Saan nanggaling ang babae? Kanina pa ba ito roon? Bakit hindi niya ito agad napansin? “Hi! Nakatira ka ba dito? Magkamag-anak ba tayo? Huwag ka nang mahiya sa akin, harmless ako,” ani Sky sa babaeng tila namamanghang nakatitig din sa mukha niya. May dumi ba siya sa mukha? Pero hindi naman tumama sa lupa ang mukha niya nang sumubsob siya kanina kaya sigurado siyang walang kumapit na alikabok o dumi doon. Humakbang siya palapit sa babae. At agad na napangiwi. Parang alam na niya kung bakit tila namatandang nakatitig ang babae sa kanya. Mistula kasi siyang higante kumpara dito. Nasa five feet flat lang yata ito habang siya ay nasa five feet seven na ginawa pang five feet ten ng tatlong pulgadang heels ng itim na boots na suot niya. Tisay at cute ang babae. She reminds her of a fairytale pr

