Chapter 2 - Cali

2492 Words
Habang nahihiya at nag iisip parin sa nangyari kanina, hindi ko namamalayan na huminto na pala kami. Inaya akong bumaba sa sasakyan ng kaibigan kong si Ann at napansin kong kami ay nasa isang parking lot. May kalakasan ang hangin dahil maraming puno sa paligid. Bumaba na rin si Ryan at si Steve ngunit hindi ko parin alam kung nasaan kami at ano ang gagawin namin sa parking lot. Dahil sa labis na pagtataka, kinausap ko si Ann. Jam: "Beshie nasaan ba tayo at anong gagawin natin dito? Mukhang hindi naman to pasyalan pati walang ibang tao bukod sa atin." Ann: "Ikalma mo muna besh, wala talagang ibang tao dito dahil kami lang ang nakakaalam nito." Jam: "Akala ko ba sure kang magugustuhan ko dito? Parang hindi naman ganon yung nararamdaman ko ngayon." Ngumiti lang si Ann at hindi na ulit nag salita. Habang tumitingin ako sa paligid para magkaroon man lang ng ideya kung nasaan kami, biglang hinawakan ni Ann ang kamay ko at hinahatak ako papunta sa isang pintuan na nasa dulo ng parking lot. Si Ryan at Steve naman ay nasa likuran namin na tahimik at nakangiting naglalakad. Nang mapalapit sa pulang pintuan, napansin kong mukhang maliit lang ang loob nito dahil para lamang itong kasing liit ng banyo kung titignan mula sa panlabas na anyo. "Cali." sabi ni Ann sa pintuan at agad naman itong binuksan ng isang malaking kulot na lalaki na hanggang balikat ang buhok. Laking gulat ko, mayroon palang hagdanan sa loob nito. Ngumiti si Ryan sa lalaking nagbukas ng pinto at tuluyan na kaming bumaba sa hagdanan. Pag dating sa pinaka baba ng hagdanan, isang malaking kwarto ang bumungad saakin. Sari saring kulay ng ilaw, malaking bilyaran, iba't ibang mga alak ang naka patong sa cabinet na mahaba at nakadikit sa pader. Sa sulok naman ay mayroong poker table, malaking bilog na sofa at lamesa, dart board, video games at karaoke. Nagulat ako sa nakita ko dahil hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar. Ann: "Welcome to Cali!!!!!!! Oh ayan, may karaoke pa ha!? Ano beshie, hindi mo pa rin ba nagustuhan dito?" Jam: "Ang ganda besh, pero parang mamahalin naman ata dito. Mukhang hindi natin kayang bayaran to eh." Ann: "Ano ka ba besh! Hindi natin kailangan mag bayad dahil pinagawa nila Ryan at ng ibang kaibigan nila 'tong tambayan." Jam: "Tambayan?" Ann: "Oo besh! So simula ngayon, dito ka narin pupunta kapag magkikita tayo, o kaya naman pag wala kang ginagawa, gusto mo maglibang o kahit maglasing ka pa!" Ryan: "O kaya kung gusto mo makasama o makita si Steve". Jam: "Excuse me no! Bakit ko naman gugustuhin na makita at makasama 'yang unggoy na yan." Steve: "Wow, ganda." Jam: "TALAGA!" "Oh teka tama na yan! Ganyan lolo't lola ko nagsimula eh." sinabi ni Ann bago nya ko hilahin ulit papunta sa malaking bilog na sofa para maupo. "Parinig mo nalang yung boses mo sakanila besh, tutal sawa na ko sa mga boses palaka na yan. Para maiba naman! Lagi nalang sila-sila yung kumakanta buti sana kung maganda sa pandinig." dagdag pa ni Ann. Inabot nya saakin ang song book para makapili ako ng kakantahin ko. Habang pumipili ako ng kakantahin ko, biglang may mga tawanan akong narinig na nanggagaling sa hagdanan. "Yan na pala sila eh." sabi ni Ryan na syang kinagulat ko. SILA? Sinong sila!? Binulungan ko si Ann, "Beshie sino yung sinasabi ni Ryan?". "Ahh, sila." sabay turo ni Ann sa mga bumaba sa hagdanan. Paglingon ko sa tinuro ni Ann, nakita ko ang apat na lalaki at tatlong babae na kararating lang. Habang papalapit sila saamin, unti unti kong nilapag ang song book sa lamesa. Ann: "Hi guys! Si Jam nga pala, yung BFF kong kalilipat lang dito sa Manila. Yung sinasabi ko sainyo?". Jam: "Hello! Nice to meet you guys." "Yan si Angelo at ang girlfriend nyang si Grace" sabay turo ni Ann sa matangkad na lalaki na maiksi at kulot ang buhok. Pati sa kasama nito na hanggang balikat ang buhok at maputing dalaga. "Ito naman, si Jonas" dagdag pa nito, sabay hawak sa braso ng lalaking umupo sa tabi nina Ann at Ryan. "Hi I'm Patricia, girlfriend ni Christian. Yung maliit na lalaki na kumukuha ng alak dun sa gilid, sya yun. Ayan kumaway sya." sabi naman ng babaeng morena na nakasalamin na tumabi saakin at humawak saaking kamay. "Hello Patricia!" sagot ko naman. "Pat nalang girl, tutal friend ka na rin naman namin mula ngayon." "Hi mamsh! Jenny nga pala!" sabi ng babaeng kakalabas lang sa pintuan ng banyo. "Yung pinakapogi na lalake sa paningin ko na yun, si Jastin, boyfriend ko." sabay turo nya sa lalaking nakaupo sa ibabaw ng bilyaran. Jastin: "Sya na ba girlfriend mo Steve? Bagay kayo ha" Jam: "Nako hindi po. At lalong hindi kami bagay. Hayup kasi sya.". Steve: "Hindi pre pero may gusto sya sakin. Hinolding hands na nga ko kaagad kanina eh, di ko pa naman sya sinasagot." Jam: "Ang pogi mo sa part na yan Steve." Steve: "Alam ko naman." "Baka ikaw ang may gusto sakin." bulong ko sa sarili. "Ang cute nyo namaaaaaan! Bagay kayo!" sabi ni Grace na naka-kandong sa boyfriend nyang si Angelo. "Kanina pa nga yang dalawang yan, feeling ko nga sila na kagad." dagdag naman ni Ryan. "Okay, inuman naaaaaaaaa!" sabay lapag ng alak ni Christian sa lamesa. Umupo narin si Jenny, Jastin, Christian at Steve sa sofa kasama namin at ng iba nilang barkada kaya nagsimula na kaming uminom at magkwentuhan. Masaya ako na nakilala ko ang buong barkada nila Ann at tinanggap ako sa samahan nila kahit ngayon lang nila ako nakilala. Sa totoo lang, ngayon lang ako nagkaroon ng maraming kaibigan na kagaya nila dahil mula noon, si Jake lang ang naging kaibigan ko bukod kay Ann. Si Jake ay dati ko ring kaibigan. Sila ang bagong nanirahan sa bahay nila Ann nung lumipat sila sa Manila. Sobra akong nalungkot nung mawala sila Ann dahil halos lahat ng kabataan sa bayan namin ay ayaw akong maging kaibigan dahil kami ni Ann ang nagpapaiyak at nang-aasar sakanila nuon. Pero kahit paano ay nabawasan ang lungkot ko nang maging kaibigan ko si Jake. Naging magkasundo kami ni Jake at siya na ang naging kasama ko parati. Pag nalulungkot ako, pinapasaya at pinatatawa nya ko. Sya rin ang nagpupunas ng luha ko pag umiiyak ako lalo na kapag namimiss ko si Ann. Parang kapatid na din kasi ang naging turingan namin ni Ann. Pero paglipas ng dalawang taon, naging higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon namin ni Jake. Nagtapat sya ng nararamdaman nya para sakin at ganuon din naman ako sakanya. Nagpaalam sya kay Mama para ligawan ako at di rin nagtagal ay naging boyfriend ko na sya. Naging masaya ang unang isa't kalahating taon ng pagsasama namin ni Jake pero nagsimulang magbago ang lahat nung nag aral sya sa Manila. Halos araw-araw kaming nag uusap ni Jake sa unang isang buwan ng pag-aaral nya sa Manila. Nagkakamustahan, nagkukwentuhan kung anong nangyari sa araw naming dalawa, nagtatawanan at sinasabi naming miss na namin ang isa't isa. Sumunod na buwan ay unti unting naging tutok sa pag aaral si Jake na tipong tatlong beses sa isang linggo nalang kami kung mag usap. Naiintindihan ko at iniintindi ko na gusto lang din ni Jake makapagtapos ng pag aaral at magkaroon ng maganda at magarang buhay. Sa mga sumunod na buwan ay isang beses sa isang linggo na lang nya akong tinatawagan at tinetext dahil malapit na daw ang final exam nila at kailangan nyang mag aral ng mabuti. Hanggang dumating sa punto na kung hindi ko pa pupuntahan ang pamilya nya sa bahay nila para tanungin kung may balita ba sila kay Jake, ay hindi nya pa ako maaalalang kausapin. Di nagtagal ay hindi na ko kinausap ni Jake. Kahit tuldok man lang na text, wala akong natanggap sakanya. Napagod na rin akong tawagan sya dahil hindi na matawagan ang number nya. Pag pinupuntahan ko rin ang pamilya nyang naiwan sa probinsya, sinasabi nilang nawala o sira yung cellphone ni Jake kaya hindi matawagan. Isang araw, naramdaman ko nalang na pagod na akong hanapin at habulin si Jake dahil kung gusto nya talaga akong makausap, gagawa sya ng paraan para makausap ako. Halos maubos na ang luha ko kakaiyak gabi-gabi. Iniisip ko kung anong ginagawa ni Jake. Kung umiiyak at nasasaktan din ba sya kagaya ko? Kung bakit nagawa nya sakin yun? Anong dahilan bakit hindi nya ko makausap ng maayos? Bakit hindi man lang sya nag paalam na iiwan na pala nya ako? Masakit. Sobrang sakit ng naramdaman ko sa ginawa nya sakin. Pano nya nagawang itapon yung dalawang taon na relasyon namin? Yung dalawang taon din na pagkakaibigan namin. Wala lang ba sakanya lahat yun? Nagkita kami ulit ni Jake. Oo, bumalik sya. Papunta ako ng palengke para mamili ng pang handa sa birthday ko. Nadaanan ko ang bahay nila Jake at nagkasalubong kami. Hindi maipinta sa mukha nya kung anong gagawin nya at sasabihin nya sakin. May kasama syang babaeng buntis at parang nasa tatlo o apat na buwan ang tiyan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maglalakad ba ko ng mabilis o sasampalin ko si Jake? Nakita ako ni Mama dahil sinundan nya pala ako para i-abot ang wallet ko. Si Mama rin ang naging dahilan para makaalis ako sa pinagkakatayuan ko kaharap sila Jake. Hinatak ako ni Mama para umuwi nalang at sa bahay ako iyak ng iyak. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Walang mapaglagyan yung emosyon ko. Parang sasabog na yung puso ko. Magmula nuon, duon narin tumira si Jake at ang bago nyang pamilya. Lumipat kami ni Mama sa Tita Leah ko sa kabilang bayan dahil hindi ko kaya na parati kaming magkikita-kita nila Jake. Makalipas ang anim na buwan, mas minabuti namin ni Mama na lumipat nalang sa Manila, malapit kay Ann para mabawasan ang lungkot ko. "Besh? Okay ka lang?" tanong ni Ann na syang nagpabalik sakin sa ulirat dahil nakatunganga at tulala lang pala ako. "Oo besh, okay lang ako. May naalala lang ako. Masaya lang din ako na magkasama tayo ulit." sabay ngiti ko naman kay Ann. "Mag-CR pala muna ako, jan ka lang ha." sabay hawak ko sa kamay ni Ann at tumayo. Naglakad na ako papuntang banyo at binuksan ang pinto. Pag bukas ko ng pinto, pumasok kaagad ako at ni-lock ang pinto. Pag harap ko, nakita kong nakatalikod at umiihi pala si Steve. Nanlaki ang mata ko at gulat na gulat dahil hindi ko napansin na may tao pala. Dali-dali akong lumabas sa banyo, sinarado ko ang pinto at naghintay sa labas nito. Ilang minuto lang ay lumabas na si Steve at yumuko kaagad ako sa sobrang hiya. Steve: "Ikaw ah, gusto mo pala akong samahan sa CR." Jonas: "Uy magkasunod lumabas, kayo haaaaa" Buong barkada: "Uuuuuuuuuy. Ayieeeeeeeeee." Jam: "Di ko lang napansin na may tao pala sa loob no! Sa susunod kasi maglock ng pinto." Jenny: "Okay lang yan mamsh, aminin mo na kase kung kayo naaaaaa" Pat: "Bagay naman kayo guys wag kayong mag alala." Jam: "May aaminin naman ako. Pero kabaliktaran no! Wala akong gusto sakanya, bagay man kami o hindi." "Tabi nga!" sabay hawi ko kay Steve para makapasok na ako sa banyo at maka-ihi. Umihi na ako at naghugas ng kamay, naalala ko bigla yung nangyari at napapangiti at napapa-iling nalang ako sa nagawa ko. Pagbalik ko sa upuan ko, patuloy padin ang barkada sa panunukso saamin ni Steve pero si Steve ay tahimik at pangiti ngiti lang. Nakikisakay sya sa biro ng barkada at ako naman ay puro tanggi lang sa mga sinasabi nila. Nakalipas ang ilang oras, natapos ang inuman. Sabay sabay kaming lumabas paakyat sa parking lot para magsi-uwian. Si Angelo at si Grace ay sinundo nalang ng driver nila dahil hindi na kayang magdrive ni Angelo dahil inaantok na sya. Sumabay narin sakanila si Jonas dahil wala itong dalang sasakyan at madadaanan naman ang bahay nila papunta kila Angelo. Si Pat at Christian naman ay nauna na umuwi dahil maaga pa si Pat sa trabaho kinabukasan. Si Jenny at Jastin naman ay naiwan sa Cali at duon nalang natulog dahil may anim na kwarto naman duon. Hindi narin kayang mag drive ni Jastin sa kalasingan at nakatulog narin si Jenny bago pa matapos ang inuman. Kami naman nina Ryan, Ann at Steve ay sumakay narin sa sasakyan ni Ryan para umuwi. Ibinaba ako ni Ryan at Ann sa kanto ng sakayan ng jeep kung saan nya kami sinundo dahil ayaw din namin ni Ann na makilala ni Mama si Ryan ng nakainom kami. Kasabay ko naring bumaba si Steve dahil malapit lang pala ang bahay nila sa bahay namin. Kaya din pala dito rin namin hinintay si Steve bago kami umalis. Ann: "Steve, baka pwede paki hatid na yung kaibigan ko sa bahay nila. Tutal malapit ka nalang din naman." Ryan: "Oo nga pre baka lang naman? Hatid mo na yung girlfriend mo sakanila." Jam: "Di ko sya boyfriend no, kulit nyo talaga! Saka kaya ko nadin mag-isa, medyo malapit nalang naman." Steve: "Di na, hatid na kita. Kakalipat nyo lang kahapon, baka maligaw ka pa. Sige na Ry, alis na kayo. Ingat kayo ha!" Ryan: "Sige pre, ingat ha. Ingatan mo yan." "Bye beshie! Thank you for today. Nag-enjoy ako. Thank you din Ryan! Ingat kayo." bumeso na ako kay Ann at umalis na din sila ni Ryan. Dalawa nalang kami ni Steve ang naiwan. Naglalakad kami ni Steve at walang nagsasalita saaming dalawa. Nababalot din ng katahimikan ang buong paligid dahil alas-dose na ng gabi. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako. Magagalit ba ko dahil ihahatid nya pa ako kahit sinabi ko nang kaya ko mag-isa. Matutuwa ba ako kasi hahatid nya padin ako kahit sinabi kong ayaw ko. Pero bakit ako matutuwa sa taong to? Buong araw wala syang ibang ginawa kundi inisin ako. Hindi ko namamalayan, nakarating na pala kami sa labas ng bahay namin. Huminto na ako sa paglalakad at humarap kay Steve at sinabing "Sige na Steve, ito na yung bahay namin. Salamat! Ingat ka.". Pero hindi parin umaalis si Steve. "Sige na Steve uwi ka na. Dito na yung bahay namin." dagdag ko. "Okay, pasok ka na sa loob. Antayin kita makapasok." sabi ni Steve. Nagtaka naman ako dahil bakit kailangan nya pa akong makitang pumasok sa loob bago sya umalis. Pero hindi na ako sumagot dahil alam kong tatagal lang kaming dalawa at pagtatalunan lang namin kaya pumasok na ako. Nag ayos na ako ng sarili bago ako humiga sa kama ko. Nagpalit nadin ako ng pantulog ko. Pero hindi ako makatulog. Pag naiisip kong hinatid ako ni Steve sa labas ng bahay namin, napapangiti ako. Bumabalik din sa isip ko yung pang-aasar ng buong barkada kanina samin ni Steve at kung pano nya sakyan ang mga biro nila. Bakit parang okay lang sakanya na tuksuhin kami na, kami na?Gusto nya ba yung tinatawag nila akong girlfriend nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD