat. Napatingin kami kay Clarkson at Grayson. 'Wow? Ha? Sabay talaga silang dalawa'. Napangiti ako sa sinabi nila at parang nagkaroon ako ng magandang idea. "Yes, at magpapa-party ako" "Yun!... Gusto ko yan, Miss Amber" sabi ni Travis at tinuro ako. Gusto ko rin naman ang idea yun. Gusto ko kasi, gusto kong makita ang itsura ni Cloude at Twilight kapag nagkita uli silang dalawa. "Next week ba yun?" tanong ni Rexie. "Yes, next week. Bukas na bukas aasikasuhin ko na yun. Tutulungan mo ba ako, Hon?" nag-pretty eyes ko sa kanya. "Of course tutulungan kita." ngiti niya. "Thanks then" ngiti ko sa kanya. ~~~ Lumabas muna ako sandali ng event dahil ayokong magbigay ng message para sa dalawa dahil wala naman akong masasabi matino baka pagalitan lang ako nila Mom. Nagpaalam ako kay Clarkson na mag-ladies room lang pero sa labas ako pumunta. "Are you kidding me, Cloude?! Next year pa ang kasal natin?" rinig ko sa boses ni Althea kaya nagmadali ako naghanap ng pwedeng pagtaguan para hindi nila ako makita. "Yes. What's the matter? We're engaged right? May kailangan lang akong gawin" mahinahon na sabi ni Cloude. "Ano? Ang malaman ang nakalimutan mo?!... Akala ko ba sabi mo, ako lang ang mahalaga sa'yo?!.. Bakit pa natin papatagalin? Ayokong ma-disappoint si Dad sa akin" 'b***h talaga!' "My decision is final. Our wedding are moved next year. I wished you understand that" rinig kong sabi ni Cloude. "Cloude!" Napangiti na lang ako sa narinig ko. 'Okay rin pala na pumunta ako dito. Nakikinig pala sa akin si Cloude kahit papaano.' Napatayo na ako ng tuwid at napamewang. Huminga ako ng malalim at ngumiti uli. * * * * * * Twilight Sky's POV Nakatingin ako sa laptop ko habang binabasa ang mga nakalagay sa files ng flashdrive. Hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay dito pero dapat kong malaman kung totoo ba ito. 'Mafia Assassin Organization'. Kasali sa organisasyon na yun sila Nanay at Tatay at ako bilang Darklight. Nakita ko rin ang Hollis group at nakita ko doon ang pangalan ni Ate Ai kasama ng magulang at kapatid niya. "Totoo ba to?" napahawak ako sa ulo ko ng biglang kumirot. Napagawi ang tingin ko sa isang parte nang bahay, na merong lubid. Nanlaki ang mata ko nang may biglang tumalon, at tumambling ang isang babae sa itaas. Magaang lang ang pagkaka-apak nya, pagkatapos ay sumabit naman sya sa isa may lubid at mabilis syang nakababa. Para siyang pusa na magaan ang paglapag. 'Ang galing!' napapalakpak ako. Nang bilang mapatingin siya sa amin. "Twilight?" "N-Nanay?" napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Tatay. "A-Anong meron?" gulong-gulo ang isip ko kung ano ang nangyayari. "Anong ginagawa ninyo dito?" "Bakit mo sya dinala dito? Dark!" "Alam niya." sagot ni Tatay. "Ano?! Paano naman? Mukhang hindi naman niya alam." lapit ni Nanay sa akin. "But she said. She knows" turo ni Tatay sa akin. "Twilight? Alam mo na?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. "Pippa Zhynly nandito ka rin?" Naka-blank fitted rin sya na suot, katulad kay Nanay. "Ikaw rin?. Ano bang meron? Bakit may ganito dito? pwede bang sagutin nyo ko?" "Sweetie-" "B-Bakit may mga ganito kayo?" tingin ko sa paligid. "Ano ba kayo?" 'Ayoko mag isipin ang mga bagay-bagay pero nalilito ako. Lalo na ang mga sinabi ni tatay kanina na 'Dahil pinoprotektahan ka namin, at hindi namin kailangan sabihin sa'yo.' Nakatingin sila tatlo sa akin. "Ano ba kayo? bakit sinabi Tatay kanina na pino-protektahan nyo ko?" tingin ko sa kanila. "Sagutin niyo naman po ako oh!" "Twilight," hawak sa kamay ko ni Nanay. "K-Kami ay mga A-Assassin" tingin ni Nanay sa mga mata ko. "N-Niloloko niyo ba ako? May camera dito no?" lingon ko pa. Gusto kong hindi maniwala na hindi totoo ang sinasabi nila, pero yung mga nakikita ko sa paligid ko. Para akong sinasampal ng katotohanan na totoo ang mga sinasabi nila. "Twilight--" hawak ni Tatay sa akin. "M-Malalaman ko ba 'to?" tingin ko kala Nanay. "Sasabihin nyo ba sa akin 'to kung hindi ko pa alam? o itatago ninyo na lang talaga sakin 'to?" Naghihintay ako nang sagot nila pero hindi man lang sila nagsalita. Kaya tumalikod na ako sa kanila at naglakad paalis. "Gusto ka lang naming protektahan, para maging normal ang buhay mo tulad nang sa iba" sabi ni Nanay. Kaya napabalik ako at tumingin sa kanila. "Protektahan ako?" turo sa sarili ko. "Na maging normal ang buhay ko? pero sa tingin ko hindi magiging ganun yun. Lalo na kung mga Assassin pala ang mga magulang ko. Pati rin pala ang pinsan ko" tingin ko kay Pippa Zhynly na yumuko kaya napa-iling ako. Nagtiwala ako sa kanya, pero nagmukha akong tanga ngayon. "Cous!" Hawak niya sa kamay ko. Pero iniwasan ko lang ang kamay niya. "Gusto ko na pong umuwi" pagkasabi ko kay naglakad na ako palabas. Napakagat ako sa kuko ng hintuturo, para pigilan ang panginginig ko. Feeling ko sinaktan ko sila Nanay at Tatay sa mga nasabi ko, pati na rin si Pippa Zhynly. "Padaanin ninyo ko!" sabi ko sa mga nakaharang na lalaki pero hindi nila ako sinunod. "Give her way, she's my daughter" rinig kong sabi ni Tatay. "Sorry, Young lady" yuko nila sa akin at pinadaan na nila ako, kaya naglakad na ako palabas. Sumakay na ako sa back seat at nakatingin lang ako sa labas habang nararamdaman ko ang pagpasok nila Tatay at nanay sa sasakyan. Masama pa rin anf loob ko sa kanila. Alam kong nakatingin sa akin si Nanay, pero tumingin na lang ako sa may bintana habang nakasandal. Hanggang sa pinaandar na ni Tatay ang sasakyan. ~~~ "May mga nakasunod satin, Dark" rinig kong sabi ni Nanay, kaya napa-straight ako nang upo. Nang may napansin akong may tumatama sa sasakyan. "Twilight, yumuko ka lang" sabi ni Nanay, kaya napayuko ako naman ako. "Ganyan ka lang muna" bigla akong kinabahan. Tinignan ko kung anong gagawin ni Nanay, may kinuha siya sa may unahan ng habang ipit sa balikat at tenga niya yung cellphone. "May nakasunod sa amin." sabi niya, habang hawak yung baril at may nilalagay sa unahan nito. Napatingin ako kay Tatay na seryoso lang sa pagmamaneho. Gusto ko sana itanong kung bakit wala siyang ginagawa tulad ng ginagawa ni Nanay. Nilabas ni Nanay ang ulo niya sa nakabukas na bintana at ginamit niya ang baril. Halos nakaupo na ako sa sahig ng sasakyan kaya nakikita ko ang mga bawat galaw ni Nanay. Umayos ng upo ni Nanay habang hawak pa rin niya ang baril niya. Nakikita ko sa side mirror niya na pagewang-gewang na ang isang sasakyan sa likod namin. "Nice Shot, Life" "Manahimik ka dyan, meron pang tatlo." "Alam kong kaya mo sila." Nag-focus uli si Nanay sa ginagawa niya sa pagbaril sa mga gulong nang sasakyan na nakasunod samin. Nang wala ng nakasunod sa amin ay nakahinga na ako nang mahuwag. Pero hindi pa rin ako umalis sa upo ko sa lapag. "Okey na Twilight" hawak ni Nanay sa mukha ko. Tumango lang ako habang nakatingin sa kanya at umayos na ng upo sa sasakyan. "Wag kang matakot, nandito lang kami para bantayan ka" hawak ni Nanay sa baba ko para makatingin sa kanya. Napatango na lang ako, kahit na hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari at mga nakikita ko. 'Lagi na lang ba akong ililigtas nila? kahit na sa kabila rin nang lahat ay ang buhay rin nila ang pwedeng maging kapalit ng lahat?' "Cous!" nakita ko ang mukha ni Zhynly. "What happened to you?" Nakahawak siya sa balikat ko pero tinanggal ko ang kamay niya. Nakahawak lang ako sa pulsuhan niya at binagla ko rin yung binatawan ng biglang sumakit lalo ang ulo ko. Humawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko at hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. 'Hindi yun totoo!.. Hindi ko yung mga alaala. Hindi!'. "Cous!" tawag ni Zhynly. Tinignan ko siya at nakaupo na siya sa lapag habang nakatingin sa akin na halatang nag-aalala pero hindi niya akong magawang hawakan. "Umalis ka muna, Zhynly!" mahinahon na sabi ko. "No!, Nag-aalala ako sa'yo, ano bang nangyayari sa'yo? Tatawagan ko si Mama" "Don't you dare do that!" tinignan ko siya at nakita ko ang takot sa mukha niya. "Please, leave me for a while... Please?" "S-Sige" tango niya at naglakad na papalabas ng kwarto ko. Tinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. "Hindi yun totoo, Twilight. Isa lang 'yung imagination... Pinipilit mo lang na makaalala ka" hawak ko pa rin ang ulo ko. 'Pero paano kung totoo ang lahat?!. Paano kung nagsisinungaling ang pamilya ko sa akin? Sinong makakatulong sa akin na alamin pa ang lahat?... Damn! Twilight. Kakayanin mo pa bang malaman ang katotohan?'. Tumingin ako sa laptop ko at madali kong tinanggal ang flashdrive na naglalaman ng mga impormasyon, na maaaring magamit ko sa paghahanap ng sagot sa mga tanong ko. Tumayo ako sa kama ko at nilagay ko ang flashdrive sa drawer ko kung saan walang makakakuha nito. Napahinto ako nang maisip ko na hindi si Zhynly ang makakatulong sa akin, dahil kasama siya sa nakita kong nagsinungaling sa akin. Pumunta na ako sa banyo, I feel like I need to freshen up after that. Ayokong makita nila na may nakikita ns akong alaala o kung ano man 'yun na hindi pa malinaw sa akin. ~~~ Nang makababa na ako sa hagdan nakita ko si Zhynly na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at nilapitan ko siya. "Sorry, Pippa Zhynly. Kasi naman eh! panira ka ng moment may binabasa akong nakakaiyak sabay papasok ka!" I lied. "Akala ko kasi kung anong nangyari sa'yo, Cous" pilit na ngiti niya. Nang mapatingin ako sa kamay niya, na nakahawak sa pulsuhan niya. Nanlaki ang mata ko at agad na tinignan ang kamay niya. "Anong nangyari sa'yo? Ito ba yung nahawakan ko kanina?" "Yup, pero ayos lang ako. Matagal ko na rin naman 'tong iniinda" tipid na ngiti niya. "Medyo masakit nga eh, pero kaya ko naman" I pouted. "Sorry talaga, Zhynly." "Okey lang, Cous. Pero sana--" tumingin siya sa mata ko. "Sana pagkatiwalaan mo ako" 'Hindi muna sa ngayon, Zhynly. Lulutasin ko 'tong mag-isa. Kung meron man akong kailangan na tao. Hindi ikaw yun'. "Ano bang pinagsasabi mo dyan, Zhynly?. Syempre pinsan kita kaya pagkakatiwalaan kita. Bakit ba ang drama mo?" tingin ko sa kanya ng nakangiti at tumawa pa ako. "Para kang tanga sa expression ng mukha mo. Mukha bang hindi kita pinagkakatiwalaan?" "Hindi naman sa ganun, Cous. Pero sana nga mali ang iniisip ko" "Sa tingin mo? Bakit hindi naman kita pagkakatiwalaan? Wala ka naman sinekreto sakin dati, right?" tingin ko sa mga mata niya ng bigla siyang umiwas ng tingin. "Oo naman, Cous" 'Bakit kailangan mong magsinungaling, Zhynly? Alam kong may tinatago ka sa akin dahil nakikita ko 'yun sa mga kinikilos mo'. "Yun naman pala eh!. Hehe!.. Paalam tayo kay Nanay lumabas bili tayong cupcakes" ngiti ko sa kanya. "Sige, tara" ngiti niya rin. Yung ngiti na alam kong walang pangamba. Naglakad na kami papunta sa may kusina ng makita ko si Nanay na naghuhugas ng pingan. "Nanay!" ngiti ko sa kanya at ngumiti rin siya. "Pwede po ba kaming lumabas ni Zhynly para bumili ng cupcakes?" "Hindi pwede" sagot ni Nanay. "Kung hindi ako kasama." "Sasama ka, Nanay?" 'Parang ayaw ko'. "Yiee!.. Ang saya!" 'I lied again,' "Mag-mall na lang tayo" "Oo nga no? Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag-bonding" "Masaya yun kung kasama pa natin si Tita Sunshine. Diba? Zhynly?" ngiti ko naman sa kanya. "Oo naman, Cous. Tatawagan ko na lang si Mama" sagot niya at naglakad palayo. Tumingin ako kay Nanay na busy sa pagtapos ng paghuhugas niya. Sana simple lang ang buhay ko at hindi ganitong komplekado. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD