NATIGILAN ako sa narinig. Hindi kaagad ako nakakilos dahil tila na-blangko ang utak ko. Kaya naman unti-unting bumaba ang mukha ni Jetro sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin at tila itinulos ako sa kinatatayuan. Konti na lang at madidikit na ang labi namin ng biglang may humila kay Jet palayo sa akin. Sinuntok kaagad siya dahilan upang mapasadsad sa lupa si Jetro. "K-kurt?" bigla akong nanlamig nang mapagtantong si Kurt ang humila kay Jetro palayo. Anong ginagawa niya dito? "Hayop ka!" sigaw ni Kurt kay Jetro. Para akong natauhan kaya naman nilapitan ko kaagad si Kurt na akmang susuntukin na naman si Jet na kasalukuyang may dugo na sa gilid ng labi. "Kurt tama na. Mali ang naki--" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang ako naman ang balingan ni Kurt. Galit na galit ang expression ng

