MEET PIERCE

1642 Words
“Gusto ni Sky ng bagong laruan? Heto ang card ko, yaya, bilhin ninyo ni Sky ang lahat ng laruan sa mall.” “Gusto ni Sky ng bagong damit? Heto ang card ko, yaya, samahan mo si Sky bilhin lahat ng damit sa boutique.” “Gusto mo ng bagong kotse, Sky? Heto ang card ko, buy whatever car you want.” Iyon ang suma total ng komunikasyon at relasyon ni Sky sa mga magulang niya. Akala yata ng mga magulang niya, sa pagkuha lang ng yaya para sa kanya at pag-aabot lang ng credit card sa kanya nagtatapos ang responsibilidad ng mga ito sa kanya. Wala siyang matandaang nakasama niya ang mga magulang niya ng isang buong araw. Mula nang matuto siyang magsalita at makaunawa, mabibilang lang siguro sa loob ng isang taon ang dami ng beses na nakita at nakasama niya ang mga magulang niya sa ilalim ng iisang bubong, dito man sa Pilipinas o sa bahay nila sa Los Angeles. Family dinners. Ano iyon?!          Family reunions. Never heard!          Family outings. Alamat ba iyon?!          Sky knew she had a mom and a dad who pays the bills, the nannies, the maids and the drivers. Alam niya na mayroon siyang Mommy at Daddy na nagbabayad ng tuition fee niya, ng school bus, ng piano lessons, ng ballet lessons at ng field trips niya. Alam niya na ang Mommy at Daddy niya ang bumibili ng mga damit, laruan, school supplies at pagkain niya. But she never knew what a real family was until she met Granny G. She would’ve probably grown up a stinking spoiled brat and lost herself in drugs and bad company in her bid for attention and love if she didn’t meet Granny G when she was ten years old. Hindi tunay na kamag-anak ni Sky si Granny G o Graciana Macawile-Webb-Tyler-Carrington. Nakilala lang niya ang yumaong milyonarya noong sampung taong gulang na siya. Naging kasosyo kasi dati sa negosyo ng ama niya ang matagal nang yumaong pangatlong asawa ni Granny G na si Wood Carrington, isang pilantropong Irish-British business tycoon. Bagaman nakapag-asawa si Granny G ng tatlong beses, na sa malas ay lahat naunang sumakabilang buhay kaysa rito, hindi nagkaroon ni isang anak sa mga napangasawa nito ang matandang babae. Ang marami kay Granny G ay mga stepchildren at stepgrandchildren na  nagbansag rito ng pangalang Granny G. Ayon kay Granny G, natuwa ito kay Sky noong una siya nitong makita sa grand opening ng kauna-unahang Apollo Art Gallery ng kanyang ina. Kaya naman sinikap ni Granny G na kaibiganin ang mga magulang niya upang mas mapalapit raw ito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya maunawaan kung ano ang ikinatuwa nito sa kanya. Noong una kasi silang magkakilala ay nabuhusan niya ng iniinom niyang grape juice ang damit nito. But then again, kakaiba naman talaga ang sense of humor ni Granny G. Si Granny G ang naging lola, ina, ama, kaibigan, kapatid at kalaro ni Sky. At nang mamatay ang matanda isang araw pagkatapos ng ika-labing walong kaarawan niya sanhi ng komplikasyon sa sakit nitong diabetes, tanging ang pangako lang niya rito na magiging matatag siya at aalagaan ang isa pang mahal nito sa buhay ang nagbigay ng lakas sa kanyang tanggapin ang pagkawala nito. Granny G asked Sky to take care of her stepgrandson Pierce Carrington, Wood Carrington’s only grandson and heir to Carring International. Bagay na nakakatawa kung iisipin dahil ang noon ay dalawamput apat na taong gulang na binata ang huling taong iisipin ninuman na nangangailangan ng pag-alalay at pag-aalaga ni Sky. Because even at twenty-four, Pierce was already an independent, headstrong and very accomplished man. And sure enough, it was Pierce who ended up taking care of Sky. Pierce became her bestfriend. He took over the empty place left inside her heart when Granny G passed away. Sky met Pierce four years after she first met Granny G. Sky was still a gawky fourteen-year-old while Pierce was already a clever and sophisticated twenty-year old when they met each other. Alam ni Sky kung bakit ibinilin ni Granny G sa kanya na alagaan at mahalin niya si Pierce na parang tunay niyang kadugo bago tuluyang bawian ng buhay ang matanda. Wala na kasing iba pang kapamilya si Pierce. Teenager pa lamang ang binata nang mamatay sa car crash ang ama nito. Wala namang ideya ang binata kung buhay pa ba o patay na ang ina nito. Isang buwang gulang pa lang kasi si Pierce nang abandonahin ng ina nito. Kaya naman ngayon, bukod kay Sky ay wala nang itinuturing pang ibang kapamilya si Pierce. Bagaman may mga malalayong kamag-anak pa ito sa side ng Filipina’ng ina nito, hindi naman ito nakipagkita sa mga iyon kahit kailan dahil hindi nito kilala ni isa sa mga iyon. And speaking of the devil, biglang nahawi ang berdeng kurtina nagkukubli sa kamang kinauupuan ni Sky at lumitaw ang kunot-noo at puno ng pag-aalalang anyo ni Pierce. Napaigtad tuloy sa gulat ang doktor at nurse na nag-aasikaso sa kanya. Pero nang makita ng nurse ang hitsura ni Pierce ay ilang saglit itong napatulala sa binata. Malinaw ang paghanga sa mga mata ng nurse. Pakiming nginitian pa ng nurse si Pierce kasabay ng pamumungay ng mga mata nito at pagkagat sa pang-ibabang labi. Parang gusto tuloy ni Sky na umisod palayo sa nurse. Sa hitsura kasi nito ay tila balewala rito kasehodang daganan siya nito upang madamba lang si Pierce sa sandaling bumaling na rito ang pansin ng binata.  But Pierce was oblivious to the nurse’ too obvious flirting, his dark blue eyes were focused on Sky. Nang makita ni Pierce na hindi naman grabe ang lagay niya ay dagling napalitan ng iritasyon ang pag-aalala sa asul na mga mata nito. “Sky! What the bloody hell happened?! Bakit hindi mo ako agad tinawagan?! Kung hindi pa ako tinawagan ni Wanda, hindi ko malalamang nandito kayo!” untag na may kasamang sermon ni Pierce sa kanya. Kahit hindi ito lumaki dito sa Pilipinas ay wala ni bakas ng British accent ang pananagalog nito. Kunsabagay, hindi na kataka-taka iyon. Henyo yata ito pagdating sa mga lenggwahe. He could speak French, Italian, Spanish, German and Japanese like a native.  Kung titignan si Pierce ay hindi mahirap maunawaan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng nurse dito.  At kung bakit maraming babae at binabae ang handang magpalahi dito. Kahit saang anggulo mo nga naman kasi ito tignan ay tunay namang makalaglag-panga ang kagwapuhan at kakisigan nito. He likes to keep his dark blond hair trimmed. Pero kapag tutok na tutok ito sa isinusulat nitong nobela ay hinahayaan nitong humaba hanggang sa leeg ang buhok nito. His dark blue eyes could get Arctic cold when he’s displeased but it could also be as warm as the summer sky when he’s happy. His face would never be called pretty because it was too manly for that. His sculpted jaws, high cheekbones, aquiline nose and arched brows are her favorite parts of his face. Madalas niyang iguhit ang mga iyon. Gustong-gusto niya ang hugis ng mukha nito, puros anggulo, lalaking-lalaki, wala ni bakas ng kalambutan. Lalaking-lalaki ring pumorma si Pierce. Pawang dark colors lang ang isinusuot nito. At hindik na hindik ang naging reaksyon nito nang minsang regaluhan niya ng pink na polo shirt at red jeans. He is not and will never be a metrosexual and he’s proud of it. But even though Pierce is one of the hottest and most gorgeous men Sky had ever known in her entire life, including her boyfriend Bram of course, he was and always will be just her friend. Kaya ang pangarap ni Granny G noon na balang-araw ay magkakaibigan at magkakatuluyan sila ni Pierce ay walang pag-asang magkatotoo. Aaminin niya noong teenager pa siya ay matindi ang crush niya kay Pierce. Subalit malinaw na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Minsan pa nga ay makulit at laging palpak na istorbo sa buhay nito ang turing nito sa kanya. Bukod pa roon ay naghuhumiyaw ang pagiging playboy nito. Kung si Sinbad the Sailor ay mayroong ‘woman in every port’, si Pierce naman ay mayroong ‘woman in every town, every city, every country and every continent’. Malamang nga kung ipapalista niya rito ang tatlong pinakamahalagang bagay sa buhay nito na hindi maaaring mawala rito kahit kailan ay tiyak ganito ang magiging sagot nito: ‘A cigarette, a bottle of whiskey and a blond, brunette or a red-head in my arms.’ Matagal nang nalampasan at kinalimutan ni Sky ang saglit niyang pagkakagusto kay Pierce. Matagal na niyang isinantabi ang naging puppy love niya rito na napunta sa pagiging first love at muntik pang maging true love. Matagal na niyang natutunan na mahalin nalang ito bilang kaibigan. Kaya naman hanggang ngayon ay nananatiling isa si Pierce sa pinakamalapit na mga kaibigan niya sa halip na matagal na siyang wala sa buhay nito kung sakaling ipinaalam niya rito noon ang nararamdaman niya para dito. Lumapit si Pierce sa kamang inuupuan ni Sky at muling sinipat siya mula ulo hanggang paa. “Hindi na kita tinawagan kasi alam kong patulog ka pa lang ng ganitong oras. Nakarating naman kami ni Wanda dito sa ospital kahit pa sinunod niya ang utos mong magmaneho ala driver ng karo,” tugon ni Sky. Kabisado niya ang routine ni Pierce kapag may ginagawa itong nobela. Sa gabi ito nagsusulat at sa umaga nagpapahinga. Daig pa nito ang bampira, gising sa gabi, tulog sa umaga. At kukutusan niya si Wanda mamaya sa pagsuway nito sa utos niyang huwag nang tawagan si Pierce. “Kahit na. Tinawagan mo pa rin dapat ako. What happened, crackers?” muling untag ng binata sa kanya gamit ang palayaw na ibinigay nito sa kanya noong una silang magkakilala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD