Kabanata 16

2191 Words

Sabado pumatak ang unang araw ng huling buwan ng taon. Sakto rin ito sa araw ng pahinga ni Nanay sa hacienda. Bukas ay nakapagpaalan na siya na hindi papasok para sa kaarawan ko. Maaga palang abala na kami sa bahay. Nakatutok ako sa pagsasangkap ng isang putahe nang maramdaman ko ang mga kamay na humaplos sa buhok ko. Agad akong tumingin sa kanya. Sumalubong sa akin ang ngiti at kislap ng mga mata niya. "Hmm?" ako na huminto sandali sa paghahalo. "Iipitan ko lang buhok mo para hindi ka mahirapan." paalam niya na nginitian ko na lang. Inabala niya ang sarili sa pagtali ng buhok ko habang ako naman ay pinagpatuloy ang ginagawa. Ang laki ng tulong ni Ergos sa amin ni Nanay. Madaling araw palang ay nandito na siya para sumama at tumulong sa amin na mamili sa ihahanda. Buong araw ng sabado

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD