WALA sa sarili na bumalik ako ng sasakyan. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko ngunit higit na gumugulo sa akin ay ang magiging reaksyon ni Marian oras na malaman niya ang bagay na ito. Malakas na nahampas ko ang manibela at napasigaw dala ng galit sa kapalaran. “F*ck!!” Bakit ganito ang kailangang mangyari? Ngayon pa kung kailan maayos na ang pagsasama namin ni Rian. Masaya na kami at sa totoo lang, wala na akong mahihiling pa. Everything has fallen in its place. Naghihintay na lang kami ng ilang linggo pa upang makasama na namin ang anak. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi maitatanggi na namumuhi ako ngayon kay Andrea. Niloko niya ako. Sabi niya noon at palagi kong ipinapaalala na mag pills ito dahil ayoko nga na humantong sa ganitong problema, ang makabuo kami ng hindi s

