NASA campus ako ngayon. Nagbabakasakali na muling makita si Kurt. Lampas isang linggo na mula ng nangyari ang insidente sa Subic ngunit hindi pa rin kami nakakapag-usap ulit. Hindi ko rin nakikita si Kurt dito sa campus mula noon. Nang minsan na makasalubong ko sina Vin, hinanap ko si Kurt pero hindi daw pumasok. Alam kong mali ako sa mga sinabi ko. Pero nadala lang ako ng selos. Oo at alam kong wala kaming relasyon, pero hindi ba ang pagseselos ay hindi naman kailangan ng karapatan? Kusa mo mararamdaman kapag mahal o gusto mo ang isang tao. And in my case, alam kong mahal na mahal ko si Kurt. Posible din kaya na mahal niya ako? The way he reacted that night was a proof that he might have feelings for me. Could it possibly be love? Mahirap umasa. Gusto kong makausap si Kurt. Gusto ko

