Jealous Flames

1337 Words
JAYSON'S POV: "This is my business proposal. Be my partner in bed." Muntik ko nang mabatukan ang sarili ko pagkakita ko sa pagkadismaya at inis na bumalatay sa mukha ni Zarah Elize Sinclair. Sino nga ba naman ang matutuwa kung aalukin mong maging f**k buddy ang isang babae right after you had s*x with her. "Well, it seems we both enjoyed it." pagtatanggol ko sa sarili. Tumawa ng pahaw ang dalaga. "What makes you think that I will want to have a partnership with you in bed?" halata sa babae ang pagkabwisit nito sakin. Isinatinig ko ang kanina ko pa sinabi sa sarili. "Well, it seems we both enjoyed having s*x with each other." Tumawa ulit ang babae. Zarah narrowed her eyes, clearly unimpressed by my proposition. "Mr. Angeles, do you think everything can be solved with s*x?" Itinaas ko ang kamay ko in defense. "No, of course not. But there's undeniable connection between us, Zarah." Umiling ito, di makapaniwala sa nadidinig. "Connection doesn't equate to a partnership and certainly not one based solely on what happens in the bedroom." Napabuntunghininga ako, mukhang mali ang pagkakasabi ko sa babae kaya halatang nainis ito sakin. "You're right. I apologize if I came off as crass. What I meant is... I value what we have." Tumango-tango ito. "And what exactly do you propose, then?" Huminga ako ng malalim. "Let's explore this connection between us. Let's see if there's potential for more than just a physical relationship. "You just failed to get my approval." walang ganang pagdidismiss sakin ng babae. "The door is behind you. You can go now, Mr. Jayson Angeles." ------------------------ JAZZMINE'S POV: Inis na inis ako sa proposal ni Jayson. Oo nga't ilang beses ko nang naisuko dito ang bataan pero para ipropose nito sa kanya na maging f**k buddy nito ay isang malakas na sampal sakin. Para kong binuhusan ng malamig na tubig nang madinig ko ang sinabi nito. "This is my business proposal. Be my partner in bed." "This is my business proposal. Be my partner in bed." "This is my business proposal. Be my partner in bed." "This is my business proposal. Be my partner in bed." Ayaw maalis sa isip ko nang sinabi nya. "Grrrr... nakakainis talaga!!!" Pinatunayan lang nun na may ugnayan na ito at si Chloe. For all I know, baka nga may tatlong anak na ang mga ito at ginagawa lang akong parausan . Pakiramdam ko para kong spaghetti na minsan lang isang buwan i-crave nang lalaki at si Chloe ang adobo nito. Babalik-balikan kahit ilang init na! Sa sobrang bwisit ko sa lalaki, kinansela ko lahat ng nasa schedule ko for that day at umuwi ako ng mansion. Kabilin-bilinan ko kay Iyah na wag akong iistorbohin kung tungkol sa trabaho kung hindi naman need nito ng approval ko. Yun lang at nagbabad na lang ako sa bathtub pagkauwi ko. Halos dalawang oras din siguro akong nagbabad sa gatas bago ko pinagpasyahang maligo nang tuluyan at matulog sa kwarto pagkatapos. Hindi pa man din ako nakakapwesto ng higa sa kama ay nagring ang cellphone ko. "I hope it's not urgent." piping hiling ko bago inabot ang cellphone sa ibabaw ng side table. Unregistered number. Napaisip ako kung sino naman kaya ang tumatawag sakin. Pwede namang magtext muna para malaman ko kung sino siya bago ko sagutin. Sa isip ko'y papatayin ko na lang ang aparato kapag huminto na ang kung sinumang tumatawag na yun. Kaso wala ata balak tumigil. Sinagot ko na. "Hello, may I know who's this please?" "Oh, hi Ms. Sinclair this is Lucas. I wonder if you have time to spare for me tonight, erhm dinner maybe?" Si Lucas Fernandez pala. Ang lalaking pinagbabawal ni Jayson na lapitan ko. Umingos ako pagkaalala sa lalaki. "Sino ba siya para pagbawalan ako, eh siya nga itong may asawa na't lahat di pa mapakali sa iisang babae." "Sure, where's the place? I'll just get there by my car." pagpayag ko sa paanyaya nito. "No, I will just fetch you up instead." susog ng binata. Naisip kong wala namang masama kung sunduin siya ng lalaki, hindi ako mapapagod sa traffic kaya pumayag na ako. ------------ Azure Crest Hotel & Spa, 9pm. Sinundo ako ni Lucas sa mansion bandang alas otso ng gabi. May isang oras din ang naging byahe namin papunta sa Azure Crest Hotel & Spa kung saan ako nito balak dalhin. Hindi naman ako nainip sa byahe dahil masarap naman kakwentuhan si Lucas. Makwento ito at intelihente naman ang naging topic nang pag-uusap namin kaya di ko halos napansin ang oras. Pagpasok palang namin sa fine dining restaurant sa loob ng hotel ay nakasalubong na namin sila Jayson at Chloe. Nakaangkla na naman ang babae sa braso ni Jayson. Yung tila ba may aagaw dito sa lalaki, parang koala makakapit. "Yun nga lang hindi ako naku-cutan sa babae. Mas pasado itong tuko." nag-appear kami ng utak ko. "Oh, look who's here. Hi, Ms. Sickliar." nagsisimula na naman ang babae ng gulo. Pero di ko na pinatulan dahil kasama ko si Lucas at mas nagiging katawa-tawa naman ito sa inaasal. Akala mo walang pinag-aralan. Walang breeding. May namumuong tensyon sa hangin. Nagtitigan kasi ng masama si Jayson at Lucas. Masama din ang pagkakatingin ni Jayson sa braso kong inaalalayan lang naman ni Lucas. Hindi naman ako nakakunyapit sa lalaki di kagaya ni Chloe na kulang na lang pumasan sa kanya. Tinaasan ko ito ng kilay. "Let's go, Lucas." paghila ko sa braso nito. Dinaanan ko lang yung dalawang taong dahilan kung bakit ako naiinis maghapon. Maging sa reservation table ay dikitan ang nakuha naming pwesto. Sige sa tingin si Jayson sakin, nararamdaman ko kahit hindi ako tumingin sa pwesto nito. Kita ko din naman sa peripheral vision ko ang lalaki. Tiimbagang na naman itong akala mo may gusto saktan lagi. Nagfocus ako kay Lucas at sa sinasabi nitong business nito na baka mailaunch soon. Nakakakuha ako ng tips sa lalaki kung paano gawin ang mga bagay-bagay tungkol sa business nito kaya naman binalewala ko ang couple sa kabilang mesa. Kabaligtadan naman namin sila Jayson at Chloe. Hindi nakafocus ang lalaki sa babae kaya bwisit na bwisit na naman sakin ito. Sa bwisit nito ay pinatid ang waiter na magdadala ng pagkain sa mesa namin. Natapunan tuloy ang suot kong coat. Buti na lang at makapal ang coat ko, hindi umabot sa panlooob kong damit yung natapong pagkain. Masarsa pa naman ang beurre blanc, isang uri ng french sauce na gawa sa butter, white wine at shallots na kasama ng salmon. Hindi ako nagpakita ng reaksyon sa ginawa ni Chloe. What I did instead is undress myself. I remove my coat, revealing my lace tube dress with lining na nagpapakita lalo ng kurbada ng katawan ko. Halos lumuwa ang mata ni Lucas, ganun din si Jayson nang makita ang suot ko sa ilalim ng coat. "Yan kasi, selos pa!" natatawa sa sariling ininis ko lalo si Chloe. I've enjoyed the rest of the night knowing the other couple beside us don't feel the same way. Lamukot ang mukha ni Chloe at tiimbagang naman si Jayson. Being the gentleman that he is, hinatid ako ni Lucas sa bahay pagkatapos. Nanghingi ito ng isang friendly kiss, pinagbigyan ko naman. Kiss lang naman sa pisngi. Di pa ko nakakapasok sa gate ay bumaba sa kotse niya si Jayson. Di yata't iniwan nito ang kadate at sinundan ako pauwi. "Mr. Angeles, fancy seeing you here." mapang-asar na sabi ko. "Kaya ba ayaw mong pumayag sa proposal ko, dahil kay Lucas? May nangyayari din ba sa inyo?" selos na selos na sabi nito. Sinampal ko siya. Alam ko sa sarili kong hindi na ako hahantong sa ganoong sitwasyon muli na kung sinu-sinong lalaki na lang ang pinapayagan kong umangkin sa katawan ko kaya triggered ako sa sinabi niya. Akma akong tatalikod at papasok sa gate. Pero bago ko pa nagawa ay umangat ang katawan ko sa ere. Si Jayson, pinangko ako at binuhat na akala mo isang kaban na bigas na nakapatong sa balikat nito! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD