Chapter 1

932 Words
" Ricardo namam eh! " Dinig ko'ng sigaw ni mama kahit nasa labas pa lang ako ng gate ng aming bahay. " 'Wag kang magalala Myrna hahanap agad ako ng trabaho. " Sagot ni papa kay mama nang nakapasok na ako sa aming bahay. Hindi nila ako nakita dahil nasa kusina sila kaya dumeretso na ako sa taas kung nasaan ang aking mga kapatid. " Ate! " Sigaw ni Biboy ng makita ako. Agad ko naman silang sinalubong. " Kumain na ba kayo? " Tanong ko sa kanilang dalawa. Tatlo kasi kaming magkakapatid, Ako ang panganay at sumunod naman sa akin si Gwen at bunso si Biboy. " Tapos na kami ate, ikaw ba? " Sagot ni Gwen. Habang panay ang silip sa likuran ko. Sila Papa at Mama panigurado ang tiningnan. " Mamaya na ako. " Sagot ko naman at ibinaba na ang aking bag at niyakap na sila. " Nag-aaway na naman po sila mama, ate. " Pagsusumbong ni Biboy sa akin. Parang may lumukot sa aking dibdib nang sabihin niya iyon. " Biboy, Hayaan mo na iyang sina Mama at Papa ha? Nagka problema lang kaya ganoon. " Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang kinakalas ang yakap niya sa akin upang maiharap siya sa akin. " Ate, Malaking problema ba? " Tanong naman sa akin ni gwen. " Ano ba naman kayong dalawa. Gwen, Biboy dapat hindi niyo iyon iniisip. Sila ni Papa na ang bahala doon, maliwanag? Huwag na kayong mag-isip at mas maiging matulog nalang kayo. " Sabi ko sabay inihiga na silang dalawa at kinumotan. " Matulog na kayo, okay? " Tumango naman sila at napahinga ako ng mabuti ng nakita ko na humikab na silang dalawa. Ibinaba ko na ang kurtina upang matakpan na ang bintana. Matatakutin pa naman ang dalawang ito. At hindi na ako nagtagal sa loob at isinarado ko na ang pinto sa kanilang kuwarto. Lumabas na ako at tinungo na ang aking kwarto at pumasok na upang makabihis upang makakain na sa kusina. Naririnig ko pa rin ang talunan nila papa at mama pero binalewala ko nalang at nag bihis nalang. Wala namang bago. Palagi naman silang nag-aaway. In-arrange ko na rin ang mga gamit ko at nagbisihis at lumabas na pagkatapos. Sinilip ko na 'rin muna ang mga kapatid ko kung natulog na ba. Baka kasi nakikinig lang sila sa away ni Mama at Papa. Pagkapasok ko sa kwarto ay natutulog na nga sila. Pinagmasdan ko silang pareho. Naaawa ako sa mga kapatid ko dahil sa murang edad ay nararanasan nila ito. Sila ang nakakasaksi sa palaging pag-aaway ni Mama at Papa. At palaging pera ang dahilan. Nasanay na 'rin sila sa hirap ng buhay namin. Pero laking pasasalamat ko pa rin na hindi sila kailan man ginugutom. At alam kong hindi ko rin naman 'yon hahayaan. Napatayo ako kaagad ng may naririnig akong nabasag. Dali-dali akong lumabas ng kwarto pumunta agad sa kusina at wala ng tao roon! Wala na si Mama at Papa na kanina lang ay nagtatalo. Binuksan ko ang CR pero wala si Mama o di kaya'y si Papa. Kaya lumabas ako sa kusina't pumunta sa labas ng bahay kung saan may naririnig akong iyak. At doon nga si Mama, nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata. Bumaba ako sa hagdan ng pa unti-unti at doon ko nakita si Papa na nakahiga sa sahig at nahihirapang huminga. Dali-dali ko siyang pinuntahan habang walang tigil ang pag agos ng aking mga luha. " Papa! Ma anong nangyari?! Papa! " Hindi sumagot si mama at patuloy lang ang paghikbi niya. Lumabas ako sa gate upang maka para ng tricycle at makahingi ng tulong. " Kuya Mario! Kuya si Papa po! Tulong kuya Mario! " Tawag ko sa isa sa kumpare ni Papa. " Oh Gi? Bakit , Ano ba ang nangyari? " Pagkapasok namin sa gate ay nilapitan niya agad si Papa. " Pareng Cardo! Diyos ko anong nangyari? " " Kuya Mario dalhin po natin siya sa ospital please. " Pagmamakaawa ko kay kuya Mario. Hindi ko na sundan ang mga pangyayari. Naging madali ang mga pangyayari. At sa lahat ng nangyari, wala ni isa ang pumasok sa ulo ko. Hindi ko kinayang i-absorb. " Condolence, Gigi. " Malungkot na sambit ni Meisha. Habang nakatayo ako sa harap ng kabaong ni papa. " Salamat, Meisha. " Malungkot 'din na sambit ko. Pagkatapos ng nangyaring pagtatalo nila mama at papa ay inatake siya sa puso. Pero nalugmok ang munting pag-asa ko na magiging okay si papa nang sabi ng doctor na dead-on-arrival na si papa. Hindi naniya nakayanan. At hindi ko alam kung sino ang sisihin. Paguwi ko galing sa hospital ay wala na akong nadatnan na tao sa bahay. Wala na sila Mama, Biboy at Gwen. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin. Noong gabi 'ring 'yon ay maynakapag sabi na umalis daw si mama dala ang dalawa kong kapatid. Maydala-dalang mga bagahe at ang akala'y sa hospital 'din ang tungo. Ngunit lihis panigurado sa hospital ang dinaanan nila dahil walang Mama,Gwen at Biboy sa hospital. Naging miserable ang buhay ko sa loob ng tatlong buwan. Nang inilibing si papa ay namuhay ako ng mag-isa. Sinubukan ko'ng hanapin sila pero natawagan ko na ang lahat ng mga kamag-anak namin pero wala. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin. Hindi ko alam kung bakit sila umalis. Kung bakit nila ako iniwan. Wala man lang ba siya'ng malasakit kay Papa? Sa asawa niya? Pati kapatid ko ay isinama pa niya! Kung wala na ang mga kapatid ko, hindi ko na alam ang rason ko para mabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD