PAGLISAN ko sa condo ni Kurt ay sa isang bar ako nagtungo. Gusto kong uminom ng marami hanggang mamanhid ang puso ko sa sakit na nadarama. How ironic. Kanina nasa bahay ako ni Mark at sinasabi sa isip ko na hindi naman maalis ng alak ang sakit ng damdamin. Pero ano ako ngayon? Alak din ang naisipan na takbuhan. Umaasa lang naman ako na katulad noong bata pa ako. Kapag nagkasugat, lalagyan lang ng alcohol at gagaling na din. Ganoon din kaya ang puso kong sugatan? Iinom ko ng maraming alcohol, mawawala na din ba ang sakit? Sinubukan ko na tawagan sina Mich. Mabuti na lang agad silang sumagot at sabi ay pupunta kaagad dito. Habang hinihintay ko sila, abala ako sa pagpapakalunod sa alak. Hindi ko na pinapansin ang kapaligiran. "Sis?" paglingon ko, ang tatlong Gaga Girls ang nakita ko. Buma

