KABANATA 22

1027 Words
Nagpasya na lang na umuwi sina Aling Martha at Ada. Isinama ni Aling Martha si Ada sa tinutuluyan nitong Hotel at doon na nila balak kausapin si Aleeza. Nay ang ganda naman nitong tinutuluyan mo. Sambit ni Ada na namahangha sa ganda ng hotel na iyon. Ang ate mo ang nagbook nito kaya maganda. Mahilig kasi tumingin ng magandang reviews ng hotel yun kaya ito maganda ang tinutuluyan ko. Oo nga Nay eh. Mabuti na lang at isinama ninyo ako para makapagbonding na din tayo. Oo naman anak. Makakausap na din natin maya-maya ang Ate Aleeza mo. May ginagawa lang siya ngayon. Ok po Nay. Pwede po bang mahiga muna ako at napagod ako sa lakad natin. Oo naman anak. Pahinga ka muna bago ka maligo mamaya. May boutique naman sa baba na pwede nating bilhan ng damit mo. Saad pa ng kanyang ina. Naks, may pagbili pang nalalaman si Nanay. Ok lang naman po ang damit ko na ito Nay. Naku anak, wala naman sa akin yun at napaghandaan na namin ito ng ate mo. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ito sapilitan. Ito ay pagmamahal namin sayo ng ate mo. Kaya huwag ka ng mahiya. Sambit pa ng kanyang ina. Talaga Nay. Salamat po Nay. Nakakatuwa naman pong malaman na hinanap po talaga ninyo ako ni Ate. Alam ko po na kailangan ninyo ako kaya din po kayo pumunta pa dito sa Cebu. Kung ano man po ang dahilan at nakapunta kayo dito ay malaking pasasalamat ko dahil nagkasama po tayo at makikilala ko na din ang kakambal ko. Maluha-luhang sambit ni Ada na yumakap pa sa kanyang ina na pasimple ding pinunasan ang luha. Anak ko, sobra akong nangulila sayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko nung hindi ko na makita si Cedes at kung saan ka na niya dinala. May communication pa kami dati dahil na rin sa alam niyang kapag matiwasay na ang pamilya ko ay makukuha na kita. Dumating ang araw na alam kung masagana na pamilya natin at kaya na din kitang buhayin, bigla namang nawalan na kami ng komunikasyon ni Cedes. Nanlumo ako sa nalaman ko at hindi na kita mayayakap at makasama. Naghinagpis ako noon. Akala ko wala na ang pagkakataon na tulad nito. Ang mayakap kita at makasama ng matagal. Napakasaya ko nung makasalubong ko isang araw ang kamag-anak ni Cedes na napagbilinan niya na kung sakaling makita ako ay ipagbigay alam na nasa Cebu na siya at kasama ka niya. Naibigay niya din ang numero na maaari kong tawagan kapag nakausap na ako ng kamag-anak ni Cedes. Tulo ng tulo ang luha ni Ada habang nakikinig sa kwento ng kanyang ina. Sobrang tuwa ko anak ng malaman ko na magkakasama kayo ng nakakaalam kung saan kayo nakatira. Doon ko na din nalaman na namatay na din pala si Cedes na hindi ko man lang nabisita. Si Mercy na lang ang nakausap ko at nalaman ko na nagtatrabaho ka para din sa pang-araw-araw ninyo. Hindi naman po nabanggit ni Nanay Mercy na may komunikasyon kayo. Ang nasasabi lang niya sa akin ay ang katotohanan na hindi sila ni Nanay Cedes ang tunay kong nanay. Na meron po akong Nanay, na kayo nga po. Masaya na po ako sa kaalaman na may nanay po ako at pangarap ko po na makilala din kasi alam ko na may dahilan kung bakit hindi kami nagkasama. Hinanap kita anak. Ilang taon kitang hinanap, kaya ngayon na nakita na kita hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Tandaan mo anak na hindi ka nawala sa isip at puso ko kahit na ang ate mo ang nakasama ko. Galing ka sa akin at iniluwal ko kayo ng ate mo kaya hanggat nabubuhay ako, gusto ko na makasama ko kayo ng ate mo. Pang mmk na ata tayo Nay. Pwede na to isabak sa aktingan. Sambit ni Ada na pinagaan lang ang mood nilang mag-ina. Wala ba tayong makakain dito Nay at nawala na at ang kinain ko kanina. Nakangiting sambit ni Ada. Moment na natin anak, pagkain pa rin talaga ang nasa isip mo. May mini grocery na malapit dito. Pupunta tayo mamaya doon para may makukukot ka dito. Antayin lang natin ang ate mo na tumawag kaya kapag pagod ka na talaga idlip ka na muna Tatawagin na lang kita kapag tatawag na ate mo. Saad naman ni Aling Martha sa anak na pumunta na sa kama at pumwesto na para makapagpahinga. Sige nay, sobra lang po ako napagod. Sagot naman ni Ada at tuluyan ng nakaidlip. Inayos naman ni Aling Martha ang mga binili niya sa anak na ibibigay niya pagising nito. Hinahaplos niya ang mukha ng anak na natutulog. Masaya siyang nakasama ang anak at sana matanggap niya kung ano man ang sabihin ni Aleeza dito. Gusto niyang tulungan si Aleeza kaya kahit ano gagawin niya para umoo lang si Ada na maging si Aleeza ng saglit na panahon para makapagpagaling ito. Kahit iyon na lang ang regalo ng anak sa kanyang kaarawan na malapit ng mangyari. Sa susunod na buwan na iyon gaganapin at may balak silang sa beach iyon gaganapin. Hindi lang niya alam kung makakasama pa ba si Aleeza o si Ada na ang makakasama nila bilang pagpapanggap nito. Nay, tawag ni Ada sa kanyang ina ng mapansing nag-iisa na lang siya sa kwarto. Mukhang umalis ata si Nanay at wala siya dito. Saad naman ni Ada. Maya-maya bumukas ang pinto. Oh anak, gising ka na pala. Lumabas lang ako para bumili ng kutkutin mo. Ayaw na kitabg istorbohin kaya ako na ang bahalang namili ng pagkain. Alam ko namang kahit ano pwede sayo. Nanay naman, binuking mo naman ako eh. Hindi naman nakakahiya tuloy. Nahiya ka pa anak eh nanay mo naman ako. Nga pala anak. Nakausap ko ang ate mo kanina. Umalis pala silang mag-anak kaya hindi siya nakatawag. Hahanap lang siya ng tyempo mamaya para makatawag sa atin. Ang mabuti pa, kumain na muna tayo ng dinner at pagabi na. May resto sa baba, doon na tayo kumain. Nagpareserve na ako. Sige Nay. Tara na po. Bumaba na sila sa ground floor kung saan nakapagpareserve si Aling Martha para sa dinner nila ng anak na si Ada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD