Masayang nagkwentuhan si Ada at si Aling Martha habang kumakain. Hindi maubusan ng kwento ang bawat isa dahil na rin sa matagal na nawalay sa isa't isa. Hindi naman nagsisinungaling si Ada na kaya niyang ubusin ang inorder nila kasi malakas talaga siya kumain.
Malakas ka kumain anak, pansin ni Aling Martha kay Ada.
Oo Nay. Hindi naman ako nataba kaya ok lang po na madami kainin ko. Kahit unli pa yan Nay go ako diyan. Saad ni Ada sa kanyang ina.
Pwede ka pala isabak sa eating contest anak at tiyak na ang panalo mo. Sambit pa ni Aling Martha.
Oo Nay. Pero hindi naman ako sasali at nakakahiya, baka sabihin nilang patay gutom ako. Natatawang saad ni Ada.
Oo nga. OK lang na sa bahay ka kumain at wala namang pupuna sayo.
Nak may importante akong sasabihin sayo. Sana pagbigyan mo ako, kami ng ate mo. Sana maging bukas ang isipan mo sa mga bagay-bagay.
Mukhang seryoso yan Nay ah. Mukhang mapapasabak ako diyan. Kung makakatulong ba ako Nay, wala pong problema sa akin. Hindi po ako magdadalawang isip na tulungan kayo ni Ate. Hindi po ako makakatanggi sa inyo kasi gusto ko kayong makasama ni Ate.
Ano po ba ang sasabihin mo Nay.
Anak ang ate mo may malubhang sakit. Meron siyang stage 3 ovarian cancer. Hindi basta-basta ng sakit na araw-araw nagpapahirap sa lagay niya sa ngayon. Gusto kong gumaling ang kapatid mo para makasama pa natin siya ng matagal. Naluluhang sambit ni Aling Martha sa anak.
Bakit naman nagkaganun si Ate Aleeza Nay? Meron po ba tayong ganyang sakit sa pamilya? Nalulungkot na tanong ni Ada.
Hindi ko rin alam anak kung namana ba ng ate mo yun. Naguguluhan na din ako. Sana lang maagapan pa ang sakit niya. May dalawang siyang anak na maliliit pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya anak kaya humihingi ako ng tulong sayo. Ito na rin ang paraan para magkakasama na tayong tatlo.
Naguguluhan man sa kung ano ang gustong tulong ng kapatid ay nararamdaman siya ang sakit na pinagdadaanan ng kakambal niya.
Ang ate mo na lang ang magpapaliwanag mamaya kapag nakausap natin siya thru video call. Dagdag saad pa ni Aling Martha.
Gusto ko din malaman kung ano ang dapat kong gawin Nay. Si Ate lang ang makakapagsabi sa akin ng talagang pakay niya sayo. Hanggat kaya ko ang ipapagawa ni Ate ay gagawin ko po. Sana hindi naman ganun kalala ang gagawin ko para makatulong sa inyo ni Ate. As a twin sister, obligasyon ko din na matulungan ka. Sana lang Nay maganda ang ipapagawa niya.
Siya na ang tanungin mo anak at pati ako at hindi na alam kung saan papunta ang problema natin na ito. Ang importante lang naman sa akin ay ang pareho ko kayong makasama at makita sa araw-araw. Hindi rin lingid sa kaalaman mo na may asawa ng tao si Aleeza anak.
Oo naman po. Sana po hindi naman masungit ang napangasawa niya.
Hindi anak. Napakabait ni Apollo. Madami pa din nagkakagusto sa kanya kahit may asawa na siyang tao. Maalaga kasi sa katawan yun at nag-eehersisyo.
Mabuti naman kung ganun Nay. Hindi naman po babaero? Pabirong tanong ni Ada.
Naku anak. Faithful yun sa ate mo. Hindi ko narinig na nag-away sila dahil sa babae. Maginoo kasi si Apollo kaya madaming nahuhumaling na kababaihan pero mahal na mahal niya ang ate mo kaya hindi siya tumitingin sa iba.
Mabuti naman Nay at mabuti pala ang napangasawa ni ate. Mga anong oras po kaya siya makakauwi o kung kelan na natin siya makakausap para masagot ko na ang kanina mo pa gustong itanong sa akin ma.
Itatanong ko sa kanya. Itetext ko na lang siya at baka nagbobonding pa yun kasama ang dalawang anak.
Ano po pala pangalan ng mga pamangkin ko? Tanong ni Ada sa ina.
Si Andrei ang panganay at si Sabrina naman ang kasunod. Nakangiting sagot naman nito sa anak.
Kain ka pa anak. Gusto mo ba ng dessert? Order ka pa.
Talaga Nay? Hindi ko po tatanggihan yan. May sweet tooth po kasi ako kaya mahilig talaga ako sa matatamis. Sagot naman ni Ada na tinawag na ang waiter para makapag-order ng gustong dessert.
Isa nga pong leche flan tapos chocolate mousse po. Nakangiti pang sambit ni Ada sa waiter na nagpapacute naman sa kanya.
Iho ok na ang order ng anak ko. Tama na yang pagpapacute mo. Kunin mo na yung order at ng makain na ng anak ko. Pasupladang saad ni Aling Martha na kinatuwa naman ni Ada.
Nay ang taray mo sa part na yun. Pwede na nating pagkakakitaan yan.
Eh halata naman kasi ang pagpapacute ng waiter na yun sayo anak. Hindi ko siya gusto para sayo. Naiinis na sambit ni Aling Martha.
Nay, hindi naman nanliligaw yun kaya bakit mo naman sinasabi na ayaw mo sa kanya. Hindi ka naman inaano ng tao kaya huwag ka na magalit diyan. Mamaya ma-high blood ka pa. Nakangiting saad nito sa ina at inakbayan ito para hindi na mainis.
Hindi naman sa ganun anak. Gusto ko lang na maging maganda ang kinabukasan mo kaya hindi dapat sa kung sino ka lang mapunta anak.
Alam ko naman yun Nay kaya hindi pa din naman ako nagkakaroon ng boyfriend eh. Sagot naman ni Ada sa kanyang ina.
Talaga anak wala ka pang boyfriend?
Oo Nay, siguradong matatagalan dahil na din sa ikaw ang kikilatis. Pabirong sambit nito sa ina.
Dapat lang anak na kilitising mabuti para hindi naman basta-bastang lalaki ang magiging kabiyak mo. Paliwanag naman ni Aling Martha.
Oo Nay. Susundin ko po ang payo ninyo. Alam ko po na makakabuti iyon sa akin. Alam ko na sa magandang landas ako mapupunta at nakilala ko na po kayo. Gusto ko na din pong makilala si Ate Aleeza.
Makikilala mo na din siya anak. Inaantay ko na lang ang reply na kung makakatawag na ba siya kaya kainin mo na yang dessert anak. Magbabayad na din ako kapag nagsabi na ang ate mo na pwede na siyang tawagan kasi sa labas na natin siya kausapin para may privacy tayo.