PAGKARATING sa bahay nina Kurt, sinalubong kami kaagad ni Mommy. "Akala ko mamaya pa kayong hapunan. Ang tagal niyo ha." "Sorry, Mommy. Si Kurt po kasi ang bagal. Daig pa ang babae kung kumilos." hinalikan ko si Mommy sa pisngi. "Naku hindi ka pa nasanay dyan. Mabagal talaga ‘yan kapag ako ang pupuntahan. Samantalang dati kapag mga babae niya napaka---" Hindi na pinatapos ni Kurt si Mommy sa sinasabi. "Tampo naman ang Mommy kong maganda." inakbayan nito si Mommy at hinalikan sa ulo. "Nagpa-gwapo lang naman ako ng todo para kapag nakita mo ako, pupurihin mo ako." kaya naman natawa kami sa sinabi ni Kurt. Magkaka-agapay kaming naglakad papasok sa bahay. "Puro ka kalokohan. Tayo na ngang kumain. Namiss ko kayo kaya pinagluto ko kayo ng marami. Damihan niyo ang kain lalo ka na Rian, ang p

