bc

BARELY HEIRESSES- SKY

book_age16+
890
FOLLOW
2.4K
READ
love-triangle
arrogant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
humorous
small town
friendship
slow burn
like
intro-logo
Blurb

Nang matuklasan ni Sky na lolo niya ang bilyonaryong si Don Alfonso Banal ay labis-labis ang naging tuwa niya. Nang matuklasan naman niyang may pito pa siyang mga kapatid sa ama ay nag-uumapaw ang kaligayahan niya. Subalit nang matuklasan niya ang proviso na nakasaad sa huling testamento ng lolo niya ay labis, nag-uumapaw, siksik at liglig ang naging kalituhan niya.

Kapag natupad raw niya ang kondisyong nakasaad sa huling sulat ng Lolo Alfonso niya ay saka pa lamang niya makukuha ang mana niya. Ayon sa proviso, kailangan niyang iguhit ang larawan ng taong mahal niya at ibigay ang larawan sa taong iginuhit niya.

Ang problema, sino kina Bram at Pierce ang iguguhit niya? Bago siya pumunta ng Sagada at makilala ang tunay niyang pamilya, walang pagdududang agad niyang isasagot na si Bram, ang ex-boyfriend niyang iniwan siya matapos niyang tanggihan ang alok nitong kasal. Subalit ngayon, ginugulo rin ang puso niya ni Pierce, ang best friend niyang mula’t sapul ay nasa tabi niya at lihim na minamahal siya.

CATCHLINE:

“I wasn’t sure I’d survive losing you so I didn’t risk it. You’re the only important person in my life, Sky. If I lose you, I’d have nothing.”

