AFTER almost 2 hours of waiting, nakarating na ang mga kaibigan. "Kamusta ka na?" sinalubong ko kaagad nila at sunod-sunod ang tanong ng Gaga girls sa akin. "Okay naman ako. Kayo kamusta?" tanong ko naman sa kanila. Sa likod bahay kami nag deretso upang mas presko ang hangin habang nag-uusap kami ng mga ito. Naupo kami sa round table at inilabas ng mga ito ang mga dalang pagkain mula sa isang fastfood chain. "Alam mo ba na hinahanap ka sa amin araw-araw ni Kurt. Talaga bang uuwi ka na sa Paris?" Tumango ako. Ininom ko ang juice na dala nila. "Oo. pero pagkatapos ko pa gawin ang isang project na naghihintay sa akin sa Manila. May photoshoot pa akong kailangan tapusin dahil natanguan ko na iyon. Hindi na puwedeng mai-cancel." pasalamat na nga lang din ako na iisa na lang ang naiiwan kong

