Panimula
"Ay ang gwapo talaga ni Maximo!!" Tili ni Simie at parang uod na binudburan ng asin.
"Gaga parehas kayong may lawit niyan!" Panira naman ni Gwen sa kaibigan namin.
"Ano naman? Uso na espadahan ngayon, 'teh!" Muling balik ni Simie.
"Ano 'yon? Pasok tapos subo? Yuck! Kadiri ka talaga baks!"
"Kung makadiri ka! Ikaw nga hindi nagtutoothbrush araw araw!" Angil ni Simie bago madrama pang humawi sa buhok.
"Gaga! Pinasma na naman bunganga mo!" Napailing ako nang sabay silang nagtawanan sa kabaliwan nila.
Katanghaliang tapat ay nasa isang lilim kami ng puno. Nasa harapan namin ang malaking soccer field na puno ng mga estudyanteng abala sa mga pakulo para bukas.
Maingay na ang buong eskwelahan dahil sa huling araw ng preparasyon sa magiging foundation day bukas. Kaya naman habang abala ang lahat, abala rin ang dalawa kong kaibigan na maghanap ng mga gwapong lalaki.
Gwenette Asuncion at Simeon (Simie) Verga, mga naging kaibigan ko simula ng lumipat kami nila Nanay dito sa San Alfonso.
Nasa grade seven pa lang kaming tatlo pero kadalasang silang dalawa ay pinagpapantasyahan na ang mga gaya naming estudyante sa mga mataas ang batch.
"Miarie! Miarie!" Halos makalas ang buto ko sa biglang pagyugyog nila sa braso ko.
"Ano ba iyon?" Busangot kong ibinaba ang librong binabasa.
"Iyong may crush sa'yo oh! Ack! Ang gwapo talaga ni V!"
"Gaga kay Miarie lang iyan!" Saad ni Gwen pero kinikilig din na niyugyog ako.
"Akala ko ba babaero iyan? Bakit binubugaw ninyo ako?"
Saka anong sa akin? Baliw na talaga sila!
"Ayun na nga eh! Babaero pero ikaw gusto! Wahh!" Halos mapapikit ako sa sigaw ni Simie.
"Ayan na! Dadaan sila dito!" Tili naman din ni Gwen.
Napabuntong hininga na lang akong muling binalik ang tingin sa librong hawak. Gusto kong magbasa talaga pero dahil sa likot at harot nitong dalawa ay hindi ko magawang ituon ng todo ang atesnyon sa librong hawak.
Mas lalo pang nagulo ang pagbabasa ko nang dumaan nga ang grupo nila. Malayo man kami sa daan ay narinig ko pa rin ang usapan nilang magbabarkada.
"Hoy V! Iyong crush mo oh!" Natatawang asar ng isa.
"Tangina child abuse ka, V!" Segundo rin ng isa.
"Mga gago." Rinig kong mura niya sa malalim na boses.
Naramdaman ko ang nginig na kurot ni Simie sa akin kaya wala sa sariling napaangat ang tingin ko sa harapan. Dahil doon nagtama ang mata namin kaya tuluyang napatili sila Simie at Gwen. Napansin ko rin ang pagtawa ng mga kaibigan niya.
Mabilis ang ginawa niyang pagbasa sa labi bago maangas na inakbayan ang mga kaibigan para makaalis.
"Miarie sinulyapan ka! Grabe! Ang gwapo talaga!" Hindi makapaniwalang landi ni Samie.
"Pati mga barkada gagwapo!" Kabadong napabalik na lang ako sa pagbabasa. Kainis! Nakakahiya!
Bakit kasi bigla na lang naging ganito? Kailan ba kasi nagsimula ang ganito? Maayos naman akong pumasok bilang high school student dito. Nasa kalagitnaan na ng taon noong magsimula ito.
Nagkatagpo lang naman kami sa gate ng ilang beses dahil halos pare-parehas kaming nahuhuli sa klase noon at naparusahan ni Mang Kiko, ang guwardya ng eskwelahan.
Umugong lang naman ang pagkakagusto raw niya sa akin noong inasar lang siya ng isa niyang barkada.
"Kaya pala nagpapahuli ka ah! Nadadamay mo pa kami! Tangina ang bata ng gusto mo, V!"
Doon nagsimula, at hanggang ngayon ganito pa rin. Madalas na rin kami pinagdidiskitahan ng mga matataas na batch dahil dito. Sikat siya lalo na sa mga babae.
Ergos Vecchio Terizno o mas tinatawag nilang V. Maraming sinasabi sa akin sila Simie at Gwen tungkol sa kanya pero hindi ko na lang pinapansin ito. Masyado pa kaming bata at tanging pag-aaral lang ang nasa isip ko.
Matapos ng pagdaan nilang iyon ay hindi na natigil ang tukso ng dalawa sa akin. Mabuti na lang at ilang minuto lang ay muli kaming bumalik sa klase at nahinto sila hanggang sa matapos ang araw. Maaga rin kaming pinauwi dahil sa magiging selebrasyon. Open gate at tanging attendance lang ang kailangan namin kaya kahit na hindi kami maaga ay ayos lang.
Kinabukasan, medyo huli nga kaming pumasok. Maingay at masaya na ang buong eskwelahan. Nakahawak ako sa braso ni Gwen habang abala sa pagtingin sa mga pagkain na pwedeng bilhin.
"Sana'y bumili na lang tayo ng pagkain sa labas! Ang mahal dito sa booth ah!" Reklamo ni Simie.
"Kaya nga! Doble ang presyo ng buko juice nila dito! Libre lang sa akin iyan ni Kuyang malapit sa kanto namin!' Segunda rin ni Gwen.
Habang naglilibot panay ang reklamo nila pero bumibili naman. Sa kakaikot namin ay nahuli kami ng mga tanod sa jail both.
"Dapat limang piso lang ang piyansa namin! Baranggay jail lang tong tanod ka!" Natatawa ako sa pakikitawaran ni Gwen sa istudyanteng may batuta.
"Sige sampo akin na ang batuta mo, Kuya!" Umandar na kalandian ni Simie. Sa huli pinalabas din kami kaya lang ay kinailangan talaga naming magbayad para sa piyansa.
"Hinuhuli na nga tayo na walang paalam pinagbabayad pa tayo!" Wala pa ring tigil na reklamo nila.
Dahil sa takot na baka muli kaming mabiktima ng bawat pakulo ay nagpasya kaming umupo sa may tagong lugar para hindi mahuli, sa gilid ng library. Payapa kaming nakahiga sa malilim na puno nang biglang maistorbo dahil sa mga dumating.
"Nandito siya!!" Sigaw ng isa at dumating ang apat pang kasama. Nagulat ako nang bigla na lang nila akong kunin at hinila sa pagkakahiga.
"Hoy saan ninyo dadalhin ang kaibigan namin?!" Napatayo na rin sila Simie nang hilain nila ako paalis.
"Saan ninyo ako dadalhin?!" Kabado kong tanong at pilit pang pumiglas sa kanila.
"Pasensya ka na, Miarie! Nabayaran kami ng malaki eh!" Natatawang sabi ng isa at walang hirap nila akong hinila kung saan.
Maingay na rin sila Simie at Gwen sa pagkuha nila sa akin. Natigil lang sila nang matanto kung saan ako dadalhin. Ang kaninang ingay ng mga kaibigan ko ay napalitan ng kilig at tili pagkakita sa mga magbabarkada na naghihintay.
"Gago ka, V! Pinakidnap mo?!" Humagalpak ng tawa ang isa sa kaibigan niya.
Sabay ang pangkaba at pamumula ko nang huminto ang paghila sa akin at mabilis na paglagay ng veil sa ulo ko.
"Malaki ang binayad eh! Pasensya na! Mabilis lang matatapos basta sagot lang agad!" Anunsyo nung may pakulo sa wedding booth. "Ipaglapit na ninyo sila!"
"Nako, V! Mademanda ka talaga diyan!" Parang huling paalala nung isa pa niyang kaibigan.
Inilingan lang niya ito at walang sabing mismong lumapit sa akin. Kabadong kabado na ako lalo pa binasa niya ang labi at mas tumitig sa akin.
Maging ang mga tili nila Gwen wala ng epekto dahil sa sobrang pag-iingay ng t***k ng puso ko. Malabo ang mga naging salita. Ang malinaw na lang sa akin ay ang mga sagutan namin.
"I-I do.." Bulong ko lang para matapos na lang talaga. Nanginig ang kamay na sinuot ko nang mabilis ang kulay tansong singsing.
"I do.." Mababaw din niyang sagot at maingat na nilagay ang singsing sa daliri ko.
"Tarantado ka, V! Nahihiya na ng sobra si Miarie sa pinaggagagawa mo! Huwag mo masyadong ipahalatang patay na patay ka! Talagang pinakasalan mo pa!" Sigaw ng kaibigan niya na natatawa marahil sa ginawa niyang ito.
"Ayos lang iyan. Para masanay na rin niya." Sumikdo lao ang puyso ko sa sagot niya. Pakiramdam ko nabingi ako sa sariling t***k ng puso ko at hindi sa sigawan ng mga nanunuod.
"By the power vested in me. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife."
Hindi na ako nakagalaw nang inangat niya ang kamay ko at hinalikan ang daliring may singsing.
"Hoy dagdag singkwenta iyon! Sa kamay lang!" iyon na lang ang natatandaan ko bago niya binaba ang kamay ko para kumuha ng pera sa bulsa.
Nanlalamig ang kamay na tinaggal ko ang veil sa ulo ko at pikit matang umalis doon. Kainis! Kinasal pa!