chap-preview
Free preview
MEET SKY
         “Sky Flakes,” napapangiwi sa sakit na sagot ni Sky sa nurse na nagpi-fill up ng information sheet niya habang ginagamot ng doctor ang sugat sa kanang galanggalangan niya.          Alas-siyete ng umaga at nasa loob siya ng ER ng ospital. It was nothing new. Mula pa nang matuto siyang gumapang ay normal na talaga ang maya’t mayang pagbisita niya sa ER ng ospital. Not because she was an abused child or anything. It was simply because she was born this way. Accident-prone. Clumsy. Inept, graceless, gawky, uncoordinated. Name it, she got it. Bago pa man siya maglimang taong gulang ay matalik na kaibigan na niya ang mga doktor at nurses sa ospital na malapit sa bahay nila noon sa Cebu. Her father probably paid for an entire wing of that hospital. Sa dalas ba naman kasi ng pagbisita niya roon dahil sa mga aksidenteng kinasasangkutan niya, magtataka na siya kung hindi. Anim na taong gulang na si Sky nang magtayo ang kanyang ama dito sa Metro Manila ng branches ng Buico-Flakes Pawnshop. Matagal nang kilala ang pawnshop at money transfer business ng pamilya nila sa Cebu. Pero sa kadahilanang hindi pa rin niya alam hanggang ngayon ay biglang nagpasya ang kanyang ama noon na ilipat sa Manila ang main office ng kompanya nila.  Hindi lang ang Buico-Flakes Pawnshop na minana pa ng ama niya mula sa lolo nito sa side ng ina nito ang inilipat nito sa Metro Manila. Pati ang import business na ito mismo ang nagtayo ay inilipat rin nito ang base ng operasyon sa Manila. Ibinenta nito ang ancestral house ng mga Buico sa Cebu at nagpatayo ng bahay sa Alabang na siyang tinitirahan nito at ng ina niya hanggang ngayon. Tulad ng inaasahan, within weeks matapos nilang makalipat noon sa Alabang  ay first name basis na agad si Sky at ang mga doktor at nurses sa ER ng ospital na malapit sa bagong bahay nila. Nang umalis naman na siya sa tahanan ng mga magulang niya at lumipat sa townhouse na tinitirahan niya ngayon, ganoon rin ang nangyari. Ang pinakamalapit na ospital sa subdivision niya ang unang-unang nakabisa niyang puntahan. At bukod sa first name basis na sila ng mga doktor at nurses sa ospital ay nakikipagpalitan na rin siya ng Christmas gifts sa mga ito tuwing Pasko. Pero ngayon, dahil hindi iyon ang ospital na madalas puntahan ni Sky sa tuwing nadidisgrasya siya, hindi siya kilala ng mga doktor at nurses na naroon. Pasaway kasi ang kasambahay niyang si Wanda. Sa sobrang katarantahan siguro nito nang makita ang ayaw maampat na pagdurugo ng kanang braso niya, nilampasan nila ang pinakamalapit na ospital sa subdivision nila at dito pa siya dinala. Kung hindi nga lang expired na ang lisensya niya at nag-aalala siyang  baka ipa-deport na siya sa outer space  ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga Filipino’ng mamamayan sakaling makadisgrasya na naman siya sa daan, malamang siya na mismo ang nagmaneho ng kotse niya papunta sa ospital. Daig pa kasi ni Wanda ang nagmamaneho ng karo ng patay kanina.          “Sky Flakes?” kunto-noong tanong ng nurse ka Sky. “Nagugutom kayo, ma’am?”          “Hindi, nurse. Iyon ang pangalan ko. Sky Flakes. Unique, di ba?” napangiting tugon ni Sky.          At tulad ng inaasahan bumakas sa mga mukha ng doktor at nurse ang kabiglaan dahil sa pangalan niya.          “Sky Flakes ang pangalan mo?” panabay pang untag ng dalawa.          Proud na tumango naman siya.          Yes, her name was Sky Flakes. First name Sky, last name Flakes. And no, it’s not a pen name, an alias or a screen name. Mas lalong hindi rin niya kahawig ang hitsura ng kilalang crackers with the same name. Iyon talaga ang pangalang nakalagay sa birth certificate niya. Sky Mejica Flakes. Salamat sa pagkakaroon ng apelyidong Flakes ng kanyang Filipino-American na amang si Donald Flakes. At salamat din sa pagpapangalan sa kanya ng Sky ng kanyang Filipina’ng ina na si Christinamarie Mejica-Flakes. Her weird name never really bothered her. She liked having a weird name. Kaya naman balewala sa kanya ang panunukso sa kanya ng mga kalaro niya noong bata pa siya nang dahil lang sa pangalan niya. Tuwang-tuwa pa nga siya noon sa tuwing tatawagin siyang ‘Sky Flakes Crackers’ ng mga kalaro niya. Bukod tangi siyang mayroong ganoong pangalan. Hindi siya tulad ng mga kalaro niya noon na sina Ana, Maria, Joey at Jun-jun na maraming kapangalan. Ang kapangalan lang niya ay iyong Sky Flakes crackers. Kadalasan tuloy, iyong mga nag-aasar sa kanya ang mas napipikon sa halip na siya. Hindi kasi siya pikon. Hindi siya madaling inisin o galitin. Basta ba huwag lang siyang iistorbohin sa pag-i-sketch niya o kaya ay pipigilan sa pagpapak ng paborito niyang Snickers bar na kailangan niya para makumpleto ang buong araw niya, tiyak na magiging maliwanag ang buhay ng lahat ng nasa paligid niya. Anyone can call her anything and it won’t really bother her. Palibhasa nasanay na siya, na-train kumbaga habang lumalaki sa paligid ng kanyang ina na numero unong kritiko niya. Mistula kasing pating na nakakaamoy ng dugo ang kanyang ina pagdating sa mga kapalpakan niya. Her mother is always around to witness all her mess. Fertilized egg pa lang yata kasi siya sa sinapupunan ng kanyang ina ay naririnig na niya ang mga paboritong dialogues ng kanyang ina sa kanya.          “You really are such a clumsy idiot, aren’t you, darling? You just can’t do anything right.”          “Is that your art project, Sky? Even a dog could draw better than that, darling. Mukhang hindi mo namana ang husay ko.”          “That boy doesn’t really like you, darling. He’s lying when he told you you’re pretty in that dress. You look funny actually, like a drag queen.”          Sky was born on the last day of October. Ka-birthday niya ang Halloween. Buong akala pa nga niya noong bata pa siya, holiday kasi birthday niya. Ayon pa sa kanyang ina, kaya siya nito pinangalanang Sky ay dahil ipinanganak siya ng October thirty-one. Ano’ng connect? Malay rin niya. Hindi rin kasi niya ma-gets ang paliwanag ng kanyang ina tungkol doon. Masyadong masalimuot, magulo at nakakalito! Kaya hindi na niya inalam pa ang lahat ng detalye tungkol doon. Hindi naman magwawakas ang terorismo, pagkagutom at global warming malaman man niya iyon o hindi.          Besides, knowing her mother who is a famous artist, which means she’s the queen of eccentricity too, nalimutan na nito ang tunay na rason sa pagpapangalan ng Sky sa kanya kaya nag-imbento na lang ito ng dahilan. Basta kasi walang kuneksyon sa sining nito, hindi masyadong binibigyan ng importansya ng kanyang ina. And forget about asking her dad because if it has nothing to do with his precious business, it’s just a waste of his valuable time.          Sabi ng marami, may hawig daw si Sky sa Hollywood actress na si Milla Jovovich. Ang naturang aktres na bida sa mga paborito niyang pelikula na Resident Evil, Ultraviolet at Fifth Element. Ang problema lang daw, malaki man ang pagkakahawig niya kay Milla Jovovich ay hindi naman niya taglay ang mga katangian ng mga karakter na ginampanan ng aktres sa halos lahat na lang yata ng mga pelikula nito. Because unlike Milla Jovovich’ fictional characters, Sky is not a tough, strong, gun-toting kick-ass superwoman. Instead, Sky is an accident-prone, inattentive, eccentric woman who at twenty-four still hasn’t found a job that would suit her best that’s why she is currently jobless. Actually, that last description was a total lie. Mas maganda lang kasing pakinggan iyon. ‘Hindi pa niya natatagpuan ang trabahong talagang babagay sa kanya.’ It sounds like she’s still searching for her right place under the sun and looking for her real passion in life, doesn’t it? Pero iba ang totoong rason kung bakit matapos ang isang linggong pagpasok niya sa boutique ng kaibigan niya bilang saleslady ay wala na naman siyang trabaho ngayon. Ang masaklap na katotohanan kasi ay sadyang hindi siya tumatagal sa anumang pinapasukan niyang trabaho dahil sa mga kapalpakan niya. Kadalasan, first day pa lang niya ay nasesesante na agad siya. Kaya nga himala nang maituturing iyong naka-abot siya ng tatlong buwan noong pumasok siya bilang receptionist sa Queen’s Security And Investigation Firm mahigit limang buwan na ang nakakaraan. Pero sa palagay niya ay ang nobyo niyang si Bram ang tunay na dahilan kung bakit siya pinayagan ng dating amo niyang si Cedric Townsend na manatili ng ganoon katagal sa Queen’s. Bukod kasi sa isa sa mga mahuhusay na bodyguards at private investigators ng Queen’s si Bram, malapit na kaibigan din ito ni Sir Cedric. Kaya nga lang kahit na ano pang lakas ng nobyo niya kay Sir Cedric, siya naman na ang kusang nagsawa sa pagiging receptionist. Kusa na siyang nag-resign nang sumapit ang ikatlong buwan niya sa Queen’s. Nag-apply naman si Sky bilang waitress sa Sweet Ices Bakeshop na nasa parehong gusaling kinaroroonan ng opisina ng Queen’s. Pag-aari ng kaibigan niyang si Didi ang bakeshop. Tumagal lang siya ng isang linggo roon dahil agad natuklasan ng amo niyang mas malaki pa sa sweldo niya ang ibabayad niya rito dahil sa dami ng mga tasa ng kape at platito ng cakes na naibabagsak niya bago pa niya maihatid sa customer ang order nila. Pagkatapos niyon ay hindi na niya mabilang kung anu-ano pang trabaho ang sinubukan niyang pasukan. At lahat, nagtapos sa “You’re fired!” na linya sa kanya ng ex-bosses niya. Ang pinakahuli nga ay nitong sesantihin siya ng kaibigan niyang si Cocco sa boutique nito matapos niyang mabuhusan ng rootbeer ang wedding gown na idi-deliver na sana nito kinabukasan sa bahay ng bride. It’s a good thing that Sky is a trust fund baby, thanks to her dearly departed Granny G, or else she would’ve starved to death if she really had to earn a living. Hindi rin naman siya hahayaang magutom at pulutin sa kalye ng Mommy at Daddy niya sakali mang maubos niya ang ipinamana sa kanya ni Granny G. Alam niyang hindi siya pahihindian ng mga magulang niya pagdating sa pera kahit pa idineklara na niya noong tumuntong siya ng edad na labing walo na magsasarili na siya at hindi na aasa pa sa yaman ng mga ito. Madamot man kasi ang mga magulang niya sa oras, sa atensyon at sa pagmamahal ng mga ito sa kanya, kahit kailan naman ay hindi siya pinagdamutan ng mga ito pagdating sa materyal na mga bagay. And since her father was a business tycoon, her parents certainly could afford it. Especially since money was the only thing they could afford to give her.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook