NANG UMALIS ako sa bahay at iwan si Marian ay kay Vin ako nag deretso. I needed someone I can talk to at alam kong si Vin ang makakatulong sa akin na malinawan ang isip sa mga nangyari. Vin was right. Hindi kailangan na magpadalos-dalos ako sa desisyon ng hindi naririnig ang paliwanag ni Marian. I was such a fool nang magbitiw ako ng masasakit na salita kay Marian. Kilala ko siya bilang isang disenteng babae, I shouldn’t judge her right away at ikumpara kay Tricia. Magkaibang-magkaiba silang dalawa. Isa pa, kasal na ako kay Marian. Kahit ano pa mang gusot ang mangyari kailangan ay mapag-usapan namin. Ang laki ko talagang tanga. Hindi nag-iisip na iniwan ko na lang si Marian kahit pa umiiyak ito. Nasaan na ang ipinangako sa sarili na hindi na kailaman ako ang magiging dahilan ng pagluha

