Naalimpungatan si Ada sa alarm ng cellphone niya kaya bumangon ang naghilamos na din. Pasalamat na lang siya at hindi na siya kinulit pa ng grupo nila Clifford pagkatapos ito magpakilala sa bar. Naramdaman naman siguro ng lalaki na aloof na siya dito kaya pinabayaan na siya kahit na ang boss naman niya ang nagsabi ng pangalan niya.
Nak kain ka na. Late ka na naman gumising. Maagang sermon ng ina-inahan niya.
Nay naman, alam mo namang panggabi ako sa trabaho kaya normal lang na late ang gising ko at pahinga ko pa talaga dapat sa oras na ito diba. Sagot naman niya kay Aling Mercy pero nakayakap dito.
Naku, dinadaan mo na naman ako sa pagyakap mo anak. Akala mo naman eh matitiis ko yang paglalambing mo. Nakangiti namang saad nito.
Alam ko naman yun Nay na hindi mo ako matitiis. Sagot naman agad ng dalaga at sumubo na ng pandesal.
Anak kumain ka ng sinangag. Niluto ko pa yan para naman masarap ang almusal mo
Ok na ako dito sa pandesal Nay. Pero kung mapilit ka talaga eh kakain na po ako. Nakangiting sagot naman ni Ada.
Asus anak, bumenta na yang sinasabi mo. Kunyari ka pang solve na sa tinapay pero kanin naman talaga ang lalantakan.
Binuko mo naman agad ako Nay eh. Kakain naman talaga ako ng kanin at may motto ako na kanin is life nga Nay. Natatawang turan naman ni Ada.
Hindi ka naman nataba anak kaya OK lang yan. Kahit nga anong isubo mo sa bunganga mo eh OK lang talaga.
Mabilis lang metabolism ko Nay kaya carry lang kumain ng kumain. Sagot naman ni Ada.
May lakad ka ba anak at maaga ka nagising. Tanong naman nito sa anak na sarap na sarap sa kinakain.
Oo Nay. May usapan lang kami magbabarkada. May mga hindi kasi sumama sa nakaraan naming lakad kaya ngayon matutuloy na lahat kami ay makakapunta.
Ganun ba anak. OK lang naman ang gumala basta hindi lang masasamang barkada. Alam ko namang hindi mo pababayaan ang sarili mo anak kaya hindi kita pinapakialaman sa mga gala mo.
Salamat Nay. Mabubuti po ang mga barkada ko. May ilan po kasing sa ibang bansa na magtatrabaho at yung iba naman sa Manila na kaya masayang bonding namin ito.
O siya Huwag kang papagabi at may pasok ka pa.
Wala po akong pasok mamaya Nay kaya malakas din ang loob ko na sumama sa kanila.
Kaya naman pala eh. Mautak ka sa part na yan anak. Magliliwaliw kasi wala namang pasok.
Syempre naman Nay. Mahirap uminom kapag alam mong may pasok pa. Dapat free para walwal. Natatawang saad nito na kinataas naman ng kilay ni Aling Mercy.
Joke lang Nay. Ito naman para ka na namang amasona diyan. Galaw-galaw Nay at baka mastroke.
Puro ka kalokohan talaga. O siya aalis muna din ako at may lakad din kami ng kumare ko. Mamalengke na din ako pagkatapos. Saad naman ni Aling Mercy.
Ikaw pala ang may lakad Nay pero ako naman ang pinagsasabihan mo. Mag-iingat kayo. Isasara ko na lang po ang pinto pag-alis ko mamaya.
Sige anak. Andun na ata sa kanto si Mareng Lita. Paalam na ng Aling Mercy.
Tinapos na ni Ada ang pagkain at nanood muna ng TV. Maaga pa naman kaya magpapahinga na muna siya bago maligo.
Naaliw siya sa palabas ng biglang tumunog ang cellphone niya.
O ateng ano na. Kelan mo ako dadalawin. Tanong ng nasa kabilang linya.
Oh Fernan napatawag ka. Tanong naman NI Ada dito.
Maka-fernan ateng. It's Fea. F-E-A. Huwag mo akong matawag sa totoong pangalan at mas malala kapag buong pangalan na ang maririnig ko.
Fernan Makabayan Jr. Sambit naman ni Ada na kinatili ng kaibigan sa kabilang linya kaya tawa ng tawa ang dalaga dito.
Sa isang araw na lang tayo magkita Sissy at may lakad ako mamaya with my other friends. Saad naman niya dito.
Ok, basta puntahan mo na lang ako sa salon ateng. Ako na ang bahala sa pagpapaganda mo. Sambit naman ni Fernan kay Ada.
Ok sis. Basta ba libre ha. Wala akong pambayad talaga.
Oo naman ateng. Paano pat nagkaroon ka ng kaibigan na may-ari ng salon diba. Sagot naman ni Fernan na kinatuwa ni Ada.
Sarap naman maging kaibigan ka sis Fea. Saad nito sa kaibigan para matuwa ito at hindi niya tinawag sa lalaking pangalan.
Oo naman ateng. O panu may mga customer na ako. Nasa bakasyon lang ang ibang hair dresser ko kaya pati ako gumagawa na dito. Sayang ang kita kapag tutunganga lang ako ateng. Ba-bye. See you soon. Muahh, sambit nito kay Ada na may kasama pang halik na kinangiti naman ng dalaga.
Naligo na din si Ada para mahaba pa ang oras ng gala nila. Nag text na din ang isang barkada niya na sabay na silang umalis at sa isang kanto lang naman iyon malapit sa inuuwian ni Ada. Nag-ayos na siya at sabi ng kaibigan ay papunta na ito sa bahay nila. Nagsuot na lang siya ng summer dress na binili niya ng sahod para presko sa pakiramdam. Bumagay iyon sa balingkinitan niyang katawan na laging agaw-pansin.
Nagsusuklay na siya ng may kumatok sa pintuan.
Sandali lang. Saad niya na dali-daling pumunta sa pintuan.
Wow ganda mo naman girl. Mukha naman akong katulong. Saad ni Mitch ng makita siya.
Ang oa mo girl. Hindi ah. Sadyang bumagay lang ang dress sa akin. Nakangiting saad niya dito.
Oo nga eh. Mukhang pinasdya mo talaga at hakab sa maganda mong katawan. Nakakainggit yang 36 mong dibdib ha. Akin hindi talaga makita. Mabuti at balakangin ako at carry lang. Ikaw itong pinagpala, harap at likod panalo talaga. Palatak ni Mitch na nagpangiti naman kay Ada.
Tama na nga yang papuri na yan at baka maniwala na ako sayo girl. Pasok ka na muna at kukunin ko na ang gamit ko. Wala naman akong pasok mamaya kaya kahit anung oras tayo carry lang. Huwag lang tayong mag bar at hindi pupwede itong damit ko. Para akong dalagang pilipina na hindi pwedeng dungisan. Nakatawang saad ni Ada.
Magdala ka na lang ng pamalit baka sakaling mag-iba mamaya ang plano.
Sige na nga. Ibahin ko na lang din ang bag ko. Sagot na lang ni Ada at baka nga mag-iba mamaya ang usapan nila.