Halos hindi makilala ni Sky ang repleksyon ng babaeng nakikita niya sa salamin. Parang gusto tuloy niyang tanungin ang babae sa salamin ng, ‘Sino ka? Nasaan na si Sky?! Ibalik mo si Sky! Baka hindi ka makilala ni Pierce!’ Pero mas pinili na lang niyang itikom ang bibig niya. Dahil nakatayo pa sa magkabilang gilid niya ang make-up artist at hairstylist niya na kapwa proud na proud na pinagmamasdan ang kinalabasan ng pag-aayos ng mga ito sa kanya. Baka kasi masabihan pa siya ng mga ito na nalagasan na naman siya ng turnilyo sa utak kung bigla niyang kakausapin ang repleksyon niya. “I’m getting married!” bulalas niya sa puno ng pagkasabik na tono. Ilang minuto na lang at magmamartsa na siya sa aisle ng simbahan ng Mary Immaculate Parish Church. Ilang minuto na lang at mag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


