Palihim na pumunta si Aleeza sa doktora na tumitingin sa kanya para hindi malaman ng asawa niya ang kalagayan niya. Makukumpira niya ngayong araw kung ano ba talaga ang sakit niya o kung ang unang diagnose pa rin sa kanya at ganun pa rin. Sumakay na lang siya ng taxi. Sinakto niya na off ng driver nila at coding din naman ng sasakyan para hindi na mag-usisa ang asawa. Nagpaalam naman siya na may pupuntahan siya at nasa opisina naman ito kaya walang interogasyon na mangyayari.
Manong sa tabi lang po. Saad niya sa taxi driver ng nasa tapat na siya ng ospital. Nanalangin na lang siya na sana nagkamali na ang doktora sa resulta ng tests sa kanya. Pero parang alam naman niya sa sarili na meron talaga siyang sakit dahil sa biglaang pagpayat niya.
Kumatok siya ng marahan sa pinto ng on gyne niya.
Pasok, saad naman nito sa loob.
Pumasok na siya at ngumiti ng makita ang doktora na may tinitingnan na papel.
Ikaw pala Aleeza, how's your health? Bungad na tanong nito sa kanya.
To tell you honestly dok, pumayat po ako ng biglaan. Tingin ko sa sarili ko zombie na ako.
As I see you Mrs. Smith. You are not in good shape. At magsasabi ko din na hindi maganda ang resulta ng tests mo. Ayon dito, meron ka talagang cancer sa ovary. Base sa ultrasound na isinagawa sayo, nakumpirma ko na mys cancer ka ngang talaga.
Biglang naninikip ang dibdib ni Aleeza sa nalaman. Hindi naman siya masisisi ang doktora na siyang ob gynecologi niya niya.
Mrs. Smith alam ko na masakit malaman ang katotohanan pero yan kasi ang totoo. Hindi natin maiiwasan dahil sa iyon at iyon pa rin ang lalabas na resulta. Ang magagawa lang natin ay mapigilan ang paglaki ng bukol. We have to get you operated the soonest possible time. We cannot assure the result but hoping for the best. Saad naman ng doktora.
Alam ko naman dok na dapat akong operahan pero alam mo naman na ayoko ng malaman ng pamilya ko na maysakit ako. Umiiyak na saad ni Aleeza.
Madami lang naibilin ang doktor kay Aleeza pero hindi na niya iyon napansin. Tuliro na siya habang naglalakad at nagtungo sa malapit na simbahan.
Umupo lang siya sa loob at nanalangin sa panginoon na bigyan siya ng lakas ng loob araw-araw para magampanan pa rin ang tungkulin niya bilang asawa at ina sa mga anak na bata pa. Lalo pang hindi maampat ang luha ni Aleeza ng may makita siyang masayang pamilya na kumpleto. Magkasama na nagsimba ang pamilya. Hindi niya alintana na ang tagal niyang tingnan ang pamilya bago siya lumabas ng simbahan.
Balak niyang sumakay ng jeep uli pag-uwi. Isa yan sa mga namimiss niyang gawin noong hindi pa siya ikinasal. Hindi na niya nagagagawa iyon ang asawa ang lagi niyang kasama na magala at may sasakyan ito na ginagamit nila lagi.
Napagpasyahan ni Aleeza na sumakay na ng jeep para maramdaman uli niya ang mga nagdaang araw na masaya.
Nagpababa na lang siya sa kanto na malapit sa subdivision kung saan nakatirik ang bahay nilang mag-asawa.
Manong sa tabi na lang po. Salamat po. Saad ni Aleeza bago bumaba ng jeep.
Habang naglalakad may nakitang coffee shop si Aleeza at pumasok na siya. Balak niyang umorder para mawala ang nararamdaman niya. Nais na muna niyang set-aside ang problema.
Tumunog ang cellphone niya at hinanap na muna ito. Asawa niya pala ang tumatawag.
Love asan ka? Tumawag ako sa bahay hindi ka pa pala umuuwi. Anong oras na. You got me worried. Sunod-sunod na saad nito na nagpangiti kay Aleeza.
Love don't worry. Malapit lang naman ako sa subdivision na tinitirhan natin. Uuwi din naman agad ako. Me time lang ako saglit love ha. Huwag ka na magtampo. I love you. Turan ni Aleeza sa asawa na alam niyang nag-aalala lang kaya ganun lang ito magsalita.
Ok love. Pauwi na din ako maya-maya. Hindi ko pa alam kung tuloy abg meeting ko mamayang gabi kaya kung hindi naman uuwi ako agad. Ikaw din umuwi ka na ha. I love you too love. Saad naman nito bago ibinaba ang telepono.
Napabuntunghininga na lang ng malalim si Aleeza pagkatapos kausapin ang asawa. Ayaw na muna niyang ipaalam sa asawa ang nangyari sa kanya. Ang mama na muna niya ang gusto niyang makausap tungkol sa sakit niya.
Inubos na muna ni Aleeza ang kapeng at cheese cake ba inorder bago siya umuwi. Nag-abang na lang siya ng taxi para mabilis siyang makauwi sa bahay nila at namimiss na niya ang dalawang anak. Hindi mawaglit sa isip niya ang confirmation ng sakit niya. Ipinapasadiyos na lang niya ang lahat. Hindi pa siya handang sabihin sa asawa ang sakit niya kaya may nabuo siyang pasya na kailangan niyang ikonsulta sa Nanay niya.