Chapter 2

3529 Words
"HEY. Isn't it bad? Why do you close your eyes?" natatawang tanong ni Kurt. Umiling lang ako at nanatiling nakapikit. Ang isip ko ay abala sa paghingi ng paunmahin sa magulang dahil ganito akong klaseng babae. Pinalaki naman nila ako ng tama at may maayos na paggabay ngunit sadyang hindi ko alam paano i-handle ang pagkahumaling kay Kurt. Sorry na rin kaagad sa lalaking itinakda sa akin ng tadhana dahil hindi ko sa kaniya maihahandog ang aking puri. Sana maintindihan niyang… Mahal ko lang talaga ng ganito si Kurt. Isang pagmamahal na sumibol noon pa man. Naputol ang iniisip ko nang kinuha ni Kurt ang isa kong kamay at dinala doon. Sa nanggagalit niyang alaga. It felt so hard against my sweaty palm! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kurt dahilan upang mapamulat ako. “You look so cute! At dahil dyan, I'll give you a reward." He kissed me again. Sa pagkakataong ito, higit na mas matagal na halik ang iginawad niya sa akin. Kahit papaano naintindihan ko na ang tamang paraan ng pagganti sa halik ni Kurt. Ginantihan ko ang mga halik nito sa abot ng aking kaalaman. He positioned his self on top of me. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Now that we are skin against skin, pikit mata kong ipinaubaya kay Kurt ang mga mangyayari pa. Kusang loob at titiyakin kong wala akong pagsisihan. Mahal ko si Kurt, ‘yan ang tanging nakatatak sa isip ko. Tama man o mali ang nangyayari ngayon, ang mahalaga sa lalaking una kong minahal iaalay ang sarili. Alam ko wala akong dapat asahan kay Kurt pagkatapos ng gabing ito. And then in an instant, I felt the surge of movements from him. Followed by the pain, bearable but it still made me shed a tear. "Y-you are..... A first timer?" hindi ko makita expression ng mukha ni Kurt dahil nakapikit ako sa sakit na naramdaman. It felt like something was torn in between my thighs. Base sa boses ni Kurt, halatang nagulat ito sa nalaman. "Y-yeah." Nanghihina kong pagkumpirma. Pinipigilan kong maiyak dahil kung kanina na bago niya tuluyang mapunit ang aking p********e ay malakas ang loob ko at desidido. Ngayon ay tila gusto kong magsisi. Lahat nga yata ng pagsisisi ay palaging nasa huli. "I thought---" Hindi ko na ito pinatapos sa nais sabihin. "Shut the f*ck up and just go on." Pikit-mata kong utos. Magsisi man ako ay huli na rin ang lahat. Wala ng magagawa ang nararamdaman kong ito. Hesitant man noong una si Kurt ngunit ako na rin ang nagkusang gumalaw upang iparating sa kaniya na okay lang. Walang dapat pagsisihan. "I'll be gentle." then he thrust again. Masakit pa rin ngunit pinapawi ni Kurt sa pamamagitan ng mga halik niya. "Hush baby. It will be okay." he said while planting soft kisses on my face. He continued moving hanggang nasanay na ako sa pakiramdam. I couldn’t find the right word to describe how it exactly feels but all I can say is, it feels great. Humigpit ang hawak sa akin ni Kurt. He moved faster and faster na halos mahilo na ako sa sobrang sensasyon na nararamdaman. Wala nang namutawi pang pag-uusap sa pagitan namin at tanging halinghing at ungol na lamang ang maririnig sa silid na ito. And then I felt it, the sudden intense pleasure of reaching the peak. Isang malakas na pagtawag sa pangalan ni Kurt ang namutawi sa labi ko at sabay naming narating ang dako paroon. NAGISING ako kinabukasan na tila ako nabugbog. At sa pagkakabugbog ko, napuruhan ang aking most intimate part. Ang sakit pa rin. Ang pakiramdam ko parang namamaga ang aking private part. Nanatili akong nakapikit at pinakikiramdaman ang sarili at ang paligid. Totoo ba ang lahat ng nangyari kagabi? Malamang naman oo dahil heto na ang ebidensiya, ang p*******t ng aking kaibuturan. Dahan-dahan akong nagmulat. Iginala ko ang paningin na bahagya mang madilim dahil siguro sa kurtina na nakaladlad ngunit hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito. Hindi ito ang sarili kong silid. At bakit parang may hangin na tumatama sa may leeg ko? Idagdag pa ang tila mabigat na kung ano man sa may bandang tiyan ko? Napalunok ako at mabagal na lumingon sa katabi. Si Kurt Bermudez. Ang guwapo nitong mukha ang sumalubong sa akin at kahit kasalukuyan pa itong natutulog, tila anghel itong bumaba sa lupa. Hindi nakakasawa pagmasdan ang mukha nito na may matangos na ilong, makakapal na kilay na bumagay sa facial features nito, ang labi na palaging may mumunting pilyong ngiti, at ang unruly hair nito. Pinasadahan ko ng tingin ang itaas na bahagi ng katawan nito na litaw mula sa kumot na aming pinagsasaluhan. Malalapad na balikat at ang toned chest nito. Halatang alaga sa gym ang katawan nito. Kaya siguro ang taas rin ng energy nito kagabi. Nang maalala ang nangyari ng nagdaang gabi, agad kong naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Kung ilang beses akong dinala ni Kurt sa alapaap at sabay naming nilakbay ang langit, kung simpleng salita ay ganoon ko ilalarawan ang nangyari sa pagitan namin. Naramdaman kong humigpit ang yakap sa akin ni Kurt ngunit nanatiling nakapikit pa rin ito. Tila may sariling isip ang aking kamay na hinaplos ang matangos nitong ilong. Nagbalik sa alaala ko ang unang beses na nasilayan ko ang guwapo nitong mukha. Noong high school pa lamang kami ay naging magkaklase. Naging popular na kaagad si Kurt kahit pa transferee lamang ito dahil sa taglay nitong itsura at sa pagiging lapitin ng mga babae sa edad nilang iyon. Mula sa malayo ay tinatanaw ko lamang siya. Hindi ako kagaya ng ibang babae sa aming paaralan na may lakas ng loob na magpapansin kay Kurt. Sapat na sa akin ang araw-araw siyang nakikita sa loob ng silid paaralan. Hindi man kami nabigyan ng pagkakataon na maging magkaibigan noon ay okay lang sa akin. Ganoon na lang rin ang kasiyahan ko ng matuklasan na sa iisang university lang din kami mag-college. Magkaiba man ang ang aming course ngunit ang mahalaga ay nariyan pa rin si Kurt sa paligid. Dumoble ang popularity nito ng nasa college na kami. Hindi ko naman masisisi ang kapwa ko babae dahil mas gumuwapo naman talaga si Kurt ng magbinata. All these years, I was just looking at him from afar. Naging kaibigan man ito ng pinsan ko, nanatili akong nakatanaw lang. Walang naging lakas ng loob kailanman, hanggang sa kagabi ay nag desisyon na akong itapon ang hiya. Agad na bumalik sa kasalukuyan ang isip ko ng magmulat ng mata si Kurt. Huling-huli nito ang wala sa loob na pananatili kong paghaplos sa mukha niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko aktong tatalikod na sa kaniya nang mabilis niya akong hilahin palapit. "Good morning!" Ganito pala ang boses ni Kurt kapag kagigising lang. It sound sexy in my ears. Parang nang-aakit kahit hindi naman. "You feel okay? Or a still a little bit sore?" Namula ako sa tanong ni Kurt. Nang hindi ako agad makasagot sa tanong nito ay mabilis itong umibabaw sa akin. Kapwa pa kami walang saplot sa katawan at ang init na nagmumula sa katawan ni Kurt ay damang-dama ko. "Hey! Blushing again? Don't keep doing that. You're turning me on." at tumawa ito. "G-good morning din." He kissed me on my cheeks. "Cute and sexy." sabi nito habang hinahalik-halikan pa rin ako sa mukha. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Kahit naman may namagitan na sa amin ni Kurt, hindi pa rin nito mababago ang katotohanan na nangyari ang lahat ng iyon na wala silang relasyon. Ngayong nasa matino na akong pag-iisip at wala ng bahid ng alcohol sa katawan, nag sink-in sa akin ang kapusukan ko ng nagdaang gabi. "Ahm. K-kurt, uuwi na ako. Umaga na." Alanganin kong wika, nanatiling iwas ang tingin. Tumawa na naman ito. "Hindi na umaga, baby. Tanghali na, 12:30 na." Nanlaki naman mata ko. "12:30??!" "Yes. Masyado yata kitang napagod kagabi." he teased. "Nagising na ako kaninang mga 8:00 pero himbing ka pa rin kaya hindi na kita ginising. Sorry napagod kita." Namula na naman ako. "Uhm, sige uuwi na ako." tinulak ko si Kurt ng marahan paalis sa ibabaw ko. "Hatid na kita." Bumalik sa pagkakahiga si Kurt. Hindi ko naman malaman kung paano ako babangon. We're still both naked under this sheet. Kung kukunin ko ang kumot, makikita ko ang buo niyang katawan. Ilang beses man ang nangyari kagabi ngunit hindi pa rin ako komportable na makita ang katawan nito o ipakita ko ang aking kahubaran. Ngayong nasa matino na akong pag-iisip, mas tumindi ang hiyang aking nadarama. "Kurt, labas ka muna. Magbibihis lang ako." Ngumiti naman ito. "Ayaw ko nga. Why? Eh, nakita ko na naman lahat ‘yan kagabi." Himig nanunuksong wika nito. Lalo akong namula. "Kahit na. Hindi ako sanay mag bihis ng may nanunuod sa akin. Sa CR na nga lang." Pag-suko ko. Hinila ko ang kumot dahilan upang ma-expose ang hubad na katawan ni Kurt. Hindi naman nito alintana ang nangyari kung kaya’t mabibilis ang kilos na dinampot ko ang mga suot kagabi at dinala sa bathroom. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tawa ni Kurt. Natataranta akong nagbihis ngunit agad na natigil ng mapansin na wala dito ang bra ko. Sh*t, naiwan ko sa kuwarto. Binuksan ko ng konti ang pinto. "K-kurt, ’yung ano." hindi ko matuloy sasabihin. "Ang ano?Hmm." bumangon si Kurt at lumapit sa may pinto. Iniwas ko ang tingin at pinanatili sa mukha nito ang aking mga mata. "Y-yung ano ko." "Ito ba?" Itinaas ni Kurt ang kamay na hawak ang hinahanap ko. Aktong hahablutin ko ito nang mabilis na naiiwas ni Kurt. "Akin na ‘yan!” "On one condition. Kiss me." nakangiti ito ng nakakaloko. Nanlaki mata ko. "Madaya! Ibigay mo na kasi ‘yan ng makauwi na ako!" "Just kiss me." Ilang sandali akong nag-alangan at nanatiling nakatingin kay Kurt. Nang mukhang desidido itong hindi ibigay sa akin ang hinihingi, napabuntong-hininga ako. Marahan akong dumukwang sa binata at hinalikan ito ng mabilis sa labi. Isang smack lang ngunit mabilis si Kurt na napigil ang paglayo ko. Hinawakan nito ang likod ng aking ulo upang hindi ako mapabitiw. Nanatiling magkalapat ang aming mga labi at sa isang kisapmata, we’re both kissing each other. Just like last night, our kiss deepen and got intense. It was as if a fire ignites once more. Hindi na ako tumutol nang bahagyang itulak ni Kurt ang bathroom door ng hindi nagkakahiwalay ang aming mga labi. Pumasok ito sa loob at kapwa kami sabik na nagdikit ang katawan. All my inhibitions left, flew out the window. After all, this may be the last time. Dahil ayon sa aking alam sa binata, bumibitiw kaagad ito sa mga babae lalo na kung virgin nang una niyang makuha. I am no different from them. For sure, oras na maihatid niya ako sa bahay, iyon na rin hudyat na kalimutan na namin ang lahat ng namagitan sa aming dalawa. "Tara na." Yaya ko kay Kurt. Nauna na ako palabas ng condo nito. Kung noong nagising ako kanina ay 12:30, ngayon ay 3PM na. Naglalakad na kami sa hallway ng building ng may makasalubong kaming babae. "Hi babe! Good thing naabutan kita. Sa’yo talaga ako papunta." sabi ng hipon, este ng babae. Babaeng maganda ang katawan pero hindi ang mukha. Walang ano-ano ay hinalikan ng babaeng ito si Kurt, hindi alintana kung nasaan sila ngayon at kasama ko ang binata. Inirapan ko ang dalawa at nag-martsa na patungo sa elevator. Hindi ko na hihintayin na matapos ang halikan ng mga ito. Uuwi na lang akong mg-isa. Ngunit bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay narinig ko ang sigaw ni Kurt. "Marian!" Hindi ko na ito pinansin pa. Dito na nagtatapos ang namagitan sa aming dalawa at dito na rin magsisimula ang pagsubok kong kalimutan ang lahat ng nangyari. Sa iilang oras na iyon, ‘yun rin ang mga oras na naging masaya ako kahit papaano. Itinatak ko sa isip na hindi ko dapat pagsisihan dahil wala namang pilitang nangyari. Lahat ay kusang loob kong ipinahintulot. Pagkarating ko sa bahay, saktong nag ring ang landline. "Hello?" sabi ko. "Where the hell are you, Marian!" sigaw na wika ni Michelle mula sa kabilang linya. "Mich, obviously I'm at home. Sa landline ikaw tumawag, hindi ba?" naiiling kong sagot at pabagsak na naupo sa couch. "Oo nga. Shunga talaga ng drama mo, Mich!" narinig ko sa background na sabi ni Pearl. At nagtawanan ang mga ito. "Shut up! Serious chorva nga ang peg ko, sinisira niyo naman! Moment ko ‘to!" Natatawa ngunit naiinis na sabi ni Mich. "Gaga! Hindi kasi bagay!" Wika ni Claire. "Oo na nga! Oh, Rian, Good thing nandyan ka na. ‘Kay, bye!" at ini-end call na ni Mich. Napa-iling na lang ako. Ang babaliw talaga ng mga kaibigan ko. Pumikit muna ako sandali. Katawan at isip ko ay kapwa pagod sa nangyari. Sa dami ng pagkakataon na ang-krus ang landas namin ni Kurt, hindi iilang beses na inasam kong mapansin nito. Kaibigan ito ng pinsan ko, schoolmate since HS, at saksi ako kung gaano ito palibutan ng mga babae. Naalala ko ang isang pagkakataon na birthday party ng pinsan kong si Jenrick na kaibigan ni Kurt. Narinig kong nag-uusap ang pinsan at si Kurt at sinabihan ni Jenrick ito na ‘wag akong isasama sa listahan nito ng mga babae. At ang naging sagot ni Kurt? "Definitely not. She's not my type. So nothing to worry about, bro." sagot ni Kurt na bahagyang natatawa. Ang sakit lang marinig. Everytime na magkakasalubong man lang kami, walang recognition akong makita sa mata ni Kurt. Kailanman ay hindi tumatak sa isip nito ang isang Marian Dela Vega. Sino nga lang ba naman ako, hindi ba? Naagaw ang atensiyon ko nang may nag door bell. Napamulat ako sa gulat. Huh. Sino naman kaya ‘to. Wala naman akong inaasahan na bisita. Tinatamad akong tumayo pero napilitan na din dahil parang balak akong mabingi ng kung sinomang ‘yon sa walang tigil at sunod-sunod na pagpindot sa door bell. "What do you---" galit kong bungad pero natigil din kaagad. "Hello, Rian!" ang mga gaga girls. "Saan ka galing? You owe us an explanation. Kanina pa kami tumatawag sa phone mo pero naka-off!" Himig naninita na salubong ni Claire. Tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang aking mga kaibigan at sabay-sabay na napatigil sa may sofa. Tila iisang tao na lumingon sa akin ang tatlo. "Ngayon ka lang umuwi??!" "Saan ka galing?!" "Saan kayo nagpunta ni Kurt?!" Hindi paawat na tanong ng mga ito. Lumapit sila sa akin at hinila ako pabagsak sa sofa. "Ouch! Ano ba para kayong tanga." Naiinis kong sigaw. Hinihimas ko ang bandang likod ng baywang ko na napahampas sa may gilid ng sofa. "Saan ka nga galing?" Ulit ni Pearl. "Sa condo ni Kurt." simpleng sagot ko. "What?!" Sabay-sabay at gulantang na wika ng mga ito. "You all heard it right." "Anong ginawa niyo doon?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Mich. Binatukan naman ito ni Claire. "Bobo lang? Alam na. Si Kurt ‘yun eh. Kaya malamang isinuko na." Tiningnan nila akong tatlo. "O-oo." Nangingiwi kong pagkumpirma. "Ay bobita." Naiiling na wika ni Claire. "Naloka na." Pabagsak na sumandal si Pearl. "Woooh! Anong nangyari? Masarap? Malaki? Ano masakit pa ba?" Natutuwang sunod-sunod na tanong ni Mich. Ito lang ang naiiba ang sagot, kasi naman ito lang din ang naiiba ang utak. Nabatukan naman ito ng dalawa nilang kaibigan. "Ano ba?! ‘Wag na kayo umangal kasi desisyon ‘yan ni Rian. We had no choice." sigaw ni Mich at muli akong binalingan. "O, ano kwento na! Paano kayo nakarating doon? Niyaya mo?!" Walang nagawang inilahad ko sa kanila ang mga nangyari. Hindi man detailed for my privacy ngunit sapat na para malaman ng mga kaibigan ko ang namagitan sa amin ni Kurt. After ko mag-kwento ay nasigawan ang mga ito. "Swerte mo!" Wika ni Claire. "Ako inggit!" Naka-sad face pa ang lokaret na si Mich. "Kakaiba first move mo, girl!" Namamanghang wika ni Pearl. Napangiti na lang ako ng mapait. Swerte nga ba? Malamang kahit ginawa na namin ni Kurt ang bagay na ‘yon, mapapabilang lang din ako sa mga listhan ng naging babae nito. LUNES NG UMAGA. Naglalakad ako papunta sa building namin. Hindi naman ako masyadong nagmamadali dahil maaga pa naman. 45 minutes pa bago mag-simula ang klase namin. Naglalakad ako na parang walang pakialam sa mundo. Hindi maalis sa isip ko ang narinig mula sa car park. "Alam mo ba, 3 weeks dating na sina Andrea at Kurt! Improving ‘yun ha. Alam mo naman na 1 week lang ang itinatagal ng isang babae sa kaniya. He easily gets bored. Swerte ni Andrea ‘no? Baka tinamaan na talaga sa kaniya si Kurt." sabi ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay isang ECE student ito base sa mga dala nito. Kabababa ko lang ng kotse, heto na kaagad ang bumungad sa akin. "Oo nga daw. Nako, Ayaw ko naman sa Andrea na ‘yun. Napaka-flirt! Imbyerna ‘teh." Nakaingos na wika ni Girl na base sa mga dala nito ay mukhang taga Education department. Andrea? If I'm not mistaken, si Andrea ang Campus Queen this year. Balita naman na bumili lang ng boto kaya nanalo. ‘Yun ang GF ngayon ni Kurt? Bakit hindi ko alam, eh admirer niya ako? Sabagay, when it comes to his girls wala akong pakielam. Papalit-palit naman ng babae si Kurt. Ako lang ang mahihilo kung susubaybayan ko ang mga babae niya. "At nakilala na daw ni Andrea ang family ni Kurt. Looks like seryosohan na sila?" Muling wika ni ECE student. What? Are they effin' serious? Ibang usapan na kapag nakilala ang pamilya. Kasi ang alam ko, hindi nagpapakilala si Kurt ng babae sa pamilya nito. Ang gusto nga daw nito ay ang babaeng seseryosohin lang ang ipapakilala sa pamilya. Ayon din kay Kurt sabi sa bali-balita, sobrang matagal pa daw mangyayari ang bagay na iyon dahil walang-wala pa sa isip nito ang mag seryoso. "Oo nga, Hahanap lang din naman si Kurt ng seseryosohin, bakit yun pa? Napaka-easy girl naman ni Andrea. Kung ako na lang sana ang pinili niya." Nanghihinayang na wika ni Educ student. Dahil sa lalim ng iniisip ko habang naglalakad ay hindi ko napansin ang kasalubong ko hanggang mabangga ko ito. "Hey!” Kaagad akong tumingin dito dahil kilalang-kilala ko boses na ‘yan. And I'm right, si Kurt nga. "Okay ka lang ba?" Tumango na lang ako. "Oh hi, Marian." Bati ng kasama ni Kurt na si Vin, his bestfriend. "Hello." ngumiti ako sa kanya. "You okay? Pasensya ka na kay Kurt ha. Eengot-engot.” Hinging-paumanhin ni Vin. "Okay lang." nginitian ko ulit si Vin at sumulyap kay Kurt. Bakit parang madilim ang expression ng mukha nito? May nangyari ba? Bago pa ako maka-isip ng puwedeng dahilan, hinila na ako ni Kurt palayo. Dere-deretso niya akong hinila hanggang sa may gilid ng cafeteria, dito sa wala masyadong tao na dumaraan dahil maaga pa. "May kasalanan ka pa sa akin, dinadagdagan mo na kaagad!" Mariing wika ni Kurt, bakas ng galit ang boses nito. Huh? Ako daw may kasalanan sa kanya? At dinadagdagan ko pa? Ano naman kaya ‘yun? "Kunwari ka pang hindi mo alam." Mind reader ba si Kurt? Paano nito nalaman ang iniisip ko. "Hindi ako mind reader." Hala?! Mind reader eh! Nalalaman niya ang iniisip ko. "Hindi nga sabi ako mind reader. Halata lang talaga sa mukha mo ang iniisip mo." Napatango na lang ako. Okay. Sabi mo eh. "Iniwan mo ako noong Saturday. Hindi ba sabi ko naman sa’yo ihahatid kita?" "Ah, ‘yun ba? May kasama ka naman ‘di ba? Ayoko lang makaistorbo." Wika ko. "Kahit na. Hinabol kita pero hindi mo na ako pinansin.” Naiinis pa ring wika ni Kurt, nanatiling hawak nito ang braso ko upang hindi ako makalayo. "Okay lang ‘yun. Nakita mo naman nakauwi ako ng maayos." umiwas ako ng tingin sa kanya kasi kapag nakatingin ako sa mukha ni Kurt, hindi ko maiwasan na hindi titigan ang lips nito. Nami-miss ko na ang halik ni Kurt! "At ‘wag ka makipag-ngitian sa iba." Bakas ng pag-uutos ang tono ni Kurt. Ano daw? ‘Wag makipag-ngitian? Tama ba ang dinig ko? "Bakit naman?" Bahagyang nakataas-kilay na tanong ko. "Dahil ayoko." Bahagyang lumapit ang mukha ni Kurt sa akin. "At dahil sinabi ko." Napigil ko ang hininga. Iilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t-isa at medyo nalalanghap ko na ang mabangong hininga ni Kurt. "Anong oras uwian niyo?" "H-ha? Ah, 5 PM ang last class ko. Bakit?" Nawiwindang kong tanong. "Hihintayin kita." lumayo na ito sa akin matapos akong halikan ng mabilisan sa lips. "Bakit?" "Dahil sinabi ko, dahil gusto ko." ‘yan na naman ang masungit nitong boses. Lumakad na si Kurt palayo sa akin ngunit bago tuluyang makalayo narinig ko pa ang sinabi nito. "Huwag mong kalilimutan. Bawal ka ngumiti sa iba. Dahil ang ngiti mo, nakaka-turn on. Ayokong may ibang ma-turn on sa’yo." at tuluyan na itong lumakad palayo habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Hindi ko itatanggit ngunit bahagya akong kinilig sa sinabi nito. Kahit kailan, ang galing nito mambola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD