Chapter 7

2206 Words
SABAY kaming nagtungo sa seashore restaurant upang mag-breakfast. "Bilisan mo dyan. Ang bagal mo. 7:30 na oh." Wika ni Kuya Jenrick. Napasimangot naman ako. "Oo na nga po." After namin kumain nagpunta na kami sa dalampasigan kung saan kami sasakay ng bangka para sa island hopping. Nagulat pa ako ng pagdating namin ay naroon na din si Kurt. Tiningnan ko naman siya na parang sinasabi na anong ginagawa niya dito. Nagkibit balikat lang ito. "Oh pare. Mabuti nakasama ka. Sabi mo kasi hindi ka sigurado?" Bati ni Kuya kay Kurt. "Ginising kasi ng maaga." Sagot ni Kurt na sa akin nakatingin. Umiwas na lang ako kahit pa gusto kong kurutin si Kurt. Mamaya niyan makahalata si Kuya. Kinuha ko DSLR ni Kuya at nagkunwaring pinipicture-an ang view. "Ah honey, tara na. Sakay ka na." Tumango ako at sumundo dito, inaalalayan niya akong makasakay sa bangka. Binati at nginitian ko ang ilang makakasama namin sa trip na ito kabilang na sila Jetro ngunit ganoon na lang ang inis ko nang may humabol pa. Ang babaeng kausap ni Kurt kahapon ng dumating kami dito. Ngayon ko lang din napansin na ito rin ang babaeng nakasalubong namin ni Kurt sa condo niya ng magpalipas ako ng gabi doon. "Babe!" Agad namang tumabi kay Kurt si Hipon na hindi naman pinansin ni Kurt. "Saan ka natulog? Katok ako ng katok sa room mo kagabi wala ka naman." maarte pang sabi nito. Tumingin sa akin si Kurt. "Somewhere else." Alam kong narinig din ni Kuya ang sinagot ni Kurt kaya napatingin ito sa kaibigan at sa akin. Nagpatay-malisya na lang ako sa pangambang mabukin na kami ng tuluyan ni Kuya Jenrick. Lihim na nagpasalamat ako nang tabihan ako ni Jetro at batiin si Kuya. "Hello, Marian. Ganda mo pa din kahit halatang puyat ka ah." na sinuklian ko na lang ng ngiti. Tahimik ako buong byahe at pasimple lang na binabantayan sina Kurt at Hipon. Paminsan-minsan lang din akong nagsasaluta kapag tinatanong nina Kuya at Jetro. Napansin nga din ni Kuya na bakit ang tahimik ko na dinahilan ko na lamang na masakit ang ulo ko dala marahil ng mga nainom na alak kagabi. Pagkarating sa unang isla, lahat kami ay napahanga sa nakita. Ang ganda ng lugar. Indeed a paradise on earth. Napaka-pino ng buhangin at ang linis ng tubig. Maraming puno at may ilang activities na inilagay ang nangangalaga sa isla. May wall climbing, banana boats, zipline, at sa mga gustong mag-relax ay may kiosk kung saan puwedeng bumili ng pagkain. Hangang-hanga ako sa lugar at tuluyan ko na munang nakalimutan si Kurt at ang babaeng Hipon dahil naging abala ako sa pagkuha ng litrato sa paligid. I may not be a professional photographer, but for memory keeping lang ito. Nakita ko naman na takbong-takbo palapit sa akin si Jetro. "Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba galing?" "Ha? Para saglit lang naman. Tingnan mo madami akong pictures! Ang ganda talaga dito!" excited ko pang pinakita sa kanya sa DSLR ang mga nakunang pictures. "Anong saglit lang? Isang oras ka na naming hinahanap." Wika ni Jetro. "Hala talaga? Anong sabi ni Kuya?" nagulat ako na ganoon na pala katagal akong napahiwalay sa mga kasama. Masyado akong nalibang. "Nag-aalala. Alam daw nya kasi kasunod ka lang namin. Nawala ka na lang bigla." Nangamba ako sa sinabi nito. "Tayo na. Nasaan na ba ang mga kasama natin? Baka magalit na si Kuya." hinila ko sya sa kamay para makatakbo. Magkahawak-kamay kaming tumakbo sa itinuro ni Jetro na isang nipa hut. Malayo-layo na rin ito sa pinanggalingan ko kung saan ako nahanap nito. Hingal na hingal kami ng sapitin kung nasaan sila Kuya Jenrick at lahat ay nakatingin sa amin nang kami ay dumating, including Kurt. Kinabahan ako nang bumaba ang tingin ni Kurt sa kamay namin ni Jetro na nanatiling magkakapit. Mabilis akong bumitiw at patay-malisyang hinanap si Kuya. "Where have you been, Marian?!" Tumayo si Kuya at nilapitan ako. "Naglibot-libot lang, honey." ginamitan ko siya ng malambing kong tono para ‘wag na niya akong pagalitan. Konting explanations lang at pasalamat ko na lang nawala na rin ang inis ni Kuya sa biglaan kong paghiwalay sa kanila. Lumipat na kami sa iba pang mga isla at nang magutom ay bumalik na sa aming pinanggalingan. Nang makakain ng lunch ay nagdesisyon akong mahiga muna sa isang beach chair at doon hintayin ang paglubog ng araw. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lamang ng maramdaman ang tapik ni Jetro. "Meryenda ka muna." may dala siyang pie at juice. Iinot-inot akong bumangon. “Hindi ka ba nalalamigan dyan sa suot mo? Natulog ka na naka-two piece ka lang.” Himig naninitang wika ni Jetro. Ngintian ko ito at dinampot ang juice upang uminom. “Nawala ka kasi si Kuya eh. Hindi ba nasa kaniya ang white dress ko. Nasaan na ba siya?” Tanong ko at humiwa ng pie. Kinuha ko inaabot nya. "Thanks." "Nag-siesta rin yata pero sa kuwarto niya.” Sagot ni Jetro at tila nabalisa. “Ah, Rian. Puwede ba tayo mag hangout kapag nasa Manila na ulit tayo?" "Oo naman. Just text me. Bar hopping naman tayo." Masayang sagot ko at nag tawanan kami. Sa buong maghapon, si Jetro ang kasama ko sa grupo. Pagkakain namin, bumalik na kami sa nipa hut kung nasaan ang ibang mga kasama nang nagtatawanan pa kami. Kulit din kasi ng isang ‘to parang si Mark lang. Bigla ko tuloy namiss ang kaibiganb kong iyon. Malamig ang tingin na isinalubong sa akin ni Kurt dahilan upang taasan ko ito ng kilay. Isa pa din ito eh, hindi mahiwalay kay Hipon. KANINANG umaga wala naman akong balak na sumama sa island hopping na ’yan. Mas gusto ko pa ang matulog ngunit ng malaman kong sasama si Marian ay napilitan na rin ako dahil tama ang hinala ko, hindi ito lalayuan nitong si Jetro. Maghapon na hindi nawaglit sa isip ko ang mga ginawa kagabi sa akin ni Marian. It was shocking to know she’s comfortable doing those things with me but what’s even more surprising was when she told me she has feeling for me. Totoong nagulat ako sa sinabi niya na hindi ko ito napaghandaan, ang tangi kong naisagot ay salitang salamat. For f*ck’ sake, that was the dumbest thing to say when someone confessed to you. Naguluhan rin ako kagabi sa pag-aakalang may iba itong nobyo and yet sinabihan niya akong mahal niya. Gayon na lamang ang saya ko ng matuklasan na ang tinatawag pala nitong honey ay ang kaibigan kong si Jenrick. I wasn’t aware na ganoon ang tawagan nila. Lalong nag igting ang kagustuhan kong sumama sa island hopping nang makitang naka swimsuit na naman si Marian. I should watch her from afar. Honestly, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na ito. Dati-rati, wala naman akong pakialam kung mag swimsuit ang mga babaeng napapalapit sa akin. In fact, natutuwa pa nga ako kadalasan. Ngunit iba pagdating kay Marian. There was a feeling I should protect her. Pero anong kagaguhan ba ang iniisip kong ito? Kung ako nga mismo ang nagtatake-advantage kay Marian? Hay, buhay. I think I’m losing my mind. BUMALIK na muna ako sa silid ko upang makapag-shower at makapag-palit ng maayos na damit. Sabi naman ni Kuya Jenrick ay kakatukin na lang niya ako mamaya kapag dinner time na kaya nang makatapos maligo ay nagpahangin muna ako sa veranda nitong silid. Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang mabining hampas ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam isabay pa na palubog na rin ang araw na ang gandang pagmasdan. Tanaw ang dagat mula rito at natanawan kong may mangilan-ngilang naglalakad at may grupo na nagsisimulang magsindi ng bonfire. Nawala ang kasiyahan ko sa mga nakikita nang mahagip ng tingin ko si Kurt na kasama pa rin si Hipon. Maghapon na silang magkadikit baka magkapalit na sila ng mukha niyan, bwisit! Hindi nakaligtas sa paningin ko nang pumulupot sa braso ni Kurt ang kamay ni Hipon at may ibinulong pa sa binata dahilan upang magawi ang tingin sa akin ni Kurt. Kitang-kita ko nang ngumisi sa akin si Kurt na ginantihan ko sa kaparehong paraan. Ganyan pala gusto mo ha, puwes sige. Pagkatapos namin maghapunan ay dito sa sinasabi kagabi ni Jetro na bar namin napag pasyahan ni Kuya na magpalipas muna ng oras. Maaga din naman kaming aakyat para magpahinga dahil mamayang madaling araw uuwi na din kami dahil may pasok pa. Sumunod sa amin dito sina France, Jetro, apat pang iba. Dahil gusto ko mag enjoy ngayon, uminom ako ng hindi iniisip kung magka-hang over ako kinabukasan. Nang magyaya sila na sumayaw sa dance floor, sumama ako upang mas malibang. Sayawan kami ng sayawan lang. Tawanan, kulitan. Inom din ng inom. Nawala na nga din sa paligid si Kuya at France. Baka nanchi-chix. ‘Yun daw kasi gagawin nila. Dahil padami ng padami ang naiinom namin, nagiging wild na din kami sa paraan ng pagsasayaw. Masaya ako ngayon na malibang kasama ang mga kaibigan ni Kuya. Nakakatuwa rin naman makakulitan ang mga ito. Nagse-sexy dance kami nina Jetro ng may biglang humila sakin at kinaladkad ako palabas. Tila lalo akong nahilo dahil sa paraan ng magaspang nitong paghila sa akin. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito ngunit batid kong si Kurt ito dahil na rin sa pangangatawan. "Talaga bang hindi ka titino?" galit na sinigawan ako ni Kurt. Nginitian ko lang siya at hinaplos ang pisngi, hindi alintana ang pagdidilim ng mukha nito dala ng galit. "Bakit? Wala naman ako ginagawang masama ah?" Painosente kong sagot. "Bullsh*t! Anong walang ginagawang masama?!" hinawakan ako ni Kurt sa kamay at hinila ulit. This time papunta na sa kwarto ko. "A-aray! Ano ba! Nasasaktan ako!" Hinahampas ko ito sa braso para pigilan ang pagkaladkad niya sa akin. Tila naman mahid at bingi si Kurt na hindi natinag. Pabalibag niya akong binitiwan sa kama ng sapitin namin ang silid. "Ano bang problema mo?!" Naiinis kong sigaw. Wala naman talaga akong ginagawang masama. I was just having fun with friends, that’s all. It was not as if, labag sa batas ang makipag-inuman at sayaw sa mga kaibigan. Ano na naman bang masamang espiritu ang sumapi sa lalaking ito at kung maka-arte akala mo may relasyon kami. As far as I know, wala kaming relasyon maliban sa pagiging f*ck buddies. Teka, ang pangit yata pakinggan ng term na iyon. "Ikaw ang problema ko!" Hindi patatalo na sigaw ni Kurt. "Hindi mo ba naisip ang ginagawa mo kanina doon ha? Paano kung hindi ako dumating? Halos bastusin ka na ng mga lalaki doon ah? Gustong gusto mo naman!" "Anong gusto ko? Tanga ka ba? Hindi mo ba nakita na nagsasayaw lang naman kami! Anong masama dun ha?" This time, mas malakas ang boses ko. Hindi na alintana kung marinig man kami sa labas ng silid. He’s getting on my nerves! "Sayaw na halos halikan at hawakan ka na nila kung saan-saan!" palakad-lakad si Kurt sa maliit na space nitong kwarto. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Anong sinasabi mo? Hindi ‘yan ang nangyayari kanina!" Gulantang kong wika. "Hindi? Kaya pala iba ang nakita ko kanina!" mas lumalakas yata ang boses ni Kurt kapag nakikipagtalo ako at iginigiit ang dahilan ko na lalo kong ikinapikon. "Ano naman sa’yo?! Hindi naman tayo, hindi ba? Wala kang pakialam kung ganoon nga ang nangyari. Kahit makipag-halikan ako sa kanila, kahit magpahawak ako sa kanila, Wala kang pakialam! Ikaw nga sine-s*x ako, samantalang ang iba, ganoon lang nagagalit ka na? Sh*t ka Kurt! Huwag kang sakim! Hindi ako sa’yo baka nakakalimutan mo? We're nothing but f*****g friends!" Dala ng pinaghalo-halong alak, inis sa sinabi nito, at lihim na selos sa maghapon kong nasaksihan sa pagitan nila ni Hipon, kung ano-ano na ang lumabas sa bibig ko na hindi ko naman intensiyon na ganoon nga ang mangyari kung sakali na may mag take advantage sa akin kanina sa bar. Ilang sandaling natahimik si Kurt at tanging nakatingin lamang sa aking mukha, tila hinahanap ang katotohanan sa mga binitawan kong salita. "Hindi totoo na sinabi mong mahal mo ako?" mahinang tanong nito. Hindi ko napansin na nag-iba na ang tono ng boses ni Kurt. Masyado na akong kinain ng inis at galit para sa kaharap. "Hindi! Nadala lang ako kagabi kaya ko nasabi ‘yon!" naisagot ko ng hindi nag-iisip. Ngunit biglang nahimasmasan ako nang ma-realize ko ang isinagot sa tanong nito. Iba ang nais kong sabihin kay Kurt. That I was just mad and jealous. Natigilan si Kurt at hindi nakaligtas sa paningin ko nang bumakas ang pagkalito sa guwapo nitong mukha at sakit. Tama ba ang nakita ko na nasaktan siya sa mga binitawan kong salita? Maybe I was just hallucinating. Yes, maybe I was right. Mali lang ako ng interpretation. Unti-unting lumamig ang tingin sa akin ni Kurt. Nawala na ang ekspresyon nito sa mukha. "Oo nga pala. Nakalimutan ko. Salamat sa pagpapa-alala, my fcking friend." Nanunuya nitong wika at lumabas na sa aking silid. The moment when he closes the door, tears fell from my eyes. Luha na unti-unting nauwi sa hagulgol. Ang tanga ko para sabihin lahat ng iyon. Nagpadalos dalos ako sa mga sinabi ko at nagpadala ako sa emosyon ko. Sh*t talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD