CHAPTER 2

1164 Words
ELI GARCIA Mabilis lumipas ang panahon ngayon ang araw ng graduation ko ng college. Umaasa na darating si daddy para makasama ko ngayon importanteng araw ng buhay ko. Umaga pa lang ay tinawagan ko na si Mommy. "Hello, Eli ang aga pa tumatawag ka na." iretableng sabi sa akin ni Mommy. "Mom, can you please come to my graduation rites today?" Bakas sa boses ko ang pakiusap. Baka sakaling pumayag siya na pumunta, at kahit sumilip man lang, magiging masaya na ako. Sa ilang taon ko ng nag aaral dito sa U.S never ko pang nakita na umattend si Moomy sa mga events ko sa school. Laging si Yaya Trining lang ang pirmi kong kasama. Siya na din ang tumayong magulang para sa akin. "Eli, I'm sorry, hindi ako makakapunta may recital din ngayon ang kapatid mo. Kaya muna yan, abogado kana kaya hindi muna kailangan ang presence ko." Sabi niya sa akin. Bigla na lang pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Dapat sanay na ako eh, dapat hindi na ako nasasaktan. Wala na naman bago, never akong naging priority. Lagi lang akong sabit sa pamilya niya. Nandito nga ako sa amerika pero never kong naramdaman na may nanay ako. "Anak, ang aga pa malungkot ka na." "Yaya, hindi ko ba deserve ang oras ni Mommy? Anak niya din naman ako diba? Bakit parang ang hirap humingi ng kahit konting oras niya. Mula pagkabata ko hindi never pa niya ako sinamahan sa school." Naiiyak kong sabi kay Nanay Trining. "Eli, intindihin mo na lang, wala din naman tayong magagawa sa mommy mo. Nandito naman ako, sasamahan kita kahit saan. Huwag ka ng umiiyak, gusto mo bang mamaga ang mata mo. Aakyat ka sa stage na mugtong - mugto ang mata mo." muling sabi sa akin ni Nanay Trining. Useless ka din naman kahit umiyak ako ng dugo ngayon, hindi rin naman pupunta si Mommy. Dahil ang mahalaga lang sa kanya ay ang dalawa niyang anak sa second husband niya. Si Kristelle at si Christian. Ako... Sino nga ba ako? Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Dapat sanay na ako, hindi na sana ako nasasaktan pa. Dumiretso ako sa banyo ata inayos ang aking sarili, tama naman siya malaki na ako. Graduate na nga ako ng college at isa na akong abogado ngayon. Magagawa ko na ang gusto kong gawin. Hindi ako gagaya sa kanila kapag nagkaroon ako ng sarili kong pamilya. Hind ako gagaya kay mommy na sarili lang niya ang iniisip niya. Iniwan niya kami ni daddy para sabumuo ng bago ng pamilya. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng silid ko at pumunta sa kusina. Inabutan ko si yaya na nagpiprito ng paborito kong tuyo at longanisa. "Wow! Ang sarap naman po ng breakfast natin Nay," masaya kong sabi. "Malungkot ka kasi kanina, kaya ipinagluto kita ng paborito mong almusal." Nakangiting sabi sa akin ni nanay Trining. "Thank you po, Nay. Ikaw lang talaga ang nagmamahal sa akin." biro ko pa. "Hindi naman anak, mahal ka din ng daddy mo. Baka madami lang ginagawa kaya hindi maiwan ang trabaho para maka punta dito sa America. Kaya nga ako ang ipinadala niya diba." "Hayaan na po natin sila, Nay. Ang mahalaga magtatapos na ako ngayong araw at makakapagt4rabaho na ako sa isang Law Firm Company pagka graduate ko." Naka smile kong sabi. "Ganyan nga anak, huwag mong hayaan na panghinaan ka ng loob dahil lang sa mga bagay na hindi mo kontrolado. Gawin mo kung ano ang gusto mo, at huwag kang magpapaapekto sa mommy mo o maging sa mga kapatid mo na lagi kang binubully." "Naku Nay, alam mo pong pinagbibigyan ko lang sila, lalo na si Kristelle. Ayaw ko lang po ng gulo kaya pumapayag ako na kunin niya lahat ng pag aari ko na magustuhan niya." "Pati ba si Dave?" biglang sabi ni Nanay. Si dave ang ex boyfriend ko na ngayon ay boyfriend na ng step sister kong si Kristelle. Alam kong may gusto siya kay Dave noon pa. Kaya ginawa niya lahat ng paraan para maagaw ito sa akin. Hindi ko naman ganoon kamahal si Dave kaya madali lang sa akin na pakawalan siya. Pagkatapos kong kumain ay nakita kong umiilaw ang ipad ko. Agad ko itong dinampot at nakita ko na nakikipag videocall si daddy. "Dad!" masaya kong tawag kay daddy. Nakita ko siya nakahiga sa kama niya. "Eli, iha, pasensya kana kung hindi makakarating si Daddy sa Graduation mo. Gustong - gusto kong pumunta pero may sakit kasi ako." Wika niya. Bakas sa boses niya ang panghihina, at kita ko rin sa mukha niya na medyo maputla siya. "Dad, are you okay?" Nag aalala kong sabi. "Nagpacheck up na po ba kayo sa ospital?" "Iha, ayos lang ako. May hinulog akong pera sa bank mo. Regalo ko yun sayo dahil hindi mo ako binigo." sabi niya sa akin. "Dad, hindi ko po kailangan ng pera. Ikaw po ang kailangan ko. Magpagaling ka po para makadalaw ka naman dito. Ako naman ngayon ang mag ti-treat sayo." masaya kong sabi sa kanya. "Sige na, anak. Mag ayos ka na at kailangan ko na din mnagpahinga. Happy graduation ulit sayo." Muli niyang sabi, bago pa niya i-end call ang tawag niya. Hindi ko makuha ang mag saya ngayong araw. Nag aalala ako sa kalagayan ni Daddy. Gusto ko siyanmg alagaanm pero alam ko naman na hindi niya ako papayagang puntahan siya. Sa totoo lang mas naramdaman ko pa ang pagmamahal sa akin ni Daddy kahit malayo kami sa isa't isa. Noon galit ako sa kanya, kasi akala ko kaya sila nag hiwalay ni Mommy dahil hindi niya ito mahal. Pero nalaman ko habang lumalaki ako na kaya pala sila nag hiwalay dahil kasalanan din ni Mommy. She betrayed my dad, hindi niya mahal si Daddy dahil ipinilit lang siyang ipakasal kay daddy noong may nangyari sa kanila ng minsang nalasing si daddy. Along the way, may relasyon sila ni Tito Andrew. Kaya noon nagpunta na ng Amerika si Tito Andrew ay sumama na siya at iniwan na niya kami ni Daddy. Galit din siya sa akin dahil ako ang naging bunga ng kasalan sa kanya ni Daddy. Alam ko naman na mas mahal niya ang dalawa niyang anak kay tito Andrew. Tanggap ko yun, pero umaasa ako na kahit konti sana minahal niya din ako. Pero hindi, sa halip pinaramdam niya sa akin ang galit niya kay Daddy, never niya ako sinuportahan. Nakatira lang ako sa bahay niya pero hindi ko naramdaman na mommy ko siya. Binuhos niya lahat ng pagmamahal niya sa dalawa niyang anak. Samantalang ako... Naghihintay na ambunan niya man lang kahit konting pagmamahal niya. Hanggang sa lumaki na ako at natanggap ko na rin ang sitwasyon ko. Na kahit kailan hindi niya ako mamahalin. Kaya nakiusap ako noon kay daddy na ikuha na lang niya ako ng apartment at ginawa naman niya. Binigyan niya rin ako ng makakasama, si Nanay Trining na siyang tumayo kong magulang habang nandito ako sa Amerika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD