“KUWENTO mo na kung anong nangyari sa scene kanina!” Salubong sa akin ng mga kaibigan ng sapitin ng mga ito ang restaurant kung saan ko sila hinihintay. Uminom muna ako ng fruit juice bago sumagot. “Wala naman. Tinuruan ko lang si Tricia ng leksyon. Ginising ko lang din siya sa kahibangan niya.” Kibit-balikat kong sagot. “Ay! Bet ko ‘yan, bruha ka! Ano, natuto na ba?” Interesadong tanong ni Claire. Umirap ako sa kawalan. “Alam niyo namang slow ‘yon. Hindi niya maintindihan na ako na nga ang mahal ni Kurt. Pagmamay-ari ko na ang puso ng ex niya.” “Taray ng ginawa mo, Rian! ‘Yan, magung ganiyan ka nga. Palaban sa kung ano ang sa’yo!” Panggagatong ni Pearl. Napakunot-noo ako ng may maalala. “Teka, paano niyo nalaman ang nangyari? May klase kayo, hindi ba?” "Para ka namang pabago-bago sa

