Walang kaugnayan sa pangalan ni Sky ang pagtawag ni Pierce sa kanya ng ‘Crackers’. Tinatawag siya nitong Crackers dahil may pagkaluka-loka raw siya. Noong una nga naman kasi silang magkakilala ay isinalpak niya ang hawak niyang sandwich sa bibig nito para malibre ang kamay niya na makipagkamay rito matapos itong ipakilala ni Granny G sa kanya. Well, what else could she do, her mouth was already full and her other hand was holding an open bottle of water? Saka na lang niya naisip na pupwede nga pala niyang ilipat sa kabilang kamay ang sandwich na kinakain niya sa halip na isinalpak iyon sa bibig ni Pierce. Sa malas, ang kakaibang unang pagkikita nilang iyon ay hindi ang una at huling pagkakataong pinatunayan niya kay Pierce na nababagay nga sa kanya ang palayaw na ibinansag nito sa kanya.

