“MOMMY, when can we see Daddy?” Nakalabing lumapit sa akin ang anak. Ibinaba ko ang mga dokumentong binabasa hinggil sa pagbebenta ng mga properties ng pamilya dito sa Pilipinas. Nagi-guilty kong niyakap ang anak. Lagpas isang linggo na kami dito sa Pilipinas ngunit hindi ko pa rin nagagawan ng paraan na magkita ang mag-ama. Siguro nga kailangan ko na talagang gawin ang malaking dahilan ng pagbabalik dito upang makauwi na kami sa Canada. “I’ll see what I can do, son. I told you, Daddy is busy and Mommy couldn’t find him.” “But Mom—“ Pinutol ko na kaagad ang sasabihin nito. “Mommy will go to Daddy’s office later to see if Daddy is not busy so he could visit you. Can you behave later when I leave you with Yaya Openg?” Mabilis na tumango ang anak. “Yes, Mommy! I’ll wait for Daddy later.

