bc

La Mia Luna

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
neighbor
tragedy
scary
like
intro-logo
Blurb

Si La Mia at Kael ay mag kababata ngunit isang araw nag iwan nalamang ng letra si La Mia upang mag paalam kay Kael, nangako si Kael na hihintayin nya si La Mia.

Isang aksidente ang nang yare sa papa ni La Mia. Isang malungkot at pasakit naman ang nang yari kay Kael habang sila ay mag kalayong dalawa.

Lumipas ang ilang taon at muli silang nag tagpo, mag kakaybigan na kanilang nabuo haharapin nila ang sunod sunod na hamon sa buhay. Ang pagmamahal ba nila ang mananaig? oh ang galit at kasamaan na nasa kanilang paligid.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Kwento ba natin ito, oh kwento nila?." "Atin ang kwento nato, epal lang talaga sila." "Ep ep ep! Teka nga anong kwento nyo? Talaga? sigurado kayo sainyo lang itong kwento?." "Oo sa amin lang mga asungot!." "Walang kayo kung wala kami." "Tama walang kayo kung wala kami." ***** "Tan! Akin yan eh bilis na ibigay mona regalo sa akin ng lola koyan Tan!tan!" Pag-mamakaawang sigaw ng batang lalaki sa kanyang kaibigan habang patuloy na inaabot ang kwintas. "Abutin mo muna bleeee." Pang aasar nito sa bata "Tan please mahalaga sakin yan eh!" "Ano ba hindi naman tayo bati eh, isasangla ko ito mag kaka pera pako." "Tan! wag please!." Naiiyak na ang bata dahil hirap itong abutin ang kwintas, may dumating na isa pang batang lalaki at masamang tumingin kay Tan, agad natakot si Tan at binalik ang kwintas sa bata. "So-sorry, po." Nakatungo nitong sabi, ngunit nilampasan lamang sya nito, damulag itong bata at seryoso lamang ang mukha. "Alis hindi ka naman namin bati eh! alis!" Utos nito kay Tan, napatakbo na lamang si Tan ng mabilis, naiwan pa ang isang stinelas sa takot na baka dambain sya nito. "Pinsan salamat ha." Puri nito. "Syempre naman pinsan moko at mas kuya ako, ako ang super hero nyo." Mayabang na sabi nito saka pinakita ang muscle nito. "Umuwi kana pala hinahanap kani lola." Nag paalam ang bata sa kanyang pinsan na aalis na ito dahil may pupuntahan pa sya. Mabilis na tumatakbo ang batang lalaki dahil sa labis na kasabikan nitong makauwi. Isang batang babae ang napansing nyang tulala na tatawid sana papuntang parke ngunit may sasakyang dadaan, sa sobrang pagod ay pilit parin syang tumakbo upang hilahin ang batang babae at bumagsak sila sa damuhan, agad na tinulungan nito ang babae. "Aray ang sakit." Daing ng batang lalaki habang napa hawak sa braso nitong may galos. "Ma-ma-may su-sugat k-ka." Nauutal na sambit ng batang babae sabay turo sa braso nito. "Nasaktan kaba?." Tanong ng lalaki ngunit umiling lang ito. "Luna! nanjan kalang pala jusko ginoo kung saan saan nakita hinanap. Tara na at aalis na tayo." Banggit ng matandang babae saka hinawak sya nito sa kamay. "At ikaw bata umuwi kana mamaya ay baka hanapin kapa ng iyong magulang." Turo nito sa batang lalaki. Pinag masdan lamang nya ang batang unti unting lumalayo sa direksyon nya. Luna? Ang tanging pangalan na pumasok sa isip nya. ***** "Te-teka a-yoko masakit yan eh." Tanggi nito sa bata. "Eh hindi kaya duwag kalang eh." "Oy hindi ako duwag." "Bakit takot ka sa alcohol kung hindi ka duwag." "Mahapdi nga kase yan." "Wag kanang madaming arte, akin na braso mo." Pinatakan ng alcohol nito ang sugat "Huhu mama!." daing ng batang lalaki dahil sa hapdi na kanyang naramdaman, agad hinipan ng bata ang sugat nito, nakatitig lamang sya habang pinag mamasdan ang ginagawa nito sa kanyang sugat nilagyan nya din ito ng bandaid na tatak ay teady bear. "Ayan ok na, ikaw kase sa susunod wag kanang makikipag away ha." "Binubully ka nila eh kaya dapat ipagtanggol kita." Ngunit hindi ito sumagot. "Ok kalang ba?." Tanong nito at nilapat ang kanyang kamay sa noo ng bata "Hindi ka naman lagnat." Napabaling nalamang ang babae sa malayong tanawin. "Oklang ako, masaya ako na naging kaybigan kita." Malapad na ngumiti ito at yinakap ang batang lalaki "Super hero ka." Namumula na ang pisnge ng bata. Lumipas ang ilang minuto nakaupo parin sila sa damuhan habang pinag mamasdan ang lawa at panay kwentuhan, tawa ng tawa ang babae at halata sa mukha ng bata na natutuwa syang nakikita itong masaya, napapadalas na ang pag lalaro nila sa parke. "Hindi ko naman talaga sinasadya na lagyan ng ipis yung teacher na masungit sa amin, she's a monster a big big monster rawr!." Ma askyon nitong pag kwekwento hagalpak naman sa tawa ang bata at napahawak nalamang sa tiyan. Nag kwekwentuhan lamang sila at bakas sa mukha ang sobrang saya. "Kaelito! Apo nasan kana?." Sigaw ng isang matandang babae mula sa parke narinig iyon ng bata kaya agad itong tumayo at nag pagpag ng short. "Ah ano kase mauna nako nanjan nasi lola eh." "Sige paalam." "Paalam Lamlam! Mag iingat ka ha! Laro uli tayo bukas hihintayin kita." Sambit nito habang deretsong nag lalakad ngunit nakatingin padin sa babae. "Apo, mukhang napapadalas ang pag lalaro nyo, sino ba ang magandang batang iyon?." Tanong nito habang patuloy silang nag lalakad. "Sya po si Lamlam." Sagot nito. KINABUKASAN "Lam asan kana?" Dalawang oras nang nag hihintay ang bata sa kanyang kalaro malungkot ito at tamlay umaasa na dadating pa si Lamlam. Dumidilim nadin at kaylangan na nyang umuwi tumayo sya ngunit may napansin syang papel na nakalagay sa ilalim ng puno. Kinuha nya ito, white envelope at may papel na vintage ang nakapaloob dito. Hi Kael si Lam ito, sorry kung hindi ako makakapunta ha aalis na kasi kami hindi ko alam kung kailan kami babalik. Kael hintayin moko. —Lamlam Napaluha nalamang ang bata sa nabasa nakita nya din ang isang kwintas mula sa sobre ito ang kwintas na bigay sakanya ng lola nya. "Nandito kalang pala." Sambit nito. Nalaglag ito sakanya nung niligtas nya ang bata. "Hihintayin kita LamLam." Huling sabi nito at nag patuloy nang lisanin ang lugar. Sinalubong nya ng yakap ang kanyang lola at iyak lamang ang tanging naging ingay. "Apo anong nang yari sayo?." "U-u-ma-lis n-na s-sya lola si La-lam i-ni-wan n-nya a-ako lola, hi-hintayin kosya." Nauutal at patuloy sa pag hahagulgol ang bata habang yakap yakap ang kanyang lola. ***** "Papa!, pa gumising ka papa!." Sigaw nito sa mula sa loob ng sasakyan, kitang kita nya ang kanyang ama na naliligo sa sarili nitong dugo puno ng takot ang batang babae at patuloy padin sa pag iyak habang sinusubukang gisingin ang ama. "Pa-pa gumising kana pa." Pag-mamakaawa nito sa ama ngunit hindi padin ito gumigising. Ingay ng ambulansya ang ingay mula sa labas ng sasakyan, pilit nitong binubuksan ang pinto ngunit naka lock ito. "Basagin nyo yung salamin." "Ingatan nyo yung bata." "Unahin nyo yung bata!." "Sir patay napo ang lalake." Madaming tao ang nakapalibot sa pinangyarihan ng aksidente. Umiiyak na pinagmamasdan ng bata ang bangkay ng kanyang amang natatakpan ng puting kumot. "Luna! Luna! Anak! Tumingin ka anak nandito nasi mommy anak, ok kalang ba? nasaktan kaba?" Pag-aalala ng kanyang ina habang patuloy itong nakayakap sakanya. "Si papa, pinatay nya si papa." Walang emosyong sagot nito, ang mata nito ay nakatingin lamang sa liblib na kalayuan at pinagmamasdan ang isang tao. 2001 Dec 23 nang mangyare ang aksidente.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook