GUSTO ko ng magtampo kay Kurt. Ilang araw na siyang palaging ginagabi ng uwi. Sabi naman nito busy lang sa school dahil graduating na ito this sem. Sana nga totoo. Ayoko namang pagdudahan ito ngunit siguro naiinip lang ako dito sa bahay kaya naman napapansin ko ang oras ng pag-uwi niya. I should give him my full trust kapag sinabi nitong busy sa acads. Isa pa, hindi naman nababawasan ang sweetness ni Kurt. In fact, mas lumalala pa nga. Kaya kahit papano, nawawala naman ang nabubuong paghihinala ko. Napakamot ako sa ulo nang mapasulyap sa wall clock. 10:00 PM na wala pa rin ito. Kagabi halos midnight na ng umuwi ito. Ganoon ba talaga ito ka-busy? Hindi man lang nito iniisip na mag-isa lang ako sa bahay hanggang gumabi? Nitong mga nakaraang araw, sa breakfast na lang din kami nagkakasalo.

