CHAPTER 1 - Aso at Pusa
Jamila’s POV
“Haaaaaaaaaaaaaay!” sigaw ko habang unti unting binabagsak ang aking katawan sa aking malambot at malapad na kama. Katatapos lang naming mag ayos ng mga gamit sa nilipatan naming bahay. Habang nagpapahinga, tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag ang aking matalik na kaibigan na si Ann.
Jam: “Ohh!? Bakit!? Nagpapahinga na ako.”
Ann: “Beeeeesh! Ready ka na ba bukas? Parang hindi ka excited na makakasama mo na ako ulit?”
Jam: “Hindi naman sa ganon besh, pagod lang ako ngayon. Diba kakalipat lang namin ni Mama?”
Ann: “Ahh oo, sabagay. Basta bukas ha, susunduin kita besh! Ipapasyal kita dito sa Manila, malayong malayo sa tahimik na bayan natin sa probinsya. Sure ako magugustuhan mo!”
Jam: “Uy hindi ka sure! Joke! Sige na bukas nalang besh, matutulog na muna ko at ang sakit na ng katawan ko.”
Ann: “Okay, good night beshie! See you!”
Jam: “Goodniiiiight, bye!”
Habang iniisip ko kung saan kaya ako dadalhin bukas ni Ann, naalala kong bigla nung mga bata pa kami sa probinsya. Madalas kaming napapagalitan ng aming mga magulang dahil malikot at makulit kaming magkaibigan. Mula pagkabata, magkasama na kami ni Ann sa lahat ng bagay. Paglalaro, pangungulit sa mga kapit bahay, paghabol sa mga manok at pati narin pag papaiyak sa ibang mga bata sa bayan namin. Ngunit nuong 16 years old na kami, kinailangan na nilang lumipat sa Manila dahil sa pagpanaw ng kanyang lola at tumira sa naiwang bahay nito. Dalawang beses sa isang linggo kami kung magtawagan ni Ann mula ng lumipat sila sa Manila. Makalipas ang apat na taon, ngayon nalang kami magkikita ni Ann at magkakasamang muli.
*tok tok tok!*
Nagising ako dahil sa malalakas na katok sa pinto ng aking kwarto, hindi ko namalayan na umaga na pala at nakatulog ako kagabi ng kaiisip. Habang nakapikit pa ang aking kaliwang mata ay dahan dahan akong tumayo at lumakad papunta sa pintuan para buksan ito.
*tok tok tok!*
“Sandali laaaaang, ito na!” sigaw ko habang naglalakad papunta sa pinto. Nang makalapit sa pintuan ay kaagad ko itong binuksan para mahinto ang malakas na pagkatok na tila mala-higante ang mga kamay sa lakas ng tunog ng pagkatok.
“Beshieeeeeeeeeeeeee!” ang nakakabingi at napakatinis na sigaw ni Ann nung mabuksan ko ang pinto. Niyakap nya ako kaagad at halos hindi ako makahinga sa higpit ng kanyang yakap.
“Ang anga mo naman mesh.” bungad ko kay Ann habang pinipigil ang pag buka ng aking bibig dahil hindi pa ko nagsisipilyo.
Ann: “Syempre naman excited na excited na excited ako beshie!!!! After 4 years ba naman eh. Nung nalaman ko palang nga na lilipat na kayo ni Tita Jess, hindi na ko makatulog nun sa kakaisip kung saan kita unang dadalhin kapag nakalipat na kayo.”
Jam: “Nice namaaaaan! Ako din besh excited. Pero sa ngayon, mas excited muna ako na maligo.”
Ann: “Oh sige na, maligo ka na nga. Dun na muna ako sa baba, kakamustahin ko si Tita Jess. Hindi kami masyadong nakapag usap kanina dahil ikaw yung una kong hinanap.”
Nang bumaba si Ann ay kaagad akong nagtungo sa CR para mag sipilyo at maligo. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay kaagad din akong bumaba para kumain kasama ni Ann at ni Mama na naririnig kong nagtatawanan.
Mama: “Ang tangkad mo na nga Ann eh. Nuon tumatakbo lang kayo ni Jam sa bukid tapos uuwi kayo puro putik ang damit. Ngayon, dalagang dalaga ka na. Kayo ni Jam.”
Ann: “Di naman po tita, ako parin naman to, makulit parin po ako hanggang ngayon.”
Mama: “Oh ayan na pala si Jam. Halika kumain na muna tayo bago kayo umalis.”
Jam: “Sige ma, tara Ann?”
Tumungo naman si Ann at kaagad kaming nagtungo sa lamesa para kumain. Habang nag hahanda si Mama ng pagkain, kinausap ko ulit si Ann.
Jam: “Ang ganda mo ngayon beshie, dati tulo sipon ka lang habang tumatakbo tayo sa bukid.”
Ann: ‘Ano ka ba Jam, maliit na bagay! Ikaw din gumanda ka, noon sira sira yung ngipin mo kakakain ng candy, ngayon pwede ka na sa commercial ng toothpaste!”
Jam: “Sira ka talaga Anita! Teka nga, matanong ko lang. May boyfriend ka na ba?”
Mama: “Oo nga iha, may boyfriend ka na ba?”
Ann: “Opo Tita Jess, meron po. May nabighani sa kagandahan ko hahaha. Papakilala ko rin po sainyo sa susunod na dalaw ko rito.”
