PAGBABA ko ng taxi, halos banggain ko na ang lahat ng makakasalubong. Late na late na ako sa dinner namin ni Hubby. Buwisit na cellphone naman kasi, bakit ngayon pa nawala! Pero hindi ‘yun ang mas inaalala ko. Mas mahalaga sa akin na makarating na kaagad kay Hubby. Papasakay na sana ako ng elevator ng mabangga ako ng isang lalaki. Hindi ko alam pero biglang parang kinabahan ako. But I chose to ignore it dala ng pagmamadali. Pinindot ko ang floor kung nasaan ang unit ni Kurt. Hindi ako mapakali. Pinapanood ko ang paglilipat ng number sa may gilid ng pintuan ng elevator. May ilan ng nagbabaan sa mga kasabay. Ako na lang ang naiwan na sakay. Kung bakit ba naman kasi sa 20th floor pa ang unit namin! Napasulyap ako sa bitbit ko, ang regalo ko kay Hubby. Napangiti ako ng maalala na personaliz

