Chapter Nine

3311 Words
Chapter Nine: Kelly Ann's POV Hindi ako makatulog kahit alas-dos na nang gabi kaya bumangon ako sa kama ko para pumunta sa may maliit na balcony ng condomium na tinitiran. Nakatingin lang ako sa layo habang nakikita ko ang mga liwanag ng ilaw sa baba na akala mo bituin dahil sa maliliit na ang ilaw. Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ng tumunog ito. Nakita ko yung pangalan niya. 'May problema na naman ba siya?' Tinap ko ang answer botton ng cellphone ko. "Hello!..." "Punta ka dito sa bar hintayin kita" pagkasabi niya ay nawala rin yung tawag niya. "Anong problema niya?" Pumunta ako sa kwarto ko para kuwain ang jacket ko at nagsuot ako ng pants habang nakasando lang ako sa loob. Naglakad na ako papunta sa pinto para lumabas. Pumunta ako sa bar kung saan lagi kaming nagkikita tuwing may problema kaming dalawa. Pumasok na ako sa bar at madali ko siyang nakita. Uminom siya ng alak at niyuko niya yung ulo niya sa may lamesa. 'Mukhang may problema nga siya. Ano na naman kaya yun?' "Hey!" umupo ko sa tabi niya. "Mukhang hindi ka okey? Lovelife na naman ba yan? Wala na yata akong mapapayo sa'yo" biro ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla kasi siyang tumingin sa akin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. "Gusto ko lang makasama ka". Mas nagulat ako sinabi niya at bigla akong napalunok kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. 'Bakit siya ganito?' "Ganun ba?" ngumiti na lang ako. "Akala ko may problema ka nanaman eh!" "Wag kang mag-alala kapag nandyan ka naman parang wala na akong problema" nagulat na naman ako sa sinabi niya. 'Ano bang sinasabi niya?'. Bigla niya akong inakbayan habang nakangiti. "Joke lang, pare!" sabi niya at tumawa 'Joke lang pala'. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala siyang side. Parang hindi kasi bagay sa tahimik at seryoso niyang mukha. "Ahh! Joke, marunong ka pala mag-joke. Akala ko pa naman napakaseryoso mong tao" pagbibiro ko at nakita kong ngumiti naman siya. "Umuwi kana, lasing kana" tanggal ko sa braso niya sa balikat ko pero hindi ko matanggal kaya tinignan ko siya. "Okey. Sabi mo eh!. Tara na" siya habang nakaakbay pa rin sa akin. Kaya hinayaan ko na lang dahil mukhang marami na siyang nainom. Tumayo ako habang nakaakbay pa rin siya sa akin. "Pinapunta mo lang pala ako dito para may magpauwi sa'yo. Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo kanina" sabi ko at ganun pa rin siya nakangiti lang. "Baliw kana ba?" Tumawa lang siya. "Tara na nga!" "Okey" sabi niya kaya inalalayaan ko na siya palabas ng bar. * * * * * * Athan's POV (Samantha Williams) Pumunta na uli ako sa parking lot dahil mukhang wala naman si Kelly sa unit niya. 'Baka nasa bar'. Kaya pumunta agad ako sa sasakyan ko para magdrive. ~~~ "Kelly!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig. 'Sino yung kasama niya? Yung kayakap niya?.' Bumaba ako sa sasakyan ko para puntahan siya. "Kell—" hindi ko natuloy ang pagtawag ko sa kanya dahil may humila sa akin. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito, Bwisit ka?!" hawak niya ang kamay ko. "Kahit sa dilim kilala mo pa rin ako baby girl" Yuck! Baby girl. 'Bwisit na lalaking 'to. Lagi na lang ba siya eeksena sa buhay ko. Bwisit!.' "Nagkaroon pa sa apelido mong White, kung hindi ka kita sa dilim. Bitiwan mo nga ako!" sarcastic ko sabi sa kanya at hila ko sa kamay ko. Tumakbo ako papunta kay Kelly at tumingin naman siya sa akin na parang nagulat rin. "Kelly!. Sino yang kasama—Grayson?" 'Anong meron sa kanilang dalawa?.' "Kasi Athan—" "Wag ka nang magpaliwanag sa kanya, Kelly. Ingit lang yan si baby girl, wala kasi yang lovelife. Nandito naman ako" sabat ng bwisit na lalaki na nasa likod ko. "Palibasa tomboy" "Wag ka ngang makisabat. FYI hindi ako tomboy, bwisit ka!. Aalis na nga lang ako" naglakad na ako paalis sa kanila. "Teka! Athan!" rinig kong tawag sa akin ni Kelly. 'Why she do this to me. Hindi man lang niya sa akin sinabi na nagkikita pala sila ni Grayson. Nilihim niya sa akin. Akala ko kaibigan ko siya!'. "Teka? bakit ako ganito?" Hindi naman ako magdrama. Bwisit kasing lalaking yun eh! 'Tawagin ba naman akong Tomboy. Balibhasa mukha siyang palaka. Tss!' Napahinto ako sa pagtakbo ko. "Athan!" Nakita ko na lang na may motor na tumumba sa harapan ko. Nanginginig ang buong katawan ko. 'Takot ba akong mamatay?'. "Okey ka lang?" napatingin ako sa mukha ng nakayakap sa akin. 'Damn! Anong karapatan niyang yakapin ako?' "Tabi nga!" buong lakas ko siyang tinulak. "Bwisit ka!" "Kunyari ka pa gusto mo rin yakapin kita. May pagnanasa ka rin sa akin kunwari ka pa" ngumiti siya ng nakakaasar. "Kung may pagnanasa man ako sa'yo, yun yung patayin kita!" tingin ko sa mga mata niya. Pero hindi pa rin natinag ang mga ngiti niya. "Ahh!... Patayin ba sa pagmamahal, baby girl? Ang sweet mo naman talaga" sabi niya at pumikit pikit pa. 'Bwisit na nga, abnormal pa. Kotang-kota na siya sa panggagago'. "Hoy! Ikaw bayaran mo ang nasira sa motor ko!" turo sa akin ng lalaki kaya tinignan ko siya ng masama. "Hoy! Wag mo siyang ma-Hoy!. Gusto mong tanggaling ko yang panget mong mukha!." sumabat na naman ang bwisit na lalaki nasa harapan ko. "Athan, ayos kalang?" lapit sa akin ni Kelly. Tumingin ako sa kanya. "Hindi naman ako mahina. Nagulat lang ako dahil may nangyayakap na bwisit sa akin!." tumingin ako sa bwisit na lalaki na nakikipag-away pa rin. "Sandali" naglakad ako papalapit sa kanila. Nilayo pa talaga niya yung lalaki sa akin ha? Bwisit talaga. "Hoy!. Hindi naman ikaw ang kailangan ko" tumingin sa akin ang lalaki. "Yung babaeng yun! Kabibili ko lang yan!" "Bago yun? Dalin mo na lang sa junk shop doon mo yata yan kinuha! Tangna! Bago sa'yo 'to? gaguhan 'to" "Hoy! Ikaw lalaking bwisit! Pwede ba manahimik ka?!. At ikaw naman manong? Mukha kang nakainom, kung may dapat managot ikaw yun. Nakahinto na ako diba?" tingin ko sa kanya. "Akala ko kasi tatawid ka!. Bayaran mo ang mga nasira para wala nang usap-usap" sabi ng lalaki. "Ahh?!. Gusto mong bayaran kita? Edi sige babayaran kita. Tara!" lakad ko. "Saan tayo pupunta?" "Oo nga? bakit siya ang niyaya mo? Pwede naman ako nalang ang sumama sa'yo—" tinignan ng masama yung lalaking bwisit nangengelam na naman. "Doon tayo sa mga pulis magbayaran. Tignan natin kung sino ang magbabayad at pwedeng makulong" naglakad na ako pauna. "Wag na nga!." sabi ng lalaki kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi ko naman kailangan ng pera mo!." "Talaga lang ha?" tingin ko sa kanya at naglakad na siya papunta sa motor niya. "That's my baby girl" nakangiting sabi niya. Mukha siyang manyak. "Tigilan mo ako!" duro ko sa kanya. "Hindi ikaw yun no? Tignan mo?" turo niya sa malayo. "Ang sexy at ang ganda diba? Hindi katulad mo" tinignan niya ang kabuuan ko. 'Bastos na bwisit!'. "Mukha mo!. Bwisit ka!" naglakad na ako papunta sa sasakyan ko. "Hihintayin kita sa condo, Ky." tingin ko kay Kelly at kay Grayson na nakasandal sa sasakyan niya. Mukha na siyang lasing na lasing. "Samahan mo na ang selosa mong kaibigan, ako na ang bahala dito sa masikretong lalaking 'to." kuha ni Bwisit kay Grayson. Tinignan ko lang siya ng masama. 'Kailan naman ako nagselos?. Bwisit talaga!. Bakit sobrang naiinis ako kapag nagsasalita siya. Sabagay?. Wala naman kasing kwenta ang mga sinasabi niya. Kaya nakakainis'. "Mauna kana, Athan. Sa sasakyan ko na ako sasakay" sabi ni Kelly kaya tumango na lang ako at naglakad papunta sa sasakyan ko. "Ingat, baby girl. Wag mo akong isipin baka mabanga ka!" rinig ko sabi ng bwisit na tao. 'Abnormal talaga'. * * * * * * Kelly Ann's POV Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kay Athan. 'Mukha pa naman siyang badtrip dahil kay Travis'. "Oh? Anong oras ka pa papasok?" napalingon ako kay Athan na papalapit habang naka-cross arm siya at nakatingin sa akin. Napalunok ako. "A-Akala ko nasa loob kana?" "Nandito ako, diba?" sarcastic na sabi niya. Nakibit balikan na lang ako. "Pasok na tayo. Mukhang masama ang gising mo ha?" binuksan ko na ang pinto. "Nagtanong ka pa ha?" napalingon ako sa kanya. Napatingin ako sa kanya. "Okey ka lang?" tanong ko sa kanya. "Hindi!." sagot niya at nauna na sa akin pumasok. "Nagsesekreto kana sa akin. Anong meron sa inyo 'nung Grayson na yun? Kayo na no? Kailan mo sasabihin sa akin?" sunod-sunod na tanong niya habang papunta sa may sofa para maupo at tumingin sa akin. "Ano?!" Napailing ako. "Okey!. Sorry, kung hindi ko sinabi sa'yo na nagkikita kami ni Grayson minsan sa bar. I mean nagkakataon lang 'yun" kumunot lang ang noo niya. Hindi siya nakumbinsido sa sinabi ko. "Tyaka walang kami, kaya wala akong dapat sabihin sa'yo. O aminin sa'yo." "Eh? Bakit hindi ka naman mukhang lasing?" "Tinawagan niya ako. Akala ko kasi may problema siya" "So? concern ka sa kanya?. Kaya mo pinuntahan? Don't tell me you like him?" napatingin ako sa kanya. "Siguro" lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Pero like him? Hindi" tingin ko kay Athan. "Hindi?. Wag mo akong lokohin!. Alam mo Kelly Ann Curtiz matagal na tayong magkakilala at alam kong meron ka ng gusto sa Grayson na yun!" "Teka nga?. Ako lang ba ang hindi nagsasabi dito? Eh? Ikaw nga laging mong kasama si Travis eh!" turo ko sa kanya at nakita ko ang panlalaki ng mata niya. "Hindi ko siya kasama no? Lagi lang yun nakabuntot sa akin. Hobby yata ng bwisit na yun na bwisitin ako!. " "Edi? Ikaw na, ang binubututan ng isang playboy. Ang ganda ng hair" tingin ko sa buhok niya. "Ang haba rin, putulin natin" "Hoy!. Kita mo bang kakagupit ko lang?" Bigla yata akong napanganga sa sinabi niya. 'Hindi niya yata ako nagets?'. "Anong tingin yan?" tingin niya sa akin. "W-Wala naman." ngiti ko sa kanya. "Tulog na ako" naglakad na ako papunta sa kwarto ko. 'May pagkaslow rin pala siya'. "Patulog!" sunod niya sa akin. "Hindi rin tayo makakatulog dahil kailangan mong ikwento sa akin ang tungkol sa inyo ni Grayson!" "Basta ba ikwekwento mo sa akin si Travis" tingin ko sa kanya at inikutan niya lang ako ng mata. Kaya natawa ako. * * * * * * * Travis's POV Nauna akong nagising kay Grayson, sa condo unit na rin niya ako natulog. Hindi naman ako masyadong nakainom kagabi kaya maayos ang gising ko. Nakita ko na ang text ni Miss Amber at gusto niya kaming papuntahin sa warehouse pero tulog pa si Grayson kaya hihintayin ko nalang siya. 'Okey lang naman malate ang gwapong katulad ko.' Napataas ang kilay ko at napangiti ng makita kong gumalaw at padilat na si Grayson. Nasisnagan siya ng araw kaya hirap siyang dumilat. Binuksan ko talaga ang kurtina para magising na siya. "Hi!" kaway ko sa kanya at nakita ko ang gulat niya. "Anong ginagawa mo dito?!" tanong niya at humawak sa ulo niya. "Bakit pre? may iba bang dapat na nandito ngayon?" ngiti ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama. "Anong pinagsasabi mo?" tumayo siya sa kama niya at naglakad papunta sa banyo kaya sinundan ko siya. "May kinikita ka palang babae ha? Hindi mo man lang pinapaalam sa amin" napalingon siya sa akin at kumunot ang noo niya. "Wala akong alam dyan sinasabi mo" Tumango-tango na lang ako dahil ayaw pa niyang magpahuli. "Nakita ko lang naman kayong magkasama ni Kelly" nakita kong nagulat siya. "Magkayakap pa nga kayo" sumandal ako sa may gilid. "Hahalikan mo pa nga siya" syempre biro ko lang yun. "Nagkita lang kami sa bar" "Hindi naman siya lasing" nilagay ko ang kamay ko sa baba ko na umaktong naiisip. Lumabas na siya nang banyo pagkatapos mag-hilamos at tumingin sa cellphone niya. "Pinapapunta pala tayo sa warehouse. Umuwi kana magkita na lang tayo sa warehouse" "Wala kang sasakyan. Iniwan mo kaya sa bar, kaya sumabay ka na lang sa akin. Kukuha lang ako ng damit sa sasakyan ko para makiligo. Marami kasi akong itatanong sa'yo!" sabi ko sa kanya at naglakad na ako papunta sa may pintuan. ~~~ Sakay na kami ng sasakyan ko at pinapadaanan sa akin ni Grayson ang bar kung nasaan ang sasakyan niya. "Bakit hindi mo sinabi na kayo na pala ng Kelly na yun?" "Walang kami." tingin niya sa akin ng masama. "Sus?!. Denial king ka talaga. Bakit nga kayo magkasama kagabi? Nakita namin kayo ni Sam" tumingin ako sa harapan. "at mukha galit si Sam" Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa malayo. "Siguro galit rin yun sa'yo. Inaagaw mo kasi ang bestfriend niya." "Hindi ko inaagaw si Kelly sa kanya. Nagkita lang talaga kami ni Kelly sa bar" "Sus? tigilan mo nga ako, Grayson. Tuwing pumupunta ako sa bar lagi ko kayong nakikita magkasama. Kaya wag mo na akong paglaruan dahil ako lang ang magaling dyan" ngisi ko sa kanya. "Manahimik kana at mag drive ka na lang" "Kung ayaw mong sabihin sa akin, tatanungin ko na lang si Kelly" niliko ko ang sasakyan at hininto. "Iyon na ang sasakyan mo" "Wag mo nang tanungin si Kelly, dahil parehas lang kami ng sasabihin" "Masyado ka namang bakod sa kanya" tawa ko. "Walang makakapigil sa gwapo." ngiti ko nang lumabas siya sa sasakyan ko. "Kita na lang tayo sa warehouse" sabi ko at pinaandar ko na ang sasakyan ko. "Hindi nga pala nagpakain yun si Grayson. Nagutom tuloy ako" napalingon ako ng may makita ako covience store. "Pwede na ang instant noodles sa mga gwapo kapag gutom" ~~~ Naghanap ako na mauupuan ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. "Kelly!" kasama niya si baby girl. Si Sam talaga ang una kong makita pero alam ko naman na hindi niya ako papansinin. 'Pagkakataon ko na 'to para magtanong sa kanya'. "I-Ikaw pala, Travis" hindi lumingon sa akin si baby girl. 'It's hurts naman.' Akala niya siguro hindi ko siya kayang hindi siya pansinin. "Paupo ha?" tabi ko kay Kelly, kaharap naman namin si Athan na masamang nakatingin sa akin. 'Nagseselos na naman yan'. "Nagutom ako. Hindi man lang kasi nagpa-amusal si Grayson" tumingin ako kay Kelly at tumingin rin siya sa akin. 'Siguro gusto niyang tanungin ang sitwasyon ni Grayson.' Binalik ko muna ang tingin ko sa instant noodles na binili ko dahil kanina pa 'yun nakatakip kaya tinanggal ko ang takip. "Gutom na gutom lang?" sabi ni Sam pero hindi ko siya pinansin. "Nga pala, Kelly. Pwede ba kitang yayain?" "Yayain saan?" tanong ni Sam pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Oo nga, Travis. Saan?" tumingin siya kay Sam. "Sa Date... Friendly date" ngiti ko sa kanya. "Opps! Bawal tumanggi, may gusto lang kasi akong itanong sa'yo. Pwede ka naman magsama" balik ko uli sa kinakain ko. Nang bigla akong napaubo dahil sa anghang, nakalimutan kong bumili ng tubig. 's**t! Wala pala akong binili'. "Athan, akin na muna yang tubig mo" hablot ni Kelly sa hawak ni Sam. "O? inumin mo muna" abot sa akin ni Kelly sa may bawas na tubig. Kinuha ko naman at ininom ko. "Para na tayong nagkiss" kindat ko kay Sam. "Abnormal!" tingin niya sa akin ng masama. "Angal ka pa good kisser kaya to" kindat ko uli sa kanya. "Kadiri ka!. Dalian mo! Palitan mo ang tubig ko!" "Oo yung may bawas, yung ako naman yung uminom! Para it's a tie" bigla niya kinuha sa akin ang bote na hawak ko at ipinalo sa ulo ko. "Masakit yun ha?" "Hoy! wag kayong mag-away dito" "Hindi kami nag-aaway!" sabay namin dalawa. "Magmamahalan kami" dagdag ko. "Sira--" "Athan, tama na yan pinagtitinginan na tayo oh!" tingin ni Kelly sa paligid at kay Sam. Naupo naman si Sama habang masama pa rin ang tingin sa akin. Tumayo naman ako. "Sige na, ibibili na kita ng tubig mo" sabi ko at naglakad na ako papunta sa drink section at kumuha ng malaki. Kumuha na rin ako ng ibang pagkain at pumunta na ako sa casher. Nang makabayad ako sakto namang tumunog ang cellphone ko. "Hoy! Playboy! Hanggang kailan mo kami paghihintayin dito?" tanong ni Miss Amber sa kabilang linya. 'Nakalimutan ko!' "Sir, ito na po" abot sa akin ng credit card ko at ng paper bag. Naglakad na ako papunta kanila Kelly at Sam. "Bakit hindi kasumasagot dyan?!". "Oo papunta na ako" "Dalawang oras kanang late!" Tumingin ako sa relo. "Mag-iisa't kalahating oras palang naman eh!" "Masasaktan ka sa akin pagpinaghintay mo pa ako!" "Oo na papunta na" nakita ko tumingin sa akin si Sam. "See you, baby" "Baby?. May pinagseselos ka na naman no?" "Oo baby, mas sweet ka. Can't wait to see you, bye" "Can't wait to punch you!. Travis White" "Hehe" 'Patay.'. "Salamat sa pagpapaupo sa akin ha?. Ito sa inyo na lang kailangan ko na kasi umalis. Yung friendly date natin ha?" turo ko kay Kelly at ngumiti ako. "Bye!" kaway ko at nang tumingin ako kay Sam at kumindat. Naglakad na ako palabas ng convience store. * * * * * * Grayson's POV Nakaupo na ako sa sofa habang katabi sila Mike at Rexie na kanina pa ako inaasar na 'nalate' daw ako. Pero hindi ko na lang sila pinansin dahil may hang-over pa rin ako. Ang dami kong nainom. "Magkasama ba kayo ni Cloude na uminom?" tingin sa akin ni Miss Amber habang pamewang siya. "Oo, pero umalis din sya at umalis din ako. " sagot ko. Sumandal ako at pumikit dahil sumasakit ang ulo ko. "Sandali lang? Bakit sobrang lasing siya?" tumingin ako kay Miss Amber. "Siguro, nag-inom pa siya ng sobra dahil sa mga nasabi ko" "Anong sinabi?" nakita ko na napatingin rin sa kanya 'yung dalawa. "Ha? Wala." ngiti niya. "Tatawagan ko nalang muna si Travis. Paimportante talaga yun eh!" kinuha ni Miss Amber ang cellphone niya bag niya. "Hoy! Playboy! Hanggang kailan mo kami paghihintayin dito?" sigaw niya habang yung dalawa pasimpleng tumatawa. "Bakit hindi kasumasagot dyan?!". "Oo papunta na ako" rinig kong sabi ni Travis. "Dalawang oras kanang late!" hindi ko narinig kung anong sinabi ni Travis. "Baby?. May pinagseselos ka na naman no?" inis na inis na tanong niya. "Can't wait to punch you!. Travis White" narinig kong tumawa yung dalawa at sinamaan sila ng tingin ni Miss Amber. "Baka kasama na naman nun si Athan" sabi ni Mike at tumawa uli sila ni Rexie. 'Pinuntahan niya kaya si Kelly?' "Tss!. Sinabi nang wag niyang puntahan eh!" "Ano yun, Grayson?" tanong ni Miss Amber kaya napatingin ako sa kanya. "W-Wala. Lalabas muna ako" tayo ko at naglakad na ako papunta sa labas. ~~~ "Gray!" Nilapitan ko agad siya. "Pinuntahan mo si Kelly?!" "Chill!. Hindi no? Nagkita lang kami sa convience store. Nakiupo ako tapos niyaya ko siya na mag-date" "Magdate?!" "Oo, bakit masama ba yun?. Pumayag naman siya" "Pumayag siya?" "Oo. Kasi sabi ko bawal tumanggi" sabi niya at tumawa. "Okey lang naman diba? Hindi mo naman siya girlfriend sabi mo walang kayo" "O-Oo, hindi ko siya girlfriend. Pero ayoko na kasama mo siya" naglakad na ako papunta sa loob. "Sus! Selos kalang kasi!" tawa niya. "Hindi ako nagseselos. Sadyang wala lang akong tiwala sa'yo pagdating sa mga babae" "Pasensya ka, wala kasi umaayaw sa kagwapuhan ko" kindat niya. "Si Athan lang" lingon ko sa kanya at ngumisi. "Hoy!. Hindi ah? Pakipot lang yun sa akin" "Pumasok kana nga, kanina ka pa hinihintay!" nauna na ako papasok at sumunod naman siya sa akin at inakbayan ako. "Wag ka nang magselos, pre. Friendly date lang naman yun eh! Kung gusto mong sumama-- double date na yun" bulong niya sa akin. "Ewan ko sa'yo. Idadamay mo pa ako sa kabaliwan mo. Tabi nga dyan!" tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at naglakad na ako pauna sa kanya. * * * * * * #9 #TMA2BA #ElainahM.E
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD