NAPAGDESISYUNAN namin ni Kurt na magpunta sa isang kilalang mall ngayong araw. Kapwa kami excited na mamili ng ilang gamit ni baby. Masaya kaming nag-iikot sa baby’s section ng department store nang mawala si Kurt sa tabi ko. Kunot-noo kong iginala ang tingin sa paligid. Nasaan na ba ‘yon? “Wifey, look!” Nakangiting biglang lumitaw si Kurt sa kanilang side ng kinatatayuan ko, bitbit ang dalawang klase ng swimwear ng bata. Lalong lumalim ang pagkakakunot ko. “Hubby, hindi pa naman natin alam ang gender ni baby. Isa pa, masyado pang maaga para sa ganiyang kasuotan ng bata.” Wika ko. Ipinakita sa akin ni Kurt ang design ng mga swimwear. “May pangbabae at panglalaki naman akong pinili, wifey.” Kumikislap ang mga mata ni Kurt sa katuwaan. Isang superman trunks ang dala nito para sa lalaki a

