Para hindi na makatanggi pa si Mabel ay kinuha na ni Sky ang hawak nitong baso ng iced tea. Si Eira naman na nakaupo sa kabilang gilid ni Mabel ay inagaw ang hawak na potato chips ni Mabel. Saka magkatulong na dinala o mas tama sigurong sabihing kinaladkad nina Sky at Eira si Mabel patungo sa harap ng videoke. Kahit halatang napipilitan, kinanta na rin ni Mabel ang lovesong na pinili ni Eira para dito. May dahilan naman pala kaya ayaw nitong kumanta, wala ito sa tono at wala rin sa tiyempo. Pati si Ate Yumi kumanta na rin. Marahil natakot nang mapansing nagsesenyasan na naman sina Sky at Eira. Kaya bago pa nila maggawa kay Ate Yumi ang ginawa nila kay Mabel, kusa nang pumili ng kakantahin nito si Ate Yumi. Tama nga si Ate Yumi, sintunado nga ito. Sumunod na kumanta si Eira. At ang sintun

