DAHIL sa issue sa campus madalas na naming kasama ngayon si Mark. Thankful naman ako na narito siya palagi ngayon sa tabi ko. Sawi man ako sa lovelife, wagi naman ako sa pagmamahal ng mga kaibigan ko. One week na rin ang lumipas simula nang insidente namin ni Andrea. Natahimik na rin si Andrea at nagkasya na lamang sa mga pairap-irap nito kapag nagkakasalubong kami dahil kinausap na ito ni Mark na tigilan na ako. Salamat na lang din at hindi na nito inulit ang pang-aaway sa akin. Hindi rin naman ako sanay sa mga ganiyang issue. Mas gusto ko ng matiwasay na buhay at pag-aaral. Ilang beses na rin kaming nagkakasalubong ni Kurt at kagaya noong dati, tila hindi niya ako kilala at lalampasan lamang. Pinili ko na lang na ‘wag ng magpaapekto pa. Siguro nga mas tahimik ang buhay ko na malayo sa

