"WIFEY! Bilisan mo maligo! Hinihintay na tayo nina Mommy." sigaw ni Kurt mula sa labas ng banyo. Alam kong late na kami sa usapan ng dinner kasama ang mga magulang ni Kurt. Kapwa napasarap ang tulog namin nito kanina at nagising na lamang kami ng tumawag ang Daddy ni Kurt. "Oo! Saglit lang naman kasi!" sigaw ko. Mabilis akong nagbanlaw. "Kasi naman sabi ng pasabay na ako. Sana mabilis tayong makakatapos." Wika ni Kurt na sa tingin ko ay nasa may pinto ito ng bathroom. "Tse! Manahimik ka dyan. Saglit na lang talaga ’to, give me five more minutes." Paglabas ko ng banyo, sinalubong na niya kaagad ako ng yakap. "Hmm. Bango naman ng Wifey ko." sabi ni Kurt na inaamoy-amoy ako sa leeg. "Kurt ano ba. Maligo ka na. Magagalit na sina Mommy, ang tagal natin." sabi ko na iniiwasan ang paghalik n

