MAAGA akong umuwi dahil sabi nga ni Kurt ay may pupuntahan kami. Saan kaya ‘yun? Hindi man lang sinabi. Hindi ko tuloy mapagdesisyunan kung anong isusuot. Casual lang ba or semi-formal?
Naligo na muna ako at bnlow-dry ang buhok. Hahayaan ko na lang na nakalugay ang mahaba kong buhok habang abala ang isip kung anong susuotin. Naglagay na rin ako ng manipis na make-up.
Napagdesisyunan kong casual dress na lang ang suotin at patungan ng denim jacket. Papartneran ko na lang din ng flat sandals
Naglalagay na ako ng accessories nang maramdaman kong may yumakap sa baywang ko. Hindi ko naman kailangan manghula kung sino ito dahil base na rin sa mabangong amoy nito, si Kurt ang dumating. May duplicate key na ito ng condo ko at ganoon din naman ito, ibinigay sa akin ni Kurt ang duplicate ng bahay nito.
"You ready?" Tanong niya habang yakap ako. Iniharap ako ni Kurt sa kaniya at mariing hinalikan sa labi.
Nang matapos ang makapugtong-hiningang halik, tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
Pinahid ko ang gilid ng labi ni Kurt. "Sorry nagka-lipstick ka tuloy."
"No. I should be the one to say sorry ‘coz I ruined your lipstick." Wika ni Kurt. "But I'm not sorry for kissing you dahil ’yun ang kanina ko pa gustong gawin."
Namula naman ako sa sinabi ni Kurt. "Tara na nga."
"Okay. Ayusin mo na ang lipstick mo. I'll wait outside." lumakad na si Kurt palabas ng kwarto. "Baka kung saan pa tayo umabot kapag nandito tayo. Panigurado lang na hindi na tayo makakaalis."
Lalong nag-init ang pisngi ko sa insinuation ng sinabi ni Kurt.
Nalabasan kong nasa kusina si Kurt at umiinom ng tubig.
"Wala ka na bang ibang damit?"
Napatingin ako sa suot. Pangit ba?
"Ha? Ah, sige. Teka magpapalit ako." pabalik na sana ulit ako ng kwarto nang mapatigil sa sinabi ni Kurt.
"Huwag na. Ayos na nga ‘yan. Masyado lang maikli. Tayo na." Pigil nito at lumakad na sa pintuan ng unit. Mabilis akong sumunod sa binata at sabay na kaming naglakad patungo sa elevator.
Nakasakay na kami sa kotse nito nang maisipan ko na itanong kung saan kami pupunta.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Wika ko.
"Birthday party ng kaibigan."
Napatango na lang ako sa sinagot nito at hindi na muling nag salita. Medyo malapit lang naman pala ang pupuntahan namin at ilang sandali lang ay nasa parking lot na kami ng isang kilalang bar.
"Man! Mabuti nakapunta ka!" nag manly hug ang dalawa na sa tingin ko ay ang sinasabi ni Kurt na may kaarawan.
"Oo naman. Kailan ko ba pinalampas ’to?" Nagtawanan nag dalawa habang ako ay nanatiling nakangiti at nakatingin sa mga ito.
"May kasama ka pala?" Wika ng kausap ni Kurt nang mapadako sa akin ang tingin.
"Oo, si Marian." At ipinakilala na ako ni Kurt sa kaibigan nito.
"Hi. Blake here." Nakipag-kamay sa akin si Blake na malugod ko namang tinanggap.
Bahagyang umubo si Kurt nang magtagal ang kamay ni Blake sa palad ko.
"Pasok na tayo." Yaya ni Kurt na hinawakan ako sa siko.
"Kurt, pare!" May isa na namang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa isang private room na pagdarausan ng birthday party.
"Wow! Ang ganda naman ng kasama mo." bati ng isa pa.
"Shut it, Andy." Wika ni Kurt.
Nagtawanan ang dalawang sumalubong sa amin dahil sa sinabi ni Kurt.
"Anong pangalan mo, Miss Maganda?” Tanong ng tinawag ni Kurt na Andy.
"Marian." Nahihiyang wika ko.
"Nice name. Ako nga pala si Mick." Pakilala ng naunang bumati sa amin nang mapasok dito sa private room.
More or less ay nasa 20 persons ang narito sa silid. Isa-isang nagpakilala sa akin ang lahat na mga nakangiti. Nasulyapan ko rin na nasa isang couch si Vin, ang bestfriend ni Kurt.
Nagsimula ang party na tanging inuman, kulitan, at tawanan ang nangayri sa silid na ito. Sa totoo lang, natutuwa akong makilala ang mga kaibigang ito ni Kurt dahil lahat sila ay mababait sa akin.
Nasa isang mahabang lamesa kami. Napahiwalay ng upo sa akin si Kurt ngunit hindi ko naman alintana dahil nage-enjoy naman ako sa mga kaibigan niya. Ang katabi ko ngayon sa side na ito ay sina Andy, Gerald, at Mick. Habang si Kurt ay nasa tapat ko katabi sila Vin.
Everyone is having fun not until a woman in revealing dress entered the room. Agad na nawala ang ngiti ko nang pagpasok nito at makita si Kurt ay ito kaagad ang nilapitan.
"Kurt, darling! Na-miss kita!" Walang pag-aatubili na hinalikan nito sa labi si Kurt.
"So, Marian, gusto mo ba sumama sa amin next week? Try mo mag car race. Or maka-experience man lang na pumunta sa ganoon." wika ng katabi kong si Mick, ang pinaka-kenkoy sa mga kaibigan ni Kurt.
Tumango na lang ako kahit hindi ko masyado naiintindihan ang sinasabi ng mga ito.
"Tingnan mo si Kyllie, nasundan pa din talaga dito si Kurt. Ibang klase talaga." naiiling na wika ni Mick. Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Nagtinginan na din sina Gerald at Andy kina Kurt.
"Oo nga e." Napapalatak na sang-ayon ni Gerald at binalingan ako. “Ikaw Marian, bakit ka kasama dito ni Kurt?"
Natigilan ako sa tanong niya. Wala sa loob na kinuha ko ang wineglass at sumimsim. "W-wala lang. Sumama lang ako para malibang. Walang magawa sa bahay, eh.” Tanging naisagot ko.
Nagtanguan ang mga ito. Nagtuloy ang kuwentuhan namin ng mga ito habang palihim kong pinapanood si Kurt at si Kyllie. Dulot ng pinaghalong inis at selos, hindi ko namalayan na naparami na ang aking inom.
Lalo kasi napadami ang bawat pag inom ko nang makitang lumabas sina Kurt at Kyllie.
Ang tagal na ng dalawa sa labas at hindi pa rin bumabalik. Tila rin nakalimutan na ni Kurt na ako ang kasama niya na lalong naging dahilan upang mainis ako sa lalaki.
"Halika. Ihahatid na kita. Wala kang dalang sasakyan, ‘di ba?" kami na lang ni Mick ang magkasama ngayon. Nakihalubilo na muna sa iba sina Andy.
Tanging tango na lamang ang naitugon ko sa tanong ni Mick. Bahagya na akong nahihilo sa dami ng nainom. Inalalayan ako ni Mick patayo. Kay Blake na lamang kami nag-paalam na mauuna na kami. Kung nasaan si Kurt at kung may balakpa ba itong bumalik dito, bahala na siya. Basta ako, uuwi na.
Sumakay na kami sa kotse ni Mick. Sa sobrang hilo ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe. Nagising na lang ako ng marahan akong tapikin ni Mick.
"A-ay sorry. Hindi ko alam nakatulog na pala ako." Hinging-paumanhin ko. "Salamat sa paghatid, Mick." bababa na sana ako nang pigilan niya ako sa braso.
"Hatid na kita hanggang unit mo. Baka mahilo ka ulit." Pumayag na ako sa alok ni Mick dahil baka tama nga ito na bigla pa rin akong mahilo paakyat sa unit.
Pagdating sa tapat ng bahay ko, "Pasok ka muna. Mag kape man lang?" yaya ko habang binubuksan ang pinto.
"Huwag na. Hinatid lang naman talaga kita." nakangiting tanggi ni Mick.
Humarap ako sa kanya ng tuluyan kong mabuksan ang pinto. "Salamat ha. Ingat ka." Wika ko.
"Sige. Pahinga ka na. Uuwi na ako." tumango na lang ako. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papuntang elevator. Nang makasakay ito, nginitian pa niya ako bago sumarado ang pinto.
Nagpalit lang ako ng damit at nahiga na rin. Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Hindi mawaglit sa isip ko na iniwan ako ni Kurt para sa Kyllie na iyon. Sana hindi nalang niya ako isinama kung ganon lang din pala ang gagawin niya.
Hanggang tuluyan akong makatulog, ang sama ng loob ko kay Kurt ang laman ng isip ko.
NAGISING ako bandang 11:00 AM. Mabuti na lang at walang pasok kapag ganitong araw. (*3*)/
Wala naman akong gagawin ngayon kaya naisipan kong mag-mall na lang at mag-shopping.
Mabilis akong naligo at naghanda. I settled for a short paired with a body hugging blouse. Comfy clothes para kahit may bitbit mamaya ay hindi ako mahirapan.
Namili lang ako ng ilang damit at konting grocery at tumambay sa isang coffee shop hanggang abutin na ako ng dilim sa mall. Nang magsawa, naisipan ko na ring umuwi na.
Nang lumabas ako ng elevator ng condo building, hinahagilap ko sa bag ang susi. Nasa harapan na ako ng pinto ng bahay ko nang ibaba ko ang ilang bags ng pinamili. Nang makuha ko ang susi, pinihit ko ang seradura at nagtaka kung bakit unlock ang unit. Hindi ko ba nai-lock ito kanina ng umalis?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pinakinggan ang paligid. Tahimik naman at kadiliman ang sumalubong sa akin. Wala naman sigurong may masamang loob ang pumasok sa bahay ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang i-on ko ang ilaw at nakitang intact naman ang lahat ng gamit. Kibit-balikat kong isinarado ang pinto at inilapag ang mga pinamili. Maliligo na muna ako bago ko ayusin ang mga ito.
Kampante akong pumasok sa silid upang maligo nang magulat ako sa nadatnan. Si Kurt, madilim ang ekspresyon ng mukha habang naupo sa gilid ng kama at nakatingin sa akin.
"Saan ka galing? Kanina pa ako dito!" Galit nitong tanong.
"Anong ginagawa mo dito?"malamig kong tanong. Naalala ko na naman ang pag-iwan niya sa akin para lang sumama sa babae nito.
"D*mmit! Answer me!" galit na ulit nito.
Hindi ko na napigilan ang init ng ulo sa paninita nito. "Wala kang pakielam!" Hindi patatalo na sinigawan ko rin si Kurt.
Tumayo ito at nilapitan ako. "Saan ka galing ha?"
Umiwas ako sa kaniya ngunit nagulat ako nang bigla nitong hawakan ng mahigpit ang braso ko at iharap sa kaniya.
"Ano ba?! Nasasaktan ako!" Malakas na sabi ko.
"Bakit pagbalik ko kagabi sa bar wala ka na? At magkasama pa daw kayong umalis ni Mick ha?!" salubong ang kilay na tanong nito, nanunuri ang paraan ng pagtingin.
"Wala kang pakielam." Hindi patatalong sagot ko. Kung makapanita ito, akala mo naman walang ginawang mali. Ako ang basta na lang niya iniwan kagabi!
"Sumama ka din ba sa kanya ha? Nalingat lang ako nakasama ka na kaagad sa ibang lalake!" lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Ang mga mata nito parang nag-aapoy sa galit.
Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang.
"Ano, ginawa niyo rin ba ang mga ginawa natin noong una tayong nagkakilala??!"
Hindi ko na napigilan ang isa kong kamay na lumagapak sa pisngi ni Kurt.
Napamaang si Kurt at unti-unting nawala ang madilim na ekspresyon ng mukha.
"T@ngina Kurt! Huwag mo akong sabihan ng ganyan. Dahil alam nating dalawa hindi ako ganiyang babae! Oo alam mo na ikaw ang naka-una sakin kahit noon lang tayo nagkasama ulit! Hindi ako kasing dumi tulad ng iniisip mo!" hiningal ako sa mahabang sinabi, bakas rin ang galit sa bawat salita na aking binitiwan. "Umalis ka na."
Binaklas ko ang kamay niya sa braso ko at mabibilis ang hakbang na pumasok ng bathroom. Pabagsak kong isinarado ang pinto at nanghihinang napasandal. Hindi ko na pinigilan pa ang malayang pag-agos ng aking mga luha.
T*ngina. Ang sakit pala marinig ng deretso sa kaniya na ganoon ang tingin niya sa akin. Sigurado nga mali ang naging paraan ko upang iparamdam at ipabatid sa kaniya ang lihim kong nararamdaman ngunit isa lang ang naging mali ko, ang mahalin ang isang Kurt Ian Bermudez.
**
Pabalagbag na isinarado ko ang unit ni Marian. Hindi niya napigilan ang mga sinabi kanina sa babae dahil sa pinaghalo-halong inis niya simula pa kagabi. Kanina pa siya naghihintay kay Marian dito, halos magtatatlong oras na. Saan na naman ba ito nanggaling?
Parang kagabi lang basta na lang din ito umuwi na hindi man lang siya hinintay…
Nasa magkabilang side kami ng private room na ito ni Marian. Naiinis ako. Sinabi ko na naman sa kanya, ‘wag itong ngingiti sa iba. ‘Yan tuloy, nakuha nito atensyon ng mga ugok na kasama nila ngayon.
Gusto ko, ako lang ang magiging dahilan ng pag ngiti niya.
Kanina pa ito masayang nakikipag-usap kila Mick at tila libang na libang si Marian makausap ang mga kaibigan ko. Bakit kapag ako ang kausap niya, hindi naman siya ganiyan ka-animated makipag-usap? Bakit dito sa mga taong kanina lang niya nakilala, she looks comfortable having them around already.
Sumabay pa sa inis ko ang pagdating ni Kyllie. Heto at kinukulit na naman ako. Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na tapos na kami. I even bluntly told her I never loved her the last time we talked. Para pa ring kapit-tuko at akala mo may relasyon kami kung makakapit. Bakit ba may mga babae na ang hirap umintindi. Maganda naman at sexy si Kyllie, for sure she can have any other men around in an instant.
Nakita ko rin kanina nang dumating si Kyllie ay nawala ang ngiti sa mukha ni Marian ngunit agad din bumalik ng parang may sinabi si Mick.
Pucha! Pinopormahan ba siya ni Mick?!
Maya-maya pa, "Darling, samahan mo naman ako sa labas. Nasa labas sina Kevin." Dahil nga nasa private room kami nitong bar, may labas pa ito. The space where other patrons can occupy while watching the live band for the night. "Hinahanap ka nila. Pauwi na ulit ng Spain si Kevin. Saglit lang naging bakasyon niya dito na hindi man lang daw kayo nagkita." si Kevin, kapatid nitong si Kyllie. Kaya ko rin nakilala si Kyllie ay dahil kay Kevin.
Tumayo na ako. Sumunod na din si Kyllie na halatang tuwang-tuwa. Hindi ko naman kasi matitiis si Kevin. Kaibigan ko na ‘yon dati pa bago mapuntang Spain. Napa-inom at kwento ako na hindi ko na namalayan ang oras sa grupo nina Kevin. Pagbalik ko sa private room, agad hinanap ng mata ko si Marian.
"Bro? Si Marian?" tinapik ko si Blake at tinanong ng hindi ko na makita si Marian. Wala na rin ito sa long table kung saan ko siya iniwan kanina.
"Ah, si Marian? Umuwi na. Nagpaalam na sila ni Mick kanina. Sabay na yatang uuwi" tumawa pa ito na lalong kong ikainis ang sumunod na sinabi. "Iyon ay kung iuuwi kaagad siya ni Mick. Kilala mo naman ‘yun, pare."
Lalong nag init ang ulo ko. Kinuha ko kaagad ang cellphone sa bulsa at balak na tawagan si Marian. Nang maalala ko na hindi ko nga pala alam ang cellphone number ni Marian. "Shi*!" mura ko. Halos maibato ko ang cellphone sa sobrang inis na nararamdaman.
Si Mick na lang ang tatawagan ko. Mabuti na lang at nagri-ring. Ang tagal pa bago nito nasagot.
"Hello pare! Si Marian? Nasaan kayo?"
"Heto tulog. Dito na kami sa condo niya. Bakit pare?"
Agad kong ini-end call. "Sh*t! sh*t! Sh*t!" Sunod-sunod na mura ang kumawala sa bibig ko.
Agad akong lumabas, nakasalubong ko pa si Kevin na pinigilan ang pag alis ko. Wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Kevin pabalik sa mesa na inookupa ng grupo nito. Dala ng inis at galit, sa alak ko naibuhos ang nararamdaman. Sunod-sunod na lagok ng hard liquor ang tinungga ko habang mariing nakakuyom ang kamao. F*ck you, Mick!