Mama: “Sige iha para makilala ko rin.” nakangiting sinabi ni Mama. “Kain na tayo, nang makalakad na kayo at baka lumamig pa ang pagkain.”
Patuloy ni Mama na kinamusta si Ann habang kami ay nagsasalu-salo. Nang matapos kaming kumain ay kaagad na din kaming umalis ni Ann para mamasyal. Naglakad kami ni Ann mula sa bahay hanggang sa kalsada, at sa may sakayan ng jeep ay huminto ang isang magara at magandang kulay pulang sasakyan na walang bubong. Laking gulat ko at nalamang yun pala ang boyfriend ni Ann na si Ryan. Pinakilala sa akin ni Ann si Ryan at pinasakay kami sa kanyang magarang sasakyan. Sumakay si Ann sa harap, katabi si Ryan at ako naman ay nasa likod.
Ryan: “Hi Jam! I’m Ryan, nice to finally meet you. Lagi kang kinukwento sakin ni Ann.”
Jam: “Hello Ryan! Nice car! Nako! Ano kayang pinagsasabi sayo nyang kaibigan ko tungkol sakin.”
Ryan: “No worries, mga childhood memories and kung gano kayo ka solid as bestfriends lang sinabi nya.”
“Anyway, let’s just stay for a while and let’s wait for our friend. Is it okay, Jam?” dagdag pa nito.
“Ohhhh, okay.” tugon ko kay Ryan na may halong pagtataka dahil akala ko kaming dalawa lang ni Ann ang magkasama at hindi nya sinabing kasama pala naming mamasyal ngayon ang boyfriend nya at may kaibigan pa silang kasama na hinihintay namin. Pagkalipas ng limang minuto ay may umupo na lalaki sa tabi ko.
“Tara na pre. Ay sino to?” sabi ng lalaki. Napatingin ako sakanya at nainis sa tono ng pananalita nya kung sino daw ba ako.
Ann: “Si Jam yan, Steve. Yung bestfriend ko na kinukwento ko sainyong lumipat dito sa Manila.”
Jam: “At ikaw, sino ka?!” pataray kong sinabi sa lalaking Steve daw pala ang pangalan.
Steve: “I’m Steve. Ikaw pala si Jam. Di naman mukhang sira ngipin nya Ann eh.”
“Abaaaaaaa! Gusto mo sirain ko yung sayo?” sabi ko sa sobrang inis ko sakanya. At sinabi pala ni Ann talaga lahat sakanila, nakakahiyaaaa! Lagot ka sakin mamaya Ann ang nasa isip ko. Pero mas nangingibabaw yung inis ko dito sa katabi ko na si Steve, hindi naman kami magkakakilala pero kung makapang asar sya sakin, grabe. Tinignan ko si Ann at nakatingin din pala sya saakin at nakangiti na tila humihingi ng tawad. Nababasa ko sa mga mata nya na parang sinasabi nyang *sorry beshie*.
Ryan: “Tama na yan guys, baka magkatuluyan kayo nyan ah.”
Jam: “ASA!”
Steve: “WOW!!”
Nagkatinginan kami ni Steve at yung itsura nya ay parang nang aasar na nakangiti, nakataas pa ang dalawang kilay na parang ilang segundo lang ay ilalabas nya ang dila nya para tuluyan akong inisin. Matapos ayusin ni Ryan ang seatbelt ni Ann ay kaagad na kaming umalis para pumunta sa hindi ko alam kung saan dahil hindi rin saakin sinabi ni Ann. Habang naglalambingan si Ann at si Ryan sa sasakyan, kami naman ni Steve ay nakatingin lang sa mga nadadaanan sa gilid namin. Kasabay ng simoy ng hangin ay ang mabangong amoy ni Steve at di ko maiwasang tignan sya dahil rito.
Habang tinititigan ko sya, sumagi sa isip ko na maganda pala ang mata ni Steve, maliit at parang nangungusap. Matangos at maliit ang kanyang ilong, moreno. Napansin ko rin na matangkad sya kasi kahit nakaupo kami sa sasakyan ay mas mataas sya ng mga isang dangkal kaysa saakin. Sakto lang din sa tangkad nya ang kanyang katawan na parang laging nag e-exercise. Ang kanyang labi ay mukhang malambot at habang tinititigan ko sya, natigilan akong bigla at napaisip. Bakit ba ako ganito mag isip kay Steve samantalang nakakairita sya at mayabang? Kanina lang ay inis na inis ako sakanya na tipong gusto ko na syang sipain palabas ng sasakyan ngunit ngayon ay napapangiti ako habang nakatitig ako sakanya?
Ryan: “Oh shoooooot!”
Ann: “Aaaaaaayyyyyyyyyyy!”
Dali daling napahinto ang sasakyan ni Ryan dahil may naghahabulang aso at pusa sa kalsada. Sa gulat ko at epekto ng paghinto ng biglaan ng sasakyan, napahawak ako sa kamay ni Steve na sya namang kinagulat din niya dahil sobrang higpit ng hawak ko sa kamay nya. Nang makita ni Ryan at Ann ang kamay naming magkahawak ni Steve, nag palitan sila ng ngiti at sya ring naging dahilan ng pag bitaw ko kay Steve. Pero sandali nga muna, bakit natuwa ako nung nagkahawak ang kamay namin ni Steve?