MAGHAPON akong lutang dahil sa huling sinabi ni Kurt kanina bago kami maghiwalay. Kahit kailan, ang uto-uto ko talaga para isipin na seryoso si Kurt sa sinabi nito. I should not keep my hopes high. For sure, pinapaasa at pinakikilig lang ako ni Kurt. Doon naman sa bagay na ‘yon magaling ang lalaki.
Once our class was dismissed, nagmamadali akong nagtungo sa parking lot. Hindi na nga rin ako nakapag-paalam sa mga kaibigan dahil sa pagmamadali. Oo na, ako na ang ang tangang umaasa na naroon nga si Kurt at hinihintay ako.
Ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa destinasyon. Kung wala man siya at pinaasa lang ako ni Kurt, okay lang.
Labis ang lihim kong saya nang maaninag na si Kurt ang nakatayo sa isang kotse na katabi ng sarili kong sasakyan. Nakasandal ito at tila may hinihintay. Napangiti ako ng tipid ngunit aaminin kong nag-uumpaw ang kasiyahan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at hindi ipinahalata kay Kurt ang labis na pagkabog ng dibdib ko. Naglakad ako palapit sa sariling kotse, agad naman akong nakita ni Kurt at tumayo ito ng tuwid.
"Oh?" Wika ko nang mapagawi kay Kurt ang tingin.
"Bakit ang tagal mo? sabi mo 5:00 ang tapos ng klase mo. 5:15 na." Hindi ngumingiting sita ni Kurt.
"Para 15 minutes lang naman. Kala mo naman kung ilang oras na kaagad." Sagot ko habang abala na hinahanap ang susi ng kotse.
Lumakad palapit sa direksyon ko si Kurt ngunit nanatiling may sapat na distansya sa amin. "Kahit na. Ayoko ng pinag hihintay ako." Nanatiling magkasalubong ang kilay nito.
"Sinabi ko ba na hintayin mo ako?" Naiinis kong tanong. Masyadong bossy naman ang lalaking ‘to!
"Ewan ko sa’yo. Dito ka na sumakay. ‘Wag mo na hanapin ang susi mo. Kanina ka pa hanap ng hanap dyan ah." Tumalikod na sa akin si Kurt at naglakad na patungo sa driver’s seat ng sarili nitong kotse.
"Sakay na. Sa bahay mo ako matutulog.” Hindi humihingi ng permisong wika ni Kurt bagkus ay tila nag-uutos. Natigil ako sa paghahalungkat sa bag at napamaang sa lalaki.
Nanlaki naman ang mata ko. Agad kong inikot ang tingin sa paligid kung may nakarinig na iba, mabuti na lang at wala. Nasa may dulo kasi kami ng parking lot. Mostly, sa may unahan lang maraming nagpapa-park para malapit.
"At sinong nag-invite sa’yo ha?"
"Ako." simpleng sagot ni Kurt. Nakasandal pa ito sa kotse nito habang nakabukas na ang driver’s side. Cool na cool lang tingnan. Sarap sunggaban at halikan dahil kahit hapon na, si Kurt naman mukhang ang fresh pa rin. Ni hindi man lang yata napawisan. "At ‘wag ka na kumontra. Sumakay ka na."
Nang hindi ako tuminag sa kinatatayuan ay naglakad palapit sa akin si Kurt, sa sobrang lapit halos wala ng makadaan na hangin sa pagitan ng mukha namin.
Mabilis akong pumikit dahil akala ko ay hahalikan ako ni Kurt ngunit nagkamali ako. Narinig ko ang marahang tawa ni Kurt dahilan upang mabilis akong magmulat. Kababakasan ng pilyong ngiti ang labi nito.
"Mamaya na ang kiss, baby." Mabilis na hinalikan nito ang noo ko at iginiya na ako patungo sa passenger’s seat ng kotse ni Kurt.
Nang kapwa na kami makasakay ay tinanong ni Kurt kung saan ako nakatira. Malapit lang naman dito sa campus ang condo unit na binili ng mga magulang ko para sa akin habang nag-aaral ako dito sa MW University.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay ko na nanatiling wala kaming naging palitan ng pag-uusap. Nakasunod lang sa akin si Kurt kanina nang bumaba kami ng kotse nito at umakyat sa floor kung nasaan itong unit.
Hindi nakaligtas sa paningin ko nang igala ni Kurt ang tingin sa loob nang makapasok kami ng nagsisilbing haven ko."Gutom ka na ba?" Tanong nito matapos igala ang tingin sa paligid.
"Hindi pa. May vacant kami kanina kaya nag snack ako." Simpleng sagot ko at iniwan muna ito upang mag CR.
Nang balikan ko Kurt, nakita ko na nakaupo siya sa sofa at nakatingin sa akin. "Ako hindi mo ba tatanungin kung nagugutom na ako?"
Lumakad ako palapit sa kanya, at naupo sa upuan sa tapat ni Kurt.
"O, gutom ka ba?"
"Oo."
"Kumain ka. Mag tingin ka sa kusina kung may makakain. Initin mo na lang." dinampot ko ang isang magazine sa mesa at sisimulan na sanang basahin ngunit naantala ito nang lumipat ng kinauupuan si Kurt sa aking tabi.
"Ayoko ng nasa kitchen." he teasingly said.
"Magpa-deliver ka na lang. Don't expect me to cook dahil tinatamad ako." Wika ko na patuloy pa rin na binubuklat ang magazine.
"Ayoko ng delivery. Gusto ko ‘yung makakain dito sa living room."
Napatingin naman ako sa kanya. A puzzled look was written on my face. "Huh? Walang pagkain dito."
"Meron." at ngumiti pa si Kurt ng nakakaloko. "Ikaw."
Inirapan ko siya. "Hindi."
"Talaga ha?"
Bago pa ako makahuma ay mabilis na dumampi ang labi ni Kurt sa akin. Isang halik pa lang niya, nadadala na kaagad ako. Ang sarap talagang humalik ni Kurt. At aminin ko man o hindi, a part of me missed his kisses. Wala ng pag-aatubili na ginantihan ko ang bawat panunundyo ng labi ni Kurt.
Agad na naputol ang halik na namamagitan sa amin nang mag-ring ang cellphone na nasa bag ko. "W-wait. May tumatawag sa akin. Baka importante."
Halatang nainis si Kurt pero hindi ko na lang ito pinansin. Mabilis akong tumayo at hinagilap sa bag ang cellphone ko.
"H-hello."
"Rian, honey! Nasaan ka?" Si Kuya Jenrick na kaibigan ni Kurt ang nasa kabilang linya.
Hinahalik-halikan ako ni Kurt sa leeg. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa kausap ko dahil sa bahagyang kiliti sa ginagawa ng lalaki.
"N-nasa condo. Bakit?" Sh*t naman. Tinulak ko si Kurt palayo upang matigil ito sa ginagawa. Ang isang kamay ni Kurt ay minamasahe na ang isa kong dibdib habang ang labi nito ay nasa likuran ng aking tainga.
"Good. Sige, tawag na lang ulit ako mamaya. Ah nga pala honey, i missed you." ganyan kami ka-sweet ni Kuya. Aakalain ng iba na hindi kami mag-pinsan.
"Ohhh." Hindi ko na napigilan ang pag-ungol ngunit mabilis kong natakpan ang bibig. Sinamaan ko ng tingin si Kurt na ngayon ay tatawa-tawa na.
"Honey, ano ‘yan?" Nagtatakang tanong ni Kuya Jenrick.
"Ah, w-wala honey. Natuwa lang ako sa sinabi mo kaya nasabi ko Owww. As in ows talaga?" pagdadahilan ko. Lumayo naman kagad si Kurt sa akin. Umayos na ito ng upo na ipinagpasalamat ko.
Natawa si Kuya sa kabilang linya. “Talaga? Akala ko naman niroromansa ka na dyan." Nanunudyong wika nito.
"H-hindi ‘no! Isip mo talaga!" todo ang pag tanggi ko. Sorry naman agad Kuya sa pagsisinungaling. Hindi ako sanay na naglilihim kay Kuya Jenrick. Well, aside from my hidden feelings for Kurt that I have kept for too long. Nahihiya akong ipaalam kay Kuya Jenrick ang nararamdaman ko kay Kurt dahil sa kaibigan nga nito ang lalaki.
"Okay. Basta tawagan na lang kita mamaya, may sasabihin ako sa’yo. We will go on a party this weekend. Bye na muna kasi narito na ang hinihintay ko." At nawala na si Kuya sa tawag.
Kibit-balikat kong inilapag ang cellphone sa center table habang si Kurt at nanahimik na at nakapako ang tingin sa naka-off namang TV.
"Kurt?" Pagkuha ko sa atensyon nito. Kanina noong may kausap ako, ang kulit-kulit nito tapos ngayon naman ang tahimik. Parang ang lalim ng iniisip nito na parang nagulat pa si Kurt sa pag tawag ko.
Tumayo na kaagad si Kurt at tumungo sa pinto. "Gotta go. May lakad nga pala ako." Hindi na nito hinintay ang sagot ko, mabilis na itong lumabas.
A silence filled the unit. Bahagya akong nalungkot ng maiwan na nag-iisa kahit pa madalas namang solo ko ang bahay. I was living independently nang tumuntong ako ng college dahil na rin sa kagustuhan nina Papa. They want me to start living alone early para na rin daw sa sarili ko. They knew living solo could teach me somehow about small stuff like washing the dishes, buying my own groceries, and the likes.
Kung kaya ang agarang pag-alis ni Kurt ay hindi na dapat bago sa akin ang maiwan mag-isa. Ngunit iba pala kapag si Kurt ang umalis, may lungkot na naiiwan sa akin. Ang lihim kong kasiyahan kanina na kasama ko siya ay agad nang naputol. Okay na nga sa akin kung ibig sabihin na narito siya ay may mangyari ulit sa amin, basta ba sa mga oras na iyon ay sa akin si Kurt.
Nakaramdam ako ng inis dahil malamang ang sinasabi nitong lakad ay isang date sa kung sino na namang babae.
Isang buntong-hininga ang kumawala sa akin at matamlay na tumayo. Gagawin ko na lang ang report ko sa isang subject.
Labis akong nalibang at hindi ko napansin na 11:00 PM na pala. Ganoon ako katagal sa mga ginagawa? Juice at biscuits na lang din ang kinain ko kanina dahil tinatamad nga akong magluto.
Naghanda na ako para matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Lagot! Paano na nga pala ang kotse ko? Naiwan sa campus. Hay. Magta-taxi na nga lang ako bukas.
Papasok na sana ako sa silid nang may nag-doorbell.
Sino naman kaya ito? Hindi naman siguro ang gaga girls dahil malamang ay busy din ang mga iyon ngayon gaya sa report na ginawa ko na bukas ang deadline for submission.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako na si Kurt ang nakatayo sa harapan. Halatang nakainom siya dahil sa namumungay ang mata nito at amoy alak pa.
Hindi ako nakahuma nang mabilis akong dambahin ni Kurt at sibasibin ng halik. Nasalahan ko ang whiskey sa bibig nito. Iba rin kumpara sa mga nakaraan ang tempo ng halik ni Kurt. Masyadong harsh ang paraan nito.
Ilang sandali akong natigilan at hindi malaman ang gagawin. Nasasaktan ako sa paraan ng halik ni Kurt, pakiramdam ko magdurugo na rin ito.
Itinulak ako papasok ni Kurt at madiin na hinawakan ang magkabila kong kamay at isinandal ako sa pader. Itinaas nito ang aking mga kamay at muli nitong binalikan ang labi ko. Kinagat-kagat nito ang lower lip ko habang ang isang malayang kamay ni Kurt ay nagsimula ng hawakan ang aking dibdib.
Kung kanina noong first encounter dito sa bahay ko, he was gentle but what’s happening right now is the exact opposite. There was no gentleness in every touch, his hand feels heavy. Marahas ang bawat haplos nito. Ang kamay nitong kanina ay nasa dibdib, ngayon ay pababa na sa aking private part.
Nang makapa ni Kurt na may suot pa akong manipis na shorts at undies, hinaklit nito iyon dahilan upang mawasak.
Nanginig ang mga kamay kong hawak nito. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ni Kurt. Hindi rin ganito kung tratuhin niya ako noong unang may nangyari sa amin.
Bakit tila nagbago ito? Dahil ba ganito naman pala kababa ang tingin niya sa akin?
Maari. Paanong hindi bababa ang tingin sa akin ni Kurt kung pumayag akong may mangyari sa amin kahit wala kaming relasyon at ngayon ay pumpayag pa ulit.
Binuhat niya ako at pabagsak na ibinaba sa kama.
"K-kurt, please, no." Nanginginig na ang yung boses ko dahil nakakaramdam na ako ng takot sa inaakto nito.
Tila naman nakiusap ako sa bingi. Walang narinig na naghubad si Kurt at ganoon rin ang ginawa niya sa akin. He took off my loose shirt and I was left with nothing, not even respect for my self.
Mabilis na umibabaw sa akin si Kurt at may kadiinan na hinawakan ang aking dibdib. Tumungo ito at kinagat-kagat ang isang dunggot. That was when a tear escaped from my eyes. He’s no longer tender and caring. Where was the Kurt I once shared the bed with, ‘yung magaan kung humaplos. May pag-iingat sa bawat halik.
"I'm better, right?" He asked. Hindi ko alam ang ibig nitong sabihin. Nang hindi ako sumagot, inayos ni Kurt ang pagkakaibabaw sa akin at walang ano-ano ay tinangka nitong pasukin ang aking kaibuturan dahilan upang mapaigik ako sa sakit.
Tuluyan na akong napaiyak sa inakto nito. He was selfish. I wasn’t ready nang tangkain nito, at ako pa rin sa huli ang nasaktan.
Agad na napatigil si Kurt nang marinig ang paghikbi ko. Tila nagising ito at mabilis na umalis sa pagkakaibabaw sa akin. Ibinangon ako ni Kurt at niyakap. "I'm sorry, baby. Shhh... Stop crying." Pang-aalo nito habang hinahagod ang aking likuran.
"Hush now. Sorry. I'm so sorry."
He dried my tears using his lips. "Sorry. I shouldn't have done that."
Napahinga ito ng malalim. "Please, stop crying."
Nanatili akong tahimik. Pinilit kong itigil ang pag-iyak at walang lakas na kumalas sa pagkakayakap nito. Tahimik pa rin akong pumasok sa bathroom at ini-lock ito.
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. I have swollen eyes from crying, few kiss marks on my chest, ngunit ang higit na nakakuha ng aking atensiyon ay ang malungkot kong mga mata. Is this what I wanted? Is this the price I have to pay for having him in my arms? Ni hindi ko nga alam kung bakit tila galit ito nang dumating.
Napangiti ako ng mapait nang sumagi sa isip ko na marahil wala ngang respeto sa akin si Kurt. Paano nga ba niya ako rerespetuhin kung ako itong may sariling katawan, hindi ko magawa.
Maybe I deserve these tears and marks.
Naghilamos ako at nagsuot ng robe. Isang huling malungkot na ngiti bago ako tuluyang lumabas ng bathroom.
Nakasuot na ng boxer’s shorts si Kurt na nakaupo sa gilid ng kama at naghihintay sa akin. Mabilis itong lumapit nang marinig ang pagbubukas ng pinto. "Sorry." Wika nito.
Ngumiti ako ng mapait. "O-okay lang."
"Tara matulog na tayo."
Humiga na kami na magkatabi. Naka-unan ako sa braso ni Kurt at ito naman ay hinihimas ang braso ko. I was not happy nor sad from what happened. Siguro tama nga ang kaibigan kong si Pearl, nabaliw na ako. Nabaliw na ako sa pagmamahal kay Kurt.
"Matulog ka na ha. Goodnight." He kissed me on the lips. "Bukas sabay na tayong pumasok."
Kinabukasan, sabay na nga kami pumasok ni Kurt. Dumaan lang kami saglit sa condo nito para makapag-palit si Kurt ng damit. Hindi na namin pinag-usapan pa ‘yung nangyari ng nagdaang gabi.
Sa drive-thru na lang din ng isang fastfood chain kami bumili para habang daan ay kumakain kami. Sinubuan ko na nga lang si Kurt para makakain ito habang nagda-drive. We shared laughters about random topics na tungkol sa University. Wala sa loob na nahiling ko na sana ganito na lang kami palagi.
Pagdating ng campus, pinagtitinignan kami ng mga kapwa estudyante. Bago kasi sa mga mata nila na makita na kami ang magkasama.
Kanya-kanya silang bulungan pero hindi ko na lang pinapansin.
Tuloy-tuloy lang kaming nag lalakad. Nasa harap na kami ng building ng department ko ng makasalubong namin si Andrea.
"Kurt!" sigaw ni Andrea habang papalapit sa amin.
Tiningnan lang naman ito ni Kurt pero hindi nagsalita. Napatigil na din kami sa pag lakad ng maabutan kami ni Andrea. Bahagya akong nailang ng suriin akong tingin ng babae at ilang dumaraan ay sulyapan din kami. Hindi lingid sa buong University na si Andrea at Kurt ang may relasyon.
"Kagabi pa kita tinatawagan ah? Bakit hindi ka sumasagot?"
"Nakapag-usap na tayo, Andrea.” mahinang sabi ni Kurt. Sapat lang para marinig naming tatlo.
"Pumayag ba ako? Hindi naman ‘di ba? At bakit mo kasama ’yan? Sa kanya naman ba kagabi?” Natawa ng pagak si Andrea. “Sabi ko babe, okay lang naman. Kasi ako naman ang uuwian mo pa rin ng madalas. Sana sinagot mo pa rin ang mga tawag ko. Hindi naman ako magagalit kung sabihin mo na siya muna ang ikakama mo kagabi."
Napalunok ako at tumingin sa paligid. Nakakuha ng ng atensiyon si Andrea dahil sa my kalakasan nitong boses na tila ipinapaalam talaga sa buong eskwelahan ang nangyari kagabi.
Hinawakan ako sa braso ni Kurt. "Let's go, Marian." lalakad na sana kami palayo ni Kurt ng matigilan kami sa sinabi ni Andrea. "Miss, Dela Vega, right? Akala ko dati napakatino mong babae. Hindi ko alam na ganyan ka din pala. Papayag na ikama lang ni Kurt. I should pity you. Kasi hindi mo alam kung paano makipag-laro si Kurt. Kaya ngayon palang binabalaan na kita, ’wag ka papadala sa kanya. Dahil kapag nagsawa na din siya sa’yo, matutulad ka sa akin at sa maraming pang babae. Iiwan ka na lang niya kung saan."
"I said stop it!" sumigaw na si Kurt. Ako naman hindi ko na malaman ang gagawin dala ng hiyang-hiya sa mga tao na narito at nakiki-usyoso. Narinig nila ang sinabi ni Andrea. "Ikaw ang mas nakakaawa, Andrea. Ilang beses ko na sinabi sa’yo na tapos na tayo. Pero napaka-kapal ng mukha mo. Tigilan mo na ako. Dahil kahit kailan naman, hindi ako naging sa’yo. Lalong ‘wag mo itutulad si Marian sa’yo o sa kahit kaninong ka-uri mo. Dahil magka-iba kayo. Magkaibang-magkaiba."
At tuluyan na akong hinila palayo ni Kurt. Lalo ko napansin na marami na talagang tao sa paligid namin. Nahawi kaagad ang mga ito nang padaan na kami. Nasulyapan ko din na narito sina Claire at nakatingin sa’min at sa nangyari. Naka-ngiti sila ng ubod ng laki sa’kin at nag thumbs up pa.
Mga baliw. Natuwa pa nga sa nangyari sa’kin ngayon. Pahiyang-pahiya na nga ako sa lahat..
Hinatid na ako ni Kurt hanggang sa classroom at umalis na rin kaagad ito. Ni hindi ito nagpaalam sa akin at ang dilim-dilim ng aura niya ngayon, walang-wala sa itsura nito kanina noong nasa byahe kami papunta dito.
Paupo na ako sana ako nang mapalingon ako sa sigaw ng mga gaga girls.
"Bongga ka, Bru!" Natutuwang sigaw ni Claire.
"Sumi-scene ka ng ganun ha? Like, girl! Sa movies ko lang napapanood ang scene na ganyan ha?” Wika ni Pearl at naupo sa tabi ko.
"Kabog kami ng chorva niyo ni Kurt ha! At bakit kayo sabay pumasok?" nanunuring tanong naman ni Mich at tumayo sa harapan ko habang nakapamaywang ang isang kamay.
Ngumiti ako ng malungkot. "Tuwa pa kayo. Napahiya na nga ako. For sure, usap-usapan na kami sa buong campus."
"Hindi lang sa campus, bruha ka! Nasa forum na nga kaagad ng campus site natin!" Wika ni Mich.
Nagulat ako at lalong nag-alala. "Ha? Forum?"
"Talaga? Nasa forum na kaagad? Ang bilis naman!" Namamanghang wika ni Pearl.
"Paano mo naman nalaman, aber?" Nakataas-kilay na tanong ni Claire kay Mich.
"Online ako, eh." Nangingiting sagot ni Mich at iwinagayway nito ang cellphone na nasa website pa ng school namin.
Tiningnan ito ng dalawa ng matalim. "Online ka lang ba talaga? O baka ikaw ang nag-post tungkol doon?" Hindi naniniwalang usig ni Claire.
Nanatili lang akong nakatingin at nakikinig sa tatlong kaibigan. Wala akong lakas na makisali sa usapan nila dahil mas nag-aalala ako sa nangyari kanina. Paano na lang kapag nalaman ni Kuya Jenrick ang nangyari?
Napangisi si Mich at peace sign. Napailing na lang ako sa inakto nito at napabuga ng hangin sina Claire at Pearl.
"Ayaw niyo ng ganun? Updated ako!" ay Gaga talaga!
Nag-upuan naman kaagad ang lahat ng dumating na ang Professor namin.
"May utang kang kwento kung bakit kayo magkasama." pabulong na sabi ni Claire.
Sumang-ayon naman sina Mich at Pearl.
Tumango na lang ako ng matigil na ang mga ito. "Mamaya na."
Nang sumapit ang breaktime at nasa cafeteria kami para sa lunch namin, kinuwento ko na sa kanila kung bakit kami sabay ni Kurt.
"Ow? Talaga? Walang nangyari sa inyo? Natulog lang kayo na magkatabi?" Kababasakan ng hindi maniwala ang mukha ni Claire. Tumigil pa ito sa pag-inom ng juice ng matapos akong mag-kuwento.
"Oo nga sabi." Simpleng sagot ko.
"Bakit parang nanghihinayang ang boses mo?" Nang-aasar na tanong ni Mich na ikinatawa nina Pearl at Claire.
"Hindi ‘no!" Mariing sagot ko at nagkunwaring itinuloy na ang naudlot na pagkain.
Nang may sumingit sa usapan namin. "Hi, Marian!" Bati ng bagong dating na si Mark.
Napangiti ako ng masilayan ang isa pang kaibigan. “Hi!”
Mabilis na naupo sa tabi ko si Mark. "Kumusta? Long time no talk ah?"
“Ganoon pa din naman." si Mark ay kababata ko rin gaya nitong tatlong ko pang kaibigan. Halos lagi kaming apat ang magkaka-sama dati ngunit nahiwalay si Mark ng mag-college dahil iba ang kinuha nitong kurso, pinili nito ang Architecture habang kaming tatlo ay nagsama-sama pa rin sa kursong Tourism.
"Hoy! Ngayon ka na lang nagpakita sa’min ha. Libre mo kami ng ice cream! ‘Yung nasa cone!" Wika ni Claire.
"Oo ba. Sige kuha lang kayo, bayaran ko mamaya."
"Yesss!" at nagtayuan na ang tatlo. Naiwan kaming dalawa ni Mark sa mesa.
"Tarang mag-dinner mamaya, Rian. Doon sa favorite resto natin." Paanyaya ni Mark. "Huwag na natin isama ang mga magugulo na ‘yan." nagtawanan kami sa sinabi nito. Mas close sa akin si Mark kaysa sa tatlo nilang kaibigan. Si Mark nga ang itinuturing kong boy bestfriend.
Akmang sasagot ako nang may mauna sa akin. "Hindi sasama sa’yo si Marian dahil may lakad kami mamaya." Wika ng sumali sa usapan nila na nanggaling sa bandang likuran namin.
Sabay kaming napalingon ni Mark sa pinanggalingan ng boses.
"K-kurt?" Wika ko.
"May pupuntahan tayo hindi ba, baby?" Nakangiting tanong ni Kurt. Tiningnan ako nito na parang sinasabi ng mata niya na sang-ayunan ko ang sinabi niya.
Wala sa loob na napatango ako. "O-oo, next time na lang Mark."
Halatang takang-taka si Mark sa nangyayari. Walang-wala itong ideya sa nangyayari dahil sa pagiging busy nito sa OJT at bihira na lang mapadpad sa campus.
"Ganun ba?" Napipilitang wika ni Mark. "Sige. Next time na nga lang. Paano aalis na ako. Dumaan lang talaga ako dito para yayain ka sana." Humalik si Mark sa pisngi ko at tumayo na.
"Sige, pare." at tinapik nito sa balikat si Kurt at tuluyan na kaming iniwan.
"Hoy! Mark! Bayaran mo ‘to!" Habol ng tatlo habang dala-dala ang mga ice cream na binili nila. Nakita ko na hinila ng mga ito si Mark papuntang counter ng cafeteria.
"Wala naman tayong lakad mamaya ah?" Pagbasag ko sa katahimikan ng maupo si Kurt sa iniwang espasyo ni Mark.
"Meron. Susunduin kita mamaya sa condo mo ng 8 PM. Wala ka namang pasok bukas, hindi ba? Ako naman pa-tanghali pa." sabi ni Kurt.
"Ah, okay." Tanging naisagot ko.
"Aalis na ako. Mamaya ha? 8 PM. May klase pa ako." hindi ata papatalo kay Mark dahil ginawaran ng halik ni Kurt ang labi ko. Hindi nito alintana ang mga matang nanonood sa amin.
Lumakad na ito palayo na tila walang nangyari habang ako ay hindi malaman kung aalis na rin ba dala ng hiya sa mga nakakita o hihilingin sa lupa na lamunin na ako ngayon din.
"Ano ‘yan ha? Paligsahan?" Nanunudyong tanong ng tatlong gaga habang palapit sa mesa.