Pagdating sa bahay nila Apollo ay naghahanda na para kumain ang pamilya nito. Agad namang lumapit si Ada sa kanyang mama at nagmano.
Ma pasensya na nahuli kami ng dating. Napasarap po kasi ang kwentuhan namin ni Zane.
Ok lang naman anak kasi naghahanda pa lang ng hapag. Hindi pa naman kayo late.
Aakyat lang ako ma. Magbibihis lang ako kasi nanlalagkit na ako. Kayo na po muna ang bahala kay Zane.
Babe go ahead. Masyado mo naman ako iniitindi. I am just OK.
Are you sure? Mabilis lang ako.
Take your time. Aantayin na lang kita.
Mabilis lang ako. Wait ka lang diyan. Ma asikasuhin mo muna si Zane. Bilin pa uli ni Ada bago nagmadaling umakyat sa kwartong ginamit niya.
Nagngingitngit na sa inis si Apollo sa closeness ni Ada at Zane. Wala naman siyang karapatan magselos dahil hindi naman sila ok pa ni Ada pero hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya na mainis sa mga nakikita.
Oh iho mukhang may susugurin ka. Sa itsura mo ah. Tanong ni Aling Martha dito na tinitingnan ang mukha ni Apollo na hindi maipinta.
Medyo masama lang pakiramdam ko ma. Hindi naman malala. Sagot naman nito.
Aakyat lang ako saglit sa kwarto.
Sige iho. Bilisan mo lang ang pagbalik at kakain na tayo.
Sige ma. Saglit lang ako.
Pag-akyat ni Apollo hindi naman siya sa kwarto nila ni Aleeza pumasok. Kinatok niya ang kwarto ni Ada.
Sino yan. Tanong ni Ada habang sinusubukang isara ang zipper ng napiling bestida pero hindi niya magawa. Nakatalikod siya sa pinto kaya hindi niya namalayang nakapasok na si Apollo.
Let me. Saad nito at isinara na ang bestida ng dalaga.
Bakit ka andito. Nauutal na tanong ni Ada.
Bakit masama na bang kausapin ang nagpanggap na asawa ko? Nakangising tanong ni Apollo.
Ano bang kailangan mo. Pasupladang balik tanong naman ni Ada kahit gusto na niyang yakapin ito. Namimiss niya ang paglalambing nito ng magpanggap siyang asawa nito.
Bakit dinala mo pa dito yang Zane na yan. Naiirita ako sa pagmumukha niya.
Bakit nagseselos ka ba? Biglang tanong ni Ada na kinagulat naman niya kung bakit nasambit niya iyon.
Why should I? May dahilan ba para magselos ako? Parunggit naman ni Apollo dito.
Oo nga naman. Bakit ka nga naman magseselos. So wala naman palang dahilan eh bakit naiirita ka.
Ayaw ko lang na may lalaki dito sa bahay. Naisagot na lang ni Apollo kasi hindi niya rin alam sa sarili kung bakit mainit ang ulo niya sa lalaki. Nagseselos nga ba siya. Tanong niya sa sarili na siya lang din ang makakasagot. Basta ang alam niya ayaw niyang nakikitang may kasama si Ada na ibang lalaki at masaya.
Gulo mo kausap. Hindi naman iba sa akin si Zane kaya wala ka na dun kung gusto kong pumunta siya dito.
Lumabas na lang sa kwarto ni Ada si Apollo dahil ayaw na niyang makipagtalo sa dalaga. Naiinis lang talaga siya kapag nakikita na masaya si Ada kapag kasama si Zane. Hindi man niya maamin sa dalaga pero alam niya na nagseselos siya sa atensyon nito sa binata.
Pagbaba ni Apollo sa komedor ay naghahain na ang mga kasambahay ng mga ulam na pinaluto pa at may bisita nga si Ada. Ang lalaking kinaiinisan niya.
Napakaimportante naman ng bisita mo. Pinaghandaan pa. Bulong niya kay Ada ng magpang-abot sila sa hagdan.
Bisita ko siya kaya sana kahit civil man lang pakitunguhan mo. Hayaan mo hindi ko na siya papupuntahin dito. Sa labas na lang kami magkikita.
Hindi na umimik si Apollo at baka magkasagutan pa sila ni Ada.
Dumulog na din sila sa hapag kaya tahimik na ang paligid. Tanging kalansing na lang ng kubyertos ang maririnig.
Zane ano nga pala ang trabaho mo? Tanong ni Aling Martha na nagpalingon naman kay Zane dito.
May business po ako tita. I have chains of resto. Actually family owned po pero ako na po ang namamahala as of now.
Mabuti yan iho at maganda pala ang trabaho mo.
Hindi ko nga po lubos maisip na ako na po ang mamamahala tita kasi nagbakasyon po muna ako para pag-isipan kung kaya ko na po ba talaga. Napag-isip isip ko naman po na hindi na ako bumabata at kailangan ko na ding may katuwang sa buhay. Saad naman ni Zane at biglang bumaling ang tingin kay Ada.
Kinurot naman siya ni Ada at napansin ito ni Apollo.
Kumindat naman si Zane kay Ada na hinampas naman siya.
Napatayo si Apollo sa nakikitang tagpo kina Ada at Zane kaya nagulat ang lahat ng bigla na lang ito umalis sa hapag kainan.
Anong problema nun? Takang tanong ni Zane kay Ada.
Hayaan mo na. Baka tapos na kumain.
Para kasing naiinis siya kapag nakikita ako na kasama ka. Baka naman may gusto sayo ang bayaw mo Ada. Lalaki din ako. Mahinang bulong ni Zane sa dalaga.
Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Kakamatay lang ng ate ko, tinutukso mo na agad ako kay Apollo.
Parang weird lang kasi parang susuntukin niya ako kapag kasama kita. Para talaga siyang nagseselos na asawa.
Huwag mo na lang pansinin. Dessert ba gusto mo? Meron atang buko salad. Nagpagawa kasi ako kanina sa kasambahay namin at natatakam ako.
Ayan na naman po ang katakawan ni mommy. Sambit ni Zane ng pabulong at hinimas ng palihim ang tiyan ni Ada.
Heh, tumigil ka nga diyan. Baka mahalata nila mama. Lagot ka talaga sa akin. Pasimpleng kinurot na naman ito ni Ada.
Aray naman babe. Nakakailang kurot ka na sa akin. Baka lasog lasog na ang katawan ko mamaya. Paano na ako maghahanap ng mapapangasawa niyan. Hindi na niya makikita ang magandang katawan ko kasi puro kurot mo na.
Talaga bang maganda katawan mo eh parang hindi naman.
Gusto mo makita babe. Biro ni Zane sa dalaga.
Naku huwag na at baka maumay ako. Masarap pa namang kumain.
Ay, grabe naman makalait. Maganda naman ang katawan ko. Ayoko naman ng bato-batong katawan. Tama na yung mga ganito lang. Mahirap ng pagkaguluhan.
Matindi talaga ang tama mo no? Tama mo sa utak. Saad ni Ada sabay halakhak.
Mukhang masaya ang pinag-uusupan ninyo anak.
Ito kasing si Zane ma ang daming sinasabi.
Wala naman po tita. May pinag-uusapan lang po kami. Mauna na lang din po ako tita. Maraming salamat po sa pagkain. Inaantay po kasi ako sa bahay kaya mauuna na po ako sa inyo. Paalam ng binata at hinatid naman siya ni Ada sa labas.
Kita na lang tayo bukas. Itreat kita.
Hindi ako pwede bukas. May lakad kasi si mama. Ako mag-aalaga kina Sabrina at Andrei. Kung gusto mo punta ka na lang dito. Dito na lang tayo sa bahay.
Sige. Pwede naman. After work na ako pupunta. Bibisitahin ko pa ang mga branches namin. Kailangan ko malaman ang mga pasikot-sikot para hindi na ako walang alam sa business namin.
Ok. Basta tawagan o itext mo lang ako.
Sige. Bye babe. Huwag kang magpuyat. Masama kay baby.
Sige na. Salamat. Mag-iingat ka.
Tinanaw na lang ni Ada ang papalayong sasakyan ni Zane bago pumasok sa bahay. Hindi niya napansin ang anino sa taas ng bahay na nakatingin sa masayang pagpaalamanan nila ni Zane.