" Hey, Gigi! " Napabaling ako sa amo ko na si Merlea nang tawagin niya.
" Bakit po Ms. Merlea? " Sagot ko sa kaniya at lumapit.
Lumapit din siya sa akin ng kunti.
" Ano ba Gigi! I said call me lea nalang diba? " Aniya na tila nae-e-stress na. Ito ang lagi niyang sinasabi sa tuwing tinatawag ko s'yang Ms/Ma'am/Madam.
Sabi niya na gusto niya akong maging kaibigan dahil nasa ibang bansa halos ang kaniyang mga kaibigan. Kaibigan niya purong mayayaman.
Kasalukuyan kasi akong nagta-trabaho dito sa kaniyang flower shop bilang isang sekretarya niya.
Akala ko nga na hindi ako matatanggap pero laking gulat ko nalang ng natawagan ako at gagawin niyang sekretarya. Siyempre, sobrang tuwa ko noon. Pag hindi pa talaga ako nakuha dito noon, hindi ko na alam kung saan na ako pupulitin.
Mahilig daw siya sa mga bulaklak kaya siya may ganitong negosyo. At balita ko ay ina niya raw ang inspirasyon niya kaya niya ito itinayo. At sa hindi inaasahan ay lumago ito. At nagkaroon ng maraming branches around the Philippines.
At dahil mahilig din ako sa bulaklak kaya ako nagbaka sakali dito. At ayon, sinwerte. At kaya ako nandito ngayon.
" Ah! Sorry po Merlea. " Sabi ko sabay yuko.
" Oh gosh! kindly drop the po! " Aniya na tila naee-stress na talaga.
" Sorry Merlea. " Sabi ko habang naka yuko pa rin.
Nakakahiya! Sobrang Nakakahiya! Galit na ba siya?
" It's okay! By the way, maglu-lunch ako, sama ka? " Sambit niya at lumpit na sa akin at umakbay. At ito na nga, lumabas na ang pagiging Merlea niya. Isang jolly na Merlea. At ang palakaing Merlea- este gaya ng sabi niya, Lea.
" Ah hindi ok- " Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang nagsalita ulit s'ya.
" Ah No! Sasama ka! Yes sasama ka kaya 'wag ka nang tumanggi. "
Umiiling-iling ako dahil kagaya nalang ng ginagawa niya tuwing sumasama akong kumain sa kaniya ay inililibre niya ako.
" Ah- "Hindi na ulit ako nakapagsalita dahil hinila na niya ako.
" Let's Go! " Sabi habang kinakaladkad ako.
At wala na nga akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya at kagaya ng dati, nilibre niya na naman ako.
At nakatipid na naman ang Gigi niyo.
Madaling lumipas ang mga araw dahil dalawang buwan na ang nakalipas ng magtrabaho ako rito. Sa tuwing wala si Merlea ay ako naiiwan sa shop upang mag inspection ng mga bulaklak at mga trabahante.
Masaya at lagi akong naaaliw dito sa trabaho ko. Sa mga katrabaho at sa mga makukulay na bulaklak na nakapaligid sa buong shop.
Pero pagkatapos ng trabaho at pag-uwi sa bahay ay nababalik ako sa reyalidad. Ang reyalidad kung saan ginusto ko nalang na sana panaginip nalang.
Kailangan ko'ng hanapin ang mga kapatid ko at si Mama. Kahit na hindi ko alam kung paano at saan.
Hindi ko alam kung saan sila hahanapin.
O kung mahahanap ko pa ba sila.
Galit ako kay Mama dahil sa nangyari. Namatay si Papa dahil sa kaniya. Umalis siya ng walang paalam. Umalis siya na parang wala lang sa kaniya ang lahat. Pati ang pagkawala ni Papa.
Hindi ko maintindian. Hindi ko matatanggap ang kung ano man ang rason niya.
Dahil kahit pagbabaliktarin ang mundo, walang rason ang sasapat upang maintindihan ko ang lahat ng nangyaring iyon.
pinipilit ko'ng bumangon. Mag move on. Pero hindi ko sila dapat kalimutan. Pero nawawalan na ako ng pag-asang mahahanap ko pa sila kasi hindi ko alam kung papaano at saan, o kung bakit pa?
Hindi ko alam.
Pero lagi ko'ng dinadasal na sana okay sila. 'di bale ng hindi ako okay basta 'wag lang sila.
" Gosh nakakapagod. " Sabi ni Merlea habang nakahiga sa couch dito sa loob ng opisina niya.
Kakatapos lang ng isang Birthday party kung saan kami ang nagprepare ng mga bulaklak.
Isang debut iyon kaya madaming bulaklak ang kailangan.
" Magpahinga ka na d'yan at kukuha lang ako ng damit mo upang makapag bihis ka na. " Sabi ko sabay abot sa kaniya ng kumot.
" Thanks Gigi. " Sambit niya gamit ang inaantok na boses.
Kaya dumeretso na ako sa cabinet niya dito sa loob ng opisina niya.
Isang taon na ako dito sa trabaho.
At hanggang ngayon hindi ko parin nahahanap sila mama.
Kain, tulog gumising ng umaga at magtrabaho. Palagi nalang ganyan.
Minsan lang din ako lumabas dahil sa tuwing walang trabaho ay dito lang ako sa apartment ko namamalagi.
Nasanay na rin ako sa ganitong buhay.
" Good morning Lea. " Bati ko kay Merlea nang pumasok siya sa shop. Tumutulong ako sa paga-arrange ng mga bulaklak habang si Lea ay umupo sa may front desk.
" Good morning! Ah! Gigi may isang client pala tayo. Maybe November 8. Birthday party para sa isang 13 year old na girl. So hanggang maaga pa ay aasikasuhin na natin iyon. " Sabi ni lea at tumayo at lumapit na sa amin at tumulong na sa pagsasa-ayos ng mga bulaklak.
" November 8 ba? Kasi may pupuntahan kasi sana ako sa araw na iyan eh. " Sabi ko at humarap na sakaniya.
November 8 ang birthday ni Gwen.
July 24 naman kay Biboy.
Tuwing birthday kasi nila ay pumupunta ako sa simbahan at isini-celebrate ang birthday nila. Kaya hindi ko alam kung makakapag-simba ba ako sa araw na iyan.
" Talaga? Paano 'to pag wala ka? Alam ko namang ikaw lang ang katiwala ko everytime na may event diba? " Sabi naman ni lea habang busy parin sa pag-aayos.
Ibinilik ko na rin ang atensyon sa bulaklak.
" 'Wag kang mag-alala. Pupunta ako. 'Di ako aabsent. " Sabi ko sabay patuloy na sa pag-aayos.
" Nice! Thanks Gi! Pasensya na talaga. "
" Okay lang. Baka 'rin kasi bonggang birthday iyon. "
" Tumpak! " Nabigla ako dahil sa bigla nitang pagpalak-pak.
" Correct ka! Big party nga iyon dahil mayaman sila. Pero I heard na hindi legal daughter ang magsi-celebrate. Bale anak ng wife sa unang asawa. I don't know, I'm not sure. " Sabi niya sabay kibit ng balikat.
Tumango nalang din ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos.