Chapter Ten

3549 Words
Chapter Ten: Amber Ice's POV Napatingin ako sa pinto nang makita ko si Grayson at kasunod na niya si Travis. Tinignan ko si Travis ng masama at kinindatan naman niya ako. What the?!. "Hoy! Travis White, may kasalanan ka pa sa akin wag mo akong inisin dyan!." turo ko sa kanya. "Paimportante ka lagi!. Bwisit ka!" "Ganun talaga kapag gwapo" ngiti niya pa. "Aah? Talaga?" lapit ko sa kanya. "Baka gago!" sabi ko sabay batok sa kanya. "Aray ha? Masakit yun?" kamot niya sa ulo niya. "Nilakasan ko pa kung ayaw kitang saktan diba? Tanga!" Inis na sabi ko sa kanya. I looked at him from head to toe. "Kulang pa nga yan ginawa ko sa'yo" "Wag kasing nagagalit sa gwapo, tignan mo Miss Amber ang panget mo na" turo niya sa akin. "Excuse me? Kahit kailan hindi ako pumapanget. Goddess to ng magaganda" taas ko sa kilay ko and I flipped my hair. "Saan banda?" tingin ni Travis sa akin. "Ito!" susuntukin ko sa na siya sa mukha pero nakaiwas siya. "Miss Amber wag sa mukha ko. Walang pagpapantasyahan si Sam" ngiwi niya at biglang nanlaki ang mata niya. "A-Ano ba yung pag-uusapan natin?" bigla niyang binago ang topic at naupo sa couch. "Sino si Sam?" tingin ko sa kanya. "Wal--" "Samantha Williams also know as Athan Reyes. Isang anak ng isang mafia na kasama sa thirteen group ng Mafia Assassin Organization." paliwanag ni Rexie. "Bigatin" ngisi ni Mike. Binalik ko ang tingin ko kay Travis na biglang tumahimik at naging seryoso ang mukha niya. 'Ano naman kayang iniisip nang kalokohan nang isang 'to?'. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin" umupo siya sa tabi ni Grayson. "Anong problema mo?" para kasi siyang nairitang. "Wag kang mag-alala tutulungan kita kay Athan." ngiti ko at ngumiti naman siya. "Pero dahil may kasalanan ka pa sa akin. Sorry next time na lang" "Paasa!. Kay Kelly na lang ako magpapatulong, kung papayag 'tong si Grayson" siko niya kay Grayson. "Wag ninyong sabihin pinopormahan ninyo ang dalawang nagbabantay kay Miss Twilight?" tanong ni Mike. "Pati ikaw, Grayson?" "Ano naman?" tingin ko kay Mike. "Ingit lang kayong dalawa eh!. Wala kasi kayong lovelife puro kayo imagination" tumawa ako. "Oo nga!" tumawa si Travis habang hawak yung tyan niya. "Hindi kasi kayo gwapo, katulad ko" malakas na tawa ni Travis kaya napahinto ako sa pagtawa. "Tama na nga yan!. Wala akong pinopormahan. Kaya pwede ba? Tigilan mo na sila Kelly, Travis!" Lahat kami natahimik sa sinabi ni Grayson. Minsan lang naman siya magsalita nang ganyan kaya nakakagulat parin kapag nangyayari yun. Katulad na lang ngayon. I sighed. Naupo na ako sa may single couch at tinignan silang apat. "Pinapunta ko kayo dito para sabihin na... hayaan ninyo na si Cloude" "Anong ibig mong sabihin na hayaan?" seryosong tanong ni Travis at nakatingin naman sa akin yung apat. "Hayaan ninyo na muna siya. Wag ninyo na munang ipapilitan sa kanya ang mga bagay na gusto ninyo maalala niya" ngiti ko sa kanila. "Pero paano ang engagement party nila Cloude? Papayag ka na lang?" tanong ni Mike. Alam ko naman na nag-aalala siya kay Cloude dahil sa kanilang lima na magkakaibigan, si Mike at Cloude ang pinaka-close. "Dahil iyon ang gusto niya kahit alam kong mapapahamak siya" paliwanag ko. "Bakit may problema ba kayo ni Cloude?" napatingin ako kay Grayson na nakatingin sa mata ko. "Wala naman. Gusto ko lang na wag siyang mahirapan. May tamang panahon naman para malaman niya ang totoo. Tyaka hindi naman ako papayag na hindi niya malaman ang totoo." tumingin uli ako sa kanila. "Naiintindihan niyo ba ako?" "Bigla man, pero kung iyon ang sa tingin mong tama, Miss Amber para kay Cloude. Okey lang sa akin" sabi ni Travis. Ngumiti ako. "Ayoko rin kasi nakikitang— Wala. Sige, kailangan ko na nga palang umalis. Late na ako sa meeting ko. Bwisit ka kasi!" turo ko kay Travis sa tumawa lang. "May mga gusto pa sana ako sa inyong sabihin pero late kayo. Basta bantayan ninyo sina Cloude at Twilight. Lalo na wala si Zhynly sa tabi niya" tumingin sila sa akin. "Grayson, ikaw ang magbantay sa lahat ng galaw ni Cloude. Travis, ikaw kay Twilight. Ikaw Rexie, bigyan ako ng report tungkol sa mga nangyayari sa Organization. Kailangan kong malaman yun, kaya mo naman yun diba?" tingin ko kay Rexie. Si Tito Ricky siya ang kanang kamay ni Dad kaya sigurado ako maraming alam si Tito na pwedeng malaman ni Rexie. "Oo, Miss Ai kaya kong paraanan yan" "That's good" "Eh? Ako?" tanong ni Mike kaya napatingin ako sa kanya. "Okey lang ba sa'yo?" "Okey lang kung ano ang iuutos mo. Nasa Hollis group pa naman ako, diba?" seryosong sabi ni Mike. Hinihintay niya rin ang utos ko sa kanya. "Okey, Mr. Merrick, parehas lang tayo nang gagawin ni Rexie. Bigyan mo ko ng report about sa nangyayari ngayon sa organization." "Don't worry hindi ito malalaman ni Mr. Merrick. Kaya ko 'tong mag-isa. Tyaka, kahit ako pa ang isa sa mga kalaban ni Cloude dahil anak ako ng isang Merrick. Tutulong ako kasi kaibigan ko kayo" natigilan ako sa sinabi niya. Ang serious naman. Napatingin ako sa tatlong dahil bigla silang nagpalakpakan at napapailing habang nakatingin kay Mike. Kapag talaga tinopak sila nagsasabay sila. Kahit si Grayson sumasali sa kalokohan. Mga baliw talaga!. "Isa kang alamat, Jordan!" sabi ni Travis at tumayo pa habang pumapakpak. "Best in friendship " tayo naman ni Rexie. "Ibang klase!" tayo rin ni Grayson at pumapalakpak pa rin silang tatlo. Bigla ko tuloy silang namiss na magkakasamaang lima. Yung mga kakulitan at kalokohan nila, hindi tulad ngayon marami kaming hinaharap na problema. "Mga siraulo!. Ingit lang kayo kasi magaling akong magspeech. At ako ang pinakagwapo sa atin" "Ulol!" sabay ng tatlo. "Sayang wala dito si Cloude, ang sarap ninyong video-han" sabi ko. Nakita kong napatingin sila sa akin at sabay-sabay silang naupo. "Parang ayaw ninyo kasama ang kapatid ko ha?" "Hindi yun, Miss Amber" sabi ni Travis. "Baka kasi magviral, mas lalo pang dumami yung fan girls ko." hawak niya baba niya at bigla akong kinidatan. Binato ko siya ng heels ko at natamaan siya sa dibdib niya. "Sige na alis na ako" paalam ko pagkatapos ibalik ni Grayson ang heels ko sa tapat ng paa ko. "Thanks" "Ingat, Ate Ai!" sabay nila Travis, Mike at Rexie. "Sabay na ako sa'yo, aalis rin naman ako eh!" sabi ni Grayson. "Okey!" ngiti ko sa kanya at naglakad na kami palabas. Kahit kailan gentleman talaga si Grayson at swerte ang babaeng mamahalin niya. "Bakit?" "Ha?" takhang tanong ko. "Bakit nakatingin ka sa akin?" "Aah? Wala. Inisip ko lang na ang swerte ng babaeng mamahalin mo. Ang bait mo kasi" sabi ko. "Ganun?" mahina siyang tumawa. "Yung babaeng minahal ko noon, may mahal na siyang iba hanggang ngayon. Kaya pinalaya ko na siya, kahit hindi niya alam na gusto ko siya, ay minahal ko pala" sabi niya habang nakatingin sa akin. "Baka hindi talaga para kayo" hawak ko sa ulo niya at ginulo ko. Kahit matangkad siya sa akin gusto-gusto ko na ginagawa pa rin silang mga bata paminsan-minsan. "Tyka dapat sinabi mo baka may pag-asa ka" "Sa tingin ko wala" tanggal niya sa kamay ko sa ulo niya. "Kasi ngayon alam ko na kung anong turing niya sa akin. Parang kapatid lang" napatingin ako sa kanya at nakita kong ngumiti siya. "Mauna na ako, Miss Amber" tingin niya sasakyan niya. "I—Ingat" ngiti ko sa kanya. Napatigil ako dahil iniisip ko ang mga sinabi ni Grayson. 'Baka masyado lang siya nainlove doon sa girl. Sino kaya yun?. Siguro may mahal na talaga yun kaya hindi niya napansin si Grayson, kaya hindi na rin nagkalakas ng loob si Grayson sa kanya.. Hindi siguro talaga sila meant to be.' * * * * * * Althea Skyler's POV Nang makapasok na ako sa kwarto niya nakatingin lang ako sa mukha niya. Alam kong mahal ko pa rin siya pero kapag iniisip ko kung gaano kalungkot nang mawala si Mommy dahil kay Mr. Hollis. Nawawala ang pagmamahal ko sa kanya at napapalitan ng galit sa ama niya at sa kanya. Nakita kong nakatingin na pala siya sa akin. "Are you mad at me?" "Of course not" layo ko sa kanya. "Why?" "Para mo kasi akong papatayin sa tingin mo kanina" sabi niya at naupo sa kama niya. "Tss! My head!" hawak niya sa ulo niya. "Wait!" kinuha ko ang gamot na binigay ng Mom niya para sa hang-over niya. "Here" abot ko sa kanya. "Thanks. But I don't need that" "Bakit ka nag-inom? mukhang marami kang nainom at nagkaganyan ka? May problema ba tayo?" umiling siya. "May naaala kana ba?" "Paano kung meron?" napalunok ako. 'Iiwan niya na naman ako. Hindi pwede!. Mapupunta na naman siya sa Twilight na yun!. Hindi pwede!. Hindi siya pwedeng mawala sa tabi ko, sa akin na siya ulit. Akin na siya ngayon'. "Babe!." nakita ko na lang ang kamay ni Cloude sa braso ko. "I–I'm sorry" nakatingin siya sa kamay ko na nagdudugo. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa sugat sa kamay ko. Hindi ko akalain na mababasag ko ang baso sa harapan niya dahil sa mga iniisip ko. "I'm s-sorry, it's hurts, babe. I don't like blood" tingin ko sa taas. "Don't look, just stay here" tumayo siya at naglakad palabas. Tinignan ko ang sugat ko. 'I want to see your blood, Cloude Yule. Gusto kitang makitang mamatay, ang pamilya mo at ang pamilya ni Twilight dahil sagabal sila sa plano ni Dad. Pero dahil kailangan ka pa namin, kailangan mo pang maging buhay. Kung mamahalin mo ako ng totoo, ikaw mismo ang pumatay sa pamilya mo at samahan kami ni Dad sa mga gusto namin.' "What's wrong with you?!. Mas lalo mo pang pinapadugo!. Are you insane?!" masamang tingin niya sa akin. "I-I'm sorry, bigla lang akong may naalala" Tinignan ko siya at mukhang hindi siya naniwala sa akin pero kita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nilinis ang dugo sa kamay ko "I love you" Tinignan niya ako at ngumiti. "I love you too" sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. "I'm sorry. Wala pa talaga akong naaalala" "Alam ko naman yun eh! Hindi ka naman mag-sisinungaling sa akin, right? Hindi mo rin ako iiwan?" "Yes, I will not leave you, because I always need you and I love you" sabi niya sa akin. Napangiti ako at hindi ko napigilan na yakapin siya. 'I'm sorry, Cloude'. "I love you to much, Cloude. Hindi ko kayang mawala ka, dahil papatayin ko siya kapag kinuha ka niya uli sa akin" "Who?" "What?" tingin ko sa kanya. "Nevermind." sabi niya at ginamot na ang sugat ko. "By the way, why are you here?" "Masama bang kumustahin ka?" "Of course not. I'm happy to see you, but you know Ai right? She doesn't want to see you here" "Maybe it's okey with her, that's why I'm here now. Hindi na niya ako sinungitan kanina nang makita kami, kahit hindi niya ako pinansin siguro okey na sa kanya na nandito ako. Masaya na ako doon" "That's great!" ngiti niya at tumango naman ako. "I'm here because I want to let you know something. I have to go back to America. May kailangan kaming asikasuhin ni Dad, ayoko nang iwan ka, but I have to go. May business kami na kailangan asikasuhin ni Dad at dapat nandoon ako. Pero babalik agad ako, as soon as possible. May engagement party pa tayo, diba? Excited na ako doon" ngiti ko habang nakatingin sa kanya. "Hmm! Gusto ko nandoon ang family and friends mo" "Wag kang mag-alala, makakapunta sila." hawak niya sa kamay ko at hinalikan pa iyon. "Please, take care of yourself there, wala ako sa tabi mo. Hindi rin ako makakasama sa'yo dahil may mga aasikasuhin pa ako sa school" "Naiintindihan ko, I love you, Cloude" ngiti ko at nilapit ko ang labi ko sa kanya. 'Hindi ko hahayaan na mawala ka pa sa akin at hindi ko hahayaan na magkita pa kayong dalawa.' * * * * * * Autumn's POV (Jessieca Merrick) Nasa bahay na ako at masaya ako kasi laging nasa tabi ko si Homer. Lagi niya ako inaalalayan kahit nakikita ko na nahihirapan na siya. Nakita ko siyang may hawak ng tray at nakangiti sa akin. "Hi! Baby, how are you?" "I'n fine. Thank you baby for taking good care of me. You're the best, Doctor" "Nambola pa. Mag-aaral ako para maging doctor at ako na ang mag-aalalaga sa'yo" halik niya sa noo ko. "Really?" "Yes" tingin niya sa akin at tumango. "Seryoso ka sa sinabi mo?" "Oo, seryoso ako. Mahal kita kaya kailangan kitang alagaan" damang-dama ko ang mga salita na binitawan niya. Kaya bigla ako naiyak. "Sssh!. baby, don't cry." "Masaya lang ako kasi minahal mo ako" tingin ko sa mukha niya. "Alam ko pangalawa lang ako noon sa puso mo dahil si Twilight naman talaga ng gusto mo, diba?" "Oo. tama ka. May gusto ako kay Twilight pero ikaw ang sobrang mahal kita. Pangalawa ka naman noon sa tingin mo, alam kong ikaw ang huling mamahalin ko." "Whaa!" hampas ko sa balikat niya. "Nakakainis ka!" "What happened?" "Anong—" Napatingin kaming dalawa sa may pintuan at nandion sila Mom, Dad at Kuya Jordan. Napatingin ako kay Homer na mukhang kinakabahan siya dahil nandoon ang pamilya ko. "Nothing, Dad, Mom, Kuya. Pinapakilig lang po ako ng boyfriend ko" ngiti ko habang nakatingin kay Homer na nag-aalangan pa rin na tumingin sa pamilya ko. "Ang sweet nila, Honey" sabi ni Mom habang nakayakap sa braso ni Dad. "Hindi rin" sabi ni Kuya. "Wala ka kasing girlfriend. Belat!" dila ko sa kanya at niyakap ko ang kamay ni Homer. "I love you, baby" "I love you too" mahinang sabi niya. Nahihiya siya sa pamilya ko. Ang cute. "Tama na nga yan. Hoy! Homer, pakausap nga muna dyan sa kambal kong panget!" sabi ni Kuya. "Sorry, I'm not panget. Maganda kaya ako, right. Mom, Dad?" "Yes, Jessieca. Sige baba muna kami. Ikaw, Homer. Sumama ka muna sa amin sa baba para makapag-usap ang kambal namin" "Sige po." tinignan niya ako at ngumiti. Tumango naman ako at pumasok na si kuya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Okey na ako" "Pinakilig ka lang okey kana?. Ang putla mo pa rin" hawak niya sa noo ko. "Yiee! Nag-aalala siya sa akin" ngiti ko. "Hindi no? Sobrang nag-aalala." biglang lumungkot ang mukha niya. "Sana sa akin na lang ang sakit mo para hindi ka nahihirapan" "Ang sweet mo, Kuya." "Hindi ako sweet no? Yummy ako" sabi niya at tumawa. "Eww!.. Oo nga pala kuya kumusta na sila Twilight at Cloude?" "Okey naman sila. Okey si Cloude, mukhang okey naman si Miss Twilight. Tuloy pa rin yata ang engagement ni Cloude at ng Ate mo" "Talaga? Pumayag si Cloude?" "Oo, mahal niya si Althea eh!. Kung hindi niya mahal 'yun, malamang hindi 'yun papayag" sabi niya. "Paano na si Twilight?. Kumusta na siya? Gusto ko siyang makita" Tinignan ako ni Kuya. "Hindi pwede, wala si Zhynly sa tabi niya para ipaliwanag ang lahat. Umalis si Zhynly kasama ng magulang niya. Tyaka hindi pa pwede sa'yo lumabas, mas mabuti pang magpalakas ka muna" "Tama ka. Baka galit pa rin sa akin si Twilight sa ginawa ko sa kanya noon" I pouted. "Pinatawad kana nya, diba? Ayun ang isipin mo at hindi ang nakaraan" "Hindi naman niya naalala na napatawad na niya ako. Hindi niya alam na naging magkaibigan na kami." sabi ko. "Wag mo nalang isipin 'yun, magiging maayos din ang lahat" sabi ni kuya at tumango lang ako. "Kuya, galit ka ba kay Mom at Dad?" "Hindi ko alam" sagot niya. "Mahirap ba sa'yo na tumira sa kanila? na makasama kami?" "Hindi ko alam, Jessieca. Ang alam ko lang, mas gusto kong mag-isa dahil nasanay na ako sa ganun. Kaya kung pipilitin mo ako na tumira sa magulang natin? hindi ko yata magagawa 'yun." "Naiintindihan kita, kuya." ngiti ko. "Pero sana lang, wag mong isara ang puso mo sa amin ng totoong pamilya mo. Gusto ka rin namin makasama" Alam ko naman na hindi pa siya komportable sa magulang namin, pero masaya na akong makita na nag-uusap sila. "Ngayon ang isipin mo at hindi ang nakaraan, Kuya" sabi ko. Umiling siya. "Sana ganun lang kadali. Hindi mo maaalis sa akin ang isipin ang nangyari noon. Masakit para sa akin na mawalan ng magulang dahil ramdam ko ang pagmamahal at pagpo-protekta nila sa akin kahit hindi nila ako tunay na anak." seryosong sabi niya. "Naka nang!.. ang seryoso ko ba?!" sabi niya at malakas na tumawa. "Kuya, nagkagirlfriend kana ba?" napahinto siya sa pagtawa at tumingin sa akin. "Alam kong gwapo ako pero wala pa eh!." tumawa uli siya. "Natatakot ka bang magmahal?" nakita kong natigilan siya at napaiwas ng tingin sa akin. "Oo o hindi?" "Ewan ko!. Tama na muna sa akin ang mga kaibingan ko at syempre ikaw" tingin niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Pero ipagdarasal ko pa rin na makita mo na ang babaeng para sa'yo. Baka tumanda ka mag-isa, panget ka pa naman" "Hoy! Hindi ako panget. Habulin 'to ng mga chicks. Kaso hindi nila ako maabutan. Hahaha!" "Bakit ano ba 'yung gusto mo, 'yung sasamahan ka sa trip mo sa buhay?" "Gusto ko?... parang ganun, sasamahan ako tumakbo sa trip ko sa buhay, pero handa naman akong huminto at maglakad para sa kanya. Kaso lang, hindi ko pa siya nakikita eh!" tawa pa niya. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya pero mukhang malalim ang mga iyon. Kawawa naman ang babaeng magkakagusto sa kuya ko. "Ewan ko sa'yo!. Saan ka nga pala galing?" "Sa warehouse nagpameeting lang si Ate Ai" paliwanag niya. "Akala ko ba ikaw ang papalit sa akin? Pero bakit nasa Hollis ka pa rin nagtatrabaho at hindi kay Dad?" "May kailangan pa ako gawin doon, wag kang mag-alala hindi ko naman hahayaan na ikaw ang pumalit sa kanya. Ayokong mahirapan ka" "Alam ko yun. Salamat!" ngiti ko. "Anong salamat? may bayad yun no?" "Anong bayad?" "Magpagaling ka. Mas gusto ko pang makita na maldita atmaarte ka kaysa nakahiga ka lang dyan at maputla. Aalis na rin ako" sabi niya at tayo niya sa pagkakaupo. "Magpagaling ka ha?" "I will" ngiti ko. "Tatawagin ko na si Homer" lakad niya papunta sa labas. * * * * * * Homer Red's POV Nasa living room kami habang nasa harapan ko ang magulang ni Autumn. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil parang may gusto silang sabihin sa akin. "Homer" napalunok ako at tumingin kanila Tita Jessa at Tito James. "Po?" tanong ko. "Nagpapasalamat kami sa'yo dahil inaalagaan mo ang anak namin" nakangiting sabi ni Tita Jessa. "Mahal ko po ang anak ninyo, kaya dapat ko lang po siyang alagaan" ngiti ko. "Pero hindi sapat ang pagmamahal sa mundo, Homer" nawala ang pagkakangiti ko at napatingin ako kay Tito James dahil sa sinabi niya. "James..." sabi ni Tita Jessa. "Hindi ikaw ang nararapat sa anak ko" deretsong sabi ni Tito James sa akin. "Hindi dahil ayaw ko sa'yo. Pero dahil hindi ka babagay sa kanya at hinding-hindi ka magiging bagay sa kanya" "Ano pong ibig ninyong sabihin?" tingin ko kay Tito James. Kahit kinakabahan na ako sa mga tingin nya, gusto ko pa rin malaman ang dahilan. "Naka-arranged marriage na siya sa taong nararapat para sa kanya. Kaya makipag-hiwalay kana sa anak ko, habang maaga pa" "James... Masasaktan si Jessieca sa ginagawa mong yan. Alam mo yan?!. Pwede naman sila ni Homer hindi ba?" sabi ni Tita. "Alam mong hindi pwede" tingin ni Tito James kay Tita Jessa na nag-aalala na ang mukha. "Masasaktan ang anak natin, James..." "Masaktan man si Jessieca nandito naman tayo para sa kanya" tingin ni Tito James kay Tita Jessa "Makipaghiwalay kana, Homer sa anak namin" "Hindi ko po gagawin yun" tayo ko. "Hindi ko po kayang hiwalayan at iwan ang anak ninyo. Dahil mahal ko po ang anak ninyo. Mahal na mahal ko po si Autumn" "Tulad ng sinabi ko sa'yo, hindi sapat ang pagmahal, Homer. Hindi ikaw ang para sa anak ko at hindi siya ang bagay sa'yo!" madiin na pagkakasabi ni Tito James. "Hindi mo siya kayang iligtas sa mga panganip na pwedeng mangyari sa kanya. Dahil isang si Homer Red Montel ka lang!". Bigla akong nambaba sa sarili ko. 'Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa akin.' Napatingin ako sa mukha ng magulang ni Autumn. Gusto kong mawala sa harapan nila dahil sa narinig ko mula sa ama ni Autumn pero hindi ko kayang mawala si Autumn sa akin lalo na ngayon na mahina siya. Napayuko na lang ako. 'Bakit hindi ko siya mapaglaban sa magulang niya?'. "Homer, hinahanap ka ng kapatid ko" napatingin ako kay Mike na seryosong nakatingin kay Tito James. "Kailangan ka niya" tingin sa akin ni Mike at ngumiti. "Sige na, puntahan mo na siya doon, baka bigla pa 'yung tumayo dahil tagal mo" "S-Sige" tumingin ako sa magulang nila ni Autumn at tumango lang si Tita Jessa habang si Tito James nakatingin kay Mike. Dumaan ako sa gilid ni Mike ng bigla siyang magsalita. "Wag mong iiwan ang kapatid ko. Wag mong iiwan si Autumn" lingon niya sa akin kaya tumango naman ako. "Ako na ang bahala dito" * * * * * * ,^^v
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD