Pagkatapos kumain ng mag-inang Martha at Ada ay pumanhik na uli ang dalawa sa kanilang inuukupahang kwarto. Nakapagtext na din kasi si Aleeza na makakatawag na siya at dumating ang mga barkadang lalaki ng asawa nito kaya pwede siyang hindi makisali dito. Yun na rin ang oras para makapag-usap silang tatlo.
Anak ready ka na ba? Tanong ni Aling Martha kay Ada na may nginunguya na naman.
Opo Nay. Ready na ako kung ano man ang pag-uusapan nating tatlo. Sagot naman nito na sarap na sarap sa kinakain.
Anak kumakain ka na naman diyan. Hindi na nakapagpahinga yang bibig mo.
Sarap kasing kumain Nay kaya huwag mo na akong pigilan at hindi naman ako nataba. Minsan lang din naman tayo magbonding kaya ninanamnam ko yun Nay.
Palusot ka pa talaga nak. Sagot naman ni Aling Martha.
Nay naman eh binubuko mo agad ako. Maging happy lang tayo nay. Dapat kahit may didaanang problema, daanan lang natin huwag na nating tambayan. Nakangiting saad nito sa ina.
Biglang nag-ring ang telepono ni Aling Martha. Tiningnan niya ang caller at si Aleeza ang tumatawag sa kanya.
Anak tumatawag na ang ate mo. Halika na dito. May video call na siya.
Ok Nay, andiyan na po. Saad naman ni Ada na nagkumahog na lumabas ng banyo.
Pagsagot ni Aling Martha, masayang mukha ni Aleeza ang bumungad sa kanila.
Ate, naluluha na sambit ni Ada sa kakambal.
Ada ang ganda mo talaga. Salamat at pinaunlakan mo ang mama na magbonding kayo.
Oo naman ate. Gusto ko namang makasama kayo ni nanay. Salamat din at hinanap ninyo ako ni Nanay. Alam kong hindi biro ang mga araw na nangungulila ako sainyong dalawa ni nanay. Sa wakas nakasama ko na kayo.
Mabuti naman kung ganun Ada. Gusto din kita mayakap kapag nakapunta ka na dito sa bahay. May mag-alaga din naman sa mga anak ko kaya pwede tayo magbonding.
Ada may isa lang sana akong hiling sayo. Sana mapagbigyan mo ako. Hindi ko na alam saan ako susuot kasi halos ako nag-aasikaso ng mga anak ko.
Ano ba yun ate, kapag kaya ko naman ang ipapagawa mo ate, go ako diyan.
Ada alam mo na ba na maysakit ako. Tanong ni Aleeza sa kakambal.
Oo ate you have goals in life, gusto mo pa. Makasama ang mga mahal mo sa buhay.
Salamat naman kung ganun. Sambit ni Aleeza sa kapatid.
Huwag namang brutal na gagawin te ha. Back out na lang ako kapag ganun. Nakangiti pang sabi nito sa ate niya.
Hindi naman ganun kabrutal pero baka umatras ka kasi kapag nalaman mo. Sana pagbigyan mo ako Ada. Alam ko naman na may mabuti kang puso.
Nambola ka pa talaga ate. Ano ba yung sasabihin mo at baka kaya ko naman yan. Pag-uusisa pa rin ni Ada sa kapatid.
Hindi ganun kadali Ada na sabihin sayo ito pero gagawin ko kasi mahal ko ang pamilya ko. Sa kanila umiikot ang buhay ko simula ng nag-asawa ako. Hindi ko naman gagawin ito kung hindi lang din sa kanila.
Madamdaming saad pa rin ni Aleeza.
Ate kanina ka pa. Bakit hindi mo pa sabihin para malaman ko na din ang gagawin ko.
Sambit naman ni Ada na natetense na sa sasabihin ng kanyang kakambal.
Nagpahid pa ng luha niya si Aleeza bago tumingin uli kay Ada.
Ada magpanggap ka na ako sa pamilya ko. Magiging nanay ka sa dalawa kong anak at asawa naman ni Apollo. Please sana gagawin mo. Magsisimula na ang treatment sa akin kapag pumayag ka na maging ako. Sana pag-isipan mo ng mabuti kasi gusto ko gumaling at makita pa ang future nila Andrei at Sabrina. Alam ko napakakumplikado ng gagawin mo since kasama na ang pagiging asawa pero yan lang ang paraan para makapag-chemo ako ng hindi nila nalalaman. Sa gaanong paraan hindi kami magkakaroon ng problemanf pamilya dahil sa ako Amy mag malubhang sakit. I was hoping and praying na gumaling kaya sana pagbigyan mo na ako. Mahabang paliwanag ni Aleeza sa kakambal na natulala sa gustong mangyari nito.
Sa totoo lang ate nabigla ako sa sinabi mo. Hindi madali ang gusto mong ipagawa sa akin. Masyadong kumplikado lalo na sa pagiging asawa. Gagawin din ba namin ang mga ginagawa ng mag-asawa? Baka kapag nangyari iyon mabuko tayo kaya lalonv magiging magulo ang sitwasyon. Saad ni Ada.
Yan din ang isang inaalala ko pero kaya mo namang lusutan na iyon tyak. Hindi naman siguro malalaman ng asawa ko na iba na ang makakatabi niya sa kama. Magdahilan ka na lang kapag hindi na maganda ang gagawin niya sayo. Marami namang paraan Ada. Please I'm begging you to act as me. Please its running out of time. Kailangan ko ng magpagamot to be in this world longer. Saka na natin problemahin kapag nahuli na nila tayo. Kailangang mo lang lusutan ang asawa ko.
Nashock lang talaga ako sa mga gagawin ko. Pag-iisipan ko ate. Sagot na lang ni Ada na hindi alam kung uubra ba ang pag-I was niya sa asawa ng ate niya sa oras ng pagtabi nila. Paano kapag nabuko siya baka mamuhi pa ito sa ate niya. Ayaw naman niya na mag-away silang mag-asawa. On the other hand, kailangan lang niyang umiwas hanggang makaiwas sa asawa nito pwede naman niyang gawin.
Biglang sumakit ang ulo ni Ada sa pinagawa ng ate niya sa kanya kaya napainom siya ng maraming tubig.
Ada I need your answers before nakabalik si Mama dito. Kailangan mo ng sumama sa kanya pagbalik para maturuan kita ng mga usual kung ginagawa sa bahay at kung paano ako kumilos. We are running out of time so please sana umoo ka na. Kailangan kita Ada. Kailangan ko ang tulong mo. Pagsusumamo nito sa kakambal.
Malalaman mo ang sagot ko ate bago bumalik si Nanay diyan. Sagot na lang ni Ada sa kapatid na sobra na ang iyak sa kabilang linya.
I am hoping for a good answer Ada. Humihikbing sambit ni Aleeza dito.
Magpahinga ka na ate. Matutulog na din kami. Pag-iisipan Kong mabuti. Ibibigay ko na kay nanay ang telepono.
Nagpaalam na din si Aling Martha kay Aleeza. Hindi na muna niya kinulit si Ada na pagbigyan si Aleeza kaya natulog na lang silang mag-ina.