Chapter 5

2161 Words
SATURDAY na ngayon. Simula nang huli kaming mag-usap ni Kurt ay hindi ko na sinubukan pa na kausapin ito. Bahala na siya sa buhay niya. Kung ganiyan ang pagkakakilala niya sa akin, hindi ko na problema pa iyon. I know myself more than he does. Alam ko na malinis ang kunsensya ko sa nangyari ng gabi na ihatid ako ni Mick sa condo. Nang may mag-doorbell ay alam ko na kaagd kung sino ito. Paalis sila ngayon ni Kuya Jenrick patungo sa Subic at kausap ko siya kanina na susunduin na daw niya ako. "Tara na honey." Paanyaya ni Kuya nang buksan ko ang pinto. Mabilis kong iniabot sa kaniya ang overnight bag na dala. Masaya ako na kahit papaano hindi ako mabuburo ngayong weekend sa bahay ko. We will spend the entire weekend in Subic para sa despedida party ng bestfriend ni Kuya na si Tatin. Ilang araw na rin na tila lutang ang isip ko hinggil sa nangyari sa pagitan namin ni Kurt. Buong week na iniiwasan ko siya sa University at hindi rin naman nagtangka si Kurt na lapitan ako na labis kong ipinagpasalamat. Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Habang nasa biyahe ay nag-kuwentuhan lang kami ni Kuya Jenrick. Topics we usually talked about. Acads, family, and the likes. Bihira na rin kami magkita nitong pinsan kong ito dahil kapwa kami busy sa kaniya-kaniyang ginagawa. Nang makarating kami sa resort, natutuwa kaming sinalubong ni Tatin. "Wow. Ang laki mo na, bebegirl!" Nakangiting bati sa amin ni Tatin. Hinampas ko naman ito sa braso. "Tse! Kala mo naman ang tagal natin hindi nagkita. Nagkita lang tayo last month sa Trinoma ah?” Inirapan ko si Tatin habang si Kuya Jenrick ay natatawa sa amin. Napahalakhak si Tatin sa sinabi ko. “Oo nga pala. Pero paganda ka ng paganda ha. May inspirasyon na ba ang bebe namin?" Nanunudyong tanong ni Tatin at inakbayan ako. Naglakad na kami patungo sa isang cabana kung saan bakante at hindi pa okupado ng ibang bisita ni Tatin. Mabilis namang nakisali si Kuya. "Heh! Bawal pa. Bata pa ng honey ko." “Anong bata pa, sa panahon ngayon ‘pre, hindi na bata ang edad ni Marian. She’s old enough already. Malapit na nga maka-graduate. Di ba Marian?” Natawa na lang ako sa sinabi ni Tatin. Kung alam mo lang Kuya Jenrick ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo, hindi mo na nga sasabihin na bata pa ako. Agad na nawala ang ngiti ko nang mapadaan kami sa pinaka gitna ng mga cabana at kung nasaan ang mga tables and food na inihanda para sa despedida. Agad kong nakita na narito rin si Kurt. Bakit nga ba nawala sa isip ko na maari ko siyang makita dito dahil nasa iisang circle of friends lang rin sila nina Kuya at Tatin. Kasalukuyang nakaupo si Kurt at may katabing babae na hindi pamilyar sa akin kung sino. Tila masaya ang babae na may sinasabi kay Kurt habang ang lalaki naman ay tumitingin sa paligid hanggang mapadako sa amin ang kaniyang tingin. Nahigit ko ang hininga nang magtama ang aming mga mata. Hindi kinabakasan ng gulat ang mukha ni Kurt nang makita ako, ngunit ako heto at hindi na mapalagay. Mukhang hindi pa rin pala matatahimik ang weekend kong ito kung narito si Kurt. Kinakabahan kong binalingan si Kuya at Tatin. “A-ah, Tatin. Napagod yata ako sa biyahe puwede ba na magpahinga muna?” Pagdadahilan ko. Mabilis namang tumango si Tatin at sinabi kung saan silid ang laan sa amin. Sinamahan ako ni Kuya sa silid na ookupahin ko habang narito at sa tapat ng kuwarto ko ay ang magiging silid naman ni Kuya. "Magpahinga ka na muna, Honey. Mamaya nalang kita susunduin kapag meryenda na." "Sige." I kissed him on the cheeks at isinara ko na ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag na tanging ako na lang ang narito, malayo kay Kurt. Nagdesisyon akong mahiga na muna at totohanin ang pamamahinga. Masyadong napasarap ang idlip ko at nagising ng bandang 4:30 PM na. Napabalikwas ako ng bangon at hinagilap ang cellphone. Nakita kong may text si Kuya Jenrick. Punta ka dito sa baba kapag nagising ka na. Mag swimming tayo.  Nagustuhan ko ang sinabi ni Kuya kung kaya’t nagmadali akong magpalit ng swimsuit. Nang makapag-palit ay pinatungan ko muna ito ng manipis na cover at lumabas na ng silid. Agad akong nag tungo sa may dalampasigan kung nasaan may nagkaka-ingayan. Madami-dami na ang mga bisita ngayon kumpara sa dinatnan namin kanina. Hinanap ko si Kuya Jenrick at natanawan na nasa isang side ng dalampasigan at may mga kasama ito. Pasimple kong hinanap si Kurt at laking-pasalamat ko na lamang ng hindi ito makita. "Honey! How was your sleep?" Bati ni Kuya nang tabihan ko sa pagkakasalampak sa buhanginan. Inabutan niya ako ng sandwich at soda. Tanging tango lang ang naisagot ko dahil naging abala na ako sa pagbubukas ng sandwich. Ngayon ko naramdaman na nagugutom na ako. "Hindi ba gusto mo mag jet ski? Pagkatapos mo kumain, jet ski tayo." Wika ni Kuya. Napangiti ako sa ilang kasama ni Kuya na sina Jetro at France. "Oo nga. Mag-eenjoy ka, Rian." Wika naman ni France. Kasalukuyan ng may tig-iisang can beers ang mga ito. Mabilis kong inubos ang kinakain at niyaya na si Kuya. "Tapos na ako, tayo na!" Tumayo ako at pinagpag ang buhangin na kumapit sa katawan. Mabilis na nagsi-tayuan ang mga kasama at sabay-sabay kaming nag tungo sa parte ng tubig matapos kong hubarin ang cover na suot at matira ay ang yellow swimsuit. Papalubog pa lamang ang araw at sakto lang upang magtampisaw sa tubig. Nagtatawanan kaming lumakad patungo sa nakaparadang jet ski at sinakyan ito. Alam ko na naman gumamit nito kaya si Kuya ang nasa likuran ko habang ako ang nagmaniobra. Sina France at Jetro naman ay nag tag-isa ng sari-sariling jet ski. Tila kami mga bata na naghabulan sa tubig habang masayang nag-aasaran. It was fun yet tiring ngunit hindi ko ininda. Nang magsawa sa jet ski at tuluyan na kaming lumangoy sa dagat hanggang mapagod ng tuluyan. Madilim na ng maisipan namin na umahon. Kakain na daw doon sa isang open cottage. "Kuya, okay lang ba na pumunta tayo doon kahit basang-basa pa tayo?" tanong ko. "Oo naman.” Si Jetro ang sumagot sa tanong ko. “Nasa beach tayo kaya okay lang ‘yan. Mamaya ka na magbanlaw." Kanina ko pa napapansin na dikit ng dikit sa akin itong kaibigan ni Kuya ngunit hindi ko na lang binibigyang pansin. As long as Kuya Jenrick is around, alam ko na safe ako. Kinuha ko lang ang cover at naisipan na ‘wag na isuot ulit. Nagtuloy na kami papunta sa malaking cottage. "O, pare! Kumain ka na ba? Halika sabay ka na samin" Nilingon ko ang binati ni Kuya at ganoon na lang ang gulat ko na sa dinami-dami naman ng puwede nitong yayain ay kung bakit si Kurt pa. Nakaupo ito sa isang upuan na medyo malayo sa pinag-ahunan namin. Nakatingin sa akin si Kurt at hindi nakaligtas sa mga mata ko nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko. Tila gusto kong ginawin sa paraan ng paghagod nito. Ang lamig bawat tingin nito sa akin. "Nagpahangin lang muna dito." sagot ni Kurt na kay Kuya Jenrick na ibinaling ang atensyon. Binati din naman ito nina Jetro at France na sinuklian lang ni Kurt ng tango. "Pare si Marian nga pala na pinsan ko ang kasama ko.” Wika ni Kuya. Tanging tango lang ang naging sagot ni Kurt. Nagpaalam na ang mga kasama kay Kurt na mauuna na kami sa cottage upang maghapunan. Pagdating doon, kanya-kanya na kaming hanap ng lamesa. Kami ni Kuya ay sa mesa nina Tatin pumuwesto na kasama pa rin si Jetro habang si France ay nakihalubilo sa iba.  "Marian, punta tayo mamaya doon sa bar nitong resort. May live band daw mamaya. Magaling daw kumanta." yaya ni Jetro. Tumango naman ako dahil wala naman akong naiisip na ibang gawin. After kumain, nagpaalam na muna ako kina Kuya na magsa-shower at magpapakit ng damit. Kapapasok ko pa lamang sa silid na laan sa akin ay kumatok na kaagad. Sa pag-aakalang si Kuya lang ito, hindi ko na sinilip sa peep hole at binuksan na lang kaagad. “Kuya baki—” naputol ang akmang sasabihin nang makitang si Kurt ang naghihintay na mapagbuksan. Tuloy-tuloy itong pumasok ng hindi man lang hinintay ang paanyaya ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Pinag-krus ko ang dalawang braso sa may dibdib at sumandal sa nakapinid na pintuan. Nanatiling nakatalikod sa akin si Kurt, nakapamulsa ang dalawang kamay sa denim shorts nito at inilibot ang tingin sa paligid. Magulo pa ang kama ko na iniwan ko na lamang kanina matapos maka-idlip. Nakakalat rin ang overnight bag ko at ilang piraso ng damit nang maghanap ako ng swimsuit na susuotin kanina. "Wala naman. Tinitingnan ko lang kung kasama mo ba dito si Jetro. Hindi man lang kayo mapag-hiwalay noon ah?" Sagot nito na humarap sa akin.. "Anong sinasabi mo dyan?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kurt. "Wala. Maligo ka na nga. At bakit ganyan ang suot mo? Hindi mo ba man lang naisip na maraming tao dito? Hindi ka na nahiya!" Paninita ni Kurt at muling hinagod ng tingin ang kabuuan ko. Aba't! "Bakit ako mahihiya? Wala naman akong dapat ikahiya sa katawan ko. Makinis ako at walang unwanted fats." inis kong sagot. "At nasa beach tayo. What do you expect me to wear? A jogging pants and a long sleeves shirt?" dagdag ko pa. Kung hindi ko pa siya kilala, iisipin ko na nagseselos si Kurt. Pero capital A-S-A naman. "Ewan ko sa’yo." sagot lang ni Kurt at naupo sa isang couch na malapit sa kama. Dahil wala ng ibang mauupuan dito sa silid, lumakad ako palapit sa kama at doon piniling maupo. "So ano ang dahilan at pumunta ka dito? Nakita mo naman na wala dito si Jetro. Makakaalis ka na." Pagtataboy ko kay Kurt. Nakakawala na ng gana na ipagtanggol ang sarili, bahala na siya sa gusto niyang isipin. "I came here to say...." hindi agad nito tinapos ang pangungusap na tila hirap na hirap ito sa nais sabihin. "To what?" Inis kong wika. Inirapan ko si Kurt at nakasimangot na hinintay ang sasabihin. "T-to say sorry." Napatungo si Kurt nang sabihin ang huling salita. "What?! Nag so-sorry ka?" at tumawa ako ng nakakaloko. "Uso ‘yan sa’yo?" "I know naging napakasama ko sa’yo noong huli tayong mag-usap." Tumayo si Kurt at tumabi sa akin sa kama. "Sorry na oh." Hinging paumanhin nito at marahang pinalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Mabilis kong iniiwas ang mukha at lumayo rin sa pag-uupo. "Matapos ng lahat ng sinabi mo sa akin ng huli tayong mag-usap? Ang galing mo magparatang na akala mo naroon ka talaga. Kaso baka nakakalimutan mo Kurt, you were not there. You left me with you friends!" pagalit kong sabi. "Oo alam ko na. Nalinawan na ako. Nakausap ko na si Mick kahapon. Sorry. Sorry kasi nainis ako sa’yo dahil ngumiti ka sa iba. Hindi ba sabi ko naman sa akin ka lang pwedeng ngumiti? Inulit mo pa kanina kina Tatin." parang batang paliwanag nito. Problema ba nito? Anong mayroon sa ngiti ko na ipinagdadamot ni Kurt as if he owns me. O hindi pa nga ba? "Bati na tayo." Ungot ni Kurt at muling lumapit sa akin. Tinitigan ko ang mukha ni Kurt and as my eyes are roaming around his face, one thing I have realized. Marupok ako pagdating sa kaniya. Isang simpleng sorry lang nito, natunaw na kaagad ang inis at galit ko sa kaniya nitong mga nagdaang araw. Nababaliw na nga yata talaga ako. Sumusukonh napabuntong-hininga ako. "Talaga? Para mawala na talaga ang galit ko, halikan mo nga ako?" Nangingiti kong wika. Nagliwanag naman ang mukha ni Kurt sa narinig. "Sure!" Hinawakan nito ang magkabila kong mukha at hinalikan ako ng masuyo. At kung saan kami dadalhin ng sinimulan nitong halik? Bahala na. Basta ang alam ko, miss na miss ko na siya ng sobra. Mahal na mahal ko si Kurt. Kahit na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa, tanggap ko. At kung laro lang ang lahat ng ito para sa binata, handa siyang makipag-laro sa apoy. Pinutol rin naman ni Kurt yung halikan namin matapos ang ilang sandali. "Maligo ka na. Baka hanapin ka na ng Kuya mo. Maliligo lang din ako pero doon na sa room ko, baka hindi na ako makapag-pigil at magbago na ang isip ko kapag nagtagal pa ako dito. Susunduin na lang kita ha? Huwag kang aalis ng wala ako. Baka mabakuran ka naman ni Jetro." inis nitong sabi. Selos ba talaga si Kurt? Ayaw kong isipin na oo, dahil tama ng ‘wag umasa. Tumayo na si Kurt at nagpunta sa pinto. "I'll be back after 20 minutes. And please, don't wear that swimsuit again." At tuluyan na itong lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD