Kinabukasan may seminar na pupuntahan si Apollo kaya si Ada ang magbabantay sa mga anak niya. May importanteng lakad din kasi ang mama nila kaya hindi naman ito makapagbantay sa mga apo. Nais mang kausapin ni Apollo si Ada pero nagdadalawang isip siya at baka maguluhan pa ito. Nais lang naman niya na maging ok na silang dalawa pero hindi naman niya masabi sa dalaga. Nais sana niyang maging kaibigan muna ang dalaga. Kakamatay lang ng asawa niya at gusto na muna niyang timbangin ang mga bagay-bagay. Nagpaalam na si Apollo sa mga anak niya bago siya lumabas ng bahay. Tatlong araw siyang mawawala kasi sa Singapore pa ang seminar nila. Luminga-linga sa paligid si Apollo at nagbabakasakaling sa paligid lang dalaga. Hindi pa niya nakita si Ada kaya inakyat niya na lang ito sa kwarto. Kumatok s

