Papunta na sila sa tagpuan nilang magbabarkada ng tumawag ang isa pa nilang kaibigan.
Asan na kayo mga bruha? Tanong nito pagkasagot pa lang ni Ada.
Excited much ka bruha. Malapit na kami. Hindi naman mawawala yang lugar kapag wala pa kami noh. Pataray na saad ni Ada dito.
Puro ka talaga kalokohan Ada. Andito na din kasi ang iba at ilan na lang ang inaantay. Alam mo namang ito lang ang araw na pwede tayong magkita-kita diba kaya atat naman ako. Sagot na lang ni Bernadette.
Oo na Bern. Masyado mo kaming namimiss. Palibhasa iiwanan mo naman kami. Huwag ganun besh at sobra ka talaga namin mamimiss. Ikaw naman ang isa sa manlilibre kaya OK lang umalis na kayo ng umalis at ng malibre kami laging naiiwan. Natatawang saad naman ni Ada dito.
Bruha ka talaga. Bilisan nyo na at nakaorder na naman kami ng pagkain. Saad na lang ni Bernadette bago ibaba ang telepono nito.
Pagkababa nila Ada ay deretso na sila sa tagpuan nila ng barkada. Ang saya ng mga ito ng kumpleto na sila. Hindi magkamayaw sa kamustahan na akala mo wala ng bukas.
Oh Ada kamusta naman ang love life mo? Ikaw na lang ata ang hindi ko napansing may jowa. Sa ganda mong yan, wala pa ring nanligaw sayo. Kung ako ganyan kaganda eh di sana kabi-kabila na ang fafa ko. Sambit naman ni Luna sa barkada.
Naku Luna ako na naman nakita mo. Hindi ko pa siguro nakikita ang lalaking magpapatibok nito. Sabay turo sa puso niya.
Asus, wala ng ganyan besh. Walang forever kaya dapat go lang ng go. Saad naman ni Lala.
Naku lala, umiral na naman yang kalandian mo. Sagot naman ni Luna dito.
Atleast masaya ako. Maraming boys. Turan naman ni Lala.
Tumahimik na nga kayo. Kain lang ng kain ag mamaya iinom tayo. Mga wala naman kayong pasok kaya sulitin na natin ang araw na ito. Sambit naman ni Bernadette.
Kidding aside guys mamimiss ko ang bonding natin na ito. Malalayo na tayo sa isa't isa. Pero guys kapag napadpad naman kayo sa Manila, Huwag niyo namang kalimutan na sabihin sa akin para magkita naman tayo. Hindi naman kawalan siguro yun. Saad uli ni Bernadette na isa sa mga pupunta na ng Manila.
Oo naman, basta ba libre mo eh. Sagot naman ni Mira.
Ikaw Mira, puro ka libre talaga.
Oo naman, masarap ang libre eh. Sagot naman nito.
Oh kain lang ng kain. Meron nga palang arcade dito sa mall. Laro muna tayo mamaya para naman sulit ang bonding.
Sige. Sabay-sabay na sagot ng lahat.
Isa ang arcade sa madami na nilang pinupuntahan kapag free time nila noong college days pa.
Nagkakayayaan na sa arcade ang magbarkada ng matapos na sila kumain.
Kanya-kanyang pwesto na sila sa palaruan.
Mamayang gabi bar naman tayo. Saad ni Lala sa lahat na nagpalingon naman dito.
Nagsalita na ang tomador. Sagot naman ni Luna.
Ako lang na Luna eh ikaw nga itong tanggera sa grupo.
Oo na. Punta na tayo para tumigil ka na. Uhaw na Uhaw ka na ata sa alak beshy.
Oo nga eh. Matagal ng hindi nasasayaran ng alak ang tiyan ko. Kailangan na uli kargahan. Nakangising saad ni Lala.
Basta ambagan na tayo ha. Just like the old times. Sambit naman ni Bernadette.
Sure. Chorus naman ng lahat.
Nagkayayaan pang sumakay sa roller coaster ang grupo na isa sa mga atraksyon sa arcade na iyon.
Tili ng grupo ang pumuno sa arcade na iyon. Masaya ang lahat ng bumaba na sila sa roller coaster at nagkayayaang kumain sa fast food na paborito nila.
Ito ang talagang mamimiss ko. Ang bonding natin na hindi matatawaran.
Sumang-ayon naman ang lahat at napatingin sa isang kasama nila na sumisinghot.
Oyy.. Anu yang pagsinghot na yan ha. Walang namatay. Lalo lang kayo nagpapamiss eh. Maluha-luha na ding sambit ni Ada dito.
Mamimiss ko lang kasi kayo, ako itong malayo ang pupuntahan eh. Sambit ni Lala na sa America ang punta dahil may petition na siya galing sa kapatid na doon na nagkapamilya.
Lala madami namang paraan para magkausap tayo eh. May social media naman.
Iba pa rin kasi talaga ang physical na nagkakasama. Sagot naman ni Lala.
Huwag kang mag-alala kapag mayaman ka na. Ilibre mo kami ng pamasahe papuntang states. Hindi kami magdadalawang isip na pumunta. Sagot naman ni Bernadette dito.
Sana nga para may bonding tayo sa ibang bansa.
Cheers. Saad na lang ni Ada na itinaas ng softdrinks na hawak.
Cheers. Sabay-sabay na sambit ng lahat.
Nagtawanan na ang lahat sa mga pinagagawa nila.
Pero seriously guys, sana walang iwanan ha. Kung may problema ang bawat isa magdamayan lang tayo. Hindi dapat magtatago ng problema.
Andito tayo para magtulungan.
Nasisiyahan si Ada sa kung anumang samahan ang nabuo sa kanilang grupo na siyang nagpapasaya sa buhay niya. Alam niyang isa ito sa mamimiss niya lalo na't paunti-unti na silang nagkakahiwalay.
Tara na bar na tayo. Saad ni Lala na kinatuwa ng lahat.
Nagbihis muna ang lahat at may kanya-kanya pala talagang bitbit na bihisan.
Ganda din ng plano eh noh. May bitbit talagang bihisan. Saad na lang ni Lala ng tapos na sila mag-ayos.
Come on guys, let's party. Saad ni Lala na kumikembot pa maglakad.
Sakay na. Hirit naman ni Luna na parang sa commercial ang peg ng makakita ng jeep na hindi puno.
Lukaret ka talaga bruha. Natatawang sambit ni Bernadette.
Syempre. Kelan pa tayo magsasaya kung nasa hukay na. We only live once so make the most out of it mga Sissy. Dagdag pa nito.
Oo nga naman. Teka English yun ah. Saan mo naman nahukay? Tanong naman ni Lala dito.
Hoy matagal ng nakatago yan kaya nilabas ko na at baka amagin. Saad naman ni Luna.
Puro kayo biro talaga. Oh magbigay na ng pamasahe at baka magkalimutan, kawawa si manong driver pag nag one two three tayo. Saad naman ni Ada na nagpahalakhak sa lahat.
May pambayad naman kami. Noon lang wala. Sagot ni Bernadette ng maalalang hindi sila nakapagbayad nung nag-aaral pa sila.
Masayang bonding nila sa bar na madaling araw na sila nakalabas.
Nagpapicture pa sa guard ng bar paglabas para may souvenir sila sa bonding nilang iyon. Nagkayakapan pa ang lahat bago maghiwa-hiwalay at nagkasundong gumawa ng gc ng grupo para sa update nila sa isa't isa.