"HUBBY, gising na." tinapik-tapik ko si Kurt upang magising na. 10:00 AM na ngunit tulog-mantika pa rin ito. Kailangan pa naman na umalis na kami upang mag-enroll. "Hmmmm." Umungol si Kurt at napasigaw ako nang hilahin niya ako pahiga sa dibdib niya. "Ay naman, hubby! Bangon na!" sabi ko na tinatampal-tampal ang pisngi niya. "5 minutes po." halatang inaantok pa din ang boses ni Kurt. Mas hinigpitan din niya yakap sa akin. “Wifey?” Pupungas-pungas na nagmulat si Kurt. Tiningnan ko siya sa mata at nginitian. "B-bakit?" Seryosong nakatingin sa akin si Kurt. "Sabay tayong maligo?" Nagulat ako nang biglang bumangon si Kurt at buhatin ako. "Put me down!" sigaw ko. "Hubby naman eh!" Hindi naman ako pinansin ni Kurt ngunit tatawa-tawa ito. Nag deretso ito sa shower area habang karga pa rin

